wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Total questions: 40

Worksheet time: 3mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay isang bagay na inaasahang magagawa o maisasakatuparan ng isang tao.

a)

karapatan

b)

konsensiya

c)

sinseridad

d)

tungkulin

2.

Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng isang mag-aaral?

a)

pagsuot ng uniporme

b)

pagsuot ng Identification Card (ID)

c)

pagpasok sa paaralan sa takdang oras

d)

lahat ng mga nabanggit

3.

Si Senador Manny Pacquiao ay nagmungkahi na ibalik ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa mga kriminal o nagkasala sa batas. Sinasang-ayunan mo ba na ibalik ang ganitong klaseng parusa?

a)

Opo, para mabigyan ng hustisya ang mga biktima.

b)

Opo, para mabawasan na ang kriminalidad sa ating lipunan.

c)

Hindi, dahil may mga taong napagbintangan lamang sa krimeng hindi naman ginawa.

d)

Hindi, dahil ang buhay ay sagrado. Ang Diyos ang tagapagbigay buhay at tanging Siya lang ang may karapatang bawiin ito ayon sa kanyang kalooban.

4.

Isang pulubi na maraming dumi sa katawan at may masangsang na amoy ang nais pumasok sa isang supermarket upang bumili ng kanyang pagkain. Subalit hindi siya pinatuloy ng gwardya. Tama ba Ang naging pagtrato sa kanya?

a)

Opo, dahil pangingilagan siya ng ibang namimili kapag pumasok siya sa loob.

b)

Hindi, dahil may pambayad naman siya.

c)

Opo, dahil pwede naman siyang bumili sa mga maliliit na tindahan sa labas.

d)

Hindi, dahil hangad lamang niya na makabili ng pagkain at may karapatan at kalayaan din siya kagaya ng iba pang mamamayan.

5.

Ang mga sumusunod ay mga paglabag sa karapatang pantao maliban sa isa.

a)

terorismo

b)

pagbabayad ng utang

c)

pagpatay sa sanggol

d)

diskriminasyong pangkasarian

6.

Sa papaanong paraan napapakinabangan ng tao ang karapatan?

a)

sa paggawa ng moral na kilos

b)

sa pag-iisip ng mabuti

c)

sa pagtulong sa kapwa

d)

kapag marunong kumilos ng husto

7.

Alin ang angkop na paglalarawan ng paglabag sa karapatang pantao?

a)

Hindi pahihintulutang mag-absent bukas ang isang mag-aaral.

b)

mga karpinterong nagtatrabaho ng walang sumbrero

c)

isang Linggo ng hindi makapagtinda sa palengke dahil sa pandemya

d)

Pinagtatrabaho ang mga menor de edad sa isang minahan upang makatulong sa mga magulang.

8.

Hindi maaalis sa tao ang karapatang ito dahil kailangan niya ang mga ari-arian upang mabuhay nang maayos at makapagtrabaho ng produktibo. Anong karapatan ito?

a)

pribadong ari-arian

b)

bumili ng mga ari-arian

c)

mag-impok sa bangko

d)

umangkin ng ari-arian

9.

Kayong magkaka-eskwela ay nasa paborito ninyong kainan. May pumasok na binatilyo na may kapansanan sa paglalakad. Napansin mong walang bakanteng lamesa at upuan para sa binatilyo na tila uhaw at gutom na. Ano ang gagawin mo?

a)

Hahayaan ko siya at patuloy akong makikipagkwentuhan at makikipagtawanan sa aking mga kaeskwela.

b)

Tatawagin ko siya para umupo nang sandali lamang sa aming grupo habang naghihintay siya ng mabakanteng upuan.

c)

Tatawagin ko ang pansin ng isa sa mga service crew para maglaan ng lugar para sa mga taong may kapansanan.

d)

Makikipagkilala at makikipagkwentuhan ako sa binatilyong may kapansanan habang hindi pa siya nakakahanap ng lugar sa kainan.

10.

Anong karapatan ang sumusuporta sa kagustuhan na lumipat o tumira sa ibang lugar at magkaroon ng oportunidad tulad ng trabaho o komportableng pamumuhay at ligtas sa anumang panganib?

a)

magtrabaho o maghanap buhay

b)

pumunta sa ibang lugar at maghanap buhay

c)

pumunta sa ibang lugar

d)

mag-abroad

11.

Paano nalalaman ang mabuti?

a)

Kung ito ay nakakatulong sa pagkabuo ng sarili

b)

Kung ang ginawang desisyon ay sabay na ginamitan ng isip at puso

c)

Kung ang pagpili ay batay sa panahon, kasaysayan, konteksto at sitwasyon

d)

Kung ang mga posibleng epekto ng pagpili ay ma

12.

Paano sinikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa karapatang pantao ng bawat mamamayan?

a)

Sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga karapatan at proteksiyon ng mga mamamayan

b)

Sa pamamagitan ng maraming mga batas

c)

Sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura na senyales ng pag-unlad ng ekonomiya ng bansa

d)

Sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba't ibang samahan na sasagot sa pangangailangan ng bawat mamamayan

13.

Alin sa sumusunod ang wasto at mabuting panukala?

a)

Umaayon sa lahat ng panahon at pagkakataon

b)

Mula sa sariling pag-alam at pakiramdam

c)

Angkop sa pangangailangan at kakayahan

d)

Para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan lamang

14.

Paano mailalarawan ang isang taong buo ang pagkatao?

a)

May pagsaklolo sa iba

b)

Pagiging matulungin sa kapuwa

c)

Tunay ang pagsunod sa utos ng Diyos

d)

Pagkampi sa tao

15.

Pumunta ka sa bakanteng loteng inuupahan mo dahil nakita mong pinapala ito ng iba upang tabunan ang kanal nila. Nagtanong ka lang nang maayos at mapayapang umalis. Di nagtagal lumabas ang isang babae at galit na sumisigaw at pinaringgan ka upang palabasin na mali at masama ang iyong pagsita. Paano mo aayusin ito nang hindi lulubha ayon sa Likas na Batas Moral?

a)

Hindi na lang ako kikibo

b)

Susubukan kong magpaliwanag

c)

Hahayaan ko na lang na lalamig ang kaniyang ulo

d)

Pakikinggan ko ang kaniyang panig bago ako magpapaliwanag

16.

Alin sa mga sumusunod ang hindi gaanong importanteng batayan ng pagkatao at halaga ng tao?

a)

konsensiya

b)

dignidad

c)

katuwiran

d)

kilos-loob

17.

Kanino nagsisimula ang pagtuturo ng mabuti at pag-iwas sa masama?

a)

kapitbahay

b)

magulang

c)

guro

d)

guidance counselor

18.

Ano ang nagsisilbing gabay ng tao upang kilatisin kung ano talaga ang mabuti?

a)

Katuwiran at Konsensiya

b)

Dignidad at Pilosopiya

c)

Isip at Puso

d)

Isip at Kilos-loob

19.

Maagang nag-asawa sina Gina at Peter. Marami silang pagsubok na naranasan sa kanilang pagsasama. Gayunpaman, nanatiling matatag ang kanilang pagmamahalan. Maraming nanghusga sa kanila. Pinagsikapang magtrabaho nang maayos ng mag-asawa upang umunlad ang kanilang buhay. Anong karapatan ang pinakita dito?

a)

karapatang mag-asawa

b)

karapatang magkapagtrabaho

c)

karapatang magkaroon ng pribadong ari-arian

d)

karapatang makapunta sa ibang lugar o bansa

20.

Alin sa mga sumusunod ang HINDI nangangahulugan ng salitang paggawa?

a)

Isang bagay na hindi matatakasan at kailangang harapin sa bawat araw

b)

Isang gawain ng tao na nangangailangan ng likas na pagkukusa at pagkamalikhain

c)

Isang pagkilos na hindi batay sa kaalaman

d)

Malaking bahagi ng pagkatao na kailangang isagawa ng may pananagutan

21.

Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit ng tao ang mga sumusunod, maliban sa isa.

a)

Mataas na tiwala sa sarili

b)

Karapatang samsamin ang pag-aari ng iba

c)

Suporta para sa pansariling pangangailangan

d)

Pagkakataong makisalamuha at makisama sa iba

22.

Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan. Ang pangungusap na ito ay?

a)

Tama, dahil likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan.

b)

Tama, dahil hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera.

c)

Mali, dahil hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa

d)

Mali, dahil mas mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapuwa bago ang sarili

23.

Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?

a)

Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao

b)

Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto

c)

Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao

d)

Sa haba ng panahon na iginugol upang malikha ang isang produkto

24.

Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ano ang kahulugan nito?

a)

hindi kasangkapan ang tao na kailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan niya ang paggawa upang makamit niya ang kanyang kaganapan.

b)

hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus ang tao ang kailangan upang mapagyaman ang mga kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman ng paggawa

c)

ang tao gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa at hindi nararapat na iasa lamang ng tao ang kaniyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kaniyang kapuwa.

d)

ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos ng tao ang lahat ng kaniyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang produkto.

25.

Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapuwa, sa kanyang pamilya, sa lipunan na kaniyang kinabibilangan at sa bansa. Ano ang kahulugan nito?

a)

Hindi nararapat na isipin ng tao ang kanyang sarili sa kanyang paggawa.

b)

Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kaniyang kapuwa.

c)

Kailangan ng tao na maghanap ng hanapbuhay na ang layunin ay makatulong at magsilbi sa kapuwa.

d)

Lahat ng nabanggit

26.

Ano ang kahulugan ng obheto ng paggawa?

a)

Kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.

b)

Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha

c)

Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto

d)

Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto

27.

Ang buhay na walang patutunguhan ay walang katuturan at ang paggawa ang nagbibigay katuturan dito. Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit ng tao ang sumusunod maliban sa isa.

a)

nabibigyang-dangal ang kanyang pagkatao

b)

nagagampanan niya ang kanyang tungkulin sa Diyos

c)

nakakayanan niyang suportahan ang kanyang mga pangangailangan

d)

napagyayaman ang pagiging makasarili

28.

Sa paanong paraan nagiging hindi makabuluhan ang paggawa?

a)

Kapag ang tao ay tinitingnan ang paggawa bilang tunguhin (goal) at hindi daan (means) sa pagkamit ng tunguhin

b)

Kapag ang pagbibigay ng iyong lahat ng panahon at pagod sa paggawa ay hindi nagwawaglit sa pag-aalay nito para sa kapurihan ng Diyos

c)

Kapag ibinibigay ng tao ang lahat ng kaniyang makakaya sa paggawa upang kaniyang matamasa ang bunga ng kanyang pinagpaguran

d)

Kapag nakikita at nauunawaan ng tao ang kahulugan ng kaniyang paggawa

29.

Sino sa sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng kanilang paggawa?

a)

Si Antonio na gumagawa ng mga muwebles na yari sa ratan at buli at nilalapatan ng modernong disenyo.

b)

Si Rene na gumagawa ng mga damit na yari sa materyal na tanging sa bansa lamang nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit ng mga banyaga

c)

Si Romeo na nag-eexport ng mga produktong gawa sa mga kalapit na bansa

d)

Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na inilalahok sa mga timpalak sa buong mundo.

30.

Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng bolunterismo?

a)

Sumali si Jen sa isang organisasyon sa kanilang barangay na may layuning mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kanilang barangay.

b)

Si Amy ay likas na maawain at matulungin. Tuwing walang pasok lagi siyang nasa center ng kanilang lugar upang makatulong sa mga programa ng barangay lalo na sa pagtuturo sa mga batang hindi marunong bumasa at sumulat.

c)

Tuwing may programa sa eskwelahan, sinisiguro ni Axel na maayos niyang nagagampanan ang kaniyang tungkulin bilang pangulo ng student council.

d)

Sa mga panahon na may sunog at kalamidad sa bayan ni Cel, hindi niya nakakaligtaang magbahagi ng kaniyang donasyon maliit man ito o Malaki basta’t ang mahalaga ay makatulong siya sa kanyang kapuwa nangangailangan.

31.

Ano ang tiyak na makakamit ng lipunan kung ang bawat isa ay magsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?

a)

pag-unlad

b)

kabutihang asal

c)

pananagutan

d)

pagkakaisa

32.

Bakit mahalaga ang pakikilahok at bolunterismo?

a)

Upang maipakita ang pagmamahal sa kapuwa

b)

Upang maibahagi ang sarili sa kapuwa at makamit ang kabutihang panlahat

c)

Upang matugunan ang pangangailangan ng iba

d)

Upang magampanan ang mga tungkulin

33.

Kailan nagkakaroon ng kabuluhan ang buhay ng isang tao?

a)

Kung naibabahagi niya ang kanyang sarili sa kaniyang kapuwa

b)

Kung siya ay nagiging mayaman

c)

Kung nagagampanan niya ang kaniyang mga tungkulin bilang tao

d)

Kung mahal niya ang kaniyang kapuwa

34.

Ano ang isa sa mga palatandaan ng pakikilahok at bolunterismo?

a)

pagmamahal, malasakit at talento

b)

panahon, talento at kayamanan

c)

talento, panahon at pagkakaisa

d)

kayamanan, talento at bayanihan

35.

Paano mo maisasagawa ang bolunterismo at pakikilahok nang bukal sa iyong kalooban?

a)

Tumulong nang may kapalit

b)

Gawin ito upang ipakita sa iba na ikaw ay nakikilahok

c)

Tumulong sa iba upang maging sikat

d)

Tumulong nang taos-puso

36.

Hindi nakalahok si Rico sa Oplan Linis ng kanilang barangay dahil inalagaan niya ang kanyang bunsong kapatid na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis-tingting at sako na paglalagyan ng basura. Anong antas ng pakikilahok ang ipinakita ni Rico?

a)

impormasyon

b)

konsultasyon

c)

sama-samang pagkilos

d)

pagsuporta

37.

Sa bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Ang pahayag na ito ay?

a)

tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.

b)

mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaaring makaapekto sa iyo.

c)

tama, maaari kang mabagabag ng iyong konsensya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapuwa sa mga sandaling yaon.

d)

mali, sapagkat hindi maaaring pilitin ang tao sa kaniyang gagawin. Ito ay dapat manggaling sa puso.

38.

Alin ang taglay ng tao kaya siya ay karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang kapuwa?

a)

bolunterismo

b)

dignidad

c)

pakikilahok

d)

pananagutan

39.

May nakita kang isang lalaking naka-kotse na pinapagalitan ang isang matandang drayber dahil sa hindi pagpaparada nang tama sa kanyang dyip. Habang pinagsasalitaan siya nang hindi maganda, naroon sa tabi niya ang kanyang paslit na apo. Ano ang gagawin mo?

a)

Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan.

b)

Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan.

c)

Tatawag ako ng kinauukulan tulad ng barangay tanod o pulis para mamagitan sa kanila.

d)

Pupuntahan ko sila at susuntukin ko ang lalaki para tumigil na.

40.

Ano ang tawag sa pagtulong ng isang tao sa isang partikular na gawain nang naayon sa kaniyang tungkulin upang makamit ang kabutihang panlahat?

a)

pananagutan

b)

bolunterismo

c)

paglilingkod

d)

pakikilahok