WorksheetsAGRIKULUTRA
Total questions: 50
Worksheet time: 25mins
Bakit mahalaga ang pagtatanim ng mga halamang gulay?
Dagdag na gastos
Ito ay dagdag na gawain
Ito ay nakalilibang at dagdag na kita
Ito ay dagdag nahirap sa mag-anak
Sa paghahanda ng lupa ang unang hakbang na gagawin ay pagbubungkal ng lupang taniman. Alin sa mga kasangkapan ang nararapat gamitin?
Asarol
Kalaykay
Pala
Trowel o Dulos
Anong kasangkapan ang ginagamit sa pagpapatag ng kamang taniman matapos itong bungkalin?
Asarol
Kalaykay
Pala
Trowel o Dulos
Ang halamang gulay ay nangangailangan ng mga bagay upang tumubo ng mahusay. Alin sa mga sumusunod ang mga pangunahing pangangailangan ng halaman?
Lupang Loam
Tubig
Pataba
Lahat ng nabanggit
Para sa wastong panahon ng pagtatanim ng halamang gulay, dapat tayo ay sumangguni sa ______?
kalendaryo ng pagtatanim
imbentaryo ng kagamitan
talaan ng paghahalaman
listahan ng mga gulay
Alin sa mga sumusunod na halamang gulay ang tinatanim sa tuluyan o direct planting?
Kamatis
Okra
Petsay
Repolyo
Paano itinatanim ang mga gulay na upo, sitaw at patola?
Ipinupunla
Direktang itanim
Isinasabog
Pagmamarkot
Mahalaga ang ________ sa halaman upang madagdagan ang sustansya nito. Alin sa mga ito ang kailangan ng halaman?
pataba
mga damo
tubig
compost pit
Ang ________ ay isang paraan ng pagpapabulok ng mga basura sa isang sisidlan.
recycling
compost pit
hukay
basket composting
Kailan dapat ilipat ang punla sa kamang taniman?
hapon
tanghali
gabi
umaga
Mahalaga ang paglaki ng mga halaman. Ano ang gagawin mo para tumaba ito?
lagyan ng langis
lagyan ng buhangin
lagyan ng damo
lagyan ng pataba
Mas maraming gulay ang maitatanim kung ilalagay ito ng maayos sa ______.
kamang taniman
kamang punlaan
bukid
tumana
Paano inaani ang petsay?
paghuhukay
pagbubunot
paggugupit
pagpipitas
Nais ni Lito na magtanim ng mga halamang ugat dahil mayaman ito sa kaloriya at karbohyrdrato. Alin sa mga ito ang dapat piliin?
gabi at kamote
sitaw at bataw
upo at patola
rambutan at lansones
Alin ang iyong gagamitin upang matukoy kung ikaw ay kumita o nalugi?
talaan ng ginastos at kinita
talaan ng materyales
talaan ng bibilhin
talaan ng budget
Aling hayop ang mainam pagkunan ng gatas?
Baboy
Baka
Bibe
Manok
Nais mong kumalap ng impormasyon tungkol sa aalagaang hayop, alin sa mga ito ang iyong gagamitin?
TV
radio
magasin
internet
Paano natin malalaman kung ang pananim ay malapit ng anihin?
ito ay mabango
ito ay dilaw
ito ay may tamang laki
wala sa nabanggit
Nagbabalak mag-alaga ng kambing si Carlito, ano ang dapat niyang gawin?
piliin ang kambing na maliit
piliin ang kambing na malaki
piliin ang kambing na walang sungay
piliin ang kambing na may magandang lahi
Nais mong mag-alaga ng manok, ano ang dapat mong ihanda?
buto ng mais
kagamitan
lugar
patuka
Alin sa mga uri ng manok ang mainam sa pangingitlog?
cobb
white leghorn
new hampshire
hubbard
Alin sa mga uri ng manok ang mainam sa karne?
cobb
white leghorn
new hampshire
Minorca
Bakit maraming mangingisda ang nawiwiling mag alaga ng tilapia?
dahil madaling hulihin ito
dahil madaling pakainin at paramihin
dahil malaki ito
dahil maraming naguulam nito
Si Sharon ay nagtitinda sa palengke, ano ang dapat niyang gawin upang maging maayos at matagumpay ang kanyang pagtitinda?
makipagtalo sa mamimili
magsuot ng lumang damit
bilanging mabuti ang bayad ng mamimili
bawalan ang bumibili na huwag hawakan ang paninda
Nais mong magtanim ng gulay sa inyong lugar, ano ang iyong dapat isagawa?
gumawa ng listahan ng buto
gumawa ng survey ng itatanim
gumawa ng listahan ng kagamitan
gumawa ng listahan ng bibilhin sa palengke
Nakita mo ang malaking sanga ng puno na sumasagabal, ano ang iyong gagamiting pamutol?
bareta
kartilya
itak
pala
Aling hayop ang mainam pagkunan ng karne?
baka
bibe
itik
pugo
Ito ay ang tawag sa perang iyong kinita sa pagbenta ng iyong produkto.
ginastos
puhunan
tubo
utang
Napansin mong mabagal lumaki ang iyong mga alagang manok, ano ang dapat mong gawin?
pabayaan ito
pakainin nang labis
painumin ng tubig
bigyan ng bitamina at mineral
Sa paggawa ng balak sa pagpaparami ng hayop, ano ang dapat alamin?
Tukuyin kung anong uri ng hayop ang pararamihin.
Bilang ng hayop na sisimulan
Lugar na paglalagyan
Lahat ng nabanggit
Naisipan ni Ben na hakutin ang lupang nakatambak sa kanyang gulayan, ano ang dapat niyang gamitin?
Bareta
Kartilya
Itak
Pala
Aling uri ng isda ang mainam alagaan sa likod ng bakuran?
Bangus
Karpa
Galunggong
Tilapia
Anong lugar ang angkop sa pag-aalaga ng itik?
damuhan
malapit sa tubig
tuyong lugar
wala sa nabanggit
Ito ay uri ng isdang maitim ang balat, madulas at may balbas
Bangus
Hito
Galunggong
Tilapia
Alin sa mga sumusunod ang paraan upang manatiling malusog ang mga manok?
maaliwalas na kulungan
kalinisan
tamang pangangasiwa
lahat ng nabanggit
Alin sa mga sumusunod ang HINDI alituntunin sa pag-aalaga ng hayop?
Biglaing hawakan ang mga hayop
Ilagay sa oras ang pagpapakain sa kanila.
Magsuot ng angkop na damit sa pagpapakain
Lagyan ng kanal na daluyan ng tubig ang paligid ng kulungan
Ano ang gagawin mo pagkatapos gamitin ang mga kagamitan sa paghahalaman?
iwanan
pabayaan
linisin
wala sa nabanggit
Ano ang mga inilalagay sa isang compost?
dumi ng hayop, balat ng prutas at gulay
diyaryo, papel, bote
dayami, damo, sanga
papel, sanga, plastic
Ano ang kailangan ng isang kulungan ng manok?
malamig at presko
masikip
mainit
marumi
Ano ang ginagamit upang mas mabilis mahanap ang impormasyon sa pagpili ng hayop na aalagaan?
aklat
diyaryo
internet
magasin
Saan dapat itayo ang palaisdaan?
sa mainit na lugar
sa malayong lugar
sa mayroong sapat na pagkukunan ng tubig
sa malayo sa tirahan
Saang lugar mainam na mag-alaga ng baka?
sa malawak na damuhan
sa mainit na lugar
sa masikip na bakuran
sa masikip na kulungan
Ano ang ginagamit sa paglilipat ng lupa?
asarol
kalaykay
pala
tinidor
Ano ang gagamitin mo sa pagdidilig ng halaman?
asarol
piko
regadera
tinidor
Ano ang ginagamit sa paglilipat ng punla?
asarol
dulos
piko
tinidor
Anong hayop ang inaalagaan upang makagawa ng balut?
pugo
sisiw
itik
wala sa nabanggit
Ang mga sumusunod ay mga dapat gawin upang ang mamimili ay patuloy na bumili sa iyong produkto MALIBAN sa isa.
maging magalang
nakangiti sa kausap
mali ang pagsukli
tama ang timbangan
Kailan dapat nag-aani ng gulay?
tanghali
hapon
bukang-liwayway
paglubog ng araw
Ito ay ang tawag sa halaga ng iyong binibiling gulay o isda
kita
presyo
puhunan
tubo
Bukod sa kambing, anong hayop ang maaring mapagkunan ng gatas?
baboy
kabayo
kalabaw
manok
