wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Quiz Module 30 of 32

Total questions: 15

Worksheet time: 8mins

Name
Class
Date
1.

Alin sa mga sumusunod ang katangian ng mapanagutang lider?

a)

may malawak na karanasan

b)

may sapat na tiwala sa sarili

c)

may kakayahang tumingin sa sariling kapakanan

d)

may kakayahang makakita, makakilala at makalutas ng suliranin

2.

Alin sa pagpipilian ang naglalarawan sa pamumunong transpormasyonal?

a)

Ang lider ay may kakayahang gawing kalakasan ang kahinaan.

b)

Ang lider ay may mataas na antas ng pagkakilala sa sarili.

c)

Ang estilo ng pamumuno ng lider ay nakabatay sa isang situwasyon.

d)

Ang lider na nakakikita ng kahahantungan ng kaniyang pangarap para sa samahan.

3.

Alin sa sumusunod na katangian ang naglalarawan sa isang lider batay kay Lewis?

a)

isang mabuting halimbawa

b)

may sapat na kaalaman at kasanayan

c)

marunong tumanggap at gumanap ng mga gampanin o tungkulin

d)

naglilingkod, nakikinig, nagtitiwala sa kakayanan ng iba, at nakikipag-ugnayan nang maayos sa kapwa

4.

Paano mailalarawan ang mapanagutang pamumuno ng lider?

a)

Karangalan ng pinamumunuan ang pagkamit sa layunin ng pangkat.

b)

Ang pagkakaroon ng posisyon na magbibigay ng kapangyarihan upang mapakilos ang pinamumunuan.

c)

Ang awtoridad na magtataguyod at magpapatupad sa mga gawain upang makamit ang layunin ng pangkat.

d)

Ang Impluwensiya na magpakikilos sa mga pinamumunuan tungo sa pagkamit ng kanya-kanyang layunin.

5.

Pinapairal ang tamang konsensiya na gagabay sa pagtupad ng mga gawain at pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa at namumuno, anong kakayahan ang taglay ng isang tagasunod, ayon sa pahayag?

a)

Pakikipagkapwa

b)

Mga pagpapahalaga

c)

Kakayahan sa trabaho

d)

Kakayahang mag-organisa

6.

Kailan natin masasabing ang isang tagasunod o kasapi ng pangkat ay umaayon o nakikiisa sa mga gawain?

a)

kung nagpapakita ng mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi

b)

kung nagpapakita ng mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mataas na antas ng pakikibahagi

c)

kung nagpapakita ng mataas na antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi

d)

kung nagpapakita ng mababang antas ng kritikal na pag-iisip at mababang antas ng pakikibahagi

7.

Nagbibigay inspirasyon at direksyon. May paunang plano tungkol sa hinaharap na maaaring kahihinatnan. Inaalam ang positibo at negatibong maaaring mangyari. Sa anong uri ng pamumuno napabilang ang lider na ito?

a)

diktador

b)

adaptibo

c)

inspirasyonl

d)

transpormasyonal

8.

Anong uri ng pamumuno napabilang ang lider na may kakayahang baguhin ang naunang estilo ng pamumuno at naghahangad ng pagbabago?

a)

adaptibo

b)

diktador

c)

inspirasyonal

d)

transpormasyonal

9.

Si Ben ay manager ng isang kompanya. Araw-araw sa kanyang pagpasok ay binabati niya ang bawat pangalan ng mga empleyado at alam niya kung saan at ano ang kanilang partikular na trabaho sa kompanya. Anong prinsipyo ng mapanagutang lider ang naipapakita?

a)

isang huwarang lider

b)

lider na may sapat na kaalaman

c)

pagkilala ng lubos sa mga kasapi

d)

pagsasanay sa mga kasapi na matuto sa paggawa

10.

Si Jacob ay isang manggagawa na may sapat na kaalaman, may pokus at pagpapahalaga sa kanyang trabaho. Anong katangian ng tagasunod ang ipinapakita sa situwasyon?

a)

kakayahan sa sarili

b)

kakayahan sa trabaho

c)

kakayahan na mag-organisa

d)

kakayahan sa pagpapahalaga

11.

Ibinabahagi ni Jean ang kaalamang natutunan sa mga seminar sa kanyang mga empleyado upang madagdagan ang kanilang kaalaman sa larangan ng trabaho. Anong prinsipyo ang ipinapakita ni Jean bilang mapanagutang lider?

a)

pagtanggap sa mga tungkulin

b)

pagiging huwaran sa ibang tao

c)

malinaw sa pagpapahayag ng plano

d)

pagbabahagi ng nararapat na impormasyon sa kasapi

12.

Si Oscar ay palakaibigan dahil kilala niya at kilala siya ng kapwa kasapi sa organisasyon. Madaling kausap kung kaya maraming kapalagayan ng loob. Anong kakayahan ang taglay ni Oscar bilang tagasunod?

a)

kakayahan sa sarili

b)

kakayahan sa trabaho

c)

kakayahan na mag-organisa

d)

kakayahan sa pagpapahalaga

13.

Hinahangaan ng mga mag-aaral si Jason bilang SSLG President dahil sa kanyang mga programa para sa kapwa mag-aaral tulad ng pagbibigay ng tutorial sa mga mag-aaral na nangangailangan. Anong pamumuno ang ipinapakita ng lider?

a)

adaptibo

b)

kognitibo

c)

inspirasyunal

d)

transpormasyunal

14.

Anong situwasyon sa pagpipilian ang nagpapakita ng lider sa pamumunong transpormasyunal?

a)

Kilala si Ana sa kanyang mga kawang-gawa kung kaya inspirasyon siya ng mga kabataang babae.

b)

Modelong Ama si Ruben sa kanilang tahanan kung saan saludo ang kanyang pamilya sa kanya.

c)

Si Ben ay may malasakit sa kanyang kapwa at sinasakupan. Pinapakinggan niya ang mga hinaing at ideya ng mga kasapi.

d)

Binago ni Ruth ang pag-iisip ng mga babae sa kanilang lugar kung saan ipinaglaban niya ang karapatan at nagbukas ng oportunidad sa mga kababaihan.

15.

Si Cassey ay isa sa mga sikat na sinusubaybayan sa social media dahil sa kanyang makabuluhang tiktok tungkol sa relasyon sa kanyang pamilya at magandang pananaw sa buhay. Anong katangian ang taglay ni Cassey bilang influencer?

a)

hindi huminto sa pag-aaral

b)

mapanagutan sa mga desisyon

c)

may positibong pananaw sa buhay

d)

pagpaunlad ng kaalaman