Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP5 Q1 (DepEd modules)

Total questions: 79

Worksheet time: 59mins

Name
Class
Date
1.
Anong rehiyon ng Asya kabilang ang bansang Pilipinas?
a)
Silangang Asya
b)
Hilagang Asya
c)
Kanlurang Asya
d)
Timog Silangang Asya
2.
Alin sa mga sumusunod ang tiyak o absolute na lokasyon ng Pilipinas sa mapa?
a)
4°23’ at 21°25’ hilagang latitud at 116°00 at 127°00 silangang longhitud
b)
2°43’ at 25°31’ hilagang latitud at 161°00 at 172°12 silangang longhitud
c)
1°32’ at 15°21’ hilagang latitud at 131°00 at 151°10 silangang longhitud
d)
3°23’ at 20°29’ hilagang latitud at 121°14 at 148°25silangang longhitud
3.
Bakit tinawag na arkipelago ang bansang Pilipinas?
a)
Ito ay nakaharap sa Karagatang Pasipiko.
b)
Ito ay binubuo ng tatlong malalaking pulo.
c)
Ito ay napapalibutan ng mga mayayamang bansa.
d)
Ito ay binubuo ng maliliit at malalaking kapuluan na napapalibutan ng tubig o dagat.
4.
Anong karagatan ang matatagpuan sa silangan ng Pilipinas?
a)
Karagatang Indian
b)
Karagatang Atlantiko
c)
Karagatang Pasipiko
d)
Karagatang Arktiko
5.
Ang mga sumusunod ay mga bansang nakipagkalakalan sa bansa MALIBAN sa isa. Alin dito?
a)
India
b)
Indonesia
c)
Saudi Arabia
d)
Tsina
6.
Anong isla ang hinahanap ng mga Europeo na naging daan para matuklasan ang Pilipinas?
a)
Kiribati
b)
Micronesia
c)
Moluccas
d)
Palau
7.
Mga istrukturang itinayo ng mga Amerikano para gawing sanayan ng mga sundalo at imbakan o arsenal ng mga kagamitang pandigma nila.
a)
base militar
b)
opisina
c)
paaralan
d)
palaruan
8.
Bilang isang bansang nasakop ng Espanya, ano ang naging pinakamalaking pamana ang kanilang iniwan sa Pilipinas?
a)
edukasyon
b)
ekonomiya
c)
relihiyon
d)
sandatahang lakas
9.
Ang mga sumusunod ay ang tuwirang epekto ng lokasyon ng ating bansa sa paghubog ng kasaysayan MALIBAN sa isa. Ano ito?
a)
nagkaroon ng kalakalan sa mga karatig bansa
b)
napadali ang paglipat o migrasyon ng mga katutubo
c)
naging kalaban ng Pilipinas ang lahat na mga karatig bansa nito.
d)
nadiskubre ng mga mananakop ang estratehikong lugar ng Pilipinas
10.
Bakit mahalagang pag-aralan ang heograpiya o lokasyon ng isang bansa?
a)
para maging sikat ang isang bansa
b)
para malaman kung iilan ang naninirahan sa bansa
c)
para makilala kung sino-sino ang mga kilalang tao sa bansa
d)
para maunawaan kung paano nahubog ang iba’t ibang aspeto ng kultura, ekonomiya, pamahalaan at relihiyon ng isang bansa.
11.
Ito ang tawag sa malaking masa ng kalupaang may 240 milyong taon na ang nakalipas.
a)
Asthenosphere
b)
Kontinente
c)
Pangaea
d)
Tectonic
12.
Teoryang nagsasabing nagmula ang Pilipinas sa malalaking tipak ng lupain sa daigdig na naghiwa-hiwalay ilang daang milyong taon na ang nakalipas.
a)
Land Bridges o Tulay na Lupa Theory
b)
Pacific Theory o Teorya ng Bulkanism
c)
Continental Drift Theory
d)
Tectonic Plate
13.
Teoryang nagpapaliwanag na dating karugtong ang Pilipinas ng Timog - Silangang Asya.
a)
Teorya ng Continental Drift
b)
Teorya ng Tulay na Lupa
c)
Teorya ng Ebolusyon
d)
Teorya ng Bulkanismo
14.
Ayon sa teoryang ito, nabuo ang mga kalupaan ng Pilipinas mula sa pagputok ng mga bulkan sa ilalim ng karagatan.
a)
Teorya ng Tulay na Lupa
b)
Teorya ng Ebolusyon
c)
Teorya ng Continental Drift
d)
Teorya ng Bulkanismo
15.
Siya ang naghain ng teoryang nabuo ang kalupaan ng daigdig mula sa isang Supercontinent.
a)
Alfred Einstein
b)
Alfred Wegener
c)
Bailey Willis
d)
Charles Darwin
16.
Alin sa ibaba ang tumutukoy sa sali-salimuot na kuwento na ang layunin ay magpaliwanag ng sagisag ng mahahalagang balangkas ng buhay?
a)
Mitoloiya
b)
Relihiyon
c)
Sitwasyon
d)
Teorya ng Bulkanismo
17.
Ayon sa paniniwalang panrelihiyon, nilikha ang tao sa pamamagitan ng isang maykapangyahiran na tinatawag na _________.
a)
Apoy
b)
Diyos
c)
Hangin
d)
Tubig
18.
Sila ay naniniwala na ang Pilipinas ay mula sa libag ng katawan ni Melu, na kanilang Diyos.
a)
Badjao
b)
Bagobo
c)
Igorot
d)
Manobo
19.
Sino ang Amerikanong siyentista ang naghain ng Pacific Theory?
a)
Alfred D. Wegener
b)
Bailey Willis
c)
Henry Otley Beyer
d)
Robert Fox
20.
Mga tipak ng lupa sa ilalim ng katubigang nakakabit sa mga kontinente.
a)
Continental Shelf
b)
Fossilized Materials
c)
Tectonic Slate
d)
Vulcanic Materials
21.
Ito ay tumutukoy sa salitang Austronesian o Austronesyano na ang kahulugan ay tao mula sa timog.
a)
Indones
b)
Malayo
c)
Nusantao
d)
Polynesian
22.
Ang teoryang nagsasabi na ang unang pangkat ng tao sa Pilipinas ay nagmula sa Timog-Silangang Asya.
a)
Teoryang Austronesian Migration
b)
Teoryang Core Population
c)
Teoryang Nusanatao
d)
Teoryang Wave Migration
23.
Anong teorya ang ipinakilala ni Wilheim Solheim II na sinasabing galing sa katimugang bahagi ng Pilipinas ang ating mga ninuno?
a)
Teoryang Bigbang
b)
Teoryang Ebolusyon
c)
Teoryang Galactic
d)
Teoryang Nusantao
24.
Sino ang nagpakilala sa teoryang Wave Migration?
a)
F. Landa Jocano
b)
Peter Bellwood
c)
Otley Beyer
d)
Wilhelm Solheim II
25.
Ano ang naging batayan ni Peter Bellwood sa kanyang teorya?
a)
Ang pagkakatulad ng klima sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
b)
Ang pagkakatulad ng pamahiin sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
c)
Ang pagkakatulad ng kulay ng balat ng mga tao sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
d)
Ang pagkakatulad ng wika, kultura, at pisikal na katangian sa Timog-Silangang Asya at sa Pasipiko
26.
Ang lumikha sa mga sinaunang Pilipino ayon sa relihiyon.
a)
Babaylan
b)
Datu
c)
Diyos o Allah
d)
Lakan
27.
Ayon sa Relihiyong Kristiyano at Islam, nilikha ng Diyos o Allah ang unang dalawang tao na sina __________.
a)
Adan at Eba
b)
Abraham at Sarah
c)
David at Ester
d)
Samson at Delilah
28.
Alin sa sumusunod ang pinaniniwalaang puno o halaman na pinagmulan ng sinaunang tao sa bansa batay sa mitolohiya?
a)
Gumamela
b)
Kawayan
c)
Narra
d)
Mangga
29.
Ano ang dahilan ng pagpapalawak ng teritoryo ng mga Austronesyano?
a)
Pananakop
b)
Pakikipagkalakalan
c)
Pakikipagkaibigan
d)
Pagpapakilala ng relihiyon
30.
Sa anong panahon natutunan ng mga sinaunang tao ang paggamit ng mga tinapyas na batong magaspang?
a)
Panahong Neolitiko
b)
Panahong Paleolitiko
c)
Maagang Panahon ng Metal
d)
Maunlad na Panahon ng Metal
31.
Alin sa ibaba ang natutunan ng mga sinaunang Pilipino noong Panahon ng Bagong Bato?
a)
tumira sa mga yungib
b)
magsaka at mag-alaga ng mga hayop
c)
mangaso at mangangalap ng pagkain
d)
gumamit ng mga tinapyas na bato na magagaspang
32.
Ang mga sumusunod na kasangkapang metal ang mas higit na napaghusay sa pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino maliban sa isa. Ano ito?
a)
sibat
b)
kampit
c)
kutsilyo
d)
pinggan
33.
Ano tawag sa sistemang panlipunan, pampulitika, at pang ekonomiya ng mga Pilipino noong pre-kolonyal?
a)
siyudad
b)
barangay
c)
pamilya
d)
lalawigan
34.
Ano ang tawag sa pinakamataas na antas ng tao sa lipunang Tagalog at Bisaya?
a)
aliping
b)
timawa
c)
maginoo o datu
d)
manggagawa
35.
Sila ang kinikilalang mga mahuhusay na mandirigma mula sa pangkat ng mga maharlika?
a)
bagani
b)
bayani
c)
pulis
d)
sundalo
36.
Ang mga sumusunod ay mga natatamasang karapatan ng mga kababaihan sa Ifugao maliban sa isa. Alin sa mga ito?
a)
bomoto o pumili ng lider
b)
magkaroon ng kayamanan
c)
pagiging kapalit ng datu
d)
pumili ng mapangangasawa
37.
Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa batas na nakasulat noong panahong pre- kolonyal?
a)
ari-arian
b)
diborsyo
c)
krimen
d)
pag-aaral
38.
Alin dito ang paraan para mapalakas at mapagtibay ang kasunduan ng bawat barangay?
a)
pananakop
b)
pagbili o pagbabayad
c)
sanduguan
d)
pag-eespiya
39.
Sino ang naatasan ng datu para ibalita ang mga kaganapan sa kanyang barangay lalo na kung may mga pagtitipon?
a)
bagani
b)
gat
c)
lakan
d)
umalohokan
40.
Anong paraan ng pagsasaka ang nililinis at sinusunog muna ang burol bago taniman?
a)
pagaararo
b)
pagbabakod
c)
pagkakaingin
d)
pagnarnarseri
41.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI hanapbuhay ng mga sinaunang Pilipino?
a)
pagsasaka
b)
pangingisda
c)
pangangaso
d)
pagiging katulong sa ibang bansa
42.
Naging tanyag ang mga Pilipino noon dahil sa mga gawaing ito maliban sa isa. Ano ito?
a)
pagpapalayok
b)
paghahabi
c)
paggawa ng sasakyang pandagat
d)
paggawa ng kaangkapang elektroniks
43.
Ano ang tawag sa sistema ng pakikipagkalakalan noong pre-kolonyal?
a)
barter
b)
komunismo
c)
open trade
d)
sosyalismo
44.
Anong bansa ang HINDI tuwirang nakipagkalakalan sa Pilipinas noon?
a)
Tsina
b)
India
c)
Indonesia
d)
Saudi Arabia
45.
Anong lugar ang naging tanyag at sentro ng kalakalan sa bansa noong pre-kolonyal?
a)
Cebu
b)
Davao
c)
Leyte
d)
Manila
46.
Ano ang tawag sa gawaing pang ekonomiko na gumagawa ng mga bagay na mula sa metal tulad ng ginto?
a)
pangangaso
b)
pangingisda
c)
metalurhiya
d)
pangangalap ng pagkain
47.
Ang ___________ ay ginagamit sa paggawa ng mga palamuti tulad ng pulseras at hikaw noong pre-kolonyal.
a)
bato
b)
dahon
c)
perlas
d)
plastik
48.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI dalang produkto ng mga Tsino sa bansa?
a)
kristal
b)
salamin
c)
tapayan
d)
timbangan
49.
Kung ikaw ay nabuhay noong pre-kolonyal at ang iyong trabaho ay paggawa ng mga sandata mula sa bakal, ano ang tawag sayo?
a)
karpentero
b)
latero
c)
mason
d)
panday
50.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kalagayan o sitwasyon ng Pilipinas noong pre-kolonyal o bago dumating ang mga mananakop?
a)
may sariling teritoryo
b)
may sariling pamahalaan
c)
may pananampalatayang Kristiyano
d)
may sistema ng pagbasa at pagsulat
51.
Ano ang paniniwala ng ating mga ninuno na ang tao, hayop, halaman, bato, tubig, at kalikasan ay may kaluluwa?
a)
Animismo
b)
Islam
c)
Hudaismo
d)
Kristyanismo
52.
Alin sa mga sumusunod ang sinisimbolo ng tattoo o batuk sa katawan?
a)
Kaayusan
b)
Kabaitan
c)
Katalinuhan
d)
Kagitingan at kagandahan
53.
Ano ang tawag sa tagapayo at katulong ng sultan sa pagpapatupad ng batas?
a)
Adat
b)
Hariraya
c)
Ruma Bichara
d)
Zakat
54.
Ano ang ginagawa ng mga barangay para maiwasan ang di pagkakaunawaan at awayan?
a)
nagkaroon sila ng isang paligsahan
b)
kapwa sila nanalangin sa mga diyos upang maiwasan ang gulo
c)
sakupin ang ibang barangay upang maging tagasunod ng kanilang datu
d)
nakipagkasundo ang mga barangay sa isa’t isa sa pamamagitan ng sandugo
55.
Anong kulay ng kangan ang isinusuot ng datu?
a)
asul
b)
berde
c)
itim
d)
pula
56.
Anong uri ng pamahalaan ang itinatag ng mga Muslim sa Mindanao?
a)
pamahalaang lokal
b)
pamahalaang lalawigan
c)
pamahalaang sultanato
d)
pamahalaang pambarangay
57.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI inihahanda ng pamilya para sa kanilang miyembro na yumao at ililibing?
a)
paglilinis sa katawan
b)
pagpapadala ng pera at pagkain
c)
pagbibihis ng magarang kasuotan
d)
paglalagay ng langis sa katawan
58.
Sino ang nangunguna sa pagsasagawa ng mga ritwal ng mga Bisaya na pinaniniwalaang tagapamagitan sa mundo, diyos at yumao?
a)
babaylan
b)
ganbanes
c)
pari
d)
pomares
59.
Ang mga sumusunod ay batas ng Pamahalaang Sultanato MALIBAN sa isa. Alin dito?
a)
Adat
b)
Sharia
c)
Qur'an
d)
Ulama
60.
Isang relihiyong naniniwala sa iisang Diyos na tinatawag na Allah.
a)
Islam
b)
Animismo
c)
Hudaismo
d)
Kristyanismo
61.
Saan unang lumaganap ang relihiyong Islam sa Pilipinas?
a)
Luzon
b)
Mindanao
c)
Samar
d)
Visayas
62.
Dumating ang mga Arabong Muslim sa Pilipinas upang _______.
a)
bumisita
b)
makipaglaban
c)
makipagkalakalan
d)
manakop
63.
Sino ang sinasamba o Diyos ng mga Muslim?
a)
Allah
b)
Hesus
c)
Maria
d)
Mohammad
64.
Siya ang kauna-unahang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas
a)
Janjalani Abdulah
b)
Rajah Baginda
c)
Sharif Kabungsuan
d)
Tuan Masha'ika
65.
Isang uri ng pamahalaang naitatag sa Mindanao ng mga Muslim.
a)
Barangay
b)
Sultanato
c)
Panlalawigan
d)
Panrehiyon
66.
Pinakamataas na uri ng tao sa Pamahalaang Sultanato.
a)
Imam
b)
Pare
c)
Sultan
d)
Alkalde
67.
Taglay ng sultan ang mga sumusunod maliban sa isa.
a)
may kayamanan
b)
ataas ang pinag-aralan
c)
mataas ang bilang ng mga taga-sunod
d)
may mahalagang ambag sa lipunang Muslim
68.
Sila ang katulong sa pagpapatupad ng batas ng Islam.
a)
Abogado
b)
Pulisya
c)
Ruma Bichara
d)
Sundalo
69.
Ang Adat, Sharia, at ___________ mga batas ng Islam sa ilalim ng Pamahalaang Sultanato.
a)
Bibliya
b)
Qur'an
c)
Vedas
d)
Torah
70.
Ang mga sinaunang Pilipino ay sagana sa ibat-ibang _____.
a)
espirito
b)
kaugalian
c)
sulat
d)
wika
71.
Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas ay taglay na ng mga sinaunang Pilipino ang _________ na maipagmamalaki natin ngayon.
a)
katapangan
b)
paraan ng pagsulat
c)
awit at sayaw
d)
kultura
72.
Ano ang tawag sa alpabeto ng mga sinaunang Pilipino?
a)
Abakada
b)
Alibata
c)
Baybayin
d)
Latin
73.
Ilan sa paniniwala ng mga Pilipino ngayon ay ang pag-alala at pagbibigay halaga sa mga yumaong pamilya. Ito ay isa sa mga _______ ng ating mga ninuno o sinaunang kabihasnan sa ating lipunan.
a)
Ala-ala
b)
Kaalaman
c)
Kontribusyon
d)
Simbolo
74.
Alin sa mga sumusunod ang maituturing na pinakamahalagang kontribusyon ng ating mga ninuno sa ating lipunan ngayon?
a)
Uri ng pananamit
b)
Sistema ng pagsulat
c)
Paraan ng makikipagdigma
d)
Malalim na pagtitiwala sa Manlilikha
75.
Ito ay katawagan ng isang tao na naniniwala sa Relihiyong Islam.
a)
Kristyano
b)
Muslim
c)
Budista
d)
Hudyo
76.
May kaalaman na ang mga sinaunang Pilipino sa paggamit ng mga instrumento at sa paglikha ng musika. Sila ay may sariling ____________.
a)
Awit at Sayaw
b)
Pasalita at Pasulat
c)
Panitikan at Sining
d)
Paniniwala
77.
Ano ang magandang naidulot ng mga ibat-ibang sining at panitikan sa ating mga ninuno?
a)
Naipahayag ang kanilang damdamin, paniniwala, at mga karanasan ng ating mga ninuno.
b)
Naisalin nila sa mga sumunod na henerasyon ang mayaman nilang kultura
c)
Naging makulay at kaaya-aya ang pamumuhay ng ating mga ninuno
d)
Lahat ng nabanggit
78.
Paano isinalin ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang kultura sa mga sumunod na henerasyon?
a)
Sa pamamagitan ng musika, awit, sayaw, at panitikan
b)
Sa pamamagitan ng pagkakasundo ng mga ibat-ibang barangay
c)
Sa pamamagitan ng patuloy na paniniwala sa mga anito
d)
Lahat ng nabanggit
79.
Bago pa dumating sa bansa ang mga mananakop, ang mga sinaunang Pilipino ay may sariling kultura, paniniwala, wika at pagsulat.
a)
Tama
b)
Mali
c)
Hindi ako sigurado
d)
Hindi ako naniniwala