wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa Filipino 10

Total questions: 36

Worksheet time: 36mins

Name
Class
Date
1.

Boses_________ang isang taong sintunado o wala sa tono kung kumanta.

a)

aso

b)

manok

c)

pusa

d)

palaka

2.

Tayo'y magkapit-___________ upang matapos natin agad ang ating gawain.

a)

bahay

b)

bisig

c)

kamay

d)

tuko

3.

Alin sa mga sumusunod ang ayos ng mga salita batay sa tindi ng kahulugan nito? Titik lamang ang isulat sa patlang.

a)

lumbay, lungkot, pighati, dalamhati, pagdurusa

b)

lungkot, lumbay, dalamhati, pagdurusa, pighati

c)

lungkot, lumbay, pagdurusa, dalamhati, pighati

d)

lumbay, lungkot, dalamhati, pighati, pagdurusa

4.

Alin sa mga sumusunod ang ayos ng mga salita batay sa tindi ng kahulugan nito? Titik lamang ang isulat sa patlang.

a)

katuwaan, kasiyahan, kaligayahan, kagalakan, kaluwalhatian

b)

kasiyahan, katuwaan, kagalakan, kaligayahan, kaluwalhatian

c)

kaligayahan, katuwaan, kasiyahan, kagalakan, kaluwalhatian

d)

katuwaan, kaligayahan, kasiyahan, kaluwalhatian, kagalakan

5.

"Ikaw ay malakas kaysa tingin ko lamang. Anong kakayahan na mahusay kayo ng iyong mga kasama? Hindi namin hinahayaan na manatili rito ang taong walang ipagmamalaki." Anong pangunahing kaisipan ang mahihinuha sa usapan ng tauhan?

a)

paghahamon

b)

pagmamaliit

c)

pagmamayabang

d)

pagtanggap

6.

Sa mitolohiyang Griyego, ang pinakadakilang diyos ay si Zeus. Sino naman ang tinuturing na makapangyarihang diyos sa mitolohiyang Pilipino?

a)

anita

b)

anito

c)

bathala

d)

santo

7.

Sa paglimot, di mo ako ma'aring turuan. Ano ang buong pagkakabaybay ng nakadiin na salita?

a)

maari

b)

maaaring

c)

maaring

d)

maaaring

8.

"Binibini ako'y nanunumpa sa ngalan ng buwang iyon na napuputong ng pilak sa lahat ng nariritong punongkahoy." Ano ang nilalahad na kultura ang sumasalamin sa pahayag ni Romeo sa dulang Romeo at Juliet?

a)

pag-aalok ng kasal

b)

pamamanhikan

c)

panghaharana

d)

panunumpa ng pag-ibig

9.

Batay sa dulang Romeo at Juliet, anong kultura nating mga Pilipino ukol sa pag-ibig ang may pagkakatulad sa bansang Inglatera?

a)

pagpapahalaga sa pamilya

b)

pagtulong sa matalik na kaaway

c)

pagsasakripisyo para sa yaman ng angkan

d)

pagpapahalaga sa yaman ng mapapangasawa

10.

Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na tayong mga Pilipino ay kumakapit sa simbahan sa panahon ng suliranin na makikita rin sa dulang Romeo at Juliet?

a)

Nangungumpisal tuwing Linggo.

b)

Nagsisimba tuwing may problema lamang.

c)

Pumupunta sa simbahan tuwing kaarawan.

d)

Nananalangin sa simbahan at humihingi ng tulong sa Diyos.

11.

Sa tulang "Ang Aking Pag-ibig," paano ipinahahayag ng persona ng tula ang kaniyang pagmamahal at pagsinta sa taong kaniyang iniibig?

a)

Pagpapahiwatig ng nararamdaman.

b)

Pagsasalarawan ng tunay na pag-ibig.

c)

Paghahambing nito sa iba't ibang bagay.

d)

Paglalahad ng mga pangyayari sa buhay nila.

12.

Paano nakatutulong ang paggamit ng mga matalinghagang salita upang maihatid ng makata sa mga mambabasa ang mensahe ng tula?

a)

Lubos na nagpapaganda sa pagbigkas ng tula.

b)

Nagbibigay sa tula ng angking himig at indayog.

c)

Madaling nababatid ng mambabasa ang kahulugan ng tula.

d)

Napupukaw ang damdamin at kamalayan ng mga mambabasa

13.

Ano ang sukat ng dalawang taludtod sa tula?

a)

Lalabindalawahin

b)

Lalabingwaluhin

c)

Lalabing-animin

d)

Wawaluhin

14.

Suriin ang mga sumusunod na linya ng tula. Alin sa mga sumusunod ang may ganap na tugmaan?

a)

Iniibig kita ng buong taimtim, Sa tayog at saklaw ay walang kahambing

b)

Lipad ng kaluluwang ibig na marating, Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

c)

Yaring pag-ibig ko'y katugon kabagay, Ng kailangan mong kaliit-liitan.

d)

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na, Ngiti, luha, buhay at aking hininga.

15.

"Sa tayog at saklaw ay walang kahambing," Ano ang kahulugan ng salitang kahambing?

a)

kaibigan

b)

kapantay

c)

katulad

d)

kausap

16.

"Oh, binibining marikit, bigyang-pansin kahit saglit" Ano ang kuhulugan ng salitang may salungguhit?

a)

babae

b)

dalaga

c)

maganda

d)

mahinhin

17.

Iniibig kita ng buong taimtim, Sa (taas) _______ at saklaw ay walang kahambing,

a)

ibon

b)

kaluluwang

c)

lumbay

d)

tayog

18.

Lipad ng (espiritong) _______ ibig na marating Ang dulo ng hindi maubos-isipin.,

a)

ibon

b)

kaluluwang

c)

lumbay

d)

tayog

19.

Ano ang damdamin ang nakapaloob sa diyalogo na ito? "Huwag mo sana akong masdan nang ganyan, ipinaputol ko ang aking buhok at ipinagbili sapagkat hindi na ako makatatagal pa hanggang sa isang pasko kung hindi kita mabibigyan ng aginaldo."

a)

pag-aalala

b)

pagkainis

c)

pagtataka

d)

pagtatampo

20.

"Ipinagpalit mo ang iyong buhok?" sagot ni Jim na parang naghihirap sa pagsasalita. Ang pahayag ay nagsasaad ng______.

a)

pagkagalit

b)

pagkalungkot

c)

pagkainis

d)

panghihinayang

21.

Siya'y humagibis na lumabas sa pintuan at humarurot papalayo sa masukal at napakagulong lugar na iyon. Aling mga salita sa pangungusap ang magkaugnay at magkatulad ang kahulugan?

a)

humagibis-humarurot

b)

pintuan-papalayo

c)

pintuan-lugar

d)

magulo-masukal

22.

Si Della ay sumalagpak sa narinig na balita. Ano ang ibig sabihin ng salitang nakasalungguhit?

a)

nakatayo

b)

nakatitig

c)

nakatulala

d)

napaupo

23.

Bakit sumasalamin sa teoryang realismo ang nobelang "Ang Matanda at Ang Dagat?"

a)

Sinasalamin ang lipunang katha ng may-akda.

b)

Inilarawan ang karanasan at lipunan sa di-tunay na buhay.

c)

Pinupuna ang ugali at gawi ng tao at ang kaniyang kapaligiran.

d)

Matapat na sinasalamin ang realidad upang mapaunlad ang lipunan.

24.

Sa iyong palagay, anong pananaw ang nangibabaw sa akdang "Ang Matanda at ang Dagat" na sumasalamin sa realidad ng buhay?

a)

feminismo

b)

humanismo

c)

naturalismo

d)

realismo

25.

"Pero hindi nilikha ang tao para magapi" sabi niya. "Maaaring wasakin ang isang tao pero hindi siya magagapi," ang pahayag ay nagpapakita ng anong uri ng tunggalian?

a)

tao laban sa kalikasan

b)

tao laban sa sarili

c)

tao laban sa lipunan

d)

tao laban sa tao

26.

Paano naiiba ang nobela sa ibang anyo ng panitikan?

a)

Ang nobela ay nakawiwiling basahin.

b)

.   Ang nobela ay iisang pangyayari lamang ang nilalahad.

c)

Ang nobela ay pumupukaw sa damdamin ng mambabasa.

d)

Ang nobela ay binubuo ng mga yugto na nagsasalaysay sa pangyayari sa buhay ng tao.

27.

Malaking bahagi ng isda ang nalapa ng pating kaya nanlumo si Santiago. Ano ang ibig sabihin ng nanlumo?

a)

naghirap

b)

nalungkot

c)

nanghina

d)

natakot

28.

Inihanda ng matanda ang kanyang salapang. Ano ang ibig sabihin ng salapang?

a)

balaraw

b)

maso

c)

palaso

d)

sibat

29.

Pinag-isipan niya ang lahat ng bagay na kinasasangkutan at naisip-isip niya ang kaniyang kasalanan. Ilahad kung saang bahagi ng suring-basa ito.

a)

Bisa sa damdamin

b)

Bisa sa isip

c)

Buod

d)

Mensahe

30.

Tuklasin ang mga sumusunod na pahayag ang angkop sa sinabi ni Dilma Rouseff na "Nakita natin noon sa dalawang terminong panunungkulan ni Pangulong Lula kung paano nagkaroon ng pagkilos sa kamalayang panlipunan."

a)

Kinakailangan ng malawakang protesta upang mapakinggan ng mga namumuno sa isang bansa.

b)

Talamak ang karahasan kung kaya naman marami ang nagalit at nagkaroon ng hidwaan sa bansa.

c)

Maraming mga mamamayan ang umalis sa Brazil dahil sa kawalan ng tiwala sa pamahalaan.

d)

Nagising ang pagkamakabayan at pagkakaisa ng mga mamamayan.

31.

Sa iyong palagay, paano naiiba ang talumpati sa iba pang uri ng sanaysay?

a)

Ang talumpati ay nagbibigay kaalaman sa mambabasa.

b)

Ang talumpati ay nagtataglay ng paksang napapanahon.

c)

Ang talumpati ay nagpapaliwanag sa tunay na pangyayari.

d)

Ang talumpati ay sinusulat upang bigkasin sa harap ng publiko.

32.

Bigyang pagpapakahulugan ang mga salita sa loob ng panaklong gamit ang word association (inabandona-kahirapan-mag-isa).

a)

batang nag-iisa na lang sa buhay

b)

mahirap na bata

c)

mahirap na batang tuluyan nang inabandona

33.

Tukuyin ang ingklitik na nagpapalawak sa pangungusap na, "Siya raw ang pinakamagaling na pangulo."

a)

pangulo

b)

pinakamagaling

c)

raw

d)

siya

34.

Kalimitang ginagamit ang salitang "PM is the key" sa facebook. Ano ang ibig sabihin ng PM?

a)

Post Message

b)

Private Message

c)

Post Message

d)

Public Message

35.

Ang mga katagang, "Napakahusay mo, nararapat lamang na ikaw ay tularan." Ano ang katumbas nitong salita na ginagamit ng bagong henerasyon?

a)

bagets

b)

isitik

c)

petmalu at lodi

d)

werpa

36.

Piliin sa loob ng kahon ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga taludtod upang makabuo ng isang tula. Gumawa ng sariling pamagat na angkop sa nabuong tula.

A. Abutin man tayo ng walang hanggan,

B. At naging ngiti ka sa aking kundiman

C. Sayo lang ako magpakailanman.

D. Yamang ginulo mo ang aking isipan,

a)

D. Yamang ginulo mo ang aking isipan,
B. At naging ngiti ka sa aking kundiman,
A. Abutin man tayo ng walang hanggan,
C. Sayo lang ako magpakailanman

b)

B. At naging ngiti ka sa aking kundiman

C. Sayo lang ako magpakailanman.

D. Yamang ginulo mo ang aking isipan,

A. Abutin man tayo ng walang hanggan,

c)

C. Sayo lang ako magpakailanman.

D. Yamang ginulo mo ang aking isipan,

A. Abutin man tayo ng walang hanggan,

B. At naging ngiti ka sa aking kundiman

d)

D. Yamang ginulo mo ang aking isipan,

A. Abutin man tayo ng walang hanggan,

B. At naging ngiti ka sa aking kundiman

C. Sayo lang ako magpakailanman.