WorksheetsESP SECOND QUARTER
Total questions: 25
Worksheet time: 14mins
1. Alin sa mga sumusunod ang kilos na dahil sa takot?
A. Ang pag-ilag ni Manny Pacquiao sa suntok
B. Ang pag-iingat ng doctor sa pag-oopera
C. Ang pagsisinungaling sa tunay na sakit
D. Pagnanakaw ng kotse
2. Alin sa mga ito ang HINDI maituturing na gawi?
A. Pagsusugal
B. Paglilinis ng ilong
C. Malimpungatan sa gabi
D. Pagpasok ng maaga
3. Kung kikilalanin ang katuruan ni Aristoteles, aling kilos ang ipinakita ng isang taong nanakit sa kapwa
dahil sa galit bilang reaksiyon sa panloloko sa kanya?
A. Walang kusang – loob
B. Kusang-loob
C. Di-Kusang -loob
D. Kilos-Loob
4. Isang matandang babae ang nagpapalit ng malaking halaga sa isang sari-sari store. Walang
barya na maaring ipalit sa kaniyang pera, ngunit ang totoo ay mayroon naman dahil maraming
benta ang kanilang tindahan. Ang tindera ay nagsinungaling. Anong salik ang nakaapekto
sa sitwasyon?
A. Gawi
B. Karahasan
C. Kamangmangan
D. Takot
5. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng Kilos ng Tao?
A. Paglalakad
B. Pagbabasa
C. Pagsasayaw
D. Paghikab
6. Ano ang dalawang kategorya na bumubuo sa 12 yugto ng makataong kilos ayon kay
Sto Tomas de Aquino?
A. Sanhi at bunga
B. Interaksyon at layunin
C. a) Paghuhusga at Pagpili
D. Isip at Kilos – loob
7. Habang naglalakad sa Mall si Rose ay nakakita siya ng sapatos. Matagal nan yang gustong
magkaroon ng ganoong klase ng sapatos, tumigil sya sandali at nag-isip kung saan sya kukuha ng pera upang mabili ito. Nasa anong yugto ng makataong kilos si Rose?
A. Intensiyon ng layunin
B. Pagkaunawa sa layunin
C. Nais ng layunin
D. Praktikal na paghhusga sa pagpipili
8. Gamit ang halimbawa sa bilang 7, pinag-isipan ni Rose ang iba’t ibang paraan upang mabili niya
Ang sapatos. Hihingi ba siya ng pera sa kanyang magulang, mag-iipon o magnanakaw ng pera
upang mabili ito. Nasaan na kayang yugto ng kilos si Rose?
A. Masusing pagsuri sa paraan
B. Paghuhusga sa nais makamit
C. Intensiyon ng layunin
D. Pagkaunawa sa layunin
9. Bakit kailangang mabigyan ng sapat na panahon sa pagpapasya ang tao?
A. Upang magsilbing gabay sa buhay
B. Upang magsilbing paalala sa mga gagawin
C. Upang magkaroon ng sapat na pamantayan sa pagpipili
D. Upang mapagnilayan ang bawat panig ng isasagawang kilos
10. Ayon kay Max Scheler, alin sa mga sumusunod ang nakikita sa pagpapahalaga natin sa mga
bagay gawi at kilos?
A. Isip
B. Damdamin
C. Saloobin
D. Kilos-Loob
11. Bakit kinakailangang isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa sa ating kilos?
A. Ito ay tanda ng ating pananampalataya
B. Sa pagbibigay sa kapwa, tumatanggap din tayo
C. Kung ano ang iyong ginawa ay maaaring gawin din sa iyo
D. Lahat ng nabanggit
12. Bakit sinasabi na ang Moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto Tomas de Aquino?
A. Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos
B. Sapagkat nakakapagpasya ito ng naaayon sa tamang katwiran
C. Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan
D. Sapagkat napatutunayan nito ang sariling kilos kung ito ay Mabuti o masama.
13. Si Johnny ay isang pulis, Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na mahal siya
Ng kanyang mga kapitbahay, ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, na ang
Tinutulong nya sa mga ito ay galling sa pangongotong na kinukuha niya sa nahuhuli nyang tsuper
Sa kalsada. Tama ba o Mali ang kilos ni Johnny?
A. Tama, dahil Mabuti naman ang kanyang panlabas na kilos
B. Tama, dahil marami naman siyang natutulungang nangangailangan
C. Mali, dahil kahit Mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na kilos.
D. Mali, dahil hindi galling sa kanya ang kanyang itinutulong
14. Alin sa sumusunod ang hindi kahlugan ng Layunin?
A. Ito ay tumutkoy sa panloob na kilos
B. Ito ang pinakatunguhin ng kilos
C. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdadagdag ng kabutihan o kasamaan ng kilos
D. Ito ay nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob.
15. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakakabawas
O nakakaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos?
A. Sirkumstansiya
B. Layunin
C. Katungkulan
D. Paraan
16. Alin sa mga sumusunod ang uri ng sirkumstansiya na tumutukoy sa mismong kilos, gaano man ito
Kalaki o kabigat ?
A. Ano
B. Paano
C. Sino
D. Kailan
17. Si Robin Hood ay kilalang karakter na ginagamit ang mga ninakaw sa mga mayayaman upang
Tumulong sa mga mahihirap. Tama ba ang gawaing ito?
A. a) Hindi , Dahil mali ang magbigay ng tulong sa mahihirap
B. Hindi, dahil mali ang magnakaw kahit Mabuti ang layunin
C. OO, dahil tumutulon siya sa mahihirap
D. OO, dahil mayaman naman ang kanyang ninanakawan
18. Sa iyong palagay tama ba na kuhanan ng video ang mga taong binibigyan ng tulong?
A. Oo, Upang makilala nila ang taong natulungan
B. Oo, Upang ipakita sa ibang tao na siya ay matulungin.
C. Hindi, Dahil hindi naman talaga sila nakatanggap ng tulong.
D. Hindi, dahil hindi isina alang alang ang kahihiyan na maaari nilang maramdaman
19. Ito ay tinatawag na panlabas na kilos na kasangkapan o paraan upang makamit ang layunin.
A. Layunin
B. Kilos
C. Sirkumstansiysa
D. Kahihinatnan
20 . Bakit hindi maaaring paghiwalayin ang panloob at panlabas na kilos ?
A. Dahil kung masama ang panloob, magiging masama rin ang buong kilos,kahit Mabuti ang panlabas
B. Dahil kung ano ang kilos ng panlabas ay nagmumula sa panloob na kilos
C. Dahil maaaring madaig ng panlabas na kilos ang panloob na kilos
D. Dahil hindi magiging maganda ang kalalabasan ng kilos
21. NIyaya si Alfred ng kanyang mga kamag-aral na huwag na pumasok at pumunta na lamang sa
Computer shop. Hindi kaagad ng oo si Alfred bagkus ito ay kanyang pinag-isipang Mabuti kung ito ba ay tama o mali at ano ang sakaling magiging epekto nio sakaling sumama siya. Anong proseso
ng pagpapasiya ang ginamit ni Alfred?
A. Tingnan ang kalooban
B. Isaisip ang posibilidad
C. Magkalap ng paunay
D. Maghanap ng ibang kaalaman
22. Alin ang mas matatag na batayan ng pagiging Mabuti o masama ng isang kilos ayon sa pananaw
Ni Emmanuel Kant?
A. Ang mabuting bunga ng kilos
B. Ang Makita ang kilos bilang isang tungkulin
C. Ang pagkasundo sa batas ng nagtaguyod sa mabuting kilos
D. Ang layunin ng isang mabuting tao
23. Bakit kinakailangang isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa sa ating kilos?
A. Ito ay tanda ng ating pananampalataya
B. Sa pagbibigay sa kapwa, tumatanggap din tayo
C. Kung ano ang iyong ginawa ay maaaring gawin din sa iyo
D. Lahat ng nabanggi
24. Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito mabuti at nakapagbibigay
Ng kasiyahan. Ito ay sa kadahilanang ang _____ niya ay nakatuon at kumikiling sa mabuti sa kanya nakikita niya bilang tama.
A. Dignidad
B. Kilos-Loob
C. Kalayaan
D. Isip
25. Alin sa mga kilos na ito ang bawas ang pananagutan dahil sa damdamin?
A. Paliligaw sa crush
B. Pagsugod sa bahay ng kaalitan
C. Panlilibre sa barkada dahil mataas na marka gng nakuha
D. Pagbatok sa barkada dahil sa biglaang panloloko
