wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

2ND QUARTER ESP REVIEWER

Total questions: 25

Worksheet time: 13mins

Name
Class
Date
1.

Nakita mong nagtitinda ng mga laruan ang iyong kaibigan sa harap ng paaralan. Napansin mo na may ilang laruan na delikado para sa mga bata, ngunit hindi mo alam kung paano siya dapat kausapin tungkol dito.

      Anong layunin ang nais mong makamit sa pamamagitan ng iyong piniling aksyon?

A. Iwasan ang problema at manatiling tahimik.

B. Magmukhang mabuting tao sa harap ng ibang tao

C. Makilala bilang isang 'taga-report' na laging nagsusumbong.

D. Matulungan ang iyong kaibigan na mapabuti ang kanyang negosyo at mapanatiling ligtas

               ang mga bata.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

2.

Ano ang pangunahing epekto ng kamangmangan at masidhing damdamin sa pananagutan

            ng tao sa kanyang mga kilos at pasya?

A. Nakababawas sa pag-unawa ng tao sa kanyang mga responsibilidad.

B. Nagdudulot ng pagkawala ng kontrol at pagkukusa sa mga kilos ng tao.

C. Nagpapabuti ng kakayahang mag-desisyon ng may katwiran at kalmado.

D. Nagbibigay inspirasyon sa mas mataas na antas ng kaalaman at pagpapasiya.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

3.

Nakita mong nagtitinda ng mga laruan ang iyong kaibigan sa harap ng paaralan. Napansin mo na may ilang laruan na delikado para sa mga bata, ngunit hindi mo alam kung paano siya dapat kausapin tungkol sitwasyong ito, ano ang pinakamainam na hakbang na dapat mong gawin upang matulungan ang iyong kaibigan at mapanatili ang kaligtasan ng mga bata?"

A. Magdaos ng isang pulong kasama ang mga guro upang talakayin ang isyu.

B. Magsalita nang may galit at pagsabihan siya na mali ang kanyang ginagawa.

C. Gumawa ng liham na naglalaman ng iyong mga alalahanin at iparating ito sa kanya.

D. Makipag-usap sa mga bata na bumili ng mga laruan at sabihing huwag nang bumili

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

4.

           Si Akio ay nagplano ng community service sa kanilang barangay. Alin sa sumusunod na

                pahayag ang nagpapakita ng pag-unawa ni Akio sa layunin, paraan, at mga sirkumstansya

                ng kanyang proyekto?

A.    Nagdesisyon si Akio na magsimula ng proyekto kahit walang sapat na impormasyon.

B.    Sinabi ni Akio na para sa lahat ang proyekto, ngunit hindi inisip ang mga kasamang

kailangan.

C.   Nagpasiya si Akio na ipaalam sa kanyang guro ang tungkol sa proyekto nang walang

sapat na detalye.

D.   Naunawaan ni Akio na ang layunin ng proyekto ay makatulong sa komunidad at pinili ang

tamang paraan para dito.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

5.

Ang magkapatid na sina Adelina at Teresita ay naninirahan sa kanilang lolo at lola matapos

              pumanaw ang kanilang mga magulang. Nasa Grade 10 na sila at nag-aalala kung

              makakapagpatuloy sa Senior High School dahil sa kakulangan ng pondo.Bilang mag-aaral

              na may malasakit, paano mo susuriin ang kanilang sitwasyon at anong hakbang ang

              pinakamainam na gawin?

A. Titigil na lang sa pag-aaral.

B. Magtitipid ng husto para makaipon.

C. Aalagaan na lang ang kanilang mga lolo at lola.

D. Maghahanap ng mga pagkakataon upang makapagtrabaho o pagkakitaan.

a)

A

b)

B

c)

c

d)

D

6.

Lumipat ka ng paaralan na malapit sa inyong bahay, at napansin mong malinis ang

               kapaligiran. Ngunit, nakakita ka ng isang tao na naghagis ng balat ng saging malapit sa iyo.

               Batay sa iyong kaalaman at responsibilidad sa kapaligiran, ano ang pinakamainam na

              aksyon na dapat mong gawin? Alin sa sumusunod na hakbang ang nagpapakita ng

              pinakamahusay na paghusga sa sitwasyon?

A. Isumbong ang insidente sa inyong guro.

B. Pakiusapan ang taong nagtapon ng basura na damputin ito at ilagay sa tamang lalagyan.

C. Umalis na lang at huwag makialam sa pangyayari dahil ikaw ay bagong pasok sa paaralan.

D. Damputin ang basura upang ipakita ang magandang asal at magbigay ng halimbawa sa

     iba.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

7.

          Narinig mo sa mga kaibigan mo na ang bago mong kaklase ay nangangalakal ng basura,

                kaya't hindi ka dapat makipagkaibigan sa kanya. Pero mabait at matulungin siya sa iyo.

                Ano ang dapat mong gawin gayong mabait  at matulungin  naman siya sa iyo?

A. Paghihinalaan ang bagong kaklase sa kanyang kabaitan.
B. Isama ang bagong kaklase sa grupo nila para makilala siya.
C. Sabihan ang mga kaibigan na masama ang manghusga sa iba.
D. Itanong sa bagong kaklase kung totoo ang usapan tungkol sa kanya.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

8.

Kung ikaw ay naharap sa isang sitwasyon kung saan ang paraan ng pagkilos ay may                       

               negatibong epekto sa ilang tao, ngunit ang layunin ay para sa kabutihan ng nakararami,

               paano mo masusuri ang pasiya?

A. Isang masamang pasiya na hindi dapat isakatuparan

B. Isang tamang pasiya na walang masamang epekto

C. Isang hindi mahalagang pasiya na hindi kailangan ng pagsusuri

D. Isang tamang pasiya na kailangan lamang baguhin ang paraan ng pagganap

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

9.

Sa anong bahagi ng makataong kilos nagaganap ang pagkakaroon ng damdamin o

               emosyon kaugnay ng isang sitwasyon?
           A. Kilos                    B. Pagsusuri
           C. Pag-iisip             D. Pagsasaalang-alang

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

10.

          Bakit mahalaga ang yugto ng pagsusuri sa makataong kilos?

A. Makagawa ng desisyon
B. Mag-isip ng iba pang opsyon
C. Suriin ang mga epekto ng kilos
D. Matutunan ang mga bagong impormasyon

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

11.

 Paano maaaring gamitin ni Pablo ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng

               makataong kilos sa pagdedesisyon kung aling proyekto ang gagawin niya?

A. Pagsasaalang-alang, Kilos, Pag-iisip

B. Pag-iisip, Pagsasaalang-alang, Kilos

C. Kilos, Pag-iisip, Pagsasaalang-alang

D. Pag-unawa, Pagsusuri, Pagpili

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

12.

Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng bahagi ng "Pag-iisip" sa makataong kilos?

A. Ang isang tao ay nagtatago ng isang lihim.

B. Ang isang estudyante ay nag-aaral para sa isang pagsusulit.

C. Ang isang grupo ng magkakaibigan ay nag-uusap tungkol sa kanilang mga problema.

D. Ang isang tao ay nagbabalak kung dadalo siya sa isang mahalagang pagpupulong.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

13.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI bahagi ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa

   ng pasya?
A. Pagsusuri ng mga damdamin
B. Pagsasaalang-alang ng mga halaga

C. Pagsusuri ng mga implikasyon ng kilos
D. Pagbibigay ng awtomatikong reaksyon

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

14.

  Si Aiah ay nakikinig sa talumpati tungkol sa kahalagahan ng integridad. Ano ang isang   halimbawa ng integridad na maaaring naisip ni Aiah?

A. Paggawa ng takdang-aralin kahit wala ang guro.

B. Pagkopya ng sagot mula sa kaklase sa pagsusulit.

C. Pagsali sa mga aktibidad sa paaralan upang makilala.

D. Pagsisinungaling sa guro para makakuha ng mataas na marka.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

15.

Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nagiging makataong kilos ang isang gawa?

A.    Mabilis na isinagawa

B.    Ginagawa ng madalas

C.   Sinadya at pinag-isipan

D.   Likas na reaksyon ng katawan

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

16.

Ayon kay Agapay, alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tunay na makataong kilos?

A. Ang paggawa ng kilos dahil sa utos ng ibang tao.

B. Ang pagsunod sa isang gawain dahil ito ang nakagawian ng karamihan.

C. Ang paggawa ng aksyon upang maiwasan ang parusa mula sa nakakataas.

D. Ang pagdidesisyon ng malayang may pagkukusa at mula sa sariling kalooban.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

17.

      Ayon kay Aristotle, paano mo matutukoy ang kilos na hindi kusang-loob?

          A.Ito ay kilos na ginagawa ng tao nang may malayang pagpapasya.

          B.Ito ay kilos na nagmumula sa malalim na pagninilay at sinasadya.

          C.Ito ay kilos na may intensyong makatulong sa kapwa at may mabuting layunin.         

          D.Ito ay kilos na nagagawa ng tao nang walang sapat na kaalaman o hindi lubos na

               pagnanais.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

18.

Hindi nagawang mag-ulat ni Bea sa harap ng kanyang mga kamag-aral. Anong salik ang   

nakaapekto sa kanyang kilos?  

           A. Gawi na hindi nakatutok sa mga ulat.
           B. Karahasan mula sa mga kamag-aral.

C. Takot na mabigo o ma-bash ng mga kaklase

D. Masidhing damdamin ng pagkabahala at kaba.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

19.

  Paano nakakaapekto ang mga personal na paniniwala sa pananagutan ng isang tao sa  

            kaniyang mga kilos?

A.    Ang mga personal na paniniwala ay walang epekto sa pananagutan ng tao sa kaniyang

kilos.

B.    Ang mga personal na paniniwala ay nagiging dahilan ng pagkakaroon ng hindi  

makatarungang desisyon.

C.   Ang mga personal na paniniwala ay tumutulong sa tao na gumawa ng mga tamang

desisyon na may malasakit sa kapwa.

D.   Ang mga personal na paniniwala ay nagiging sanhi ng hindi pagkakaroon ng malasakit sa

mga consequences ng mga aksyon.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

20.

Mula pagkabata hanggang sa kasalukuyan, si Ken ay palaging napapalo ng kanyang ama   

dahil sa kanyang mga pagkakamali. Anong epekto ng ganitong karanasan ang maaaring kanyang maalala sa kanyang pagbibinata

A. Ang mga pagkakasala na hindi niya matandaan.

B. Ang mga aral na natutunan mula sa kanyang ama.

C. Ang mga pagkakataon kung saan siya ay napapalo dahil sa kanyang mga pagkakamali.
D. Ang mga pagsisikap na kanyang ginawa upang matutunan mula sa kanyang mga

    pagkakamali.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

21.

Kung si Chymy ay hindi nagtakip ng kanyang poot at sa halip ay nakipag-usap sa

Presidente tungkol sa kanyang mga opinyon, ano ang epekto nito sa kanilang ugnayan

sa konteksto ng epektibong komunikasyon at relasyon sa isang proyekto?

A. Mawawalan na siya ng tiwala sa presidente.

B. Magiging mas matibay ang kanyang poot sa presidente.

C. Magkakaroon sila ng mas magandang komunikasyon at pag-intindi sa isa’t isa.

D. Patuloy na magkakaroon ng hidwaan at hindi pagkakaunawaan sa kanilang proyekto.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

22.

Paano matutulungan si Tasyo na bumalik sa tamang landas sa kanyang pag-aaral?
      A. Itaguyod ang mga maling gawi sa pag-aaral na siya ay nakasanayan.
      B. Magtakda ng mga layunin at regular na talakayin ang kanyang progreso.

           C. Palaging pag-usapan ang kanyang mga pagkukulang sa harap ng kanyang mga kaibigan.

           D. Magpanggap na hindi siya nagkukulang at hayaan na lamang siyang magpatuloy sa   

               kanyang gawi.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

23.

Ano ang mangyari kung ang isang tao ay nagdesisyon na pumasok sa isang relasyon dahil

sa labis na pagnanasa?
A. Ang relasyon ay magiging mas matagumpay.
B. Wala itong magiging epekto sa kanilang relasyon.

C. Ang tao ay magiging mas masaya sa kanyang desisyon.

D. Hindi maging maayos ang relasyon dahil sa hindi makatwirang inaasaha

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

24.

Paano makabubuo ang isang mag-aaral ng proyekto na makatutulong sa pagpapalaganap  

            ng tamang kaalaman tungkol sa mental health sa kanilang paaralan?

A. Gumawa ng isang poster na walang sapat na impormasyon.

B. Iwasan ang pag-usapan ang mga isyu ng mental health sa paaralan.

C. Mag-imbita ng mga tao na hindi pamilyar sa paksa ng mental health.

D. Magdaos ng isang seminar na nagtatampok ng mga eksperto sa mental health.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D

25.

Paano nakakaapekto ang matinding emosyon sa isang mag-aaral sa mga sitwasyong

            nangangailangan ng desisyon?

A. Wala itong epekto sa kanyang mga desisyon.

B. Nagiging dahilan ito ng palaging magandang desisyon.

C. Nakakaapekto ito sa kanyang tiwala sa sarili sa tuwing nagdedesisyon.

D. Nagiging hadlang ito sa kanyang kakayahan na magdesisyon nang maayos.

a)

A

b)

B

c)

C

d)

D