WorksheetsReviewer sa Agham 3 Q2
Total questions: 40
Worksheet time: 21mins
Ano ang tawag sa bahaging may kulay ng ating mata?
cornea
iris
lens
pupil
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pangangalaga sa ating mata?
Si Cyruz ay nanood ng malapit sa TV.
Kinukusot ni Riri ang mga mata kapag napuwing.
Nagsusuot ng goggles si Charlls kapag lumalangoy sa dagat.
Nagbabasa si Angel kahit tumatakbo o umaandar ang sasakyan.
Tawag sa panlabas na bahagi ng ating tenga na sumasagap ng tunog.
pinna
cochlea
ear drum
ear canal
Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng tamang pangangalaga ng ating tenga?
Gumamit ng matulis na bagay sa pag-alis ng tutuli.
Gumamit ng malinis na tela sa paglilinis ng labas ng tenga.
Makinig lamang sa mga kaaya-ayang musika sa tamang lakas.
Takpan ang tenga kung may putukan o malakas na tunog.
Ito ay tawag sa ugat na naghahatid ng mensahe o amoy sa utak upang matukoy kung saan nagmula at uri ng amoy.
optic nerve
auditory nerve
olfactory nerve
blood vessels
Ilang lasa ang nalalasahan ng ating dila?
apat
dalawa
tatlo
isa
Alin sa mga sumusunod ang HINDI tamang pangangalaga ng dila.
Pagkain ng sobrang init na pagkain.
Pagsesepilyo ng ngipin.
Paggamit ng pangkuskos ng dila o tongue scraper.
Pagpapasuri sa doktor kapag may singaw.
Ito ang bahagi ng balat na nahihipo at nahahawakan.
glands
nerves
dermis
epidermis
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng pangangalagaan ng ating balat, alin lamang ang HINDI?
Maligo araw-araw.
Maglakad ng nakayapak.
Uminom ng maraming tubig.
Pagsusuot ng malinis na damit.
Alin sa mga hayop na ito ang karaniwang nakikita sa hardin ng ating paaralan?
unggoy
kuneho
paru paro
seahorse
Bakit namamalagi sa isang lugar ang mga hayop?
Malaya silang nabubuhay at nakakakuha ng pagkain.
Ligtas sila sa kapahamakan.
Nagagawa nila ang gusto nilang gawin.
Lahat ng nabanggit.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pangangalaga ng ating ilong?
Pagtanggal ng dumi sa ilong gamit ang daliri ng kamay
Pagbahing gamit ang panyo bilang pantakip sa ilong
Paglalagay ng lapis sa butas ng ilong
Pagbahing na walang gamit na pantakip sa ilong
Alin sa mga sumusunod na hayop ang binabalutan ng feathers o balahibo?
aso
manok
baboy
palaka
Ito ay tawag sa bumabalot sa mga hayop na walang buto sa loob ng katawan tulad ng hipon, alimango at bubuyog.
balahibo
kaliskis
exoskeleton
shell
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang MALI.
Ang mga bibe ay gumagamit ng tuka sa pagkuha ng pagkain.
Tuka ang ginagamit ng mga ibon sa pagkuha ng pagkain.
Ang mga baboy ay gumagamit ng tuka sa pagkuha ng pagkain.
Bibig ang gamit ng mga aso sa pagkuha ng pagkain.
Ano ang ginagamit ng palaka sa pagkuha ng pagkain?
bibig
dila
tuka
paa
Alin sa mga hayop ang makikita sa tahanan?
ahas
pusa
buwaya
baboy
Alin sa mga hayop ang nagbibigay ng karne at itlog?
baka
baboy
kalabaw
manok
Ang mga balat ng hayop tulad ng buwaya ay ginagawang?
gatas at karne
transportasyon
bag at sapatos
alaga at kasama sa bahay
Alin sa mga sumusunod na larawan ang HINDI nagpapakita ng pagmamalasakit sa hayop?
Sinisipa ang alagang hayop
Paliguan ang mga alagang hayop
Pakainin ang alagang hayop
Pinatuturukan ng anti-rabies ang alagang aso.
Anong bahagi ng halaman ang sumisipsip ng tubig at mga sustansiya sa lupa?
bulaklak
bunga
dahon
ugat
Ito ay bahagi ng halaman kung saan ginagawa ang pagkain gamit ang sinag ng araw, tubig at hangin.
bulaklak
bunga
dahon
ugat
Alin ang halimbawa ng hayop na naninirahan sa tubig?
aso
pusit
oso
kabayo
Ang lahat ng bagay na nakatala ay makukuha sa puno ng niyog. Alin ang HINDI?
bulak
walis
langis
silya
Ano ang kahalagahan ng mga bagay na makukuha sa halaman? Ang mga halaman ay nagbibigay ng bagay na _____.
maiinom
pangkonstruksiyon
makakain
gamot at pandekorasyon
Ano ang tamang pagpapakita ng pag-iingat sa mga halaman?
Diligan at paarawan ang mga halaman.
Hayaang palibutan ang halaman ng mga damo.
Diligan ng mainit na tubig araw araw.
Punasan ng may langis ang dahon.
Ito ay tawag sa mga halamang umuusad, gumagapang at malambot ang mga tangkay.
baging
palumpong
puno
Ang _____________ ay isang uri ng palumpong na itinuturing na pambansang dahon ng Pilipinas. Ang mga dahon nito ay malalapad at pabilog.
makahiya
dahon ng saging
kangkong
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pangangalaga ng halaman?
Hayaan ang mga damo na lumago kasabay ng mga tanim na halaman.
Hindi kinakailangan ng halaman ang pangangalaga ng mga tao.
Ang patuloy na pagputol ng mga halaman at puno ay isang magandang gawain.
Iwasang tapakan ang mga pananim na halaman.
Ang Living Things or May Buhay ay may mga katangian. Ito ay __________.
lumalaki
Tumutubo
Dumadami
hindi umiinom
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa grupo?
tao
aso
kama
halaman
Si Mang Mark at Aling Reinalou ay parehong may maputing kulay ng balat. Marahil ang magiging anak nila ay may ______________.
maitim na balat
maputing balat
madilaw na balat
kayumangging balat
Ang sisiw ang tawag sa anak ng manok, ano naman ang tawag sa anak ng aso?
tuta
kuting
biik
inakay
Kung ikaw ay nagtanim ng buto ng manga, Ano ang magiging kalalabasan nito kapag lumaki.
Mamumulaklak ito ng sampaguita
Lalaki ito katulad ng puno ng santol
Lalaki ito katulad din ng isang punong mangga
Tutubo ito sa ilalim ng lupa at mamumunga ng bayabas
Ito ang isa sa pangunahing pangangailangan ng tao, hayop at halaman. Nagbibigay ito ng lakas sa pisikal ng mga may buhay.
tirahan
hangin
pagkain
ulan
Alin ang HINDI nagpapakita ng pangunahing pangangailangan ng tao, hayop at halaman?
araw
hangin
pagkain
bag
Alin sa mga sumusunod ang nakukuha natin mula sa ating kalikasan?
tirahan, pagkain, gamit, inumin
tirahan, pagkain, gamit, karunungan
tirahan, pagkain, inumin, karunungan
tirahan, pagkain, kalayaan, karunungan
Ano tawag sa pagkasira ng kagubatan at kabundukan?
Deforestation
Problema sa Basura
Climate Change
Polusyon sa lupa, hangin at tubig
Ano ang maaring mangyari kung patuloy ang pagtatapon ng mga basura kung saan-saan?
magbabaha
magkakasunog
lilindol
babagyo
Basahin ang mga pangungusap. Alin ang tumutukoy sa wastong pangangalaga ng kapaligiran?
Itinatapon ni Nacob ang balat ng kanyang kendi sa kalsada.
Nakiisa si Xavier sa paglilinis ng mga estero at kanya sa kanilang barangay.
Si Catlene ay madalas mamitas ng mga dahon ng halaman.
Masaya si Jornerl kapag nagtatanim siya ng basura sa ilog.
