wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

PAGLUTAS NG MGA SULIRANIN (MULTIPLICATION) ref. deped math3

Total questions: 15

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

Basahin at unawain ang suliranin. Isulat ang tamang sagot. 1) Nagtanim si elvie ng 3 hanay na sampaguita. sa bawat hanay ay may 12 sampaguita. Ilan lahat ang sampaguitang naitanim niya?

(a)  

2.

2) Nagtanim si Francis ng binhi sa labing-isang plot na taniman. Sa bawat taniman ay may 8 binhi. Ilan lahat na binhi ang kaniyang naitanim?

(a)  

3.

3) Ang bawat pasahero ay nagbayad sa driver ng PHP20 para sa kanilang pamamasyal. Magkano ang kanyang kikitain kung mayroon siyang 5 pasahero?

(a)  

4.

4) Buwan-buwan ay naghuhulog ang ina ni Caleb ng PHP600 sa bangko. Magkano ang maihuhulog niya sa loob ng 7 buwan?

(a)  

5.

5) Bumili si Gng. Santos ng 15 kahon ng lapis para ipamigay sa mga batang nasa ampunan. Kung ang bawat kahon ay naglalaman ng 12 lapis, ilan lahat ang lapis na binili niya?

(a)  

6.

6) Ang bus ay nakapagsakay ng 60 pasahero. Ilang pasahero ang maisasakay ng 15 bus?

(a)  

7.

7) Ang bawat mag-aaral ng ikatlong baitang pangkat Rizal ay gumamit ng 27 na takip ng bote para sa kanilang proyeckto. Kung may 31 na mag-aaral sa klase, ilan lahat na takip ng bote ang kanilang nagamit?

(a)  

8.

8) Sa isang minuto ay nakapagtype si Elisha ng 35 na salita. Ilang salita ang kaya niyang i-type sa loob ng 40 na minuto?

(a)  

9.

9) Si Carlo ay naghuhulog ng PHP25 araw-araw sa kniyang alkansiya. Magkano ang maiipon niya sa loob ng 12 na araw?

(a)  

10.

10) Si nanay ay bumili ng 2 kilong karne na ang presyo ay PHP120 kada kilo, gulay na nagkakahalaga ng PHP75, at 3 kilong isda na nagkakahalaga ng PHP130 bawat kilo. Kung siya ay mayroong PHP1,000 magkano ang natirang pera niya?

(a)  

11.

11) Si Niall ay may apat na PHP200 na papel, limang PHP100 papel, sampung PHP50 papel at labindalawang PHP20 papel. Magkano lahat ang pera ni Niall?

(a)  

12.

12) Ang Math Club ay nagpenta ng 40 kilong papel at 200 na bote para makalikom ng pondo. Magkano ang malilikom nila kung ang isang kilong papel ay PHP6 At ang isang bote ay PHP2

(a)  

13.

13) Bumili si Jin ng 4 na kilo ng lanzones na ang bawat kilo ay PHP60. Magkano ang sukli Jin kung nagbayad siya ng PHP500?

(a)  

14.

14) Si Karyl ay may 5 pirasong PHP1 at 7 pirasong PHP10. Magkano ang pera niya lahat?

(a)  

15.

15) Kailangan mo ng 2 dalandan para sa isang baso ng juice. Ilang dalandan ang magagamit po para sa 18 basong juice

(a)