Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP Rviewer Q2

Total questions: 50

Worksheet time: 25mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa kabihasnan ng Gresya na kung saan dito unang sumibol ang pinakamalaking pulo ng Crete?

a)

Indus

b)

Minoan

c)

Sumer

d)

Mycenaean

2.

2. Ang kabihasnang sumalakay sa Crete na nagmula sa mga kapatagan ng Eurasia at nanirahan sa Peloponnesus, Greece noong 2000 BCE.

a)

Ehipto

b)

Minoan

c)

Mycenaean

d)

Sumer

3.

3. Ang mga Minoan ay nagpakita ng kahusayan sa larangan ng Sining. Ang kanilang sining ay nakapokus sa kalikasan at palakasan at nagtayo rin sila ng mga palasyo. Isa sa mga halimbawa ng palasyo na itinatag ni haring Minos ay

a)

Acropolis

b)

Athens

c)

Knossos

d)

Macedonian

4.

4. Ano ang pinakamahalagang ambag ng Athens sa daigdig, kung saan nagkaroon ng malaking bahagi ang mga mamamayan sa pamamalakad ng kanilang pamahalaan?

a)

Demokrasya

b)

Relihiyon

c)

Republika

d)

Wika

5.

5. Ano ang naging simula ng Digmaang Peloponnesian noong 431 BCE?

a)

A. Ipinapatay ng mga Spartan si Alcibiades.

b)

B. Dahil sa pagkontrol ng Athens sa Delian League

c)

C. Nilusob ng Sparta ang mga karatig pook ng Athens.

d)

D. Dahil sa tinamasang pag-unlad ng Athens hanggang sa naging imperyo ito.

6.

6. Sinalakay ng magkasanib na pwersa ng Athens at ng Thebes ang Macedonia noong

338 BCE., ngunit madaling natalo ang hukbo ng dalawang lungsod-estado. Sino ang tanyag na pinuno ng Macedonia na tumalo sa dalawang lungsod-estado ng Athens at Thebes?

a)

A. Haring David

b)

B. Haring Philip

c)

C. Haring Remus

d)

D. Haring Solomon

7.

7. Ang dalawampu't pitong taong Digmaang Peloponnesian ay isang malaking

trahedya para sa Greece. Ano ang naging epekto nito?

a)

A. Maraming lumikas sa ibang lungsod-estado.

b)

B. Kinontrol ng Sparta ang Greece dahil sa pagkatalo.

c)

C. Nagpakamatay ang mga natalong sumali sa digmaan.

d)

D. Nagkaroon ng malawakang pagkawasak ng ari-arian at pagkamatay ng mga tao.

8.

8. Bakit nagdesisyon ang mga Spartan na palakasin ang kanilang hukbong militar at

magtatag ng isang pamayanan ng mga mandirigma?

a)

A. Para lagi silang panalo sa mga digmaan.

b)

B. Nais ng Sparta na maging tanyag sila sa daigdig.

c)

C. Dahil lagi silang sinasalakay ng mga tribo sa kalapit lugar.

d)

D. Dahil sa paghahanda sa palagiang pag-aalsa ng mga helot

9.

9. Naging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ay magkaroon ng kalalakihanat kababaihang walang kinatatakutan at may malalakas na pangangatawan. Bilang isang mamamayan ng Pilipinas, tutularan nyo ba ang ganitong pamamalakad ng pamahalaang Sparta na kahit babae ay sinasanay sa pakikidigma para sa bayan?

a)

A. Opo, para maging isang bayani.

b)

B. Hindi po, dahil marami pa kaming dapat pagtuunan ng pansin.

c)

C. Opo, handa ko po na ibigay ang aking paglilingkod para sa bansa.

d)

D. Hindi po, sapagkat delikado para sa amin ang kalagayan ng pagsisilbi sa bansa.

10.

10. Bakit naging tanyag na pinuno sa Alexander the Great ng Macedonia?

a)

A. Lumaban siya ng may tapang at determinasyon.

b)

B. Pinaunlad niya ang mga bansang kanyang nasakop.

c)

C. Dahil kabilang siya sa mga angkan na mayayaman sa Macedonia.

d)

D. Matalino, malakas ang loob at magaling na pinuno dahil napalawak niya ang kanyang imperyo sa kabuuan ng Kanlurang Asya, Egypt at India.

11.

11. Ang pinuno na tinawag na "tyrant" sa sinaunang Greece ay nangangahulugang

a)

A. Malupit na pinuno

b)

B. Mahusay na pinuno

c)

C. Tagapagtanggol na pinuno

d)

D. Mapang abuso na pinuno

12.

12. Ito ang kauna-unahang nasusulat na batas sa Rome at naging ugat ng Batas Roman na siyang naging daan para mapagkalooban ang mga Plebeian ng karapatan at nabawasan ang panlilinlang sa kanila.

a)

A. 12 Codes

b)

B. 12 Laws

c)

C. 12 Tablets

d)

D. 12 Tables

13.

13. Sa gitna ng kaguluhan sa Roma sa ilalim ng Republika, nagpatuloy ang paghahangad ng mga pinunong militar na mamuno sa pamahalaan sa pamamagitan ng paggamit ng kanilang hukbo. Sino ang mga bumubuo ng Unang Triumbirata o alyansa ng tatlong

katao?

a)

A. Antoninus, Nerva at Vespacian

b)

B. Brutus, Claudius, Nero

c)

C. Caesar, Crassus at Pompey

d)

D. Caesar, Mark Anthony at Lepidus

14.

14. Sa mga isinulong na pamamahala ni Augustus Caesar matapos na siya ay hirangin

bilang emperador, alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga nagawa niya.

a)

A. Kinontrol niya ang hukbong militar

b)

B. Ang pagbabayad ng buwis ay inayos

c)

C. Pinapatay niya ang mga nagtaksil sa kanya.

d)

D. Ginamit niya ang kanyang kapangyarihan upang ibalik sa kaayusan at

pagbutihin ang pamamahala sa Roma.

15.

15. Ang mga Plebeian ay naghimagsik noong 494 BCE upang makamit ang pantay na karapatan sa mga Patrician. Kung ikaw ay katulad din ng mga Plebeian,

maghihimagsik ka ba para sa iyong kalayaan at karapatan?

a)

A. Opo, para maging sikat sa mundo.

b)

B. Hindi po, para walang masasaktan.

c)

C. Hindi po, hahayaan ko na lamang na manatiling alipin at tagasunod na lamang.

d)

D. Opo, bilang mamamayan ng bansa kailangan natin matamasa ang kalayaan at karapatan ng bawat isa.

16.

16. Aling mahalagang pangyayari sa Imperyong Romano ang naganap mula 27 BCE hanggang 180 CE na itinuring na panahon ng katahimikan at kapayapaan sa buong Imperyong Romano?

a)

A. Nabuo ang 12 Tables

b)

B. Naging diktador si Julius

c)

C. Pag-iral ng Pax Romana

d)

D. Itinatag ang Roman Republic

17.

17. Ang mga sumusunod ay mga salik sa paghina at pagbagsak ng Imperyong Romano MALIBAN sa:

a)

A. Pananalanta ng mga kalamidad.

b)

B. Paglubha ng krisis pangkabuhayan.

c)

C. Pagbaba ng moralidad ng mga Romano.

d)

D. Kawalan ng tapat at mahusay na pinuno.

18.

18. Siya ang hari ng Songhai na tinanggap ang Islam at hinikayat ang mga mamamayan

ng Songhai na tanggapin ito.

a)

A. Dia Kossoi

b)

B. Mansa Musa

c)

C. Sundiata Keita

d)

D. Sunni Ali

19.

19. Naging maunlad at makapangyarihan ang imperyong Ghana, Mali at Songhai sa

Africa dahil sa pakikipagkalakalan. Alin sa mga sumusunod ang kanilang

pangunahing produkto?

a)

A. Diyamante at Pilak

b)

B. Ginto at Asin

c)

C. Mais at Trigo

d)

D. Pampalasa at Tabako

20.

20. Ano ang unang estadong naitatag sa Kanlurang Africa na kung saan sumibol ang isang malakas na estado sa rehiyong ito dulot ng lokasyon sa timog na dulo ng kalakhang Trans-Sahara.

a)

Axum

b)

Ghana

c)

Mali

d)

Songhai

21.

21. Ang imperyong Mali ay yumaman sa pamamagitan ng kalakalan, higit pang napalawak ang teritoryo ng imperyo, sa mga malalaking lungsod pangkalakalan. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang na naging bahagi ng Imperyong Mali?

a)

Djenne

b)

Gao

c)

Sankore

d)

Timbuktu

22.

22. Bagama't hinikayat ni Dia Kossoi ang mga Songhai na tanggapin ang Islam, tutularan mo ba ang ginawa niya kung ikaw ay magiging isang pinuno na hindi niya pinilit ang mamamayan na tanggapin ang Islam bilang relihiyon?

a)

A. Opo, para mapaunlad ang kanilang relihiyon.

b)

B. Hindi po, bilang pinuno dapat sumunod sila sa patakaran.

c)

C. Hindi po, dahil ang mga mamamayan ay may relihiyon na.

d)

D. Opo, sapagkat may kalayaan ang mga mamamayan na pumili ng relihiyon.

23.

23. Bunga ng pakikipagkalakalan, tinanggap ng kaharian ng Axum ang Kristiyanismo samantalang tinanggap rin ng Mali at Songhai ang Islam na parehong relihiyong umusbong sa labas ng Africa. Ano ang iyong mahihinuha ukol dito?

a)

A. Namuhay na pawang mga barbaro ang mga Aprikano bago sila

makipagkalakalan.

b)

B. May tuwirang ugnayan ang relihiyon at kalakalan sa kaharian at imperyo sa Africa.

c)

C. Ang pakikipagkalakalan ay naging daan upang lumaganap ang Kristiyanismo at Islam.

d)

D. Ginamit ng mga Kristiyano at Muslim ang kalakalan upang ipagpilitan nila ang kanilang relihiyon.

24.

24. Unang sumibol ang kabihasnang Olmec sa Mesoamerica. Ang mga sumusunod ay panibagong kabihasnan maliban sa

a)

Maya

b)

Sumeria

c)

Inca

d)

Aztec

25.

25. Bakit isinalarawan ang marahas na kabihasnan na sumibol sa Mexico?

a)

A. Dahil sa pagiging malupit nila sa kanilang alipin.

b)

B. Dahil sa walang awang pananakop nila sa katabing teritoryo.

c)

C. Dahil sa pag-aalay nila ng mga tao sa kanilang mga kinikilalang Diyos

d)

D. Dahil sa hindi makataong pagtrato sa mga mababang pangkat mg lipunan.

26.

26. Ang mga Aztec ay mahuhusay na inhinyero at tagapagtayo ng mga estruktura tulad ng mga kanal o aqueduct kung saan kakikitaan ng ganitong estruktura ang ating bansa. Sa panahon ng tag-ulan, karaniwan nang magkakaroon ng pagbaha sa halos lahat ng lugar sa ating bansa. Bilang mag-aaral, alin ang HINDI mo dapat gawin A upang masolusyonan ang ganitong problema?

a)

A. Itapon ang basura kahit saang lugar na walang nakakakita.

b)

B. Hikayatin ang mga taga-Barangay na maglinis ng mga kanal.

c)

C. Isusumbong sa mga awtoridad ang sinumang nakitang nagkakalat

d)

D. Iulat sa Bayan Mo, Ipatrol Mo ang hindi maayos na kanal na iyong madadaanan kahit hindi sa panahon ng tag-ulan?

27.

27. Hindi sapat ang lawak ng mga lupain ng mga Aztec upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. Ano kaya ang hamon sa mga Aztec upang matugunan ang pangangailangang pang-agrikultura ng mga mamamayan?

a)

A. Pagpapagawa sa Babylonia ng Hanging Garden.

b)

B. Gumawa ng mataas na pader upang hindi sumalakay

c)

C. Gumawa ng artipisyal na pulo na kung tawagin ay "Floating Garden".

d)

D. Paggamit ng hayop sa pagtatanim upang matugunan ang dami ng populasyon.

28.

28. Sa pagbagsak ng Imperyong Romano, aling institusyong panlipunan ang nanatiling matatag na hindi pinakialaman ng mga barbaro kung kaya't nagsilbi itong kanlungan na nangangalaga sa pangangailangan ng mga tao?

a)

Paaralan

b)

Pagamutan

c)

Pamilihan

d)

Simbahan

29.

29. Bakit naging mahalaga ang gampanin ng simbahan at kapapahan sa Europa?

a)

A. Dahil sila ang nagbalik ng pagiging dakila ng Roma.

b)

B. Dahil sila ang nagtatalaga ng magiging sistemang panlipunan sa Roma.

c)

C. Dahil sila ang nagbibigay ng lupa na pangangailangan ng mga Romano matapos itong bumagsak.

d)

D. Dahil sila ang tumatayong pinunong pampamahalaan at pinunong espiritwal matapos ang paghina ng Roma.

30.

30. Sa larangan ng pananampalataya, naniniwala sila sa banal na kapangyarihan o mana. Ano ang kahulugan ng mana na nagmula sa Polynesia?

a)

A. Pagsasaka at Pangingisda.

b)

B. Bisa o lakas na nasa gusali, bato, bangka at iba pa.

c)

C. Ang sentro ng pamahalaan na nasa tuktok ng bundok.

d)

D. Diyos na nasa kalikasan upang maimpluwensiyahan ang mga mamamayan.

31.

31. Isa sa mahalagang ambag ng mga Griyego sa larangan ng palakasan ay ang Olympics. Sa kasalukuyan, bakit patuloy pa rin itong tinatangkilik?

a)

A. Pagkahilig ng tao sa iba't ibang sports upang maging malusog.

b)

B. Pagmamahal sa kapwa, kabayanihan at pagiging makabayan.

c)

C. Maipamalas ng bawat bansa na sila ang pinakamagaling sa lahat.

d)

D. Pagkakakilanlan at pagkakaisa ng bawat bansa sa kabila ng pagkakaiba-iba ng lahi.

32.

32. Ito ay isang seremonya kung saan ang isang pinunong sekular katulad ng hari na pinagkalooban ng mga simbolo sa pamumuno katulad ng singsing sa obispo na kanyang hinihirang bilang maging pinuno ng simbahan.

a)

A. Doctrine

b)

B. Fief

c)

C. Homage

d)

D. Investiture

33.

33. Ito ay isang ekspedisyong militar na inilunsad ng mga Kristiyanong Europeo dahil sa panawagan ni Pope Urban II na naglalayong mabawi ang Jerusalem na sinakop ng mga Turkong Muslim.

a)

A. Kilusan

b)

B. Krusada

c)

C. Propaganda

d)

D. Reporma

34.

34. Bakit binansagang Holy Roman Empire ang imperyo ni Charlemagne?

a)

A. Dahil napalawak ang Kristiyanismo sa buong imperyo.

b)

B. Dahil masigasig na tagasunod ng simbahang katoliko si Charlemagne.

c)

C. Dahil binasbasan ng Papa ang simbahang katoliko ang kanyang pagiging emperador.

d)

D. Dahil ang kapangyarihang pampolitika at panrelihiyon ay nasa kamay ng Emperador.

35.

35. Sino ang humirang kay Charlemagne bilang "Emperor of the Holy Roman Empire".

a)

A. Pope Gregory VI

b)

B. Pope Gregory VII

c)

C. Pope Leo III

d)

D. Pope Urban

36.

36. Sa Panahong Medieval, unti-unting namayagpag ang simbahang katoliko. Ano ang naging resulta nito?

a)

A. Nakuha ng mga muslim ang Jerusalem.

b)

B. Nanawagan ang Papa sa mga kristiyano.

c)

C. Naging makapangyarihan ang mga pari.

d)

D. Nagsimulang maging kristiyano ang mga tao sa Europa.

37.

37. Ang paglakas ng simbahang katoliko ay isang mahalagang pangyayari sa Panahong Medieval. Isang bahagi rito ang paglakas ng kapangyarihan ng Kapapahan o Papacy. Alin sa sumusunod ang higit na naglalarawan sa Kapapahan o sa Papacy?

a)

A. Tumutukoy din ito sa kapangyarihang politikal ng Papa bilang pinuno ng Katoliko.

b)

B. Itinuturing ang Papa bilang Ama ng mga Kristiyano na siya pa ring tawag hanggang sa kasalukuyan.

c)

C. Simbolo ng Kapapahan ang malawak na kapangyarihan ng Simbahang Katoliko noong Panahong Medieval.

d)

D. Ito ay tumutukoy sa tungkulin, panahon ng panunungkulan at kapangyarihang panrelihiyon ng Papa bilang pinuno ng Simbahang Katoliko.

38.

38. Si Pepin the Short ang unang hinirang na hari ng France. Sa halip na mayor ng palasyo noong 768 humalili sa kanya ang kanyang anak na si

a)

A. Charles the Great

b)

B. Charles Martel

c)

C. Clovis

d)

D. Louis

39.

39. Ano ang naging bunga ng pagbagsak ng "Holy Roman Empire"?

a)

A. Ang kulturang Kristiyano ay napayaman.

b)

B. Nawalan ng malakas na pinuno ang imperyo.

c)

C. Nagkanya-kanya ang mga mamamayan ng imperyo

d)

D. Napatalsik sa Constantinople at naibalik ang imperyong Byzantine.

40.

40. Ano ang resulta ng Krusada ng mga Bata noong 1212?

a)

A. Natutong sumuway sa magulang at tradisyon.

b)

B. Nahawakan nila ang Jerusalem sa loob ng isang daang taon.

c)

C. Libong mga bata ang nagkasakit, namatay sa dagat at ipinagbiling alipin.

d)

D. Mabilis na napalitan ang mga Obispo at nagdeklarang excomunicado ang mga bata.

41.

41. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang maituturing ng magandang naidulot ng Krusada?

a)

A. Ang agham ng pakikidigma ay pinaunlad ng krusada.

b)

B. Nagdulot ng panibagong sigla sa paghahanap ng mga bagong ruta ng

kalakalan

c)

C. Tinulungan ng hari ang Krusada upang palawigin ang kanilang kapangyarihan

d)

D. Napalaganap ang komersyo upang umunlad ang mga lungsod at malalaking daungan.

42.

42. Sino ang mga bagong pangkat ng taong lumitaw sa Europa na ang pangunahing layunin ay pakikipagkalakalan?

a)

Bourgeoisie

b)

Kabalyero

c)

Fief

d)

Vassal

43.

43. Ang sistemang Manor ang sentro ng lipunan at ekonomiya ng mga tao na nakatira dito, kung saan ang mga naninirahan ay pagsasaka ang pangunahing ikinabubuhay sa manor. Saan maaring maihahalintulad ang sistemang manor?

a)

A. Sa isang gusali

b)

B. Sa isang bayan

c)

C. Sa isang simbahan

d)

D. Sa isang pamayanan o Village

44.

44. Bakit umiral ang sistemang piyudalismo noong gitnang panahon?

a)

A. Dahil sinuportahan ng simbahan ang hari.

b)

B. Dahil marami ang mga naging kabalyero.

c)

C. Dahil ang mga maharlika ay humingi ng proteksiyon.

d)

D. Dahil ang hari ay lubos na naging makapangyarihan.

45.

45. Sa panahon ng Piyudalismo, ang lipunan ay nahati sa tatlong pangkat, pari, kabalyero at serf. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa serf?

a)

A. Itinuturing silang natatanging sektor ng lipunan.

b)

B. Sila ang bumubuo ng masa ng tao noong Panahong Medieval.

c)

C. May karapatan at kalayaan silang bumuo ng sariling pamilya.

d)

D. Malaya nilang mapauunlad ang kanilang pamumuhay at pamilya.

46.

46. Paano nagsimula ang pagbabangko?

a)

A. Pag-unlad ng kalakalan at industriya.

b)

B. Dahil sa sistema ng pagsasaka sa Manor

c)

C. Marami ang nanirahan sa bayan at sumali sa guild.

d)

D. Dahil sa perya, nakita ang paggamit ng salaping barya hanggang sa nagsulputan ang mga namamalit ng barya.

47.

47. Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng mga Craft Guild sa Piyudalismo?

a)

A. Nang lumaki ang mga bayan.

b)

B. Hinanap ng mga kalaban ang mga guild.

c)

C. Iniutos ng hari para madaling makapagluto.

d)

D. Hindi makakalabas ng manor kung hindi magbabago ng ugali.

48.

48. Ang Renaissance ay panahon sa Europe mula ika-14 hanggang ika-16 na daan taon na nangangahulugang

a)

A. Transisyon mula sa Middle Age tungo sa Modernong Panahon.

b)

B. Pagnanais ng mga kristiyanong makuhang muli ang "Banal na Lupain"

c)

C. Muling pagkamulat ng kultural at klasikal na kaalaman ng Imperyong Muslim.

d)

D. Pagnanais ni Justinian na maibalik ang dating lupaing sakop ng Imperyong Romano

49.

49. Nagkaroon ng mga bayan at lungsod dahil sa pag-unlad ng kalakalan. Ngunit nagdulot rin ito ng polusyon at pagkasira ng kalikasan. Bilang mag-aaral, ano ang magagawa mo sa problemang ito?

a)

A. Ipaubaya na lang sa pamahalaan.

b)

B. Panatilihing malinis ang kapaligiran.

c)

C. Isulong ang mga batas na sumusuporta sa pangangalaga sa kalikasan.

d)

D. Suportahan ang mga awtoridad sa paghuli ng mga sasakyang hindi sumusunod sa batas trapiko.

50.

50. Kaakibat ng sistemang merkantilismo ang bullionism na kung saan sa doktrinang ito ang tagumpay ng isang bansa ay nasusukat sa dami ng mahahalagang metal sa loob ng hangganan nito. Ano ang kahulugan nito?

a)

A. Kayang tustusan ng isang bansa ang kanyang pangangailangan.

b)

B. Ang pamahalaan ang namamahala na parang ama sa kanyang mamamayan.

c)

C. Nagsusulong ang pamahalaan ng mga patakaran na sa unang tingin ay ikabubuti ng nakararami.

d)

D. Kapag maraming ginto at pilak ang makukuha, mas maraming pera ang malilikom nito bilang buwis.