wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

FINALS- REVIEW EXAMINATION IN PILING LARANG

Total questions: 40

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Anong uri ng sintesis na nangangailangang pagsama-samahin ang mga sanligang impormasyon ukol sa isang paksa?

a)

Literature

b)

sintesis

c)

background sintesis

d)

thesis statement

2.

Ano ang tawag sa pagsasama ng dalawa o higit pang buod mula sa mga akda o sulatin?

a)

literature

b)

sintesis

c)

background synthesis

d)

thesis statement

3.

Anong uri ng sintesis na hindi lamang simpleng pagpapakilala at paglalahad ng paksa ang kailangan kung hindi ang malinaw na pag-uugnay ng mga punto sa tesis ng sulatin?

a)

thesis-driven synthesis

b)

sintesis

c)

background sintesis

d)

punto de bista

4.

Ano uri ng sintesis na karaniwang isinasaayos batay sa tema at hindi ayon sa sanggunian?

a)

thesis-driven synthesis

b)

synthesis for literature

c)

background synthesis

d)

thesis statement

5.

Anong uri ng sintesis na kadalasang ginagamit sa mga sulating pananaliksik?

a)

synthesis for literature

b)

thesis-driven literature

c)

background synthesis

d)

thesis statement

6.

Ano ang tawag sa matibay na pahayag na naglalahad sa pinapanigang posisyon o pananaw ng mananaliksik tungkol sa paksang handa niyang patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng mga datos at ebidensya?

a)

synthesis for literature

b)

thesis-driven synthesis

c)

background sythesis

d)

thesis statement

7.

Anong uri ng sintesis na karaniwang isinasaayos batay sa mga sanggunian?

 

a)

synthesis for literature

b)

thesis-driven synthesis

c)

background synthesis

d)

thesis statement

8.

Anong uri ng sulating akademiko na tumatalakay sa karanasan ng paglalakbay?

a)

Lakbay sanaysay

b)

photo essay

c)

kathambuhay

d)

repleksibong sanaysay

9.

Ano ang tawag sa koleksyon ng mga larawang maingat na inayos upang maglahad ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, magpaliwanag ng partikular na konsepto o magpahayag ng damdamin?

a)

repleksibong sanaysay

b)

lakbay sanaysay

c)

posisyong papel

d)

photo essay

10.

Anong uri ng akademikong sulatin na humahamon sa mapanuring pag-iisip at ito ay maaaring nasa anyo ng personal na sanaysay, lahok sa journal, talaarawan, reaksiyong papel o learning log?

a)

lakbay sanaysay

b)

posisyong papel

c)

repleksibong sanaysay

d)

panukalang proyekto

11.

Anong uri ng sanaysay na naglalahad ng mga opinyon tungkol sa partikular na paksa o usapin?

a)

photo essay

b)

lakbay sanaysay

c)

posisyong papel

d)

repleksibong sanaysay

12.

Anong tawag sa isang kasulatan ng mungkahing naglalaman ng mga plano ng gawaing ihaharap sa tao o samahang pag-uukulan nito na siyang tatanggap at magpapatibay nito?

a)

sintesis

b)

panukalang proyekto

c)

photo essay

d)

katitikan ng pulong

13.

Alin sa sumusunod ang katangian ng isang sintesis?

a)

may obhetibong balangkas ng orihinal na teksto

b)

sulating tumatalakay sa karanasan sa paglalakbay

c)

personal at kalimitang nakakapang-akit ng mambabasa

d)

nakabatay sa katotohanan na nagbibigay ng matibay na pundasyon sa mga inilalatag na argumento

14.

Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa pagsulat ng sintesis?

a)

pinaikling bersyon at ginagamitan ng sariling pananalita

b)

hindi gumagamit ng mga personal na atake upang siraan ang kabilang panig

c)

napahahalagahan at mapahahagahan ng mga tao ang lugar o kulturang

itinalakay

d)

naglalarawan ng posisyon sa isang partikular na isyu at ipinapaliwanag ang basehan sa likod nito

15.

Alin sa sumusunod ang katangian ng isang posisyong papel?

a)

hindi nagbibigay ng sariling idea o kritisismo

b)

may obhetibong balangkas ng orihinal na teksto

c)

personal at kalimitang nakakapang-akit ng mambabasa

d)

nakabatay sa katotohanan na nagbibigay ng matibay na pundasyon sa mga inilalatag na argumento

16.

Alin sa sumusunod ang pinakaunang hakbang sa pagsulat ng posisyong papel?

a)

tiyakin ang paksa

b)

bumuo ng isang balangkas

c)

magkaroon ng panimulang saliksik

d)

bumuo ng posisyon batay sa naihanay na katwiran

17.

Alin sa sumusunod ang katangian ng isang lakbay-sanaysay?

a)

sariling salita ang ginagamit

b)

Akademikong lengguwahe ang ginamit.

c)

Mas marami ang larawan kaysa sa teksto.

d)

Mas marami ang teksto kaysa sa mga larawan.

18.

Paano isinusulat ang isang mahusay na lakbay-sanaysay?

a)

Iniisa-isa ang mga di-matatawarang likha at ganda sa paligid

b)

Inilalahad dito ang mga nasaksihan at napagmasdan sa kapaligiran.

c)

Isinasalaysay ang mga kapana-panabik na mga pangyayari at karanasan.

d)

Inilalarawan dito ang mga nakita, narinig, naamoy, nalasahan at naramdaman sa lugar na pinuntahan.

19.

Alin sa sumusunod ang katangian ng isang larawang sanaysay?

a)

malinaw ang paksa

b)

nahihikayat ang mambabasa

c)

Kapana-panabik ang mga eksena.

d)

         Tinatalakay ang kabuoan ng orihinal na teksto.

20.

Alin sa sumusunod ang hindi kalikasan ng larawang sanaysay?

a)

Nagpapahayag ito ng damdamin at kaisipan sa serye ng larawan.

b)

Iniaayos ito ayon sa kronolohikal na pagkakasunod-sunod sa damdaming gustong ipalutang.

c)

Ang mga larawan ay pangunahing nagkukuwento samantalang ang teksto ay suporta lamang.

d)

Nakabatay ito sa pagpapahayag ng manunulat sa sarili niyang pananaw batay   sa kaniyang karanasan

21.

Alin sa sumusunod ang katangian ng repleksibong sanaysay?

a)

tiyak at obhetibo

b)

personal at subhetibo

c)

hindi nagbibigay ng sariling idea

d)

hindi nakabatay sa sariling karanasan

22.

Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng repleksibong sanaysay?

a)

Batay sa naihanay na katwiran ay bumuo ng posisyon.

b)

Nangangailangan ito ng mataas na kasanayan sa pag-iisip.

c)

Bagaman pagsulat ito ng opinyon, hindi maaaring isulat lahat ang pumapasok sa isipan.

d)

Hindi problema ang paggamit ng panghalip na “ako” dahil ang inaasahang  maisulat dito ay ang sariling mga karanasan ng manunulat.

23.

Alin sa sumusunod ang katangian ng isang panukalang proyekto?

a)

personal at obhetibo

b)

nakabatay sa kaugnay na akda

c)

detalyado at may ebidensya

d)

malinaw ang ayos ng ideya

24.

Ano ang pangunahing layunin at gamit ng panukalang proyekto?

a)

magresolba ng mga suliranin

b)

magpabatid ng mga argumento

c)

maglatag ng opinyon

d)

maglaan ng badget

25.

Ano ang tawag sa elemento ng lakbay-sanaysay na ang nilalaman ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkakasulat nito at kaisipang ibinabahagi?

a)

anyo at estruktura

b)

tema at nilalaman

c)

kaisipan

d)

wika at estilo

26.

Ano ang tawag sa elemento ng lakbay-sanaysay na isinaalang-alang ang maayos na pagkakasunod-sunod ng idea o pangyayari na nakatutulong sa pag-unawa ng mambabasa?

a)

tema at nilalaman

b)

wika at estilo

c)

larawan ng buhay

d)

anyo at istruktura

27.

Ano ang tawag sa elemento ng lakbay-sanaysay na binigyang pansin dito ang paggamit ng simple, natural, at matapat na mga pahayag?

a)

anyo at istruktura

b)

tema at nilalaman

c)

kaisipan

d)

wika at estilo

28.

Ano ang tawag sa elemento ng lakbay-sanaysay na binigyang pansin ang mga ideang magkaugnay na magbibigay-linaw sa tema?

a)

tema at nilalaman

b)

wika at istilo

c)

kaisipan

d)

anyo at istruktura

29.

Ano ang tawag sa elemento ng lakbay-sanaysay na inilalarawan ang buhay sa isang makatotohanang salaysay na ginamit ang sariling himig ng may-akda?

a)

tema at nilalaman

b)

wika at istilo

c)

larawan ng buhay

d)

anyo at istruktura

30.

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa paggawa ng sintesis?

a)

Mapahaba ang oras sa pagbabasa ng sulatin.

b)

Sarilihin ang kaalaman tungkol sa paksang binasa.

c)

Higit na maging organisado ang pagkaunawa sa isang sulatin.

d)

Mapadali ang pagbabasa ng isang sulatin kahit na wala ang pangunahing idea ng paksa.

31.

Alin sa sumusunod ang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang sintesis?

a)

ilahad sa pamaraang neutral o walang kinikilingan

b)

mabisang paglalarawan sa isang sikat na tanawin

c)

matibay na ebidensiya sa isang isyu

d)

magsalaysay ng isang pangyayarI

32.

Ano ang layunin sa pagsulat ng posisyong papel?

a)

Mapabulaanan ang argumento ng kabilang panig.

b)

Maipasa ang pangangailangan ng kursong kinuha.

c)

Mailahad ang argumento sa paksa ng kabilang panig

d)

Makumbinsi ang mga mambabasa na may saysay at bisa ang mga  argumentong inihain.

33.

Paano mapatitibay ang mga argumento sa iyong posisyong papel?

a)

Magsaliksik tungkol sa argumento ng kabilang panig.

b)

Magbasa ng mga artikulo tungkol sa paksa ng kabilang panig.

c)

Magbigay ng makatwirang ebidensiyang susuporta sa iyong argumento.

d)

Gumamit ng kahit na anong sanggunian na may kaugnayan sa iyong paksa.

34.

Alin sa sumusunod ang kailangang gawin bago isulat ang isang mahusay na lakbay-sanaysay?

a)

magpunta sa mga matataong lugar

b)

magsaliksik tungkol sa lugar na pupuntahan

c)

maghanda ng pera para may magagamit sa iyong paglalakbay

d)

magplano kasama ang mga barkada kung saang lugar ang iyong lalakbayin

35.

Alin sa sumusunod ang dapat iwasan sa pagsulat ng lakbay-sanaysay?

a)

punto de bista

b)

damdamin

c)

himig

d)

cliche

36.

Alin sa sumusunod na tanong ang hindi kabilang sa mga dapat isaalang-alang bago magsulat ng repleksibong papel?

a)

Ano ang pakiramdam ko sa paksa?

b)

Ano kaya ang magiging epekto nito sa akin?

c)

Ano ang magiging resulta sa pagsulat ng sulating ito?

d)

Paano sosolusyunan ang isang suliranin?

37.

Sa pagsulat ng repleksibong sanaysay, bakit gumamit ng ebidensiya o makatotohanang pahayag sa mga talata?

a)

Mapakiling ang ibang mambabasa sa kanilang panig.

b)

Mapatatag ang mga inilahad na opinyon.

c)

Mapatanto ang kanilang mga idea.

d)

Mahikayat ang mga mambabasa.

38.

Paano nakatutulong ang pagsulat ng repleksibong sanaysay sa pagpapahayag ng iyong opinyon?

a)

Naibabagi ang kaalaman sa ibang tao.

b)

Malayang naipapahayag ang saloobin ng bawat isa.

c)

Natutuklasan ang talento ng mag-aaral sa pagsusulat.

d)

Natutuklasan ang sariling pag-iisip, damdamin o opinyon tungkol sa isang paksa

39.

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga dapat tandaan sa pagsulat ng photo essay?

a)

Pagpasiyahan ang mga kukuning larawan.

b)

maghanap ng isang paksa ayon sa iyong interes

c)

Bigyan-diin ang mga pakinabang na maibibigay ng panukala.

d)

Magsagawa ng pananaliksik bago isagawa ang larawang sanaysay.

40.

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga tips sa pagsulat ng panukalang proyekto?A

a)

Bigyan-diin ang mga pakinabang na maibibigay.

b)

magbigay ng mga impormasyong sumusuporta sa mga pahayag

c)

Tiyaking malinaw, makatotohanan at makatwiran ang badget na gagawin.

d)

Alamin ang mga bagay na makapagkukumbinsi sa nilalapitang opisina o

ahensiya sa pag-aapruba.