wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 7 - IKAAPAT NA MARKAHAN - SUMMATIVE TESTS

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ang naging pangunahing tagapagtaguyod ng mga pahayag sa pamamagitan ng pag-aanyaya ng mga mandaragat. Siya ang naging patron ng mga manlalakbay kaya ikinabit sa kanyang pangalan ang katawagan "the navigator".

a)

Bartolomeo Dias

b)

Christopher Columbus

c)

Prince Henry

d)

Pedro Cabral

2.

Konseptong ang kayamanan at kapangyarihan ay nakabatay sa dami ng pilak at ginto.

a)

kolonyalismo

b)

Imperyalismo

c)

Kapitalismo

d)

Merkantilismo

3.

Ito ay tumutukoy sa patakaran ng isang makapangyarihang bansa na palawakin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o pangkontrol sa pangkabuhayan at pampolitikong kaayusan ng isa o iba't ibang bansa.

a)

Imperyalismo

b)

Kolonyalismo

c)

Protectorate

d)

Sphere of Influence

4.

Tumutukoy sa isang nasyon na pinoprotektahan at kinokontrol ng kabilang bansa o nasyon. Kadalasan itong ginagawa o isinasagawa sa isang maliit na bansa kung saan kinakailangan niyang maging dependente sa iba o kaya naman nasakop ng kabilang bansa.

a)

Imperyalismo

b)

Kolonyalismo

c)

Protectorate

d)

Sphere of Influence

5.

Tawag ito sa pagluhod sa harap ng emperador at pagyukod na dumadaiti ang noo sa sahig nang siyam na ulit.

a)

Cohong

b)

Queue

c)

Kowtow

6.

Ang digmaang ito ang kauna-unahang digmaang imperyalismong naganap sa Silangan.

a)

Unang Digmaang Opyo

b)

Ikalawang Digmaang Opyo

c)

Digmaang Sino-Tsino

7.

Ito ay tumutukoy sa pantay na pakikibahagi ng mga bansa sa lahat ng karapatan at pribilehiyong pangkalakalang maaaring ipagkaloob ng isang bansa sa ibang bansa.

a)

Open-door Policy

b)

Rotation Policy

c)

Sphere of Influence

8.

Nagbigay ng karapatan sa iba pang mga bansa na makipagkalakal sa mga teritoryong nasa ilalim ng sphere of influence ng mga Kanluranin

a)

Open Door Policy

b)

Culture System

c)

Fiscal Policy

d)

Wala sa nabanggit

9.

Ito ang kaisipan ang mga kanluraning bansa na ang mga nasasakupan nila ay pabigat sa mga bansang kanluranin at tungkulin nitong paunlarin ang mga ito.

a)

White man's burden

b)

White man's brain

c)

White man's birth

d)

White man's black

10.

Lungsod sa China kung saan naganap ang malawakang pagpatay sa libu-libong Chinese na sibilyan noong Disyembre 1937.

a)

Canton

b)

Kunming

c)

Nanking

d)

Wuhan

11.

Ang Vietnam, Cambodia, at Laos ay kilala sa tawag na______ at nagkaroon ng labanan noong Setyembre 1940 sa mga Hapones.

a)

French Indo China

b)

Dutch East Indies

c)

Malaya

d)

Manchukuo

12.

Ang teritoryo na ito ay sumuko sa kamay ng mga Hapones matapos ang 18 araw ng matinding pakikipaglaban noong Disyembre 25, 1941

a)

Taiwan

b)

Macao

c)

Hongkong

d)

Canton

13.

Lungsod sa Japan na kauna-unahang binagsakan ng atomic bomb

a)

Tokyo

b)

Nagasaki

c)

Hiroshima

d)

Osaka

14.

Alin slogan ang nagpapahayag ng ideya ng nagkakaisang Silangang Asya sa pangkultura at pang-ekonomiya ng mga Asyano na pormal na ipinahayag ni Minister Yosuke Matsuoka?

a)

Greater East Asia Co- Prosperity Sphere

b)

Greater East Asia for Japanese Empire

c)

Greater East Asia Against European Powers

15.

Tama o Mali. Ang pag-atake sa Pearl Harbor ng mga Japanese ay isang sorpresa para sa USA.

a)

Tama

b)

Mali

16.

Anong pangyayari ang naging dahilan ng pagsiklab ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand

b)

Pagiging makapangyarihan ng Germany

c)

Pagtataksil ng Austria Hungary

d)

Paghihimagsik ng Britanya

17.

Anong kasunduan ng mga bansa ang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

Treaty of Paris

b)

League of Nations

c)

Treaty of Versailles

d)

United Nations

18.

Alin sa sumusunod ang bansang kaalyado ng France at Russia?

a)

Germany

b)

Italy

c)

Austria Hungary

d)

Great Britain

19.

Malubha ang pinsalang naidulot ng Unang Digmaang Pandaigdig. Tinatayang 8.5 milyon ang namatay 22 milyon ang sugatan at 18 milyong sibilyan ang namatay sa gutom, sakit at paghihirap. Maraming ari-arian din ang nawasak. Ano ang ipinapakitang epekto ng digmaan sa Europe?

a)

Maraming buhay ang naapektuhan ng digmaan

b)

Malaki ang pinsalang naidulot ng digmaan sa ekonomiya

c)

Ang Europe ay bumagsak matapos ang Unang Digmaang

Pandaigdig

d)

Ang digmaan ay walang mabuting dulot sa mga mamamayan

at kapaligiran

20.

Kapag may pagkakataon kang maging isang kinatawan ng isang maliit at mahirap na bansa, alin sa sumusunod na pananaw ang iyong isusulong upang ipagtanggol ang iyong bansa laban sa mas malakas at makapangyarihang bansa?

a)

Papayag sa kung ano ang gusto ng mas malakas na bansa.

b)

Hindi magsusulong ng anumang interes dahil mababalewala rin naman.

c)

Isusulong ang pambansang interes at karapatan anuman ang mangyari.

d)

Isusulong ang interes ng iba pang bansa na interesado sa usapin upang magkaroon ng kaalyansa.

21.

Sino ang pumatay kay Archduke Franz Ferdinand na naging sanhi din ng pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?

a)

A. Vittorio Emanuele

b)

B. Woodrow Wilson

c)

C. David Lloyd George

d)

D. Gavrilo Princip

22.

Ang Unang DIgmaang Pandaigdig ay nagtapos sa Kasunduan sa Versailles.

a)

TAMA

b)

MALI

23.

Kung magpahanggang sa kasalukuyan ay mga digmaan at pananakop pa rin na nagaganap, tulad ng pagkalat ng sakit na COVID-19 sa siyang sumasakop sa pamumuhay ng iba't ibang tao sa mundo, paano mo ito malalabanan?

a)

Ako ay hindi makikinig sa payo ng ating gobyerno at gagawin ko pa rin ang pagpunta sa mga mall at parke upang magsaya

b)

Ako ay makikinig sa payo ng ating gobyerno ay gagala pa rin

c)

Susundin ang utos ng mga magulang at pamahalaan. STAY AT HOME at laging magdarasal at iingatan ang sarili upang hindi magkasakit.

d)

Susundin ang utos ni Pangulong Duterte na magtik-tok na lamang.

24.
Ang pumatay sa pinuno ng Austria na nagbunsad ng UNang Digmaang Pandaigdig
a)
Gavrilo Princip
b)
Woodrow Wilson
c)
Adolf Hitler
d)
Francis Ferdinand
25.
Ano ang naganap noong Disyembre 7, 1941
a)
Pagbomba sa Pearl Harbor
b)
Pagbagsak ng Bataan
c)
Death March
d)
Pagbagsak ng Corregidor
26.
Alin ang hindi kabilang sa AXIS Powers?
a)
USA
b)
Japan
c)
Germany
d)
Italy
27.

Para saan ang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere?

a)

Ito ay propaganda ng mga Hapones upang makuha ang suporta ng mga Amerikano at ng iba pang bansa sa Asya

b)

Ito ay propaganda ng mga Hapones upang makuha ang suporta ng mga Pilipino at ng iba pang bansa sa Asya

c)

Ito ay propaganda ng mga Hapones upang makuha ang suporta ng mga Muslim at ng iba pang bansa sa Asya

d)

Ito ay propaganda ng mga Hapones upang makuha ang suporta ng mga Hapones at ng iba pang bansa sa Asya

28.

5. Bakit ikinagalit ni Adolf Hitler ang mga probisyon ng Kasunduan sa Versailles?

a)

A. Ginawang Mandated Territory ang lahat ng kolonya ng Germany

b)

B. Pinagbayad ang Germany ng malaking halaga para sa reparasyon

c)

C. Dahil ito ay kasunduang nabuo lamang ng samahang Triple Entente

d)

D. Naniniwala si Hitler na labis na naapi ang Germany sa mga probisyong nakasaad dito

29.

12. Alin sa mga sumusunod ang nagtatakda ng pagiging kaanib ng UN?

a)

A. Mga bansang nanalo sa digmaan

b)

B. Bansang may kakayahang magbigay ng taunang butaw

c)

C. Anumang sukat at populasyon ng bansa na nagmamahal sa kalayaan

d)

D. Mga bansang naapektuhan ng Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig

30.

Pandaigdigang organisasyon na naitatag pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig upang magbigay kaayusan sa mga hidwaan na nagaganap sa bawat bansa.

a)

UNESCO

b)

World Bank

c)

ASEAN

d)

United Nation

31.

Ano ang magiging epekto ng patuloy na pagtaas ng populasyon sa ating bansa?

a)

A. Mas dadami ang manggagawang Pilipino.

b)

B. Mas lalala ang kahirapan at neagtibong epekto sa kalikasan.

c)

C. Tataas ang antas ng pag-unlad ng mga tao.

d)

D. Hindi na mahihirapan ang mga tao sa paghahanap ng trabaho.

32.

Anong bansa ang nahahati sa 38th parallel hanggang sa kasalukuyan?

a)

Cuba

b)

Germany

c)

Korea

d)

Vietnam

33.

Sa panahon ng digmaan ay nagkaroon ng isang masaganang ekonomiya ang lahat ng bansa.

a)

TAMA

b)

MALI

34.

Ideolohiyang tinaguyod ng United States noong Cold War.

a)

Demokrasya at Kapitalismo

b)

Sosyalsimo at komunismo

c)

Demokrasya at Sosyalismo

d)

Kapitalismo at komunismo

35.

Ideolohiyang itinaguyod ng Unyong Sobyet noong Cold War.

a)

Demokrasya at Kapitalismo

b)

Sosyalismo at Komunismo

c)

Demokrasya at Sosyalismo

d)

Kapitalismo at Komunismo

36.

Ang Brain Drain ay isa sa mga epekto ng pangingibang bansa ng ating mga kababayan.Alin sa mga

sumusunod ang dulot na suliranin nito?

a)

Kakulangan sa mga mamumuno

b)

Kakulangan sa mga talentado at mahuhusay na manggagawa sa bansa.

c)

Pagbabawas ng populasyon

d)

Pagdami ng mga trabaho dito na iniwanan ng mga kababayan nating umalis.

37.

Ang pandarayuhan ay isang desisyong ginagawa ng mga tao kung saan lumilipat sila mula sa isang lugar patungo sa isa. Bakit nila ito ginagawa?

a)

Ito ay dahil sa gusto lamang makaranas ng ibang kultura.

b)

Nakakapangasawa ng mga dayuhan kaya sila umaalis ng bansa at nagiging migrante.

c)

Lumilipat sila ng ibang lugar sapagkat sa kanilang palagay mas maraming oportunidad ang nagbubukas sa lugar na kanilang lilipatan.

d)

Gusto lamang nilang lumayo sa lugar na kanilang pinagmulan upang makalimot sa lahat ng masasamang nangyare/karanasan nila sa kanilang pinagmulan.

38.

Ang paglaki ng populasyon ay may malaking implikasyon sa ating likas na pinagkukunan. Paano naging magkaugnay ang tao at ang likas na pinagkukunan?

a)

A. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan.

b)

B. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan para lamang sa pansariling pag-unlad.

c)

C. Ginagamit ng tao ang likas na pinagkukunan upang mapakinabangan ng lubos.

d)

D. Ginagamit ng tao ang mga likas na pinagkukunan upang mabuhay ng matiwasay at mapaunlad ang pamumuhay.

39.

Ang tao ay itinuturing na yaman ng isang bansa. Bilang isang kabataaan, paano mo maipakikita na ikaw ay yaman ng bansa?

a)

A. Pagsusumikap na makapagtapos ng pag-aaral at maging produktibong mamamayan.

b)

B. Pagsali sa mga rally upang maiparinig ang tinig ng kabataan.

c)

C. Pakikibahagi sa mga gawain na magbibigay ng pansariling kasiyahan.

d)

D. Sisikaping maragdagan ang kaalaman upang magamit sa pansariling kapakanan.

40.

Ayon sa Comission on Population and Development (POPCOM), patuloy ang paglobo ng populasyon ng Pilipinas. Ano sa palagay ninyo ang kahihinatnan ng tao at ng ating bansa kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon?

a)

A. Mas magiging produktibo ang mga tao at tataas ang produksiyon ng bansa.

b)

B. Magiging maayos ang takbo ng ekonomiya ng bansa dahil sa pangingibang bansa ng mga OFW.

c)

C. Mas tataas ang bilang ng populasyon at kakambal nito ang pagkukulang sa pinagkukunang yaman ng pangangailangan ng tao.

d)

D. Magkakaroon ng mas maraming oportunidad at hindi na maghihirap ang tao.

41.

Bakit marami sa mga bansa sa Asya ay papaunlad bunsod sa kasaganaan nito sa likas na yaman?

a)

sapagkat sa likas na yaman sila kumukuha ng makakain

b)

sapagkat sa likas na yaman sila nakakakuha ng mga mamahaling bato

c)

sapagkat sa likas na yaman sila kumukuha ng maipakakain sa kanilang mga alagang hayop

d)

sapagkat sa likas na yaman sila kumukuha ng mga hilaw na materyales na panustos sa kanilang pagawaan upang makagawa ng iba’t ibang produkto na maaring ikalakal

42.

Sa kabila ng mga bagong tuklas sa larangan ng agham, teknolohiya at medikal, umiiral pa rin ang kahirapan sa ilang bansa sa Asya. Kabilang na dito ang Pilipinas. Ano ang nakikita mong dahilan ng suliraning ito?

a)

Ang kawalang kakayahan ng mga tao na maghanapbuhay

b)

Ang pagtanggi ng mga mamamayan sa pagbabagong dulot nito

c)

Ang kakulangan sa kasanayan ng mga manggagawa dahil di nakapag-aral

d)

Ang paglaki ng populasyon sa bansa na halos di-makayang paglingkuran ng pamahalaan ng pamahalaan

43.

Pagpayag ng Tsina na maglabas ng 5 daungan para sa kalakalan ng mga Kanluranin

a)

Treaty of Tianjin

b)

Treaty of Paris

c)

Treaty of Nanking

d)

Sphere of Influence

44.

Ayon sa tala, naganap ang paghihimagsik na ito dahil sa mariing pagtutol ng mga Tsinong kasapi ng The Fists of Righteous Harmony sa panghihimasok at pananamantala ng mga Kanluraning bansa sa kanilang bansa.

a)

Rebelyong Turks

b)

Rebelyong Boxer

c)

Rebelyong Indian

d)

REbelyong Hapon

45.

Namatay siya noong Marso 12,1925 dahil sa kanser. At sa kasalukuyan siya ay kinikilala bilang isang bayani at "Ama ng Republikang Tsino".

a)

Mahatma Gandhi

b)

Sun Yat Sen

c)

Mustafa Kemal

d)

Reza Khan

46.

8. Mahihinuha sa mga impormasyon sa T- diagram, na nahati ang Korea at Vietnam matapos ang World War I. Bakit kaya nagkaroon ng paghahati ang ilang bansa sa Asya?

a)

A. Upang magkaroon ng tiyak na hangganan

b)

B. Dahil sa magkaibang kultura ng dalawang bansa

c)

C. Upang mas masukat ang pag-unlad ng ekonomiya ng dalawang bansa

d)

D. Dahil sa magkaibang paniniwala, ideolohiya, at prinsipyo, ipinaglalaban ng bawat bansa

47.

Suriin ang T-diagram sa ibaba, gawing gabay ito upang masagot ang tanong sa bilang 7-8.Alin sa mga sumusunod ang impormasyong dapat ilagay sa gitna ng T-diagram?

a)

A. 17th parallel at 38th parallel

b)

B. 38th parallel at 17th parallel

c)

C. 19th parallel at 38th parallel

d)

D. 38th parallel at 19th parallel

48.
Pagbuo ng mahuhusay at malalaking hukbong sandatahan sa lupa at karagatan at pagpaparami ng armas
a)
Alyansa
b)
Nasyonalismo
c)
Militarismo
d)
Imperyalismo
49.

Alin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag ng katagang ito: “Ang sariling pagkakakilanlan ay nawawala dahil sa impluwensiyang dayuhan”?

a)

Napapanatili ang kultura ng isang bansa

b)

Pinakikinabangan ng mga dayuhan ang likas na yaman ng mga kolonya

c)

Ang kulturang dayuhan ang pinahalagahan ng mga bansang umuunlad pa lamang

d)

Nababago ng mga dayuhan ang kultura ng kolonya sa pamamagitan ng iba’t ibang impluwensiya

50.

Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mga organisasyong pandaigdig?

a)

Dahil ito ang nag-aambon ng grasya at pag-asa sa mga kasaping mahihirap na bansa

b)

Dahil ito ang nagbibigay hudyat kung kailan dapat salakayin ang kaaway na bansa

c)

Dahil pinagbubuklod nito ang mga bansa, pinanatili ang kapayapaan at pagkakaisa

d)

wala sa nabanggit