wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

V.E reviewer part 1

Total questions: 18

Worksheet time: 9mins

Name
Class
Date
1.

Malalaman sa layunin nang makataong kilos kung ito ay mabuti o masama. Ang pahayag ay

a)

Tama, sapagkat makikita ang epekto ng kilos

b)

Tama, sapagkat sa layunin mapapatunayan kung bakit ginawa ang kilos.

c)

Mali, sapagkat ang layunin ng kilos ay palaging mabuti.

d)

Mali, sapagkat may isip at kilos loob ang gumawa ng kilos

2.

Tumutukoy ito sa kilos na resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos-loob kaya't may pananagutan ang tao sa pagsasagawa nito.

a)

Kilos ng tao

b)

Pananagutan

c)

Tungkulin

d)

Makataong-kilos

3.

Nakapulot si Ayah ng bag na naglalaman ng pera. Alam niyang hindi niya dapat buksan ito dahil hindi niya pag-aari pero nagbabasakali siyang makakita ng pagkakakilanlan ng may-ari ng bag. Sa sitwasyong ito, alin ang maituturing na makataong kilos?

a)

Ang pagkapulot niya ng bag na naglalaman ng pera

b)

Ang pagbukas niya sa bag para malaman ang pagkakakilanlan ng may-ari

c)

Alam niyang mali na buksan ang bag na hindi niya pag-aari

d)

Nagbabasakaling makilala ang may-ari ng bag

4.

Bakit tinatawag na kilos na niloob ang makataong kilos?

I. Sinandya at Kusa II. Responsable III. Alam ang ginawa IV. Ninais ang kilos na ginawa

a)

I and II

b)

II and IV

c)

I, II, III, IV

d)

II, III, IV

5.

Anong uri ng kilos ayon sa kapanagutan ang maituturing na makatao at dapat mapanagutan ng lubos?

a)

Kusang-loob sapagkat, ang kilos ay may kaalaman at pagsang-ayon.

b)

Di kusang-loob dahil may paggamit ng kaalaman ngunit, kulang ang pagsang-ayon.

c)

Walang kusang-loob. Ang kilos ay pananagutan ng tao dahil hindi niya alam kaya't walang pagkukusa.

d)

May intensiyon at pagsang-ayon ng taong nagsagawa ng kilos kahit na labag ito sa kaniyang kalooban.

6.

Paano mailalarawan ang kusang-loob na kilos ni Aristotle?

a)

Ito ay kilos na resulta ng bulong ng konsensiya.

b)

Ito ay kilos na nagpapakita ng may kaalaman tungkol sa gawain at pagsang-ayon.

c)

Ito ay kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan.

d)

Ito ay kilos na walang pagsang-ayon dahil walang kaalaman ang taong nagsasagawa dito.

7.

Ayon kay Agapay, ito ay mahalaga at bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian.

a)

Damdamin

b)

Kakayahan

c)

Kilos

d)

Pasiya

8.

Buong husay na ginagawa ni Maloi ang kaniyang mga proyekto sa lahat ng kaniyang asignatura. Alam niyang mataas na grado ang katumbas nito at tiyak na ikatutuwa ng kaniyang mga magulang. Bakit kusang-loob na uri ng kilos ang nasa sitwasyon?

a)

Maliwanag sa halimbawa na kusa at may lubos na kaalaman si Maloi sa ginagawa niya.

b)

Maliwanag na hindi niya namamalayang nagagawa pala niya nang maayos ang kaniyang proyekto.

c)

Ang sitwasyon ay hindi nagpapakita ng kusang-loob na uri ng kilos kundi ito ay walang kusang-loob.

d)

Maliwanag na hindi niya ginusto ang kaniyang ginagawa dahil lamang sa kagustuhan niyang matuwa ang kaniyang mga magulang.

9.

Ikaw ay laging tumutugon sa tawag ng komunidad sa panahon ng pangangailangan, sinisiguro mong kahit na maliit na bagay ay may maitutulong ka sa inyong lugar. Sa gawaing tulad nito, may kapanagutanka ba sa kahihinatnan ng iyong kilos? Bakit?

a)

Wala, dahil kusa kong ginawa ito at walang pumilit

b)

Wala, dahil hindi masama ang layunin o intensiyon ng pagtulong

c)

Oo, kung may masamang magiging bunga ng aking ginawa

d)

Oo, dahil mayroon akong lubos na pagkaunawa sa kalikasan ng aking gagawin at kahihinatnan nito

10.

Piliin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng mapanagutan at makataong kilos.

a)

Nilagay ni Joshua ang kanyang bag sa upuan

b)

Napuyat si Cedrick sa paglalaro ng computer games

c)

Bumili ng softdrinks si Susan kahit na masakit ang kanyang tiyan.

d)

Inayos ni Nelia ang nasirang notebook na hiniram nito sa kanyang kamag-aral.

11.

Ayon kay Aristotle, may tatlong uri ng kilos na kung saan managot ka pa rin kahit kulang ka sa pagsang-ayon pero ginawa mo pa rin ang hindi kaaya-ayang gawain, tinatawag ito na

a)

Walang kusang loob

b)

Walang pagkukusa

c)

Kusang loob

d)

Di-kusang loob

12.

Si Tony ay isang pulis, kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya't mahal na mahal siya ng kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan na ang itinutulong niya sa mga ito ay galing sa pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang mga nahuhuling tsuper sa kalsada. Tama ba o Mali ang kilos ni Tony?

a)

Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos

b)

Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan.

c)

Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong.

d)

Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na kilos.

13.

Kailan matatawag na masama ang pagkilos ng isang tao?

a)

Kung ipinahahayag niya palagi ang kaniyang passion o matinding emosyon na nakakasakit sa iba

b)

Kung may inggit siya sa kapwa ngunit nagging dahilan ng pagtatagumpay

c)

Kung siya ay may kapangyarihan ngunit may konsiderasyon sa kabutihan ng nakararami

d)

Ang pagmamalasakit sa kalagayan ng iba

14.

Wala sa bahay ang mga magulang ni Amy, pumasok siya sa silid ng kanyang mga magulang at kumuha ng 1000 piso sa loob ng kabinet kung saan nakatago ang pera nila. Ang pagkuha ni Amy ng pera ay masama. Nadaragdagan ng panibagong kasamaan ang kaniyang ginawa dahil..

a)

Kinuha niya ito nang walang paalam

b)

Kinuha niya ito nang wala ang kaniyang mga magulang

c)

Ang kinuhanan niya ng pera ay ang kaniyang mga magulang

d)

Ang pagkuha niya ng pera ay hindi nagpakita ng pagrespeto

15.

Alin sa mga ito ang hindi maituturing na gawi?

a)

Paglilinis ng ilong

b)

Pagpasok nang maaga

c)

Pagsusugal

d)

Maalimpungatan sa gabi

16.

Ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayan, at may kaakibat na pananagutan. Anuman ang kilos ay may.

a)

Kahihinatnan

b)

Kilos

c)

Layunin

d)

Sirkumstansiya

17.

Kung ang isang Kabataan ay naging biktima ng paghihiwalay ng magulang, paano ang tamang pagpapasiya at pagkilos?

a)

Marebelde sa ginawa ng magulang

b)

Mahirap tanggapin ang katotohanan ngunit baguhin ang takbo ng sariling buhay

c)

Gumamit ng droga para maaklimot sa problema

d)

Magalit sa mga magulang sa kanilang pasiya

18.

Si Willy ay isang espesyalistang doktor sa puso. Siya ay maingat sa pagbibigay kung anong gamot ang nararapat sa pasyente dahil alam niya bilang doktor na hindi lahat ng gamot na kaniyang ibinibigay ay may magandang idudulot sa mga pasyenteng iinom nito. Alin sa mga salik na nag-uugnay sa makataong kilos ang ipinakita ni Willy?

a)

Kahihinatnan

b)

Kilos

c)

Layunin

d)

Sirkumstansiya