Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa Filipino 10

Total questions: 57

Worksheet time: 29mins

Name
Class
Date
1.

Kung ang sanaysay ay matalinong pagkukuro ng sumulat tungkol sa isang paksa, ano naman ang tawag sa kabuuan ng mga kaisipang nais ipahayag ng isang mananalumpati sa harap ng publiko.

a)

editorial

b)

talumpati

c)

sanaysay

d)

talambuhay

2.

Ang pinakaunang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati.

a)

katawan

b)

paksa

c)

panimula

d)

wakas

3.

Ito ay tumutukoy sa katangian sa pagpili ng paksa kung saan may kaugnayan sa okasyon o pagdiriwang.

a)

layunin

b)

mananalumpati

c)

napapanahon

d)

tagapakinig

4.

Ang ikatatagumpay ng isang pagtatalumpati ay nakasalalay sa ____________.

a)

nilalaman at tagapakinig

b)

paksa at mananalumpati

c)

pagkakasulat at pagkakabigkas

d)

pananaliksik at pagbigkas

5.

Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa uri ng sanaysay?

a)

balita

b)

editorial

c)

lathalain

d)

tula

6.

Ano ang layunin ni Pangulong Rousseff sa paghahatid ng kanyang talumpati?

a)

maiahon ang bansa sa kahirapan

b)

maglikom ng maraming pondo para sa bayan

c)

magkaroon ng maraming kakilala

d)

maipakita na siya ay magaling kaysa naunang pangulo

7.

Alin ang hindi kabilang sa layunin ng talumpati?

a)

bumatikos

b)

magturo

c)

magyabang

d)

manghikayat

8.

Sino ang nagsalin sa wikang Filipino sa talumpati ni pangulong Dilma Rousseff?

a)

Shiela C. Moreno

b)

Shiela C. Molina

c)

Shiela C. Mendoza

d)

Sheila C. Molina

9.

Saan mababasa ang editoryal at lathalain?

a)

aklat

b)

diksyunaryo

c)

pahayagan

d)

notbuk

10.

Paano masusugpo ang labis na kahirapan ayon sa kanyang talumpati?

a)

palakasin ang panlabas na pondo

b)

kailangang bigyan ng hanapbuhay ang lahat

c)

damputin ang mga pakalat-kalat na pamilya sa lansangan

d)

bigyang prayoridad ang mahabang panahong pagpapaunlad

11.

Isang uri ng akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan na may mga sitwasyonng nasasangkot ang tauhan ngunit walang aksiyong umuunlad, gahol sa banghay at pawang mga paglalarawan lamang.

a)

kuwentong bayan

b)

maikling kuwento

c)

dagli

d)

komiks

12.

Ayon sa dagli, bakit hindi si Amelia ang mismong sumulat ng kanyang kuwento?

a)

dahil hindi siya pinag-aral ng kanyang mga magulang

b)

dahil hindi siya pinayagang mag-aral ng kanyang amo

c)

dahil lage siyang nahuhuli kanyang klase

d)

dahil tamad siyang mag-aaral

13.

Saan nagmula ang dagling 'Ako Po'y Pitong Taong Gulang'?

a)

Sa Isla ng Caribbean

b)

Sa Isla ng Carribean

c)

Sa Isla ng Chile

d)

Sa Isla ng Canada

14.

Ito ay binubuo ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao.

a)

maikling kuwento

b)

banghay

c)

tauhan

d)

nobela

15.

Isang elemento ng nobela na nagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari.

a)

simbolismo

b)

tema

c)

pananaw

16.

Isang elemento ng nobela na nagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari.

a)

simbolismo

b)

pananaw

c)

tema

d)

tauhan

17.

Ito ay elemento ng nobela na nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela.

a)

maikling kuwento

b)

banghay

c)

tauhan

d)

nobela

18.

Ang tao ay hindi nilikha upang magapi. Kailangang maging matatag sa lahat ng pagsubok sa buhay.

a)

manalo

b)

mananalo

c)

lumaban

d)

matalo

19.

Nakita kong nagpapahinga sa popa ang pagod na mangingisda.

a)

likurang bahagi ng sasakyang pandagat

b)

isang sibat na panghuli ng isda

c)

sasakyang pandagat

d)

sa ilalim na bahagi ng sasakyang pandagat

20.

Anong taon isinulat ni Ernest Hemingway ang nobelang "The Old Man and The Sea"?

a)

1951

b)

1952

c)

1953

d)

1954

21.

Sino ang nagsalin sa Ingles ng nobelang "The Old Man and The Sea"?

a)

Hesus Manuel Santiago

b)

Jesus Manuel Santiago

c)

Jesus Manuela Santiago

d)

Hesus Manuil Santiago

22.

Sa pahayag na, "pero hindi nilikha ang tao para magapi, maaaring wasakin ang isang tao pero hindi siya magagapi. Ito ay nagpapahiwatig na________.

a)

hindi dapat magpatalo sa hamon ng buhay

b)

kung may dilim may liwanag ding masisilayan

c)

nilikha tayo para lumaban at hindi para masaktan lamang

d)

may pagsubok mang dumating, matatag pa rin itong kahaharapin

23.

Anong katangian ng pangunahing tauhan ang makikita sa pahayag.

a)

maalalahanin

b)

malakas ang loob

c)

matatag

d)

may determinasyon

24.

Huwag kang mag-isip tanda, malakas niyang sabi. Magpatuloy ka sa paglalayag at harapin ang anumang dumating. Ang pahayag ay nagpapakita ng tunggaliang___?

a)

tao laban sa tao

b)

tao laban sa Lipunan

c)

tao laban sa sarili

d)

tao laban sa kalikasan

25.

Sa pahayag na, "parating na ngayon ang masamang panahon, malupit ang dentuso, may kakayahan, malakas at matalino, pero mas matalino ako sa kanya, siguro'y hindi, sa loob-loob niya. Siguro'y mas armado lang ako. Isinasaad nito na si Santiago ay _________.

a)

nananalig siya sa sarili niyang kakayahan

b)

malakas ang loob na lumaban sa pating

c)

malaki ang tiwala sa sarili

d)

lahat ng nabanggit

26.

"Ang Matanda at Ang Dagat" ay isang akdang pampanitikan na _____________.

a)

nobela

b)

mitolohiya

c)

maikling kuwento

d)

dula

27.

Nagluksa ang mga Lagrimas sa Tarlac dahil pamilyar ang istorya nito sa kanila. Ang ibig sabihin ng sinalungguhitang salita ay _____________.

a)

nagdaramdam

b)

naghihinayang

c)

nagtampo

d)

nagdadalamhati

28.

Paano nakatutulong ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin at pangyayari sa pagsulat ng sariling dagli?

a)

Nakatutulong ang mga salitang ito upang malinaw na mailarawan ang mga nadarama ng tao.

b)

Nakatutulong ang mga salitang ito upang mabigyang katuparan ang hilig ng mambabasa.

c)

Nakatutulong ang mga salitang ito upang madaling maunawaan ng mambabasa.

d)

Hindi nakatutulong ang mga salitang ito, dahil ito ang nagbibigay ng sakit ng ulo sa mambabasa.

29.

Pokus ng pandiwa kung saan ang tao o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos ng pandiwa ang paksa sa pangungusap.

a)

pokus tagaganap

b)

pokus tagatanggap

30.

Pokus ng pandiwa kung saan ang tao o bagay na nakikinabang sa resulta ng kilos ng pandiwa ang paksa sa pangungusap.

a)

pokus tagaganap

b)

pokus sa layon

c)

pokus tagatanggap

d)

pokus sa kagamitan

31.

Ano ang kahulugan ng salitang "Salao"?

a)

kamalasan

b)

katanyagan

c)

kakisigan

d)

kasiyahan

32.

Elementong nagbibigay kulay sa mga pangyayari.

a)

tauhan

b)

simbolismo

c)

damdamin

d)

pananaw

33.

Siya ang may akda ng "Sina Thor At Loki Sa Lupain Ng Mga Higante".

a)

Snori Starluson

b)

Snorri Sturluson

c)

Sheila C. Molina

d)

Sheila C. Millena

34.

Ito ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa kultura sa mga diyos o bathala at ang kanilang mga karanasan sa pakikisalamuha sa mga tao.

a)

mitolohiya

b)

nobela

c)

maikling kwento

d)

tula

35.

Nakatuon sa pagpapaliwanag ng natural na pangyayari, pinagmulan ng buhay sa daigdig, pag-uugali ng tao, paniniwalang panrelihiyon, katangian at kahinaan ng tauhan, at mga aral sa buhay.

a)

tauhan

b)

tagpuan

c)

banghay

d)

tema

36.

Bakit naglakbay sina Thor at Loki sa lupain ng mga higante?

a)

Upang bumisita sa mga kaibigang higante

b)

Upang kumustahin ang kalagayan ng mga higante

c)

Upang humanap ng makatutunggali sa palakasan

d)

Upang sakupin ang lupain ng mga higante

37.

Ano ang totoong inilaban ni Utgaro-loki sa pabilisan ng pagtakbo?

a)

Serpente

b)

Apoy

c)

Isip

d)

Dagat

38.

Sina Thor at Loki ay naglalakbay patungo sa Utgaro, lupain ng mga higante: ________________.

a)

lupaing puno

b)

lupaing naghahari ang mga kababaihan

c)

lupaing kalaban ng mga diyos

d)

lupaing pinalibutan ng mga ahas

39.

Ano ang naramdaman ni Skrymir ng pinukpok ni Thor ang kanyang ulo?

a)

sa sobrang sakit ay nandidilat ang kanyang mga mata

b)

nakaramdam siya ng ihip ng hangin

c)

inaakalang may nalaglag na dahon sa kanyang ulo

d)

kumakati ang kanyang ulo

40.

Kinuha ni Thor ang baon nilang bag at inalis ang buhol nito. Hindi niya ito maalis kaya uminit ang kaniyang ulo. Kinuha niya agad ang kaniyang maso saka pinukpok sa ulo ng higante. Ano ang ipinamalas na katangian ni Thor?

a)

magagalitin

b)

mahinahon

c)

mapagtimpi

d)

matapang

41.

Hinarap nina Thor, Loki, at Thjalfti ang mga hamong binigay ni Utgard-Loki sa kanila. Saang bahagi ng banghay matutunghayan ito?

a)

kakalasan

b)

kasukdulan

c)

panimula

d)

wakas

42.

"Bibigyan ko kayo ng mabuting payo. Huwag kayong magmamataas kay Utgard Loki," sabi ni Skrymir kay Thor. Alin ang pangunahing ideya ng diyalogong ito?

a)

Walang ipapayo ang mga nakatatanda na makasasama sa atin.

b)

Ang pagpapayo ay pagpapakita ng pagmamalasakit.

c)

Sundin ang mga payo ng mga nakatatanda.

d)

Makinig sa mga payo ng mga nakatatanda.

43.

May kaugnayan ang ___________ sa kulturang kinabibilangan noong unang panahon.

a)

Tauhan

b)

Banghay

c)

Tagpuan

d)

Tema

44.

Ano ang nagtatagong lihim sa larawan na ito?

a)

Si Utgaro-Loki ay masamang nilalang

b)

Si Utgaro-Loki ay malakas

c)

Si Utgaro-Loki at Skrymir ay iisa

d)

Malaki ang anino ni Utgaro-Loki

45.

Alin ang pangunahing ideya ng usapang ito?

a)

May mga taong huhusgahan ka kahit hindi kapa lubusang kilala.

b)

Minsa'y mababatid mo kung gaano ka kaduwag sa hamon ng buhay.

c)

Minsan ay mapagtatanto mo na mayroong mas magaling sa iyo.

d)

May mga taong masama ang loob, maliitin ka upang panghinaan ka na.

46.

Ano ang pangunahing ideya ng pahayag na ito?

a)

Magalit ka sa mga taong nanlinlang sa iyo.

b)

Maging matapat ka sa lahat ng pagkakataon.

c)

Katapatan ang pinakamainam na alituntunin.

d)

Ang pagsasabi ng katapatan ay pagsasama nang maluwag.

47.

Ano ang ginawa ng hari ng nga higante kanila Thor?

a)

Sinubok sa mga paligsahan

b)

Binilanggo at ginawang alipin

c)

Ibinenta bilang mga kalakal

d)

Ginawang pagkain

48.

Si Dr. Jose P. Rizal pala ang may akda ng tanyag na nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

a)

ingklitik

b)

kaganapan

c)

pang-abay

d)

panaguri

49.

Namalengke sina Anna at Jojo para sa kanilang mga magulang.

a)

Tagaganap

b)

Layon

c)

Tagatanggap

d)

Sanhi

50.

Sa pangungusap na, "Pinagpiknikan ng mga turista ang paanan ng bundok," anong pokus ng pandiwa ang may salungguhit?

a)

ganapan

b)

pinaglaanan

c)

layon

d)

direksyunal

51.

Si Eric ay nagtalumpati nang buong husay sa harap ng madla. Ang pokus ng pandiwa ay ________.

a)

tagaganap

b)

layon

c)

pinaglaanan

d)

sanhi

52.

Bumili si Tatay Ben ng abaka sa palengke at ginamit niyang pantali sa duyan.

a)

kagamitan

b)

ganapan

c)

layon

d)

tagaganap

53.

Kinuha namin ang pinadalang bagahe sa LBC.

a)

pamaraan

b)

panlunan

c)

pamanahon

54.

Sa Disyembre darating ang aking Lolo at Lola.

a)

pamaraan

b)

pamanahon

c)

panlunan

55.

Galit niyang inihagis ang kanyang bag sa sahig.

a)

pamaraan

b)

panlunan

c)

pamanahon

56.

Bukas ay aalis na ang aking kaibigan.

a)

pamaraan

b)

panlunan

c)

pamanahon

57.

Masaya niyang sinalubong ang kanyang mga kamag-anak.

a)

panlunan

b)

pamaraan

c)

pamanahon