wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

QUIZ 5-Q3:PAGSULONG NG PAGTANGGAP AT PAGGALANG SA KASARIAN

Total questions: 20

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Panuto: A. Tukuyin ang mga inilalarawan sa bawat bilang at piliin ang tamang sagot.


1. Ang infomercial, tulad ng isang patalastas, ay nakakapagpalaganap ng mga mahahalagang impormasyon ukol sa mga isyung gaya ng diskriminasyon at karahasan. Ito ay madalas na napapanood sa telebisyon at higit na mas mahaba sa ordinaryong patalastas dahil mas detalyado ang mga impormasyong nakapaloob dito. Paano kaya nakakatulong ang mga infomercial na ito upang makamit ang isang lipunang may pagtanggap at paggalang sa kapwa?

a)

Sa pamamagitan ng mga infomercial na may kaugnayan sa diskriminasyon at karahasan, natatamo ang malalim na pang-unawa tungkol sa isyu at napupukaw ang kamalayan ng mga mamamayan sa mahalagang papel na dapat nilang gampanan

upang palaganapin ang paggalang at pagtulong sa kapwa tungo sa pagkakapantay-

pantay.

b)

Ang mga infomercial ukol sa diskriminasyon at karahasan ay nagmumulat sa mga tao upang sila ay makialam sa mga usaping kaugnay ng suliraning ito.

c)

Ang mga infomercial ukol sa diskriminasyon at pagkakapantay-pantay ay humihikayat sa mga mamamayan upang iparating sa pamahalaan ang kanilang kalagayan at mga hinaing sa pamamagitan ng protesta

d)

Ang mga infomercial ukol sa diskriminasyon at pagkakapantay-pantay ay nagsisilbing inspirasyon ng mga tao upang magtayo ng mga negosyo na may kinalaman sa industriya ng telebisyon.

2.

2. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang itaguyod ang pamayanang may paggalang at respeto sa kapwa anuman ang kasarian. Alin ang pinakamabisang paraan tungo sa pagkakapantay-pantay?

a)

Magkaroon ng mulat na kamalayan sa mga isyu at mga batas kaugnay ng kasarian at lipunan

b)

Manawagan sa kinaukulan na bigyan ng pagkakataon ang mga LGBT na patunayan ang kanilang kakayanang manungulan sa pamahalaan

c)

Ipagbawal ang gender stereotyping

3.

3. . Kung ikaw ay isang mamamayang may pakialam, paano mo isusulong ang pagpapaigting na kaalaman at partisipasyon para sa pagkakapantay-pantay ng nakararaming tao sa lipunang iyong kinabibilangan?

a)

Hikayatin ang mga tao na isulong at suportahan ang mga kampanya at ordinansa o batas na nagbabawal sa diskriminasyon at karahasan

b)

Ipagpatuloy ang pakikibaka laban sa komunidad ng mga LGBT

c)

Ipamalita ang mga nasaksihang karahasan sa komunidad

d)

Mag-aral nang mabuti upang balang araw ay maging abogado na magtataguyod ng hustisya para sa mga naaapi

4.

4. Maraming mga malikhaing hakbang at gawain upang magkaroon ng mas malalim na pag-unawa at para makahikayat ng higit na partisipasyon sa mga kampanya at programang nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng mga kasarian. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang?

a)

Hikayatin ang mga tao na isulong at suportahan ang mga kampanya at ordinansa o batas na nagbabawal sa diskriminasyon at karahasan

b)

Ipagpatuloy ang pakikibaka laban sa komunidad ng mga LGBT

c)

Ipamalita ang mga nasaksihang karahasan sa komunidad

d)

Mag-aral nang mabuti upang balang araw ay maging abogado na magtataguyod ng hustisya para sa mga naaapi

5.

5. Sa panahong ito ng pandemyang dulot ng COVID-19, inaasahang tataas ang kaso ng mga gender-related violence o GRV sa Pilipinas at sa ibat-ibang panig ng daigdig. Bilang mag-aaral, paano mo itataguyod ang isang pamayanang may paggalang o respeto sa kapwa tao?

a)

Pangaralan ang mga kasama sa bahay na hindi nararapat sinasaktan ang mga kababaihan ng mga kalalakihan.

b)

Tanggapin ang GBV bilang bahagi ng kulturang Pilipino dahil wala nang maaaring gawin upang ito ay mabago.

c)

Ibahagi ang kaalamang natutunan sa mga kakilala sa komunidad at bumuo ng mga adbokasiyang nagtataguyod sa mga karapatang pantao ng lahat ng tao lalo na ang sa kababaihan, kabataan at LGBT.

d)

Lumahok sa mga pagdiriwang ng Araw ng mga Kababaihan

6.

B. Basahin at unawain ang baway pahayag. Piliin ang TAMA kung ang pagkilos ay nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay na pangkasarian at MALI naman kung hindi.


1.Pagkilala sa mga kakayahan ng mga kababaihan bilang mahusay na lider.

a)

Tama

b)

Mali

7.

2. Pakikilahok ng mga kalalakihan sa mga kampanya at programang pangkababaihan.

a)

Tama

b)

Mali

8.

3. Pagiging tahimik sa mga isyung may kaugnayan sa gender equality

a)

Tama

b)

Mali

9.

4. Pagpapauso ng mga tik-tok na nagsusulong ng paggalang sa ibat-ibang kasarian

a)

Tama

b)

Mali

10.

5. Pag-iwas ng mga kalalakihan sa pakikipag-diskusyon sa mga kababaihan

a)

Tama

b)

Mali

11.

6. Pagsali sa mga organisasyong nagsusulong sa mga karapatan ng mga kababaihan at bata.

a)

Tama

b)

Mali

12.

7. Pakikibahagi sa mga webinar na nagmumulat sa kamalayan ng mga mamamayan patungkol sa mga isyung pangkasarian

a)

Tama

b)

Mali

13.

8. Pagsuporta sa mga programa ng UN Women, Save the Children, at GERC.

a)

Tama

b)

Mali

14.

9. Pagtanggap ng mga pagawaan at kompanya sa mga kababaihan bilang empleyado.

a)

Tama

b)

Mali

15.

10. Pagtuturo sa mga kapatid at anak na lalaki ang mga kababaihan ay dapat na

a)

Tama

b)

Mali

16.

11. Paghikayat sa mga kababaihan na hiwalayan ang mga asawa o ka-partner na mapanakit at mapang-abuso.

a)

Tama

b)

Mali

17.

12. Pagmumulat sa mga batang babae na sila ay dapat tumalima at magpasakop sa mga kalalakihan sa lahat ng pagkakataon.

a)

Tama

b)

Mali

18.

13. Pagsasagawa ng mga sesyon o presentasyong Pecha Kucha upang pagtanggap at pagrespeto sa ibat-ibang kasarian sa lipunan.

a)

Tama

b)

Mali

19.

14. Pagkilala at paggalang sa karapatan ng mga transgender bilang kasapi ng lipunan o pamayanan.

a)

Tama

b)

Mali

20.

15. Pagwawaksi sa kaisipang peminismo.

a)

Tama

b)

Mali