wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Total questions: 51

Worksheet time: 33mins

Name
Class
Date
1.

Alin ang batayan ng pagiging pantay tao sa kaniyang kapwa?

a)

Karapatan

b)

Isip at Kilos

c)

Kalayaan

d)

Dignidad

2.

Aling Karapatan ang kaakibat ng tungkulin ng patuloy na pag-aaral upang umangat ang karera at maitaas ang antas ng pamumuhay?

a)

Karapatan sa buhay

b)

Karapatang maghanapbuhay

c)

Karapatan sa pribadong ari-arian

d)

Karapatang pumunta sa ibang lugar

3.

Ano ang tinutukoy na mga Karapatan?

a)

Ang mga bagay na dapat gampanan ng bawat nilalang.

b)

Ang mga bagay na nararapat sa bawat nilalang.

c)

Mga dapat gampanan na tungkulin.

d)

Mga pangangailangan ng iilan.

4.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tama tungkol sa pananagutan o tungkulin?

a)

Maaaring magbigay ng kaligayahan kung maisasagawa mo nang maayos ang paggawa ng Mabuti sa kapwa.

b)

Ang bawat Karapatan na tinatamasa mo bilang tao sa lipunan ay may katumbas na tungkulin.

c)

Ito ay ang mga bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao.

d)

Lahat ng nabanggit.

5.

Ang mga karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?

a)

Hindi maaaring pwersahin ng tao ang kaniyang kapwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan ang mga bagay na kailangan niya upang mabuhay.

b)

Hindi nito maaapektuhan ang buhay-pamayanan.

c)

Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapwa na igalang ito.

d)

Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos.

6.

Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang gawain. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?

a)

Nakasalalay ang tungkulin sa isip.

b)

Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral.

c)

Ang moral ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan.

d)

May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga tungkulin.

7.

Hindi ka kalahok sa Brigada Eskwela ng inyong paaralan dahil inlagaan mo ang iyong bunsong kapatid na may sakit ngunit ikaw ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis tingting at sako na paglalagyan ng basura. Ano kayang antas ng pakikilahok ang iyong ipinakita?

a)

Impormasyon

b)

Konsultasyon

c)

Sama-samang Pagkilos

d)

Pagsuporta

8.

Ano ang pinakamainam na gawin upang maipakita ang iyong Karapatan?

a)

Mananahimik na lang ako para walang gulo.

b)

Ipagtatanggol ko ang aking dignidad sa mga taong naninira.

c)

Sisirain ko rin ang mga taong naninira sa akin.

d)

Kukomprontahin ko ang mga taong naninira.

9.

Ano ang buod ng balita?

a)

Ayon kay Scheler, kailangang hubugin ang sarili tungo sa pagpapakatao upang matupad din ng pamayanan, pamahalaan, o lipunang kinabibilangan niya ang tungkulin ng paglinang ng pagpapakatao. Ngunit mahirap isagawa ang paghubog na ito sa sarili kung hindi ginagawa ng mga institusyong panlipunan ang mga obligasyon nito sa tao na itinakda ng mga batas.

b)

Mahalaga ang pananagutan ng indibidwal na maging mabuting mamamayan.

c)

Kailangang tuparin ng bawat tao ang kaniyang tungkulin upang magampanan ng lipunan ang tungkulin nito sa tao.

d)

Hindi makakamit ang kabutihang panlahat kung may mamamayang hindi tumutupad sa tungkulin.

e)

Kailangang magbigay ng serbisyo ang pamahalaan o lipunan bago mahubog ng indibidwal ang sarili.

10.

Anong Karapatan ang ipinahahayag sa talata na kaakibat ng tungkulin na ipinakita ng tauhan?

4 lines
11.

Anong Karapatan na batay sa encyclical na "Kapayapaan sa Katotohanan" (Pacem in Terris ang ipinakita ng tauhan?

a)

Karapatan sa buhay

b)

Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay

c)

Karapatan sa malayang paglipat sa ibang lugar upang manirahan (migrasyon)

d)

Karapatan sa patas na proteksiyon ng batas

12.

Aling Karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin na nasa kahon?

a)

Suportahan ang pamilya sa sapat at masusutansiyang pagkain

b)

Gabayan ang mga anak upang makaiwas sa panganib

c)

Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud

d)

Pag-iwas sa eskandalo

13.

Saan matatagpuan at makikilala ang Likas na Batas Moral?

a)

Mula sa mga aklat ni Tomas de Aquino.

b)

Mula sa kaisipan ng mg pilosopo.

c)

Mulas sa pagkakaunawa ng isip ng tao.

d)

Mula sa Diyos

14.

Lahat ng batas ay para sa :

a)

Awtoridad

b)

Tao

c)

Hayop

d)

Halaman

15.

Ano ang ibig sabihin ng mga batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral?

a)

Mga batas na ipinatupad ng mga lipunang mayaman.

b)

Mga batas na nagtatadhanan ng mga moral na responsibilidad ng mga tao.

c)

Mga batas na batay sa personal na opinion ng mga gumaawa ng batas.

d)

Mga batas na nagbibigay ng pribilehiyo sa mga indibidwal na sumusunod o hindi sumunod sa mga ito?

16.

Paano sinikap ng ating estado na iangkop ang ating kultura bilang pagkilala sa karapatang pantao ng bawat mamamayan?

a)

Sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga Karapatan at proteksiyon ng mga mamamayan.

b)

Sa pamamagitan ng paglikha ng maraming batas.

c)

Sa pamamagitan ng pagtayo ng maraming imprastraktura senyales ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

d)

Sa pamamagitan ng pagtatag ng iba't ibang Samahan na sasagot sa pangangailangan ng bawat mamamayan.

17.

Ang kaisa-isang batas na sinasang-ayunan ng lahat ay:

a)

Maging makatao

b)

Maging maka-hayop

c)

Maging makamasa

d)

Maging maka-bansa

18.

Alin sa sumusunod ang wasto at mabuting panukala?

a)

Nagbabago ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon.

b)

Nag-iiba ang likas na batas moral batay sa kultura at kinagisnan.

c)

Ang Likas na Batas Moral ay para sa lahat.

d)

Maraming anyo ang Likas na Batas Moral.

19.

Ang tama ay pagsunod sa mabuti, ito ay totoo dahil:

a)

Umaayon sa lahat ng panahon at pagkakataon.

b)

Mula sa sariling pag-alam at pakiramdam.

c)

Angkop sa pangangailangan at kakayahan.

d)

Para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan lamang.

20.

Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya o desisyon?

a)

Ito ay ayon sa Mabuti

b)

Makapagpapabuti sa tao

c)

Walang nasasaktan

d)

Magdudulot ito ng kasiyahan

21.

Paano maisasabuhay ang pagiging makatao?

a)

May pagmamahal sa ari-arian ng pamilya

b)

Pagiging matulungin sa kapwa

c)

Pagkampi sa kaibigan kahit mali

d)

Magbigay oras sa sarili

22.

Ano ang mabubuo mong konsepto mula sa talata?

4 lines
23.

Halimbawang ikaw ay isa nang ganap na doctor , ano ang tamang gawin ayon sa prinsipyong "First Do No Harm"?

a)

Gawin lagi ang tama.

b)

Anuman ang kalagayan ng isang tao, huwag tayong mananakit.

c)

Gamutin ang sariling sakit bago ang iba.

d)

Ingatan na huwag saktan ang tao.

24.

Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat. Ang mga sumusunod ay ang tunay na diwa nito, maliban sa:

a)

Protektahan ang mamamayan at may kapangyarihan.

b)

Ingatan ang interes ng marami.

c)

Itaguyod ang karapatang-pantao.

d)

Kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan.

25.

Sa papaanong paraan natutuhan ang Likas na Batas na Moral?

a)

Mula sa nakikita sa mga kaibigan.

b)

Naiisip na lamang.

c)

Itinuturo ng mga magulang.

d)

Mula sa ibinubulong ng konsensiya.

26.

Ang sumusunod ay paglalarawan tungkol sa paggawa maliban sa isa:

a)

Anumang gawaing makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng Diyos.

b)

Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapwa.

c)

Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapwa.

d)

Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad, pagkukusa at pagkamalikhain.

27.

Ano ang obheto ng paggawa?

a)

Kalipunan ng mga gawain, resources, instrument at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.

b)

Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha.

c)

Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto.

d)

Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto.

28.

Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?

a)

Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto.

b)

Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao.

c)

Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang tao.

d)

Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay ang tao.

29.

Sa pamamagitan ng paggawa, nakakamit ng tao ang sumusunod maliban sa:

a)

Nakayanan niyang suportahan ang kaniyang mga pangangailangan.

b)

Napatataas ang tiwala sa sarili.

c)

Napagyayaman ang kaniyang pagkamalikhain.

d)

Nalilimutan ang oras sa pamilya dahil abala sa paggawa.

30.

Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan. Alin sa mga pahayag ang tama?

a)

Likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.

b)

Hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.

c)

Hindi nararapat na pera ang maging layunin ng paggawa.

d)

Mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa bago ang sarili.

31.

Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, kaniyang pamilya, sa lipunan na kaniyang kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang:

a)

Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.

b)

Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kaniyang kapwa.

c)

Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapwa.

d)

Lahat ng nabanggit

32.

Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao sa paggawa. Ito ay nangangahulugang:

a)

Hindi kasangakapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan ang paggawa upang makamit ang kaniyang kaganapan.

b)

Hindi kailangan ang tao para magpayaman ang paggawa bagkus kailangan siya upang mapagyaman ang mga kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman ng paggawa.

c)

Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha na bunga ng paggawa ngunit

33.

Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang pamilya sa lipunan na kaniyang kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang:

a)

Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.

b)

Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kaniyang kapwa.

c)

Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapwa.

d)

Lahat ng nabanggit

34.

Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng panlipunang dimension ng paggawa. Alin ang hindi mo dapat isagawa?

a)

Ang paggawa para sa aking kapwa at kasama ang aking kapwa.

b)

Ang paggawa ko ng isang bagay para sa iba.

c)

Ang paggawa ko na nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan at pakikisangkot ko sa aking kapwa.

d)

Ang paggawa ko ay pagpapakilala ng kagalingan ko sa paglikha.

35.

Paano ka makakatulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng paggawa?

a)

Gumawa ng mga muwebles na yari sa rattan at buli at lapatan modernong disenyo.

b)

Gumawa ng mga damit na yari sa materyal na tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit ng mga banyaga.

c)

Mag-export ng mga produktong gawa sa mga kalapit na bansa.

d)

Gumawa ng mga pelikula tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na ilalahok sa mga timpalak sa buong mundo.

36.

Ano ang nagiging epekto sa pagiging produktibo ng tao gawa ng pag-unlad ng agham at teknolohiya?

a)

Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang pagkamalikhain.

b)

Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.

c)

Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.

d)

Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.

37.

Ang mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng tunay na gumagawa maliban sa:

a)

Si Mang Joel ay matagal ng karpintero, nakilalana siya sa kaniyang komunidad dahil sa kaniyang pulidong trabaho. Hindi lamang siya umaasa sa disenyong arkitekto o inhenyero kundi nagbibigay din siya ng mungkahi sa mga ito kung paano mas mapatitibay at mapagaganda ang pagkakagawa ng isang bahay.

b)

Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kaniyang panahon ay kaniyang inilalaan sa loob ng isang silid para sa buong maghapong pagtatapos ng isang obra.

c)

Si Renato ay isang batang nagpupunta sa mga bahay upang kumolekta ng mga basura. Umaasa lamang siya sa kaunting barya na ibibigay ng kaniyang mga kapitbahay upang maipambaon sa paaralan dahil gusto niyang makatapos.

d)

Mula pagkabata, Si Anthony ay napilitang tumira sa isang malaking pabrika bilang trabahador. Iniwan na siya ng kaniyang mga magulang sa lugar na ito dahil meron siyang naiwang utang at hindi nabayaran. Bilang kapalit si Anthony ay magtatrabaho rito ng ilang taon.

38.

Alin ang taglay ng tao kaya siya karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang kapwa?

a)

Bolunterismo

b)

Dignidad

c)

Pakikilahok

d)

Pananagutan

39.

Ano ang dapat kilalanin ng tao upang makagawa ng pakikilahok?

a)

Pananagutan

b)

Tungkulin

c)

Dignidad

d)

Karapatan

40.

Alin ang hindi maituturing na benepisyo ng bolunterismo?

a)

Nagkakaroon ang tao ng personal na pag-unlad.

b)

Mas higit niyang nakikilala ang kaniyang sarili.

c)

Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.

d)

Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa iba.

41.

Alin ang hindi kahulugan ng pakikilahok?

4 lines
42.

Alin ang hindi kahulugan ng pakikilahok?

a)

Isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.

b)

Isang malayang pagpili. Hindi maaaring pilitin o pwersahin ang tao upang isagawa ito.

c)

Maaaring tawaging bayanihan, damayan o kawanggawa.

d)

Tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa.

43.

Bakit mahalaga na may kamalayan at pananagutan sa pakikilahok?

a)

Upang matugunan ang pangangailangan ng kapwa.

b)

Upang magampanan ang mga gawain o isang proyekto na may pagtutulungan.

c)

Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.

d)

Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan.

44.

Ano-ano ang dapat makita sa iyo bilang taong nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?

a)

Pagmamahal, Talento at Kayamanan

b)

Talento, Panahon at Pagkakaisa

c)

Panahon, Talento at Kayamanan

d)

Kayamanan, Talento at Bayanihan

45.

Ano ang makakamit ng lipunan kung ikaw at ang bawat isa ay magsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?

a)

Pagkakaisa

b)

Pag-unlad

c)

Kabutihang Panlahat

d)

Pagtataguyod ng Kabutihan

46.

Sa bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Ang pahayag na ito ay:

a)

Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.

b)

Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaaring makaapekto sa iyo.

c)

Tama, sapagkat maaari kang managot sa iyong konsensiya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapwa sa mga sandalling yaon.

d)

Mali, sapagkat hindi maaaring pilitin ang tao sa kaniyang gagawin. Ito dapat ay manggaling sa puso.

47.

Ang mga sumusunod ay tinatawag na tatlong T's na kailangang makita upang matawag na bolunterismo ang pakikilahok sa mga gawaing panlipunan, maliban sa:

a)

Time

b)

Talent

c)

Treasure

d)

Truthfulness

48.

Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat nang mayroon kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat. Ito ay mahalaga sapagkat:

a)

Maisasakatuparan ang isang gawain na makatutulong upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan.

b)

Magagampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan.

c)

Maibabahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat.

d)

Lahat ng nabanggit

49.

Alin ang hindi halimbawa ng bolunterismo?

a)

Tuwing Sabado at Linggo tinuturuan ni Karen ang mga batang hindi nakapg-aral sa kanilang lugar upang matutong bumasa at sumulat.

b)

Si Jerick ay pumupuntang bahay-ampunan ng mga bata upang alagaan ang mga ito tuwing bakasyon.

c)

Tuwing eleksyon ay sinisiguro ni Rechelle na bumuto at piliing Mabuti ang karapat-dapat na mamuno.

d)

Sumasali si Darlyn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay dahil nais niyang makiisa sa layunin nitong mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kaniyang mga kapit-bahay.

50.

Ang pakikilahok ay hindi minsanan lamang. Ito ay dapat isang patuloy proseso hanggat kaya mo at mayroon kang kayang gawin para sa ikabubuti ng iyong lipunan.

a)

Tama, dahil mula dito nabibigyan ng saysay ang iyong pagiging tao na nilikha ayon sa wangis ng Diyos.

b)

Tama, dahil nakikibahagi siya sa lipunan bilang aktibong kasapi nito at ginagawa niya ito bilang pampalipas-oras.

c)

Mali, dahil ang mga tao kapag nakuha na ang kaniyang nais o pakay ay humihinto na sa kanilang ginagawa.

d)

Mali, dahil ang tao na naglilingkod o tumutulong dahil mayroon silang hinihintay na kapalit.

51.

Ano ang mabubuo mong konsepto mula sa larawan?

a)

Bolunterismo

b)

Paggawa

c)

Karapatan

d)

Dignidad