WorksheetsPangsuring-basa sa Ikalawang Markahang Pagsusulit sa Filipino 10
Total questions: 60
Worksheet time: 2hrs 0mins
1. Gumawa siya ng bagong salapang sa pamamagitan ng pagtali ng kanyang kutsilyo sa dulo ng sagwan para salagin ang susunod na grupo ng mga pating. Ano ang kahulugan ng may salungguhit na salita?
huling bahagi ng sasakyang-pandagat
pinakamasamang kaanyuan ng kamalasan
sibat na ginagamit sa pangingisda ng malalaking isda
uri ng pating na may malalaki at matatalim na ngipin
Napakmalas niya na ang kanyang aprendis na si Manolin ay pinagbawalan ng magulang nito na pumalaot kasama niya. Ano ang kahulugan ng may salungguhit na salita?
A. tao na nagtatrabaho nang walang bayad
B. huling bahagi ng sasakyang-pandagat
C. pinakamasamang kaanyuan ng kamalasan
D. sibat na ginagamit sa pangingisda ng malalaking isda
Nakaupo si Santiago sa popa ng bangka habang pinagmamasdan ang dagat. Ano ang kahulugan ng may salungguhit na salita?
isang uri ng malaking pating
huling bahagi ng sasakyang-pandagat
pinakamasamang kaanyuan ng kamalasan
sibat na ginagamit sa pangingisda ng malalaking isda
4. Si Santiago ay pumalaot ng walumpu't apat na araw nang walang nahuhuling isda sa laot. Ito ay itinuturing na "salao" ng mga mangingisda. Ano ang kahulugan ng may salungguhit na salita?
isang uri ng malaking pating
huling bahagi ng sasakyang-pandagat
pinakamasamang kaanyuan ng kamalasan
sibat na ginagamit sa pangingisda ng malalaking isda
5. Sa paglalayag pauwi ni Santiago, naakit ang mga dentuso sa dugo ng marlin kung kaya't sinagpang siya nito. Ano ang kahulugan ng may salungguhit na salita?
isang uri ng malaking pating
huling bahagi ng sasakyang-pandagat
pinakamasamang kaanyuan ng kamalasan
sibat na ginagamit sa pangingisda ng malalaking isda
6. Nasira ang prowa ng barko nang bumangga ito sa malaking bato sa dagat. Ano ang kahulugan ng may salungguhit na salita?
isang uri ng malaking pating
huling bahagi ng sasakyang-pandagat
unahang bahagi ng sasakyang-pandagat
sibat na ginagamit sa pangingisda ng malalaking isda
Suriin ang pahayag sa bawat bilang at tukuyin ang paraang ginamit sa pagpapalawak ng pangungusap.
Marami ang nasa Luneta noong Setyembre 21, 2025 bilang bahagi ng isang kilos-protesta para sa karapatang pantao.
A. Atribusyon
B. Ingklitik
C. Pang-abay
D. Panlunan
Suriin ang pahayag sa bawat bilang at tukuyin ang paraang ginamit sa pagpapalawak ng pangungusap. Masosolusyunan kaya ng pamahalaan ang lumalalang problema sa pagbaha sa Metro Manila?
Ingklitik
Kaganapan
Modipikasyon
Panlunan
Suriin ang pahayag sa bawat bilang at tukuyin ang paraang ginamit sa pagpapalawak ng pangungusap. Dahil sa sunod-sunod na lindol na nararanasan sa Cebu, ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ang pagsuspinde ng klase sa lahat ng antas
A. Atribusyon
B. Kaganapan
C. Lokatibo
D. Pang-abay
Suriin ang pahayag sa bawat bilang at tukuyin ang paraang ginamit sa pagpapalawak ng pangungusap. Tunay na nakagagalit ang korapsyon sa paggamit ng pondo para sa mga flood control projects na dapat sana ay nagliligtas ng buhay.
A. Atribusyon
B. Kaganapan
C. Lokatibo
D. Pang-abay
Suriin ang pahayag sa bawat bilang at tukuyin ang paraang ginamit sa pagpapalawak ng pangungusap. Sa pangungusap na, “Nagpikinik ang mga turista sa paanan ng bundok,” anong kaganapan ng pandiwa ang may salunguhit?
A. Direksiyon
B. Ganapan
C. Layon
D. Tagaganap
Suriin ang pahayag sa bawat bilang at tukuyin ang paraang ginamit sa pagpapalawak ng pangungusap. Siya si Benjamin Magalong, ang mahusay na mayor ng Baguio City.
A. Atribusyon
B. Kaganapan
C. Lokatibo
D. Pang-abay
Suriin ang pahayag sa bawat bilang at tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may salunguhit na di-lantad ang kahulugan sa tulong ng word association. Ang salitang maiuugnay sa Brazil ay _____________.
Amelia
Rousseff
Santiago
Thor
Suriin ang pahayag sa bawat bilang at tukuyin ang kahulugan ng mga salitang may salunguhit na di-lantad ang kahulugan sa tulong ng word association. “Ipagpapatuloy nating mapahusay ang paggastos ng pera ng bayan.” Ano ang kahulugan ng salitang may salunguhit?
Amilyar
Buwis
Pondo
Taripa
Sa buong kasaysayan ng Brazil, pinili nitong itayo ang isang estado na nagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan at kapakanan ng mamamayan. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing pangangailangan ng tao maliban sa _____________.
Kanin
Kasuotan
Pagkain
Tirahan
16. “Nangangahulugang ito at muli kong sasabihin na ang pagpapanatili ng katatagan ng ekonomiya ang pinakamahalaga.” Ang sumusunod ay mga salitang maiuugnay sa salitang ekonomiya maliban sa _____________.
A. Inflation
B. Seguridad
C. Suplay
D. Turismo
Ang salitang maiuugnay sa salitang Inflation ay _____________.
kabuuang presyo
taunang presyo
pagbabago ng presyo
pananatili ng presyo
Ang salitang maiuugnay sa West Philippine Sea at South China Sea ay _____________.
giyera
kapulisan
magkaibigan
papaya
Iniibig kita nang buong taimtim, Sa tayog at saklaw ay walang kahambing
Ang buhay ay pag-ibig
Walang hanggang pagmamahal
Handang mahalin anoman ang mangyari
Iniibig ng tapat at walang pag-aalinlangan
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Masidhing pagmamahal
Handang mahalin anoman ang mangyari
Dakilang pag-ibig na may kababang-loob
Iniibig ng tapat at walang pag-aalinlangan
Laging nakahandang pag-utus-utosan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan
Pag-ibig hanggang wakas
Walang hanggang pagmamahal
Handang paglingkuran ang minamahal
Iniibig ng tapat at walang pag-aalinlangan
Kasingwagas ito ng mga bayani
Marunong umingos sa mga papuri.
Ang buhay ay pag-ibig
Handang mahalin anoman ang mangyari
Dakilang pag-ibig na may kababang-loob
Iniibig ng tapat at walang pag-aalinlangan
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita
Ang buhay ay pag-ibig
Pag-ibig hanggang wakas
Handang mahalin anoman ang mangyari
Iniibig ng tapat at walang pag-aalinlangan
Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,
Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
Pag-ibig hanggang wakas
Walang hanggang pagmamahal
Handang mahalin anoman ang mangyari
Iniibig ng tapat at walang pag-aalinlangan
Alin sa mga sumusunod ang dalawang salitang magkaugnay batay sa pahayag: "Nagmula ako sa mahirap na pamilya kaya tingin nila sa akin ay batang yagit."?
mahirap - yagit
mayaman - masaya
bata - matanda
matalino - masipag
Ako’y pitong gulang nang mahiwalay sa pamilya at sa edad kong ito, nakaranas akong magbanat ng buto.
gulang - edad
mesa - ilaw
aso - pusa
gabi - araw
"Iniwan ako ng aking ina sa isang mayamang pamilya ngunit kahit sila ay maraming pera ay nakaranas ako ng matinding pag hihirap."
mayaman - maraming pera
pera - saya
ina - pamilya
marami - kaunti
Ipinaghahanda ko ng almusal ang aking mga amo at inihain ko po iyon sa pamilyang aking pinaglilingkuran.
almusal - inihain
pamilya - amo
ina - pamilya
amo - pinaglilingkuran
Banas na banas siya sa akin habang hinuhugasan ko ang paa ng aking amo at sinampal niya ako dahil sa galit.
hinuhusgahan - sinampal
paa - amo
banas na banas - galit
habang - dahil
Nakalulungkot isipin na hindi ako nakapag-aral kaya di ako naging dalubhasa sa pagsusulat.
Nakalulungkot - isipin
nakapag-aral - dalubhasa
pagsusulat - nakapag-aral
isipin - dalubhasa
“Hindi ako titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang hapag, may mga pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na nawawalan na ng pag-asa, at habang may mahihirap na batang tuluyan nang inabandona.” -Dilma Rousseff
Ano ang paksa ng pahayag?
Maayos na paggasta ng kaban ng bayan.
Labanan at sugpuin ang labis na kahirapan.
Pagbibigay ng hanapbuhay para sa mamamayan.
Pagpapataas ng ng antas ng pamumuhunan sa pagpapatakbo ng negosyo
“Hindi ako titigil hangga’t may Brazilians na walang pagkain sa kanilang hapag, may mga pamilyang pakalat-kalat sa mga lansangan na nawawalan na ng pag-asa, at habang may mahihirap na batang tuluyan nang inabandona.”
-Dilma Rousseff
Batay sa pahayag ng pangulo ng Brazil, masasabing siya ay ________________.
mapagmalasakit
mapagmahal
may determinasyon
malakas ang loob
Tiniyak ni Dilma Rouseff na sa kanyang pamamahala ay lalabanan at susugpuin ang labis na kahirapan gayundin, ang paglikha ng mga pagkakataon para sa lahat.
Batay sa pahayag ng pangulo ng Brazil, masasabing siya ay ________________.
mapagmalasakit
mapagmahal
may determinasyon
malakas ang loob
.Ayon kay Pangulong Dilma Rouseff, ang mahabang panahong pagpapaunlad ang susugpo sa labis na kahirapan dahil
makagagawa sila ng maraming mga proyekto
maiahon ng pamahalaan ang buong bayan sa kahirapan
mabibigyan ang lahat ng pagkakataon na mabuhay nang matiwasay
ito ay lilikha ng mga hanapbuhay para sa kasalukuyan at sa darating pang henerasyon
Sa iyong palagay, ano ang unang hakbang para malutas ang kahirapan?
Pagtuunan ng pansin ang suliraning ito
Tanggapin na ito ay suliranin ng bansa
Tuligsain ang pamahalaan tungkol dito
Sisihin ang mga ibinotong opisyal ng pamahalaan
Sa palagay mo, alin ang di kabilang sa pagtutuunang pansin ng pamahalaan sa paglutas ng problema ng kahirapan?
Magpababa sa bilang ng mga mahihirap
Pabayaan na magsikap ang mga mahihirap
Magtaas ng antas ng pamumuhay ng bawat Pilipino
Pagtuunan ng pansin ang mga proyektong makalilikha ng hanapbuhay
Kasinlaya ito ng mga lalaking
Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.
Anong uri ng tayutay ang makikita sa binasang saknong?
Pagmamalabis
Pagtatao
Pagtutulad
Pagwawangis
Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Anong damdamin ang nangingibabaw sa bahaging ito ng tula?
Kalungkutan
Kasiyahan
Pagmamahal
Kasawian
Iniibig kita nang buong taimtim,
Sa tayog at saklaw/ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.
Anong elemento ng tula ang ipinakikita ng may mga salungguhit na salita?
Sukat
Tugma
Simbolo
Talinghaga
Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay
Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.
Ano ang sukat ng tula?
Wawaluhin
Sasampuin
Lalabindalawahin
Walang sukat
Umiiyak ang ulap sa gitna ng gabi, Habang ang hangin ay nagdadalamhati. Anong uri ng tayutay ang makikita sa binasang saknong?
Pagmamalabis
Pagtatao
Pagtutulad
Pagwawangis
Mula sa durungawan, tanaw ang malawak na bukirin sa likod ng kanilang bahay. Anong ang pinagmulan ng salitang durungawan?
Bentana
Bintana
Ventana
Vintana
Maraming silid-aralan ang may kakulangan sa mga upuan. Anong ang pinagmulan ng salitang upuan?
Cella
Cilla
Silla
Sella
Pinayuhan siya ng doktor na bawasan ang asukal sa kanyang pagkain dahil sa diabetes. Anong ang pinagmulan ng salitang asukal?
Azucal
Azucar
Sugar
Zugar
Napakaganda ng mga bulaklak na makikita sa kanilang taniman.
Anong ang pinagmulan ng salitang taniman?
Garden
Gardin
Hardin
Jardin
Napakayaman ng kanilang pamilya sapagkat ginto ang kanilang mga kutsara.
Anong ang pinagmulan ng salitang kutsara?
Cuchara
Cutchara
Kuchra
Kutchara
Gaya ng ginagawa ko araw-araw, gumigising po ako ng alas-singko ng umaga. Ipinapahayag nito na ang tauhan ay _________________
Maaga ang pasok sa paaralan
Nakasanayan na ang paggising nang maaga
May malayong pinupuntahan araw-araw
Maraming gawain sa bahay kaya maagang gumigising
Galit na galit ang among babae, dahil dito’y nasampal niya ang bata. Nangangahulugang ang among babae ay _____________.
Mahigpit
Mapanakit
Masama
Masungit
Nakalulungkot pong isipin na hindi ako ang mismong sumulat nito. Ipinapakita sa dayalogo na ito na ang naglalahad ay _____________.
tamad magsulat
walang interes sa pag-aaral
nagnanais na makapag-aral
hindi nais na matuto
Hindi nawala sa isipan ni Juliet ang sinabi ng kaniyang ina ang tungkol sa lalaking nakatakda niyang pakasalan, si Paris na makikilala pa lang niya sa piging. Ang pahayag na ito ay sumasalamin sa kulturang _________________
Ipinagkakasundo ng magulang ang anak.
Hindi binibigyang pansin ang damdamin ng anak.
Malayang makapipili ang anak ng kanyang pakakasalan
Ang magulang ang naka-aalam ng makabubuti sa kanilang anak.
Si Juliet ay isang Montague samantalang si Romeo ay Capulet. Ano ang mabigat na dahilan bakit hinahadlangan ang pagmamahalan ng dalawang pangunahing tauhan?
Hindi magkauri sila Romeo at Juliet.
May nakalaan nang lalaki para kay Juliet.
Mortal na magkaaway ang kanilang mga angkan.
Bawal sa kultura ng Montague ang magpakasal sa isang Capulet.
Walang pagdadalawang-isip, pumunta si Romeo sa isang butikaryo at bumili ng lason upang mapakamatay na rin dahil sa pagkamayat ng kanyang kasintahan na si Juliet. Ang pangyayaring ito ay sumasalamin sa kulturang _________________
Walang sinisino ang pag-ibig
Sa pag-ibig hahamakin ang lahat
Ang tunay na pag-ibig ay higit pa sa buhay.
Pantay-pantay ang tao sa larangan ng pag-ibig
Kahit batid ni Romeo na ang kaniyang pinakamamahal na si Juliet ay galing sa kanilang kalabang angkan, ipinagpatuloy pa rin nito ang wagas na pag-ibig sa dalaga. Ipinakikita ng pahayag na ito ang kulturang _________________
A. Ang pag-ibig ay bulag.
B. Sa pag-ibig hahamakin ang lahat.
C. Ang tunay na pag-ibig ay higit pa sa buhay.
D. Malayang makapipili ang anak ng kanyang pakakasalan.
Palihim na nag-isang dibdib sina Romeo at Juliet na nagbunga ng tunggalian ng kalalakihan sa dalawang pamilya na ikinasawi ng isa sa bawat miyembro. Ang mga tauhan ay maihahalintulad sa mga sumusunod na tauhan maliban kina _________________
A. Aladin at Flerida
B. Florante at Laura
C. Don Juan at Maria Blanca
D. Crisostomo Ibarra at Maria Clara
Nang papaalis na sina Thor, ipinagtapat ni Utgaro na ginamitan niya ng mahika ang mga tunggalian kaya hindi nanalo si Thor para daw maprotektahan ang kanilang kaharian. Ano ang pangunahing paksa o ideya ang inilalahad sa pangyayaring ito?
Paggamit ng lakas at talino
Pang-aabuso ng kapangyarihan
Pagpapakita ng kakaibang kapangyarihan
Pandaraya para sa kapakanan ng nakararami
Ginawang alipin ni Thor ang dalawang anak ng magsasaka dahil hindi nila sinunod ang iniutos na paghiwalayin ang buto ng kambing sa balat nito. Ano ang pangunahing paksa o ideya ang inilalahad sa pangyayaring ito?
Hindi maayos ang naging pagtanggap ng magsasaka kay Thor.
Natakot ang mga anak ng magsasaka kay Thor dahil sa kapangyarihan nito.
Nagalit si Thor nang hindi sinunod ng anak ng magsasaka ang iniutos nito sa kanila.
Pinarusahan ni Thor ang mga anak ng magsasaka dahil sa kagustuhan lamang niya.
“Huwag kayong magpakita ng pagmamataas kay Utgaro Loki,” wika ni Skymir kina Thor. Ano ang pangunahing paksa o ideya ang inilalahad sa pahayag na ito?
Pinayuhan sila ni Skymir na kaibiganin nila si Utgaro Loki.
Pinayuhan sila ni Skymir na huwag patatalo kay Utgaro Loki
Pinayuhan sila ni Skymir na huwag silang maging mapagmataas
Pinayuhan sila ni Skymir na gamitin ang kapangyarihan sa tamang paraan.
“Ang malusog na demokrasya ay nakasalalay sa malusog na mamamayan. Matatag ang isang lipunan kung nakakain ng karaniwang mamamayan ang nakakain ng mayayaman.”
Kahirapan ang kalaban ng demokrasya
Ang argumentong ito ay maiuugnay sa bahagi ng talumpati ni Pangulong Dilma Rousseff na ____________.
Pagpapanatili ng katatagan ng ekonomiya
Paglikha ng mga pagkakataon para sa lahat.
Bibigyang prayoridad ang paglikha ng mga hanapbuhay
Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya kung may pagkain, kapayapaan at kaligayahan.
“Makatarungan lamang ang hinihingi sa atin ng kabataan: ang magkaroon ng edukasyon at oportunidad sa trabaho na naranasan ng nakaraang henerasyon. Ang pagkakataon na makapag-ambag sa lipunan at magkaroon ng matatag na kinabukasan.” – Prime Minister Helle Thorning Schmidt
Ang argumentong ito ay maiuugnay sa bahagi ng talumpati ni Pangulong Dilma Rousseff na ____________.
Pagpapanatili ng katatagan ng ekonomiya
Paglikha ng mga pagkakataon para sa lahat.
Bibigyang prayoridad ang paglikha ng mga hanapbuhay
Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya kung may pagkain, kapayapaan at kaligayahan.
Nangako ang Bangko Sentral ng Pilipinas na patuloy nilang tututukan ang pagpapanatili ng price stability na magsusustento ng balanse at sustainable na paglago ng ekonomiya at trabaho.
Pinas s matatag na 2025
Ang argumentong ito ay maiuugnay sa bahagi ng talumpati ni Pangulong Dilma Rousseff na ____________.
Pagpapanatili ng katatagan ng ekonomiya
Paglikha ng mga pagkakataon para sa lahat.
Bibigyang prayoridad ang paglikha ng mga hanapbuhay
Magkakaroon ng pagkakaisa ang pamilya kung may pagkain, kapayapaan at kaligayahan.
