Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Review Test sa ESP 9

Total questions: 20

Worksheet time: 4mins

Name
Class
Date
1.

Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapwa?

a)

Karapatan

b)

Isip at kilos-loob

c)

Kalayaan

d)

Dignidad

2.

Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin ang isang Gawain. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?

a)

Nakasalalay ang tungkulin sa isip.

b)

Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral.

c)

Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan.

d)

May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga tungkulin.

3.

Ano ang buod ng talata?

Ayon kay Scheler, kailangan hubugin ang sarili tungo sa pagpapakatao upang matupad din ng pamayanan, pamahalaan o lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang ng pagpapakatao. Ngunit mahirap isagawa ang

paghubog na ito sa sarili kung hindi ginagawa ng mga institusyong panlipunan ang mga obligasyon nito sa tao na itinakda ng mga batas.

a)

Mahalaga ang pananagutan ng indibidwal na maging mabuting mamamayan.

b)

Kailangang tuparin ng bawat tao ang kaniyang tungkulin upang magampanan ng lipunan ang tungkulin nito sa tao.

c)

Hindi makakamit ang kabutihang panlahat kung may mamamayang hindi tumutupad ng tungkulin.

d)

Kailangang magbigay ng serbisyo ang pamahalaan o lipunan bago mahubog ng indibidwal ang sarili.

4.

Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay?

a)

Iniiwasan ni Milang kumain ng karne at matatamis na pagkain.

b)

Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Roa para sa mga batang biktima ng pang-aabuso.

c)

Sumasali si danilo sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing.

d)

Nagsimula ng soup kitchen si Fr. Joseph Weljinski sa Peru para sa mga batang kalye.

5.

Anong karapatan ang ipinahahayag sa talata na kaakibat ng tungkulin na ipinakita ng tauhan?

Si Aling Crystal, 75 taong gulang, ay naninulbihan bilang porter sa isang homeless shelter sa Roma. Namumuhay siya ng simple gamit ang isang jacket, isang damit at isang blusa. Tuwing matanggap niya ang kaniyang pensiyon sa Social Security, naglalakad siya ng higit isang milya upang ibigay niya ang kaniyang regular na kontribusyon sa simbahan (tithing).

a)

Karapatan sa pribadong ari-arian

b)

Karapatan sa buhay

c)

Karapatang gumala o pumunta sa ibang lugar

d)

Karapatang maghanpbuhay

6.

Anong karapatan na batay sa encyclical na "Kapayapaan sa Katotohanan" (Pacem in Terris) ang ipinakita ng tauhan?

Itinakas ni Joshue ang pamilya niya mula sa Mogul, Syria, patungong Greece upang takasan ang kalupitan ng mga sundalo ng Islamic State.

a)

Karapatang mabuhay

b)

Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay

c)

Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migrasyon)

d)

Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas

7.

Ano ang ibig sabihin ng pangungusap?

Ang panawagan ng karamihan tungkol sa mga karapatang pantao tulad ng karapatan sa kalusugan, sa bahay, sa trabaho, sa pamilya, sa kultura – ay labag sa katotohanan at isang panloloko lamang kung ang karapatan sa buhay, ang pinakabatayan at pangunahing karapatan at kailangan para sa lahat ng iba pang karapatang personal, ay hindi maipagtatanggol nang may mataas na antas na determinasyon. (Pacem in Terris)

a)

Kailangang ipagtanggol ang panawagan sa mga karapatang pantao.

b)

Isang panloloko at paglabag sa Likas na Batas Moral ang pagsuporta sa aborsyon.

c)

Kailangang gamitin ang lahat ng paraan upang ipagtanggol ang batas at makaiwas sa paglabag ng karapatan sa buhay.

d)

Pangunahing karapatan ang karapatan sa buhay.

8.

Paano nagbibigay ng proteksiyon sa tao ang prinsipyong “First Do No Harm” sa mga medikal na doktor?

a)

Gawin lagi ang tama

b)

Anuman ang kalagayan ng isang tao, huwag tayong mananakit.

c)

Gamutin ang sariling saki bago ang iba.

d)

Ingatan na huwag saktan ang tao.

9.

Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa kahon?

•Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain,

•Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib,

•Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud

•Pag-iwas sa eskandalo

a)

Karapatan sa buhay

b)

Karapatang magpakasal

c)

Karapatang pumunta sa ibang lugar

d)

Karapatang maghanapbuhay

10.

Aling karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang umangat ang karera at maitaas ang antas ng pamumuhay?

a)

Karapatan sa buhay

b)

Karapatan sa pribadong ari-arian

c)

Karapatang maghanap-buhay

d)

Karapatang pumunta sa ibang lugar

11.

Sino ang tumutulong sa mga bata upang matamasa ang karapatang makapaglaro o makapaglibang?

a)

Kaibigan

b)

Doktor

c)

Sundalo

d)

Guro

12.

Anu-ano ang iba't-ibang sektor sa pagpapalaki ng kabataan?

a)

Pamilya, Kaibigan at Kamag-anak

b)

Pamilya, Lipunan at Paaralan

c)

Pamilya, Pamayanan at Sarili

d)

Pamilya, Baranggay at Kapitbahay

13.

Bakit dapat magkaroon ng pantay nakarapatan ang mga lalaki at babae sa lipunan?

a)

A. Lahat ng tao ay may karapatang makilala at maipamalas ang kakayahan sa lahat ng panahon o sitwasyon.    

             

b)

B. Ang bawat babae at lalake ay may iisang damdamin at saloobin na dapat madinig.

          

c)

    C. Ang bawat tao ay may karapatang mabuhay ng may pagkakapantay pantay at walang diskriminasyon na matatanggap.

             

d)

D. Upang maging masaya ang kanilang pagsasama.

14.

Kailan magiging makabuluhan ang karapatan ng isang tao?

a)

Magkakaroon ng tunay na kabuluhan ang tao  kung gagampanan niya ang tungkulin na kilalanin at unawain ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng tao.

b)

Kung igagalang niya ang Karapatan ng ibang tao.

c)

Kung papaunlarin niya ang kanyang pangangatawan at isipan.

d)

Kapag wala na siyang mapagpipilian kundi gumawa ng Mabuti.

15.

Paano dapat tutugunan ng paaralan ang pinaghihinalaang sekswal na pang- aabuso sa bata?

a)

Tumugon sa panahon ng pangngailangan at magbigay-alam sa mga may kapangyarihan.

b)

Tawagan ang mga magulang/tagapag-alaga.

c)

Patuloy na magbigay suporta para sa lahat ng mga batang naapektuhan ng pang-aabuso.

d)

Ipagkalat ito sa buong paaralan.

16.

Ito ang pinakamataas sa antas ng mga karapatan dahil kung wala ito hindi mapakikinabangan ng tao ang ibang karapatan. Dapat ito ang mangibabaw sa ibang karapatan kung sakaling ito ay malagay sa panganib.

a)

Karapatan sa Buhay

b)

Karapatan sa Pribadong Ari-arian

c)

Karapatang Makapag-aral

d)

Karapatang Sumamba

17.

Paano naging karapatan at tungkulin ang maagap na pagbabayad ng buwis?

a)

Dahil ito ay ibinabayad ng bawat mamamayang Pilipino na may hanapbuhay at ari-arian sa bansa.

b)

Ang buwis ay perang panggugol ng pamahalaan para sa mga proyektong nagtataguyod sa kapakanan ng mga mamamayan.

c)

A at B.

d)

Wala sa nabanggit.

18.

Paano maipapakita ang pagiging matapat na paglilingkod ng mga manggagawang pampubliko at pampribado?

a)

Pagpasok sa takdang oras.

b)

Pagkakaroon ng mabuting saloobin sa paggawa.

c)

Pakikipagkapwa o pakikisama sa mabubuting Gawain.

d)

Lahat ng nabanggit.

19.

Saan matatagpuan at makikilala ang Likas na Batas Moral?

a)

Mula sa mga aklat ni Tomas de Aquino.

b)

Mula sa pagkaunawa ng isip ng tao.

c)

Mula sa kaisipan ng mga pilosopo

d)

Mula sa Diyos.

20.

Paano nagbibigay ng proteksiyon sa tao ang prinsipyong "First Do No Harm" sa mga medikal na doktor?

a)

Gawin lagi ang tama.

b)

Anuman ang kalagayan ng isang tao, huwag tayong mananakit.

c)

Gamutin ang sariling saki bago ang iba.

d)

Ingatan na huwag saktan ang tao.