NEW
Font size
WorksheetsESP VIRTUAL TAGIS-TALINO CONTEST
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Ano ang katuwang ng mga magulang sa pagpapatupad ng edukasyon para sa mga bata?
paaralan
mga kapitbahay
mga kamag-anak
kawani ng gobyerno
Alin sa mga sumusunod ang pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang iniisip, salita at gawa?
puso
Likas na Batas Moral
konsensiya
kilos-loob
Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay sa kahusayan ng tao, ayon kay Professor Erickson?
karanasan
pinag-aralan
tiwala sa sarili
masusing pagsasanay
Ano ang orihinal at pangunahing karapatan ng mga bata?
karapatang kumain
karapatang mabuhay
karapatan sa edukasyon
karapatang magkaroon ng magulang
“Ang Tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos kaya’t siya ay tinawag na Kaniyang obra maestro.” Ano ang nais iparating ng kasabihan?
Ang tao’y may katangiang tulad ng katangiang taglay Niya.
Kamukha ng tao ang Diyos.
Kapareho ng tao ang Diyos.
Ang tao ay inilikha ayon sa pisikal na katangian ng Diyos.
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mga kritikal na sandali ng ating buhay kung saan nahihirapan tayong mamili kung ano ang dapat gawin?
problema
krisis
pagsubok
kahinaa
Ano ang bunga ng maling pagpili?
karahasan
karanasan
pagmamahal
pagsisisi
Ang kumain nang sabay-sabay ay isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino. Ano ang magandang dulot ng kaugaliang ito?
respeto sa pamilya
pagiging buo ng pamilya
pagpapahalaga sa kaugalian
nagpapatibay ng samahan ng pamilya
Alin sa sumusunod na kasabihan ang may kaugnayan sa talento at kakayahan?
Time is gold.
The feeling is mutual.
Honesty is the best policy
Practice makes perfect.
Alin sa mga sumusunod ang HINDI napabilang sa katangian ng tiwala sa sarili?
Ito ay hindi namamana
Ito ay nababago sa paglipas ng panahon.
Ito ay hindi nakasalalay na sa mga bagay na labas sa ating sarili.
Ito ay unit-unting natutuklasan bunga ng karanasan.
Sa kabila ng kahirapan, hindi nawawalan ng pag-asa ang ama ni Linda sa pagtaguyod sa kanila. Alin sa sumusunod ang positibong impluwensiyang ipinakita ng ama?
pagiging matatag
pagiging madasalin
pagiging masayahin
pagiging disiplinado
Paano mapauunlad ang sarili?
pag-aaral nang mabuti
pagmamahalan at pagtutulungan
pagtutulungan sa anumang gawain
pagmamahal sa mga mahahalagang bagay
Alim sa mga sumusunod na sa pamamagitan nito ay may kaalaman ang tao sa kung ano ang mabuti sa masama?
isip
kilos-loob
pagkatao
damdamin
Ang konsensiya ay nangangahulugan ng paglilitis sa sarili. Ano ang ibig sabihin nito?
Bahala ang tao sa kanyang kilos.
Pag-aralan, unawain at hatulan ang sariling kilos.
Obligasyon ng tao na kumilos nang maayos.
Makabubuti sa tao na kumilos nang tama.
Ano ang pangunahing elemento sa pagtugon ng tunay na kalayaan?
Kalayaang pumili
Pagkamit ng hustisya
Karapatang bumili at magtinda
Responsibilad at pagsilbi
Alin sa mga kilos ang dapat isagawa upang mapatatag ang pagmamahalan at pagtutulungan sa pamilya?
pagkakaisa sa mga gawain
mag-isang naglilinis ng bakuran
pinapairal ang pagiging maramot
nagbibingi-bingihan sa utos ng magulang
Ano ang tawag sa pagkagusto o pagiging masaya sa ating ginagawa?
tiyaga
mithiin
hilig
tiwala
“Kapag sama-sama at nagtulungan ang bawat kasapi ng pamilya ito ay magiging buo at matatag.” Anong aral ang mapupulot sa kasabihan?
Ang pamilya ang pundasyon sa lipunan.
Ang pamilya ang salamin sa lipunan.
Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.
Kung matatag ang pamilya, may pakinabang sa lipunan.
Kailan nagkakamali sa paghatol ang konsensiya?
Kapag nakinig sa sinasabi ng ibang tao.
Kapag mahina ang paninindigan ng isang tao.
Kapag napilitan ito dahil wala nang ibang pagpipilian.
Kapag taliwas sa katotohanan ang taglay niyang kaalaman.
Saan nagsisimula ang pag- unlad ng tao?
pamilya
paaralan
sarili
kapwa
