wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

GMRC

Total questions: 10

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Mayroon kang bagong kaklase at walang siyang kakilala ni isa o kaibigan sa inyong silid-aralan. Ano ang gagawin mo?

a)

Hihintayin ko na lumapit siya sa akin.

b)

Hahayaan siyang mag-isa hanggang masanay sa mga kaklase.

c)

Makikipag-usap at kakaibiganin ko siya.

d)

Aawayin at hindi isasali sa laro.

2.

Mayroon kayong bagong kapit-bahay at nakita mong nahihirapan silang ilagay ang kanilang gamit. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Maglalaro dahil hindi naman ako makatutulong

b)

Titingnan ang mga gamit nila na pwede kong hiramin.

c)

Tutulungan silang ipasok ang kanilang gamit sa kanilang bahay

d)

Hahayaan sila dahil kaya naman nilang buhatin at ilagay ang kanilang mga gamit

3.

Nakita mong nahihirapan na binuhat ng iyong lola ang kanyang binili na mga pagkain. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Hindi papansinin si lola baka magalit pa siya

b)

Tutulungan si lola sa kanyang dala

c)

Maghihintay kung maghingi ng tulong si lola

d)

Tatawagin ang aking mga magulang para tulungan si lola

4.

May estranghero na naligaw sa inyong lugar. Nakita ka niya at tinanong ka kung saang lugar matatagpuan ang Health Center. Ano ang gagawin mo?

a)

Magpatuloy magtuloy maglaro dahil hindi dapat makipag-usap sa mga estranghero

b)

Hindi papansinin at hayaan silang maghanap ng Health Center

c)

Ituturo kung saang direksyon makikita ang Health Center

d)

Lumisan ng mabilis at tumawag ng pulis

5.

Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagtulong sa kapwa?

a)

Magtapon ng basura kahit saan para mapilitan maglinis ang kapwa

b)

Gumawa ng mga kwento kahit hindi totoo para maaliw ang kapwa.

c)

Tumambay sa kanilang mga bahay para makipagkaibigan

d)

Pagtulong sa mga nangangailangan katulad ng mga pulubi.

6.

Mayroon kang bagong kaklase na may pisikal na kakulangan. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Hindi siya papansinin para matutong tulungan ang kanyang sarili

b)

Magpapakilala at kaibiganin ko siya

c)

Bigyan siya ng mga trabaho para lumakas ang loob

d)

Hihintayin na kusa siyang lumapit

7.

Nakita mo na nadapa ang pilay na bata. Ano ang iyong gagawin?

a)

Bibigyan ng pagkain

b)

Tutulungan siya na makatayo

c)

Hahayaan ko lang siyang tumayong mag-isa para matuto

d)

Iiyak ako para madama niya ang aking awa

8.

Gusto mong kunin ang mga gamit na nandoon sa itaas na bahagi ng dingding ngunit hindi mo ito kaya. Nakita mo ang iyong kuya, ano ang iyong sasabihin upang tulungan ka niya?

a)

Kuya! Kunin mo ang mga gamit.

b)

Hoy, bingi. Kunin mo ang mga gamit sa dingding.

c)

Hoy, Kuya! Kunin mo ang mga gamit sa dingding.

d)

Kuya, pakikuha po ng gamit sa dingding.

9.

Nakita mo ang iyong lola. Ano ang sasabihin mo sa kanya?

a)

Sa kwarto ka lang po, Lola.

b)

Magandang umaga po, Lola!

c)

Umupo po kayo, Lola.

d)

Kailan ka pa huling naligo, Lola?

10.

May kasalanan ka sa inyong kaibigan dahil nasira mo ang paborito niyang laruan. Ano ang gagawin mo?

a)

Umalis para di matuklasan

b)

Hindi aaminin ang kasalanan

c)

Tumawa para matawa rin siya

d)

Humingi ng pasensya