NEW
Font size
WorksheetsG9Q1: Revyu sa Filipino
Total questions: 65
Worksheet time: 27mins
Ang ipinakita ng ama na katangian sa pahayag na: "Ang totoo, para sa sarili lang niya ang inuuwing pagkain ng ama."
Mapagbigay
Makasarili
Mapagmahal
Maalalahanin
Ang uri ng kalagayan ng pamumuhay ng mag-anak sa akdang "Ang Ama."
Magulo
Masaya
Mahirap
Malupit
Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng ideya ng pagkamalupit ng ama?
Pinag-aagawan ang labis na pagkain na dala ng ama.
Sa alaala ng isang lasing na suntok upang magpatulo ng dugo at magpamaga ng labi
Ang pananabik ng mga anak sa kahihintay sa kanilang ama.
Ang pagkain na paminsay-minsay iniuuwi ng ama
Ang suliraning panlipunan na binigyang diin sa akdang "Ang Ama" ay _____.
Karahasang nagaganap sa loob ng tahanan
Di pantay na pagtingin sa anak
Kasakiman
Makasarili
Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita “Pinakamamahal kong anak walang maiaalay sa iyo ang iyong ama..." Batay sa pahayag ay maituturing ang ama bilang isang tauhang _____.
Antagonista
Protagonista
Bilog
Lapad
Ang maikling kuwentong ANG AMA ay mula sa bansang ______.
Hapon
Singapore
Indonesia
Pilipinas
Sa kulturang Singapore, ang may hawak ng salapi ay ang _____.
Kapatid
Ina
Ama
Ate
Ang denotatibong kahulugan ng salitang ama ay ______.
Tagapagtaguyod ng pamilya
Tinatawag na tatay
Haligi ng tahanan
Kinakatakutan ng pamilya
Ang pamahalaan ay patuloy na nagbibigay ng AYUDA sa mga mamamayan. Ang salitang ayuda ay nangangahulugang _____.
Tulong
Ambag
Sustento
Bigay
Makalipas ang dalawang araw, si Mui-Mui ay binawian ng buhay at ito ay dapat na isisi sa kanyang ama na iresponsable sa pamilya. Ang pahayag ay nagbibigay ng ______.
Pagmamatuwid
Paghahatol
Pangangatwiran
Agarang Kongklusyon
Naniniwala ako na sa kabila ng kasamaan ng isang tao ay may natitirang kabutihan sa kanyang puso. Ang pahayag na ito ay nagbibigay ng sariling _____.
Pagmamatuwid
Paghahatol
Kasabihan
Kongklusyon
Alin sa mga pahayag ang nagpakita ng pagmamatuwid?
3
2
1
2 at 3
Alin sa pahayag ang nagpapakita ng paghahatol?
3
2
1
2 at 3
"Hindi na ako muling pipirma ng panibagong kontrata sa aming kompanya, lumalaki na ang mga bata at nais kong katuwang mo ako sa paggabay sa kanila." Ang pahayag ay nagpapakita ng _____.
Pagmamatuwid
Paghahatol
Pagsusuri
Paglalarawan
Anong uri o genre ng panitikan ang akdang "Ang Ama"?
Maikling Kuwento
Pabula
Alamat
Tula
Malaki ang naging epekto ng bagyong Ulysses sa ating mga kababayan sa Marikina at Montalban _____ patuloy silang lumalaban.
Ngunit
Dahil
Kaya
At
Nagsisikap siya sa pag-aaral _______ maging maganda ang kinabukasan niya sa darating na panahon.
Kaya
Upang
Dahil
Ngunit
Maraming kabuhayan ang napinsala sa nagdaang kalamidad _______ nauwi sa wala ang kanilang mga pinaghirapan.
Dahil sa
Saka
Kaya
Ngunit
"_____ matatapos na ang pandemya, magtiwala lang tayo sa Diyos at makipagtulungan sa pamahalaan."
Palibhasa
Sa wakas
Sapagkat
Samakatuwid
Sa mga taong naakit na makipagsapalaran sa lungsod, hindi lahat sa kanila ay nagtatagumpay. Ito ay nagpapahayag ng _____.
Katotohanan
Walang katotohanan
Mabilis na pagkuro-kuro
Opinyon
“Ang labintatlong nilalang na ito ay katulad ng mga gamo-gamong nasilaw sa liwanag ng kalunsuran." Ipinahihiwatig sa pahayag na _____.
May mga tao na parang gamo-gamo na naakit sa siyudad
Mga taong mahilig tumingala sa liwanag ng buwan
Nakakasilaw na liwanag ng lungsod
Magsasakang naghanap ng ibang ikabubuhay
"Kung hindi sana ako nagpabigla-bigla ng desisyon, wala ako sa ganitong kalagayan," ang naibulong niya sa sarili. Ito’y nagpapakita ng anong uri ng tunggalian?
Tao vs Tao
Tao vs Sarili
Tao vs Lipunan
Tao vs Kalikasan
Kapag nakakaranas ng replektibong pagharap ng mga suliranin ang tauhan sa kuwento, ito ay mauuri na tunggaliang ______.
Tao vs tao
Tao vs sarili
Tao vs kalikasan
Tao vs kalikasan
Ang uri/genre ng panitikang nahahati sa mga kabanata ay tinatawag na _____.
Tula
Dula
Sanaysay
Nobela
Kapag pinalulutang sa binasang akda ang makabuluhang aral at mensahe nito sa mambabasa. Ano ang tinutukoy nito sa akda _____.
Kagandahan ng akda
Katotohanan ng akda
Kalakasan ng akda
Kapangyarihan sa akda
Inilahad sa akda ang mga tunay na suliraning kinaharap ng pangunahing tauhan sa pakikipagsapalaran nila sa Hanoi. Ano ang binibigyang-pansin dito?
Kagandahan ng akda
Katotohanan ng Akda
Kabutihan ng akda
Kapangyarihan ng akda
“Masasabing ang KALAKASAN ng nobelang Mga Katulong sa Bahay ay ang mahusay nitong paglalarawan sa masaklap na kinahahantungan ng mga taong nakiipagsapalaran sa siyudad." Ipinakikita sa pahayag ang _____.
Kagandahan ng akda
Katotohanan ng Akda
Kabutihan ng akda
Kapangyarihan ng akda
Ang akdang "Takipsilim sa Djakarta" mula sa Indonesia ay isang _____.
Tula
Nobela
Maikling kuwento
Sanaysay
Ito’y nagsisilbing pampalasa sa akda upang maging maganda ang daloy o takbo ng kuwento.
Tunggalian
Pahiwatig
Banghay
Tauhan
SA AKING PALAGAY sa darating na taon muling magbabalik ang normal na pagpasok sa paaralan.
Matatag
Neutral
LUBOS KONG PINANINIWALAAN na ang pagtulong sa kapwa ay kinalulugdan ng panginoon.
Matatag
Neutral
Paano inilarawan ang antas ng pamumuhay ng mag-asawang Raden Kaslan sa nobelang Takipsilim?
Matatag
Magulo
Mahirap
Masaya
KUMBINSIDO AKO na malalagpasan natin ang mga pagsubok sa buhay kung nagtutulungan ang bawat isa sa pamilya.
Matatag
Neutral
SA TINGIN KO marami sa mga Fiipino ang bukas-palad sa pagtulong sa kanilang kapwa.
Matatag
Neutral
Isa sa pinakagamiting makrong kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsusuri ng mga palabas sa telebisyon at pelikula ay ang _____.
Panonood
Pakikinig
Pakikinig
Pag-amoy
Popular na manunulat sa Pilipinas na naisapelikula din ang kanyang mga isinulat na nobela.
Patrocinio Villafuerte
Lualhati Bautista
Juan Miguel Severo
Jose Corazon De Jesus
Sa pagsusuri ng akdang pampanitikan, ito’y tumutukoy sa mabubuting aspeto na lumutang sa mga elemento.
Kahinaan
Kalakasan
Mungkahi
Katotohanan
Isa sa mga kinahihiligan ng mga kabataan na basahin sa kasalukuyan ay ang ______.
Komiks
Wattpad
Pahayagan
Magasin
Ito’y paraan ng pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan upang makita ang kalakasan at kahinaan nito.
Pamimintas ng Akda
Pagbabasa ng Akda
Panunuring Pampanitikan
Pagsusulat ng Panitikan
"Noon ang bawat paghakbang ay isang PAGTALUNTON, isang pagtahak sa matuwid na landas." Ano ang kasingkahulugan ng salitang naka-malaking titik?
paghakbang
pagtahak
matuwid
landas
Ang mensahe na nangibabaw sa tulang isinulat ni Pat Villafuerte na "Kultura: Pamana ng Nakaraan, Regalo sa Kasalukyan at Buhay ng Hinaharap."
Kultura ay hindi na mahalaga sa kasalukuyan
Marami ng nagbago sa kulturang kinagisnan
Kultura ay pagkakakilanlan ng isang bansa
Mahalaga ang kultura kaya patuloy itong pagyamanin
Bilang isang kabataang Asyano, Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa iyong kultura?
Pagpapanatili ng kaugalian at paniniwala
Paggalang sa mga tradisyon at pananampalataya
Pagtangkilik sa sariling atin
Lahat ng nabanggit
Kapag ang tula ay may sukat at tugma, anong uri ito ng tula?
Tradisyunal
Talumpati
Malayang taludturan
Malayang tugmaan
Damdaming nangingibabaw sa tulang "Kultura" ni Patrocinio Villafuerte.
Pagkalungkot
Pagkagalak
Pagkamangha
Pagkainis
Anyo ng tula na itinatanghal sa harap ng madla sa pamamagitan ng madamdaming pagsasalaysay sa malayang taludturan.
Spoken Word Poetry
Haiku
Blangko Berso
Tradisyunal
Ito’y isang paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin na may iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.
Tiyak na damdamin
Maikling Sambitla
Padamdam
Di-tuwirang pagpapahayag ng damdamin
Alin sa pangungusap ang nagsasaad ng emosyon na may matinding damdamin?
Bakit mo nagawa sa akin ito, matapos kitang pahalagahan at tulungan ito pa ang igaganti mo!
Sakit ng kalingkingan damdamin ng buong katawan.
Hindi ko matanggap-tanggap ang nangyari sa buhay niya.
Salamat sa Panginoon sa lahat ng biyaya na binigay sa amin.
Alin sa mga saknong ang nagpapahayag ng damdamin ng matinding kalungkutan?
“At ako’y lumakad, halos lakad takbo. Sa may dakong ami’y meron pang musiko. Ang aming tahana’y masayang totoo, at nagkakagulo ang maraming tao."
“Sa pinto ng naroong tahana’y kumatok, Pinatuloy ako ng magandang loob, kumain ng konti, matulog sa lungkot."
"At ako’y tumuloy…pinto ng mabuksan mata’y napapikit sa aking namasdan, Apat na Kandila ay nangag babantay, sa paligid-ligid ng irog kong bangkay."
“Ngunit sa panahon ng pagkamulat at maraming pagbabago binhing nakatanim. Ang Maraming kulturang naguumapaw sa ating diwa."
Anong uri ng taludturan ang ginamit sa saknong na: “Huwag kang iibig nang dahil sa pilak, pilak ay may pakpak, daling lumipad. Pag iniwan ka na, ikaw’y maghihirap.”
Tradisyunal
Blangko Berso
Malayang taludturan
Makabagong taludturan
Batay sa sanaysay na "Kay EStella Zeehandelaar," ang tinutukoy na babaeng malaya, may tiwala sa sarili, masigla at maagap na hinaharap ang buhay ay isang _____.
Babaeng may prinsipyo
Babaeng Moderno
Babaeng may tiwala sa sarili
Babaeng may hinaharap sa buhay
Ang konotasyon ng babaeng moderno ay _____.
Makabago
Makaluma
malaya
kalakaran ng panahon
May mga salita sa akda na nagkakaroon ng higit sa isang kahulugan, kung kaya’t naipapaliwang sa pamamagitan ng ____.
Pagbibigay halimbawa
Paglalarawan
Pag-uulit
Paghihinuha
Isa sa mga tradisyon na kinamulatan ng Prinsesang Javanese ay ang ikahon ang kababaihan para sa lalaking pinili ng mga magulang na maging asawa. Ang salitang IKAHON ay nangangahulugang _____.
Ikulong
Kontrolin
Isilid
Ilayo
Ang kaisipang nangibabaw sa akdang "Kay Estella Zeehandelaar" ay ______.
paghahangad ng kalayaan
pagsunod sa magulang
utang na loob
sapilitang pagpapakasal
Ang sumusunod ay mga kulturang Asyano na lumutang sa akdang "Kay Estella Zeehandelaar, MALIBAN sa _____.
Pagpapahalaga sa pamilya
pagpili ng magulang sa mapapangasawa ng anak
pagpapahalaga sa edukasyon
hilig sa pamamasyal at pakikipagkaibigan
Ang akdang “Kay Estella Zeehandelaar ay isang uri ng panitikang _____.
Sanaysay
Alamat
Tula
maikling kuwento
Ayon sa akdang "Kay Estella Zeehandelaar" higit na angat ang kalagayan ng mga kalalakihan kaysa sa mga kababaihan pagdating sa pagtatrabaho. Ito’y nagpapakita ng _____.
kapangyarihan
Kalakasan
Diskriminasyon
karapatan
Sa wakas nakamit din nila ang kalayaang matagal ng minimithi, ang pang-ugnay sa pahayag ay _____.
Nila
Sa wakas
Matagal
Minimithi
Ito ay akdang isinusulat upang itanghal sa harap ng madla.
dula
tula
maikling kuwento
nobela
Piliin ang pinakamahalagang elemento ng isang dula,
Iskrip
Direktor
Aktor
Manonood
Disenyong Pantanghalan
Ang uri ng dula na naglalahad ng malulungkot na pangyayaring kinaharap ng tauhan ngunit nagtatapos sa masayang wakas.
komedya
melodrama
trahedya
parsa
Ang nangibabaw na mensahe sa dulang Tiyo Simon.
pagkakaroon ng pananalig
pagmamahal sa kapwa
pagpapahalaga sa pamilya
paggalang s akababaihan
Ang bagay na nagpapaalala kay Tiyo Simon ng kanyang pagbabalik-loob at pananalig ay _____.
manika
rosaryo
aklat
larawan
Ang pananabik ay sa PAMINSAN-MINSANG inuuwi ng amang malaking supot na pansit na ginisa sa itlog at gulay. Ang salitang nakamalaking-titik ay nangangahulugang _____.
Madalang na madalang
Araw-araw
Maya't maya
Madalas-dalas
Damdaming nangingibabaw sa tulang "Ang Pagbabalik" ni Jose Corazon de Jesus.
Pagkalungkot
Pagkagalak
Pagkamangha
Pagkainis
