wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pre Test/Post-Test - Kakayahang Lingguwistiko

Total questions: 24

Worksheet time: 12mins

Name
Class
Date
1.

Si Abigail ay nag-aaral ng lingguwistika sa unibersidad. Ano ang kahulugan ng lingguwistika?

a)

Pag-aaral ng mga wika ng tao

b)

Pag-aaral ng kasaysayan ng wika

2.

Ito ay abilidad ng isang tao na makabuo at makaunawa ng maayos at makabuluhang pangungusap.

a)

Kakayahang Komunikatibo

b)

Kakayahang Lingguwistiko

3.

Ano ang tamang gamit ng salita sa pangungusap?
_______ mo ang iyong pawis sa mukha.

a)

Pahirin

b)

Pahiran

4.

Ano ang tamang gamit ng salita sa pangungusap?
_______ mo ng Vicks Vaporub ang likod kong masakit.

a)

Pahirin

b)

Pahiran

5.

Ano ang tamang gamit ng salita sa pangungusap?
Isarado mo ang _______ para hindi pumasok ang mga insekto sa kuwarto.

a)

pinto

b)

pintuan

6.

Ano ang tamang gamit ng salita sa pangungusap?
Huwag mong harangan ang _______ dahil hindi kami makadaan nang maayos.

a)

pinto

b)

pintuan

7.

Ano ang tamang gamit ng salita sa pangungusap?
Dahan-dahan kang bumaba at baka malaglag ka sa _______ .

a)

hagdan

b)

hagdanan

8.

Ano ang tamang gamit ng salita sa pangungusap?
Ang disenyo ng kanilang ___________ sa bahay ay paikot .

a)

hagdan

b)

hagdanan

9.

Ano ang tamang gamit ng salita sa pangungusap?
Kumain siya ______ strawberry taho sa Baguio.

a)

ng

b)

nang

10.

Ano ang tamang gamit ng salita sa pangungusap?
Napatalon siya sa gulat ______ biglang sumigaw ang lalaking nasa mall.

a)

ng

b)

nang

11.

Ano ang tamang gamit ng salita sa pangungusap?
Hindi _____ niya naaayos ang kanilang pagkakaibigan.

a)

parin

b)

pa rin

12.

Ano ang tamang gamit ng salita sa pangungusap?
Ngayon ______ niya naisip kumain dahill sa sobrang abala sa pag-aaral.

a)

pa lang

b)

palang

13.

Ano ang tamang gamit ng salita sa pangungusap?
Huwag ____ kaya?

a)

nalang

b)

na lang

14.

Ano ang tamang gamit ng salita sa pangungusap?
___________ kumain kapag mabango at mukhang masarap ang nakahain.

a)

Nakakaganang

b)

Nakagaganang

15.

Tukuyin kung ano ang mali sa pangungusap:

  1. Paano ba makatutulong sa lipunan ang isang kabataang tulad ko.

a)

A. Paano ba makatutulong

b)

B. sa lipunan

c)

C. ang isang kabataang

d)

D. tulad ko.

e)

E. walang mali

16.

Tukuyin kung ano ang mali sa pangungusap:
Maraming salik ang nakaaapekto sa mentalidad ng mga kabataang Pilipino sa kasalukuyan.

a)

A. Maraming salik

b)

B. ang nakaaapekto sa mentalidad

c)

C. ng mga kabataang Pilipino

d)

D. sa kasalukuyan.

e)

E. walang mali

17.

Tukuyin kung ano ang mali sa pangungusap:
Marami ang naniniwala sa kakayahang ng mga kabataang Pilipino.

a)

A. Marami ang naniniwala

b)

B. sa kakayahang

c)

C. ng mga kabataang

d)

D. Pilipino.

e)

E. walang mali

18.

Tukuyin kung ano ang mali sa pangungusap:
Sila ay mahuhusay sa ibat-ibang larangan.

a)

A. Sila

b)

B. ay mahuhusay

c)

C. sa ibat-ibang

d)

D. larangan.

e)

E. walang mali

19.

Tukuyin kung ano ang mali sa pangungusap:
Mahalagang suporta ni Emma sa kaniyang mga anak.

a)

A. Mahalagang suporta

b)

B. ni Emma

c)

C. sa kaniyang

d)

D. mga anak.

e)

E. walang mali

20.

Tukuyin kung ano ang mali sa pangungusap:
Mahusay sila Jose sa paglalaro ng basketball.

a)

A. Mahusay

b)

B. sila Jose

c)

C. sa paglalaro

d)

D. ng basketball.

e)

E. walang mali

21.

Tukuyin kung ano ang mali sa pangungusap:
Araw araw akong umaasa sa’yo, Liam.

a)

A. Araw araw

b)

B. akong umaasa

c)

C. sa’yo,

d)

D. Liam.

e)

E. walang mali

22.

Tukuyin kung ano ang mali sa pangungusap:
Walang imposible kung mananalig si Mason sa panginoon.

a)

A. Walang imposible

b)

B. kung mananalig

c)

C. si Mason

d)

D. sa panginoon.

e)

E. Walang mali

23.

Tukuyin kung ano ang mali sa pangungusap:
Magsama-sama Tayo upang malampasan ang lahat ng mga pagsubok na ito.

a)

A. Magsama-sama Tayo

b)

B. upang malampasan

c)

C. ang lahat

d)

D. ng mga pagsubok na ito.

e)

E. walang mali

24.

Tukuyin kung ano ang mali sa pangungusap:
Ugaliing maging masaya sa bawat biyayang natatanggap sa tuwina.

a)

A. Ugaliing maging masaya

b)

B. sa bawat biyayang

c)

C. natatanggap

d)

D. sa tuwina.

e)

E. walang mali