NEW
Font size
Worksheets2nd Quarter Test Reviewer in AP
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Anong relihiyon ang ipinakilala ng Espanya sa Pilipinas bilang bahagi ng kanilang kolonyalismo?
Islam
Kristiyanismo
Sa iyong pagsusuri, makatwiran ba ang pagpapatupad ng tributo (pagbubuwis) bilang bahagi ng
patakarang pang-ekonomiya ng Espanya?
Oo, ngunit dapat ito ay patas at batay sa kakayahan ng mamamayan.
Hindi, dahil hindi naman nakinabang ang mga Pilipino mula sa pondong nakolekta.
Oo, dahil kailangan ito para sa pagpapanatili ng pamahalaang kolonyal.
Sa iyong palagay, alin ang mas malaki ang naging epekto sa mga Pilipino: Sistemang Bandala o
Sapilitang Paggawa? Bakit?
Pareho, dahil parehong nagdulot ng paghihirap sa kabuhayan at pagkakaisa ng mga Pilipino.
Sistemang Bandala, dahil direktang naapektuhan nito ang kabuhayan ng mga magsasaka.
Sapilitang Paggawa, dahil nagdulot ito ng pagkawala ng lakas ng manggagawa sa komunidad.
Kung ikaw ay isang Pilipinong magsasaka noong panahon ng monopolyo ng tabako, ano ang
maaaring maging desisyon mo upang labanan ang epekto nito?
Sumunod sa patakaran at magtanim ng tabako kahit hindi akma sa lupa.
Humingi ng tulong sa pamahalaang Espanyol upang baguhin ang patakaran.
Makipagtulungan sa ibang magsasaka upang mag-organisa ng protesta laban sa monopolyo.
Kung ikaw ay isang lider-tribo noong panahon ng Espanyol, ano ang pipiliin mong tugon sa divide
and rule policy upang mapanatili ang kalayaan ng iyong pamayanan?
Sumunod sa mga Espanyol upang maiwasan ang labanan.
Lumisan patungo sa kabundukan upang umiwas sa kontrol ng mga Espanyol.
Magbuo ng alyansa sa ibang tribo upang labanan ang mga Espanyol.
Batay sa mga epekto ng divide and rule policy, alin ang pinakamalaking implikasyon nito sa
pagkakakilanlan ng mga Pilipino?
Naging mas madali para sa Espanya na sirain ang ugnayan ng mga katutubo.
Naging daan ito para sa pagbubuo ng isang makapangyarihang katutubong pamahalaan.
Nagbunsod ito ng pagkakaisa ng mga tribo sa isang rehiyon.
Saang aspeto ng lipunan pinakamalaking epekto ang Sapilitang Paggawa (Polo y Servicio)?
Pampamilya, dahil nagdulot ito ng pagkahiwalay ng mga kalalakihan mula sa kanilang pamilya.
Pang-ekonomiya, dahil nagbigay ito ng mataas na sahod sa mga manggagawa.
Pang-edukasyon, dahil nagbigay ito ng libreng edukasyon sa mga manggagawa.
Ano ang pangunahing epekto ng monopolyo ng tabako sa kabuhayan ng mga Pilipino?
Nabigyan ng patas na presyo ang mga magsasaka sa kanilang ani.
Napilitang magtanim ng tabako kahit hindi ito akma sa kanilang lupain.
Napayaman ang mga magsasakang Pilipino.
Bakit itinuring na hindi makatarungan ang Sistemang Bandala?
Dahil hindi nababayaran ang mga produkto ng mga magsasaka.
Dahil nabibigyan ng benepisyo ang lahat ng mamamayan.
Dahil binibigyan nito ng pabor ang mga insulares kaysa mga Pilipino.
Paano nakaapekto ang mga dahilan ng kolonyalismong Espanyol sa sistema ng pamumuhay ng
mga Pilipino?
Nagbigay ng kalayaan sa mga Pilipino mula sa ibang pananakop
Nagkaroon ng mas maayos na sistema ng edukasyon para sa mga Pilipino
Napalitan ang tradisyunal na relihiyon ng mga Pilipino ng Kristiyanismo
Paano ginamit ng Espanya ang puwersang militar sa pagsakop sa mga katutubo?
Sa pamamagitan ng paggamit ng mga armas at pananakot
Sa pamamagitan ng pakikipagkasundo sa lahat ng tribo
Sa pamamagitan ng pagbuo ng mga alyansa sa ibang bansa
Ipaliwanag ang pangunahing layunin ng divide and rule policy ng Espanya?
Hatiin ang mga tribo upang mas madaling makontrol ang mga ito
Mapanatili ang pagkakaisa ng mga katutubo
Magtatag ng isang gobyernong demokratiko
Paano nakaapekto ang sistemang reducción sa kultura, kabuhayan, at pamumuhay ng mga
katutubo, at ano ang mga implikasyon nito sa kanilang kalayaan at identidad?
Nailipat ang mga katutubo sa mga pamayanang nasa ilalim ng kontrol ng simbahan
Napalapit ang mga katutubo sa kanilang kultura
Lumakas ang puwersa ng mga katutubo laban sa Espanya
Paano tumugon ang ilang katutubo sa Kristyanisasyon at pananakop ng Espanya?
Nakipagtulungan upang mapanatili ang kanilang kalayaan
Tumanggap ng bagong relihiyon nang walang pagtutol
Lumaban sa pamamagitan ng armadong pakikibaka o pagtakas sa kabundukan
Alin sa sumusunod ang nagpakita ng pagkakapareho ng Sistemang Bandala at Monopolyo ng
Tabako?
Parehong nagdulot ng kawalan ng kita sa mga Pilipinong magsasaka.
Parehong pinilit ang mga Pilipino na magbayad ng mataas na buwis.
Parehong nakatuon sa pagpapalaganap ng kalakalan ng Espanya.
Bakit itinuturing na hindi pantay ang epekto ng Kalakalang Galyon sa lokal na ekonomiya ng
Pilipinas?
Dahil mas napaburan nito ang mga Espanyol at insulares kaysa mga Pilipino.
Dahil lahat ng mga Pilipino ay yumaman dahil dito.
Dahil nakapagtaguyod ito ng masiglang lokal na agrikultura.
Paano nakaapekto ang sapilitang paggawa (polo y servicio) sa samahang panlipunan ng mga
Pilipino?
Nagdulot ito ng pagbagsak ng tradisyunal na samahan ng pamilya.
Nagpatibay ito sa ugnayan ng bawat pamilya sa komunidad.
Nakatulong ito sa pagpapalakas ng ekonomiya ng mga Pilipino.
Ano ang implikasyon ng Sistemang Reduccion sa kultura at pamumuhay ng mga katutubo?
Napabuti ang kanilang ekonomiya sa ilalim ng Espanya.
Naging mas malaya sila sa kanilang pananampalataya.
Nawalan sila ng pagkakataong makapagpatuloy ng kanilang tradisyon.
Isang grupo ng katutubo ang tumangging magpailalim sa mga Espanyol. Ano ang posibleng
hakbang na ginawa ng mga Espanyol upang sila ay mapasuko?
Ginamit ang lakas-militar upang sila’y pilitin
Pinangunahan ang negosasyon para sa kapayapaan
Hinayaan silang maging malaya
Ano ang kahalagahan ng Pilipinas sa kalakalan ng Espanya sa Asya?
Naging daungan ito para sa kalakalang Galyon na nag-uugnay sa Asya at Amerika
Nagsilbi itong tagpuan ng iba't ibang relihiyon sa Asya
Naging basehan ito ng modernisasyon sa buong rehiyon
Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng Gobernador-Heneral sa panahon ng pamahalaang
kolonyal?
Magpatupad ng mga utos ng Hari ng Espanya
Pangasiwaan ang kalakalan ng mga Espanyol sa Asya
Mag-organisa ng mga paghihimagsik laban sa mga Pilipino
Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nagkaroon ng mga paghihimagsik laban sa
pamahalaang kolonyal?
Kawalan ng trabaho ng mga Pilipino
Kakulangan sa pagkain
Kawalang-katarungan at pang-aabuso ng mga Espanyol
Bakit itinatag ang Royal Audiencia sa Pilipinas?
Para sa pagpapairal ng hustisya
Para sa pagsubaybay sa kalakalan
Ano ang naging epekto ng Kalakalang Galyon sa ekonomiya ng Pilipinas?
Nagkaroon ng kakulangan sa pagkain at iba pang produkto
Umangat ang kabuhayan ng mga Pilipino
Ano ang naging epekto ng sapilitang paggawa (polo y servicios) sa mga Pilipino?
Nagkaroon sila ng oportunidad sa edukasyon
Naging sanhi ito ng paghihimagsik ng mga Pilipino
Umunlad ang kanilang kabuhayan
Ano ang pangunahing layunin ng sistemang bandala?
Mapunan ang pangangailangan ng Espanya sa Europa
Mapalakas ang ekonomiya ng Pilipinas
Pataasin ang sweldo ng mga Pilipino
Anong layunin ang nais makamit ng mga misyonero sa pagtuturo ng Kristiyanismo?
Mapabuti ang agrikultura ng Pilipinas
Masakop ang isipan at puso ng mga katutubo
Mapalawak ang kalakalang pandaigdig
Ano ang estratehiyang ginamit ng Espanya upang hatiin ang mga katutubo at mas madaling
masakop ang Pilipinas?
Reducción
Divide and rule policy
Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng Espanya sa pagpapadala ng ekspedisyon sa
Pilipinas?
Palaganapin ang Kristiyanismo
Magtatag ng mga bagong pook-pangangalakal
Ano ang ibig sabihin ng layunin na “Glory” sa kolonyalismong Espanyol?
Ang pagpapataas ng karangalan ng Espanya
Ang pagpapalaganap ng yaman sa Europa
Ang pagbibigay ng karapatan sa mga katutubo
Sa anong paraan nagagamit ang tributo ng pamahalaan?
Pagpapagawa ng kalsada at tulay
Pangangalap ng sundalo
Pagbibigay ng libreng tirahan sa mga Espanyol
Ano ang ginagawa ng isang tao kung siya ay tumatanggi sa sapilitang paggawa?
Tinuturuan ng pamahalaan ng bagong hanapbuhay
Nagbabayad ng falla o multa
Pinarurusahan ng pagsapi sa hukbo
Ano ang layunin ng pagbabayad ng tributo?
Mapondohan ang mga proyekto at gastusin ng kolonya
Matulungan ang mga Pilipino sa kanilang kabuhayan
Ilan ang itinakdang araw ng sapilitang paggawa o polo y servicio sa isang taon para sa mga
kalalakihan?
40 na araw
20 na araw
Ano ang ibig sabihin ng sapilitang paggawa noong panahon ng Espanyol?
Pagpapagawa ng mga proyekto para sa gobyerno nang walang kabayaran
Pagtatrabaho sa sariling tahanan
Ano ang layunin ng Royal Company na itinayo ng mga Espanyol sa Pilipinas?
Pagkontrol sa lahat ng kalakal sa bansa
Pagpapalaganap ng Kristiyanismo
Ano ang patakarang ipinataw ng mga Espanyol na nagtakda ng kontrol sa kalakalan ng tabako sa
bansa?
Monopolyo sa Tabako
Kalakalang Galyon
Royal Company
Alin sa mga sumusunod ang negatibong epekto ng sistemang bandala?
Pagtaas ng produksyon ng pagkain
Pagkabaon ng mga magsasaka sa kahirapan
Pagkakaroon ng maraming lupang taniman
Ano ang layunin ng Kalakalang Galyon sa pagitan ng Pilipinas at Mexico?
Makipagkalakalan sa mga bansang Europeo
Magpadala ng mga produkto sa Amerika
Maghatid ng mga kalakal mula sa Mexico patungong Pilipinas
Ano ang pangunahing layunin ng Sistemang Bandala na ipinatupad ng mga Espanyol?
Paglikom ng mga kalakal mula sa mga mamamayan
Pagpapataw ng buwis sa mga mamamayan
Ano ang layunin ng divide and rule policy ng mga Espanyol sa pamamahala sa mga katutubong
komunidad?
Paghiwalayin ang mga katutubo upang mas madaling pamahalaan
Pagtutulungan ng mga katutubo para sa kapakanan ng mga Espanyol
Piliin ang HINDI kabilang sa mga Paring Relihiyoso.
Sekular
Franciscan
Augustinian
Jesuit
Ito ay kasunduan sa pagitan ng Portugal at Espanya na nagtakda ng hangganan sa paghahati ng mga teritoryo na matutuklasan sa mga bagong lupain sa kanlurang bahagi ng mundo, upang maiwasan ang hidwaan sa pagitan ng dalawang bansa na parehong naghangad na magtamo ng mga kolonya.
Kasunduan ng Biak-na-Bato
Kasunduan ng Tordesillas
Kasunduan sa Paris
Sino ang kauna-unahang Gobernador Heneral sa Pilipinas?
Martin De Goiti
Miguel Lopez de Legazpi
Sebastian Cabot
Kailan nakarating si Magellan sa Pilipinas?
Abril 27, 1521
Marso 16, 1521
Marso 18, 1521
Sinong Pinuno sa Mactan ang hindi pumayag na magpasailalim sa mga Espanyol, kaya humantong sa pakikipaglaban at nauwi ito sa kamatayan ni Ferdinand Magellan?
Raha Humabon
Raha Kolambu
Lapu-Lapu
Anu-ano ang pangalan ng Limang Barko ni Magellan?
Trinidad
Victoria
Conception
San Antonio
Santiago
Victorino
Timbulan
Consumisyon
San Mateo
San Lorenzo
Anong imahe ang ibinigay ni Magellan kay Raha Humabon at sa asawa nitong si Juana?
Imahe ng Nazareno
Imahe ng Mahal na Birheng Maria
Imahe ng Sto. Nino
Sa Isla ng homonhon unang dumaong ang ekspedisyong Magellan dito sa Pilipinas. Saan makikita ang Homonhon ngayon?
Leyte
Cebu
Samar
Ano ang tawag sa naging sakit na ikinamatay ng mga kasama ni Magellan ng sila ay nasa Karagatang Pasipiko ?
Tuberculosis
Chicken Pox
Scurvy
