Font size
Worksheets[AP 6] PAGBABALIK ARAL
Total questions: 25
Worksheet time: 25mins
Walang mabuting naidulot ang pamimilit ng mga Amerikanong pumasok sa paaralan ang mga batang nasa sapat na gulang upang mag-aral.
TAMA
MALI
Naging madali ang pagpapasunod ng mga Amerikano sa mga Pilipino dahil sa edukasyon.
TAMA
MALI
Naging epektibo ang makabagong medisina sa pagsugpo ng mga nakahahawang sakit sa Pilipinas.
TAMA
MALI
Ang pagpapagawa ng mga tulay at lansangan ay nakatulong nang malaki sa pagpapabilis ng transportasyon at komunikasyon sa bansa.
TAMA
MALI
Naging malaking suliranin sa panahon ng mga Amerikano ang pag-uugnayan ng mga tao sa malalayong lugar bunga ng mabagal na sistema ng pahatiran ng liham at mga telegrama.
TAMA
MALI
Sino ang naging unang gobernador-militar ng Pilipinas matapos ang pagbagsak ng Maynila sa mga Amerikano?
A) Pangulong McKinley
B) Heneral Wesley Merritt
Ano ang epekto ng Patakarang Malayang Kalakalan na ipinatupad ng mga Amerikano sa ekonomiya ng Pilipinas?
A) Pumabor ito sa mga produktong lokal sa Pilipinas.
B) Nagdulot ito ng kalamangan sa mga produktong ipinagpapalit sa Estados Unidos.
Ano ang naging epekto ng Patakarang Pang-Ekonomiya ng mga Amerikano sa kalakalan ng Pilipinas?
A) Nagresulta sa hindi pantay na kalakalan at pagkasira ng lokal na industriya.
B) Nagdulot ng pag-unlad ng mga industriya sa Pilipinas.
Ano ang layunin ng mga patakaran ng Ko-optasyon at Pasipikasyon sa pamahalaang kolonyal ng mga Amerikano?
A) Lumikha ng mas mataas na pagpapahalaga sa mga Pilipino sa sariling kultura.
B) Pagtanggap sa mga Pilipino sa pamahalaan at politika sa ilalim ng kontrol ng mga Amerikano.
Anong hakbang ang ipinapatupad ng mga Amerikano upang mapanatili ang kanilang kontrol sa Pilipinas?
A) Ang Pambansang Asembleya na may mga Pilipinong kinatawan.
B) Ang pagtatatag ng isang malakas na sistemang pampulisya at militar upang mapanatili ang kaayusan.
Ang Pamahalaang Komonwelt ay itinatag noong __________ at pinangunahan ni __________ bilang Pangulo.
(a)
Ang Surian ng Wikang Pambansa ay itinatag upang magtakda ng isang pambansang wika, at ang (a) ang napiling batayan ng wika.
Ang Batas Komonwelt Bilang 1 ay nagtatag ng (a) upang mapangalagaan ang seguridad ng bansa.
Sa ilalim ng Saligang Batas ng 1935, ipinagkaloob ang karapatan sa mga (a) na bumoto sa mga eleksyon.
Isa sa mga hakbang ng pamahalaan noong panahon ng Komonwelt upang mapalakas ang ekonomiya ay ang (a) , na nagbigay-diin sa pagpapalago ng industriya ng agrikultura.
Bakit sinakop ng mga Hapones ang Pilipinas?
Upang makipagkaibigan sa mga Pilipino
Upang kontrolin ang Asya bilang bahagi ng Greater East Asia Co-Prosperity Sphere at makuha ang mga likas na yaman nito
Upang bigyang proteksyon ang Pilipinas mula sa mga Kanluranin
Upang palaganapin ang kultura ng Hapon sa buong mundo
Paano nakaapekto ang Death March sa moral ng mga sundalong Pilipino at Amerikano?
Nagbigay ito ng inspirasyon sa kanila upang ipagpatuloy ang laban
Tumaas ang kanilang moral dahil sa pagkakaisa
Lubos na bumaba ang moral dahil sa labis na hirap, gutom, at kamatayan sa daan
Wala itong epekto sa moral ng mga sundalo
Ano ang kahalagahan ng pakikibaka ng mga Pilipino sa Bataan?
Ito ay nagbigay ng pag-asa sa Allied Forces na tuluyang magtagumpay sa digmaan
Nagbigay ito ng oras para sa Allied Forces na makapaghanda laban sa mga Hapones
Napigilan nito ang pananakop ng Hapon sa Pilipinas
Naging dahilan ito ng tuluyang pagsuko ng Allied Forces
Paano naiiba ang pananakop ng mga Hapones sa mga naunang mananakop tulad ng Espanyol at Amerikano?
Mas maayos at organisado ang pamamahala ng Hapones
Higit na nakatuon sa edukasyon at reporma ang Hapones
Mas brutal at marahas ang pananakop ng mga Hapones, na may kasamang pisikal na pagpapahirap
Walang malaking pagkakaiba ang pananakop ng Hapones sa naunang mananakop
Paano nakatulong ang gerilyang Pilipino sa paglaban sa mga Hapones?
Nagtayo sila ng mga paaralan sa panahon ng digmaan
Nagbigay sila ng impormasyon, sumalakay sa puwersang Hapones, at tumulong sa pagbawi ng bansa
Sila ang namuno sa pamahalaang militar ng mga Hapones
Pinaunlad nila ang ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng pamamahala ng Hapones
Ang Philippine Executive Commission (PEC) ay itinatag upang pamahalaan ang mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga Hapones.
TAMA
MALI
Si Jose P. Laurel ay naging pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas.
TAMA
MALI
Ang KALIBAPI ay itinatag upang palitan ang lahat ng partidong politikal sa bansa noong panahon ng Hapon.
TAMA
MALI
Ang MAKAPILI ay mga Pilipinong tumutulong sa mga gerilya laban sa Hapones.
TAMA
MALI
Ang Hukbalahap ay itinatag upang suportahan ang pamahalaang Hapones.
TAMA
MALI
