wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA AP 5

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang ibig sabihin ng kolonisasyon?

a)

Ito ay pagtuklas ng mga lupa na tatayuan ng gusali

b)

Ito ay pagpapalaganap ng kristiyanismo sa mga ibang bansa

c)

Ito ay pagtuklas sa ibang lugar upang maging mayaman ang mga bansa sa Europa

d)

Ito ay pananakop ng mga bansa sa Europa sa malalaking lupain upang gawing teritoyo

2.

Ano ang naging kaugnayan ng kolonyalismo sa kasalukuyan?

a)

Ang pagdaraos ng kapistahan

b)

Ang pagsasagawa ng senakulo tuwing mahal na araw

c)

Ang pagkakaroon ng maraming simbahang katoliko sa bansa

d)

Ang lahat ng nabanggit ay tama

3.

Ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa kolonyalismong Espanyol?

a)

Pagtutol ng mga katutubo sa pamamalakad ng mga prayle

b)

Tuwirang pagtanggi ng mga Muslim sa Mindanao at katutubo sa hilagang Luzon

c)

Pagtanggi ng mga Espanyol na tanggapin bilang isang paring Dominikano si Apolinario dela Cruz

d)

A at B lamang

4.

Ano ang pangunahing dahilan ng pananakop ng mga Espanyol sa bansa?

a)

Hanapin ang mga pulo ng bansa

b)

Mapalawig ang kristiyanismo sa bansa

c)

Makipagkalakalan sa mga bansang Asyano

d)

Makipagkaibigan sa mga bansayang Asyano tulad ng Pilipinas

5.

Bakit naging mahalaga sa mga Pilipino ang pananakop ng mga Espanyol?

a)

Nagkaroon sila ng maraming kaibigan

b)

Natutong magdasal ang mga katutubo

c)

Napaunlad nito ang turismo ng bansa

d)

Naging daan ito upang mapaunlad ang kalakalan ng bansa

6.

Paano mo maiuugnay ang kolonyalismo sa kasalukuyang panahon?

a)

Ang pagkolekta ng buwis sa mga mamamayan

b)

Ang pakikipagkalakalan natin sa bansang Asyano

c)

Ang pagkakaroon ng tren, transportasyon at komunikasyon

d)

Lahat ng nabanggit ay tama

7.

Bakit pinanatili ang mga permanenteng pamayanang Espanyol sa Pilipinas?

a)

upang mapaunlad ang kalakalan

b)

upang mapalaganap ang Kristiyanismo

c)

upang mapadali ang pagkatuto ng mga Pilipinong mag-aaral

d)

upang mapabilis na maipatupad ang patakarang kolonyal sa bansa

8.

Base sa iyong pananaw, ang pagkakatatag ba ng kolonyang Espanyol sa Pilipinas ay naging makatarungan?

a)

Ou, dahil napaunlad nito ang ating kultura at relihiyon

b)

Ou, dahil natuto tayong makipagkalakalan sa iba't-ibang bansa

c)

Hindi, dahil umabuso sa kapangyarihan ang mga Espanyol

d)

Hindi, dahil mayayamang Pilipino at espanyol ang umunlad ang buhay

9.

Taong 1571 nang sakupin ni Miguel Lopez de Legazpi ang Maynila at ginawa itong lungsod. Kailan naging ganap na lungsod ang Maynila?

a)

Hunyo 24,1571

b)

Hulyo 24, 1571

c)

Hunyo 24, 1521

d)

Hulyo 24, 1565

10.

Sa anong panahon dumating sa bansa si Ferdinand Magellan?

a)

mula 1519-1521

b)

mula 1521-1542

c)

mula 1542-1565

d)

mula 1565-1571

11.

Upang higit na maunawaan ng mga Pilipino ang kristiyanismo dala ng mga Espanyol, kanilang isinasagawa ang mga sumusunod na gawain, maliban sa isa. Alin ito?

a)

Pagnonobena

b)

Paglalakbay sa Mecca

c)

Pagtanggap ng mga sakramento

d)

Paggunita sa buhay at kamatayan ni Hesukristo

12.

Ano ang mabuting naidulot ng kristiyanismo sa bansa?

a)

Sama-samang pagdarasal

b)

Pagkakabuklod-buklod ng mga mag-anak

c)

Ang pagyabong ng panitikang Pilipino na nauukol sa relihiyon

d)

Lahat ng nabanggit

13.

Isa sa dahilang dala ni Magellan sa kanyang ekspedisyon ay ang paghahanap ng Spice Island. Ano ang makukuha dito?

a)

Mga pampalasa ng pagkain

b)

Mga kagamitan sa paggawa ng alak

c)

Mga kagamitan sa paggawa ng bangka

d)

Lahat ng nabanggit

14.

Kailan ginawang lungsod ni Miguel Lopez de Legazpi ang Maynila?

a)

1521

b)

1565

c)

1571

d)

1519

15.

Ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa pananakop ng mga Espanyol?

a)

Marami ang tumanggap sa kulturang Espanyol

b)

Nakipagkasundo ang mga Pilipino sa mga Espanyol

c)

Nakipaglaban ang mga Pilipino laban sa mga Espanyol

d)

Sumangayon ang mga Pilipino sa mga naging patakaran ng mga Espanyol

16.

Ano ang mahahalagang pangyayari na naganap nang dumating si Miguel Lopez de Legazpi sa Mactan,Cebu noong 1565?

a)

Nagkaroon ng labanan

b)

Nagkaroon ng sanduguan

c)

Nagkaroon ng misa

d)

Nagsimula ang pananakop ng Espanya sa Pilipinas

17.

Ano ang motibo sa pananatili ng mga permanenteng pamayanang Espanyol sa Pilipinas?

a)

para mas umulad pa ang kabuhayan ng bansa

b)

para mas mabilis na mapalaganap ng Kristiyanismo sa bansa

c)

para mas mabilis ang pamamahala ng Espanyol sa bansa

d)

A at B lamang

18.

Ito ang tawag sa sapilitang pagpapalipat sa sentro ng mga taong nakatira sa malalayong lugar upang maputol ang mga tulong na pagkain at gamot galing sa pamahalaan.

a)

Reduccion

b)

Sistemang Bandala

c)

Sapilitang Paggawa

d)

Monopolyo sa Tabako

19.

Ano ang naging epekto sa lipunan ng pamamahala ng mga prayle?

a)

Umunlad ang kabuhayan ng mga Pilipino

b)

Marami ang nangibang bayan/bansa na lamang

c)

Hindi naging patas ang pamamalakad ng mga prayle sa mga Pilipino

d)

Naging isang malaking pahirap sa mga Pilipino ang ginawang pamamalakad ng mga prayle

20.

Ang mga Pilipino sa barangay na nasakop ng mga Espanyol ay inilipat sa mga bagong panirahan na tinawag na Reduccion. Ano ang layunin nito?

a)

para magkahiwa-hiwalay ang mga pamilya

b)

para turuan ang mga katutubo ng mga batas

c)

para maihanda ang mga Pilipino sa pamahalaang kolonyal

d)

para pagsama-samahin sa isang pueblo ang mga pamilya mula sa malalayong lugar

21.

Ano ang naging pananaw ng mga Pilipino higgil sa pagkakatatag ng kolonyang Espanyol sa bansa?

a)

Malaking tulong ito sa pag-unlad ng ating kabuhayan

b)

Hindi ito magiging makatarungan para sa mga katutubong Pilipino

c)

Isang malaking sagabal ito sa pagtatamasa ng ating ganap na kalayaaan

d)

Ang pagpayag na basta sakupin na lamang ang bansa ng mga dayuhang Espanyol

22.

Ito ang tawag sa sapilitang pagbili ng mga Espanyol sa mga ani ng mga katutubo sa murang halaga?

a)

Reduccion

b)

Sistemang Bandala

c)

Sapilitang Paggawa

d)

Monopolyo sa Tabako

23.

Ano ang naging patakaran ng sapilitang paggawa sa pagtatatag ng kolonyang Espanyol sa bansa?

a)

Lahat ng mga lalaking naniniraha sa kolonya, may edad 16-60 ay kailangang magtrabaho nang walang bayad sa loob ng 40 araw.

b)

Lahat ng mga lalaking naninirahan sa kolonya ay babayaran ng 10 reales kada araw sa kanilang trabaho

c)

Lahat ng mga lalaking naninirahan sa kolonya ay bibigyan ng sariling lupang sakahan kapalit ng paggawa ng libre sa pamahalaaan.

d)

Lahat ng mga lalaking naninirahan sa kolonya ay magkakaroon ng sariling tahanan sa loob ng pueblo ng libre.

24.

Ano ang nagawa ng sistemang Reduccion?

a)

Maraming pamilya ang nagkahiwa-hiwalay

b)

Maraming mga pamilya ang nagkabuklod-buklod

c)

Maraming mga pamilya ang nangibang bansa na lamang

d)

Maraming mga pamilya ang nakinabang sa pagtuturo ng katesismo

25.

Sa paanong paraan naiba ang tributo sa encomienda?

a)

Ang tributo ay isang sistema ng pagbubuwis na maaaring bayaran ng salapi,ginto, tela

b)

Ang tributo ang unang hakbang sa pagtatag ng kolonyang Espanyol sa bansa

c)

Ang tributo ay ang mga lupang ipinagkatiwala sa mga Espanyol para sa pamahalaan

d)

Ang tributo ay pagbubuwis samantalang ang encomienda ay pagkakatiwala ng mga lupa sa mga Espanyol.

26.

Sa panahong ito, ipinagbawal ang pagtatanim ng  kahit anong produkto tulad ng palay, mais at gulay. Ano ano tawag sa panahon na ito?

a)

Reduccion

b)

Sistemang Bandala

c)

Sapilitang Paggawa

d)

Monopolyo sa Tabako

27.

Ano ang naging epekto ng Sapilitang Paggawa sa katutubong populasyon?

a)

Marami ang nangibang bansa na lamang

b)

Marami ang nasiyahan sa mga patakarang ipinatupad ng mga dayuhan

c)

Marami ang naging sunud-sunuran na lamang sa mga patakaran ng mga dayuhan

d)

Marami sa mga Pilipino ang naghimagsik ang kalooban at nag-alsa laban sa Espanyol dahil di naging makatarungan ang kanilang mga patakaran sa bansa

28.

Paano napahalagahan ang naging bunga ng tribute at encomienda?

a)

Marami ang natuwa sa sistemang ito

b)

Umabuso sa kanilang tungkulin ang mga encomiendero

c)

Tinutulan ng maraming Pilipino ang pagbabayad ng tributo

d)

Naningil ng labis-labis na buwis ang maraming encomiendero

29.

Ano ang naging tungkulin ng mga prayle sa ilalim ng Patronato Real?

a)

pangongolekta ng buwis

b)

pagkontrol sa pagtatalaga sa matataas na pwesto sa simbahan

c)

palaganapin,panatilihin at protektahan ng simbahan ang relihiyong Romano Katoliko

d)

lahat ng nabanggit

30.

Sistema kung saan ang mga kalalakihan na may edad 16-60 ay kailangang magtrabaho ng 40 araw sa loob ng isang taon?

a)

Reduccion

b)

Sistemang Bandala

c)

Sapilitang Paggawa

d)

Monopolyo sa Tabako

31.

Ano ang naging kaugnayan ng kristiyanismo sa reduccion?

a)

Pagtuturo ng mga katesismong katoliko sa mga mamamayan

b)

Pagpapatupad sa sitemang polo y servicio o sapilitang paggawa

c)

Nailipat ng tirahan ang mga pamilya sa isang pamayanang tinawag na pueblo

d)

Inatasan ang pagtatatag ng mga panirahan ang mga bagong binyag sa kristiyanismo at ang mga hindi pa nabibinyagan

32.

Ang tributo ay maaaring bayaran ng salapi. Nagsimula ito sa 8 reales at naging 10 reales noong 1602, kalaunan ay naging 12 reales noong 1851. Alin ang hindi dahilan sa pagkolekta ng mga buwis?

a)

Upang makapagpatayo ng mga simbahan

b)

Upang may mapaglibangan ang mga prayleng Kastila

c)

Upang matustusan ang pangangailangan ng pamahalaan

d)

Upang makapagpagawa ng mga tulay at kalsada

33.

Ano ang ginawang pamamalakad ng mga prayle sa pagpapaunlad ng mga sinaunang Pilipino?

a)

Pangongolekta ng buwis o tributo

b)

Ipinatupad ang sistemang reduccion

c)

Ang sapilitang paggawa o polo y servicio

d)

Ipinatupad ang sistemang encomienda

34.

Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng pagpapatatag ng Kolonya ng Espanyol sa bansa?

a)

Tumutol ang mga katutubo sa pagbabayad ng buwis

b)

Pinalawak ang paraan ng komunikasyon at transportasyon

c)

Binuksan ang mga daungan sa kapuluan para sa pakikipagkalakalan sa Acapulco(Mexico)

d)

Nagtayo ang mga Espanyol ng pabrika ng sabon, kandila, asukal at tabako

35.

Alin sa mga sumusunod ang hindi positibong epekto ng Monopolyo sa Tabako?

a)

lumaganap ang taggutom

b)

Tumaas ang ekonomiya ng bansa

c)

Dumami ang produktong tabako sa bansa

d)

Naging tanyag ang ating bansa sa Asya

36.

Anong sangay ng pamahalaan ang gumagawa ng batas?

a)

Ehekutibo

b)

Elekutibo

c)

Hudikatura

d)

Lehislatibo

37.

Ano ang hindi Magandang epekto ng kolonisasyon?

a)

Nalinang ng husto ang likas na yaman ng Pilipinas

b)

Ang mga Pilipino at natuto sa mga gawaing pang-industriya

c)

Ang mga Espanyol ang higit na nakinabang sa likas na yaman

d)

Ang mga Pilipino ay natuto sa Panggagamot at lunas sa mga sakit

38.

Sino ang namuno sa paglalayag ng Espanya upang tumuklas ng ibang lupain?

a)

Ferdinand Magellan

b)

Ferdinand Marcos

c)

Miguel Lopez de Legazpi

d)

Ruy Lopez de Villalobos

39.

Alin sa mga sumusunod ang hindi negatibong epekto ng Monopolyo sa Tabako?

a)

Madami ang namatay

b)

Nag-alsa ang mga magsasaka

c)

Nagkaroon ng matinding taggutom

d)

Naging tanyag ang ating bansa sa tabako

40.

Anong sangay ng pamahalaan ang nagpapatupad ng batas?

a)

Ehekutibo

b)

Elekutibo

c)

Hudikatura

d)

Lehislatibo

41.

Bakit mahalaga ang pagtatanim ng iba't-ibang produkto sa ating bansa?

a)

upang madaming ani ang masira

b)

upang madami ang maghirap at magutom

c)

upang mapunan ang pangangailangan sa pagkain

d)

upang may itago at ibenta ng mahal kung wala ng mabili

42.

Ang mga sumusunod ay dahilan ng pagtutol ng mga Pilipino sa pagbabayad ng buwis. Alin ang hindi?

a)

madami ang nagutom

b)

lalong yumaman ang mga Pilipino

c)

lalong naghirap ang mga Pilipino

d)

madami ang namatay dahil sa kagutuman

43.

Bakit tumutol ang mga Pilipino sa paniningil ng buwis ng mga Espanyol?

a)

dahil nagdulot ito ng kahirapan sa mga Pilipino

b)

dahil napaunlad nito ang buhay ng mga Pilipino

c)

dahil nakakatulong ito sa mga mamamayan ng Espanya

d)

dahil ang pamahalaang Espanyol lamang ang nakikinabang

44.

Ito ay ang Sistema kung saan magpahanggang ngayon ay makikita padin natin ito na ipinatutupad? Lahat ng tao ay mayroong ganito na siyang katunayan ng kanilang pagkamamamayan. Anu ito?

a)

Bandala

b)

Cedula Personal

c)

Encomienda

d)

Sapilitang Paggawa

45.

Ang mga sumusunod ay negatibong epekto ng sapilitang paggawa. Alin ang hindi?

a)

dinadala sa malalayong lugar

b)

binabayaran ng tamang halaga

c)

nawalay ng matagal sa pamilya

d)

bumaba ang produksyon ng pagkain

46.

Alin sa mga sumusunod ang dahilan at layunin ng kolonyalismong Espanyol?

a)

Ang pakikipagkalakalan sa Silangan

b)

Ang pagpapalaganap ng kristiyanismo

c)

Mahigpit na pangangailangang magkaroon ng bagong rutang pagkalakalan

d)

lahat ng nabanggit

47.

Alin sa mga sumusunod ang hindi mabuting ibinunga ng tribute at encomienda sa mga Pilipino?

a)

labis na kahirapan

b)

maraming Pilipino ang nag-alsa

c)

maraming mahihirap ang namundok upang makaiwas sa tributo

d)

lahat ng nabanggit

48.

Anong konklusyon ang maaari mong mabuo sa naging bunga o epekto ng patakaran/ paraan sa pananakop ng Espanyol sa Pilipinas?

a)

Maraming Pilipino ang nag-alsa laban sa mga Kastila

b)

Marami ang binalewala na lamang ang kanilang mga patakaran

c)

Maraming Pilipino ang natuwa sa mga patakarang ipinatupad ng mga Kastila sa bansa

d)

Umusbong ang diwang makabansa ng mga Pilipino at ipinaglaban ang kalayaan ng bansa

49.

Sa iyong pananaw, ano ang naging epekto ng pamamalakad ng mga prayle sa pagpapaunlad ng mga sinaunang Pilipino?

a)

Maraming Pilipino ang natuwa at nasiyahan

b)

Naghimagsik ang kalooban at nag-alsa laban sa Espanyol

c)

Umunlad ang kanilang pamumuhay sa ilalim ng mga Espanyol

d)

Naging sunud-sunuran na lamang ang mga Pilipino sa mga Espanyol.

50.

Ano ang dahilan ng Espanya sa pananakop sa Pilipinas?

a)

upang makasakop ng mga lupain

b)

upang iligtas ang mga Pilipino sa kahirapan

c)

upang maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo

d)

upang makatuklas ng mga bagong ruta patungong Silangan