NEW
Font size
WorksheetsPagsusulit sa Demand at Supply
Total questions: 45
Worksheet time: 23mins
Bilang isang mag-aaral, alin sa mga sumusunod ang nararapat mong gawin kung tumaas ang presyo ng produkto?
Magtipid at bilhin ang nararapat na pangangailangan.
Maghanap ng paraan upang mabili ang kagustuhan.
Bilhin ang nararapat at humingi na lamang kapag kulang na ang salapi.
Bilhin ang nararapat at hayaan na lamang ang mangyayari kinabukasan.
Ano ang mangyayari sa produksiyon ng supply at kalagayan nito sa pamilihan kung magpasyang gumamit ng makabagong makinarya ang prodyuser?
Magkakaroon ng unti-unting pagbaba sa supply.
Bibilis ang produksiyon at darami ang ibebentang supply.
Tataas ang supply sa pamilihan at tataas rin ang presyo.
Bababa ang supply sa pamilihan dahil sa gastusin sa produksiyon.
Alin sa sumusunod ang tamang kahulugan ng supply?
Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handang ipagbili ng prodyuser sa iba't-ibang presyo.
Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handang bilhin ng mamimili sa iba't-ibang presyo sa isang takdang panahon.
Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang bilhin ng mamimili sa iba't-ibang presyo sa isang takdang panahon.
Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyo na handa at kayang ipagbili ng prodyuser sa iba't-ibang presyo sa isang takdang panahon.
Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba't ibang presyo sa isang takdang panahon?
alokasyon
demand
pagkonsumo
supply
Anong konsepto ng demand ang nagpapakita ng matematikong ugnayan ng presyo at quantity demanded?
demand curve
demand slide
demand function
demand schedule
Kapag mababa ang presyo ng isang produkto, mataas ang demand nito. Subalit kapag mataas ang presyo ng isang produkto, mababa ang demand nito. Aling batas ang angkop dito?
Batas ng Demand
Batas ng Supply
Batas Republika Blg.6657
Batas ng Demand at Supply
Sa isang komunidad, ang mga mamimili ay nag-uunahang bumili ng mga produkto dahil may paparating na bagyo. Anong salik ang may higit na impuwensiya sa demand?
kita
panlasa
dami ng mamimili
inaasahan ng mga mamimili
Kapag ang produkto ay patok sa maraming konsyumer, ang mga mamimili ay napapagaya sa pagbili nito, ito ang dahilan sa pagtaas ng presyo. Anong salik ng demand ang nagpapatunay dito?
kita
panlasa
dami ng mamimili
inaasahan ng mga mamimili
Anong salik ang nakaapekto sa demand kung naaayon ang pandesal sa iyong pandama bilang pang-almusal, mas marami ang makakain mo nito kesa sa ensaymada?
kita
panlasa
dami ng mamimili
inaasahan ng mga mamimili
Si Mang Juan ay nakapasok ng trabaho sa isang malaking kompanya na mataas ang sahod, kaya niyang tustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Anong salik ang nakaaapekto sa kanilang demand?
kita
panlasa
dami ng mamimili
inaasahan ng mga mamimili
Inilalarawan nito ang opposite na ugnayan ng quantity demanded at ng presyo? Ano ang tawag sa grapikong paglalarawan na ito?
demand function
demand schedule
demand
demand curve
Nakaka-engganyo na bumili ng isang produkto kapag marami ang bumibili nito, si Aling Rosa ay nahikayat na bumili rin. Aling mga pangungusap ang nagpapatunay nito?
Maaari ding magpataas ng demand ang bandwagon effect.
Kapag uso ang isang uri ng produkto tataas ang demand nito dahil marami sa mga mamimili ang gustong makisabay sa uso.
Nahihikayat ang mga mamimili kapag marami ang bumibili sa isang produkto.
Lahat ng nabanggit.
Alin sa mga sumusunod ang batas ng supply o nagpapakita ng direktang ugnayan ng presyo at supply?
Kapag tumaas ang presyo, nananatili ang dami ng supply ng produkto at serbisyo.
Kapag tumaas ang presyo, kokonti ang supply ng produkto o serbisyong handa at kayang ibenta.
Kapag tumaas ang presyo, dadami rin ang supply ng produkto o serbisyong handa at kayang ibenta.
Ang pagtaas ng presyo ay walang epekto sa dami ng supply ng produkto at serbisyo.
Ano ang tumutukoy sa matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied?
Law of Supply
Supply Function
Supply Curve
Supply Schedule
Inaasahang darami ang bibili ng mga produktong pasta para sa pasko. Ano ang mangyayari sa supply ng pasta pagdating ng buwan ng Disyembre?
Bababa ang supply dahil inaasahan lamang at hindi tiyak na bibili ang mga tao.
Mananatili ang dami ng supply dahil pansamantala lamang ang pagtaas ng kita ng mga tao.
Tataas ang supply sa buwan ng Disyembre dahil sa inaasahang pagdami ng bibili nito.
Walang pagbabago sa supply dahil karaniwan lang naman na tumataas ang kita ng mga tao.
Ninais ni Elyong na pabilisin ang paggawa ng sapatos kung kaya bumili siya at gumamit ng electric cutter sa pagputol ng mga gomang suwelas.
Pagbabago sa Teknolohiya
Pagbabago sa Halaga ng mga Salik Produksiyon
Pagbabago sa Bilang ng mga Nagtitinda
Pagbabago sa Presyo ng Kaugnay na Produkto
Nakita nina Tanggol at David na mabenta ang lumpiang tinda ni Tindeng sa paaralan ng Sta. Monica National High School. Kung kaya't nagpasiya silang magbenta din nito.
Pagbabago sa Teknolohiya
Pagbabago sa Halaga ng mga Salik Produksiyon
Pagbabago sa Bilang ng mga Nagtitinda
Pagbabago sa Presyo ng Kaugnay na Produkto
Ang presyo ng mais na sangkap sa paggawa ng feeds para sa manok ay bumaba. Tumaas naman ang presyo ng sorghum na sangkap rin sa feeds. Ano ang mangyayari sa supply ng sorghum?
Pagbabago sa Teknolohiya
Pagbabago sa Halaga ng mga Salik Produksiyon
Pagbabago sa Bilang ng mga Nagtitinda
Pagbabago sa Presyo ng Kaugnay na Produkto
Ang isang rolyo ng tela na nagkakahalaga ng P6,000 ay nakakagawa ng 200 piraso ng pantalon. Nagkaroon ng sale sa tela kaya bumili si Andoy ng dalawang rolyo ng tela.
Pagbabago sa Teknolohiya
Pagbabago sa Halaga ng mga Salik Produksiyon
Pagbabago sa Bilang ng mga Nagtitinda
Pagbabago sa Presyo ng Kaugnay na Produkto
Sa paggawa ng produktong ibebenta, isinasaalang-alang ng mamumuhunan ang mga salik ng produksiyon. Ano ang kahihinatnan ng pagtaas ng presyo ng alinmang salik?
Ito ay mangangahulugan ng malaking kikitain ng mamumuhunan.
Ito ay mangangahulugan ng pagtaas sa kabuuang gastos sa produksiyon.
Ito ay mangangahulugan ng mabilis na produksiyon ng mga produkto.
Ito ay mangangahulugan ng pagtaas ng supply dahil sa mataas na presyo.
Ang presyo ng tinapay ay unti-unting bumababa ng tigtatlong piso kada araw mula sa P25. Pagkatapos ng limang araw, ang presyo ng tinapay ay P10. Ano ang epekto nito sa supply at sa mamimili?
Darami ang supply ng tinapay at darami ang mamimili.
Darami ang supply ng tinapay pero hindi mabebenta ang mga ito.
Bababa ang supply ng tinapay pero darami ang gustong bumili nito.
Bababa ang supply ng tinapay at bababa rin ang dami ng gustong bumili nito.
Sa pamumuhunan, ang isang matalinong negosyante ay may malawak na kaalaman sa pagpapatakbo ng negosyo. Alin sa mga sumusunod ang HINDI KABILANG sa mga katangian ng isang matalinong negosyante?
Naglalagak ng puhunan sa mga produktong walang tiyak na demand.
May kakayahang umangkop sa mga makabagong paraan ng produksiyon.
Mapagmasid sa galaw ng demand, supply at presyo sa pamilihan.
Mapanuri sa ginagawang produkto upang mapanatili ang kalidad nito.
Kung ang demand function ay Qd=36-3P at ang Quantity Demanded ay 21, ano ang PRESYO ng produkto o serbisyo na handa at kayang bilhin ng mga mamimili?
2
4
5
7
Gamit ang demand function na Qd=80-5P, ano ang Quantity Demanded (QD) ng produkto o serbisyo na handa at kayang bilhin ng mga mamimili kung ang presyo ay 7?
70
55
45
35
Kung ang Supply Function ay Qs=8+4P at ang Quantity Supply ay 20, ano ang PRESYO ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser?
2
3
4
5
Anong konsepto ang nagaganap kung ang quantity demanded at quantity supplied ay pantay o balanse?
Batas ng suplay
Batas ng demand
Ekwilibriyo sa pamilihan
Shortage at surplus
Kailan nagkakaroon ng tinatawag na surplus sa produkto?
Kapag mas marami ang dami ng isinusuplay kaysa sa dami ng demanded.
Kapag ang dami ng demand ay mas malaki kaysa sa dami ng supply.
Kapag matataas ang presyo ng isang produkto sa pamilihan.
Kapag mababa ang presyo ng isang produkto sa pamilihan.
Ano ang tawag sa lugar kung saan ang mga konsyumer at prodyuser ay nagtatagpo at nagkakaroon ng palitan sa pamamagitan ng itinakdang presyo ng mga produkto?
tiangge
talipapa
pamilihan
department store
Sa papaanong paraan makaka-survive kapag nagkaroon ng shortage ng produkto sa pamilihan?
Bumili ng bagong gamit
Bumili ng madaming produkto
Gumastos ng gumastos
Matutong magbadyet
Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kapag sa iisang presyo pantay ang dami ng quantity demanded sa quantity supplied. Sa kalagayang ito, ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan?
Sa presyong ekwilibriyo, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat ang dami ng nais bilhin ng mga konsyumer ay kasindami ng nais ibenta ng mga prodyuser.
Sa presyong ito, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat tumaas man ang presyo, kaunti na lamang ang bibilhin ng mga konsyumer.
Sa presyong ito, hindi masaya ang kosyumer dahil ang labis na quantity demanded ay hindi napupunan ng labis na quatity supplied.
Sa presyong ito, may labis na quantity supplied sapagkat maaaring magtaas ng presyo ang mga prodyuser upang tumaas ang kita.
Ano ang mangyayari kung tataas ang demand habang hindi nagbabago ang suplay?
Magkakaroon ng pansamantalang shortage at mag dudulot ng pagtaas ng presyo.
Magkakaroon ng pansamantalang surplus at mag dudulot ng pagtaas ng presyo.
Magkakaroon ng pansamantalang shortage at mag dudulot ng pagbaba ng presyo.
Walang pagbabago.
May 36 na panindang payong si Berlin. Dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan, naubos lahat ang kaniyang paninda. Ano ang pinahihiwatig nito?
Ekwilibriyo
Disekwilibriyo
shortage
surplus
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng shortage?
Binili lahat ni Anna ang mga tindang Lansones ni Aling Gina.
Kinakailangang bumili ni Tina ng 50 pirasong lapis ngunit 20 piraso lamang ang kanyang nabili.
Sa sobrang init ng panahon, naging matumal ang benta ni Jennifer ng lugaw.
Nakabili si Jason ng santol sa halangang nais niya.
Bilang isang mamimili, ano ang iyong gagawin kapag nagkaroon ng shortage sa produkto?
Mangutang sa kaibigan
Bibili ng maramihan
Magtitipid
Bibili ng alternatibong produkto
Ito ay maaaring maranasan ng pamilihan kung ang dami ng demand ay mas malaki kaysa dami ng supply.
surplus
shortage
ekwilibriyo
pamilihan
Ang pamilihang may ganap na kompetisyon ang sinasabing pinakamodelong estruktura ng pamilihan dahil sa dami ng nagbebenta o dami ng konsyumer. Ang sumusunod ay katangian ng estrukturang ito maliban sa isa.
A. malayang kalakalan sa bilihan
B. may kakaibang produkto
C. maraming prodyuser at konsyumer
D. malayang paggalaw ng mga sangkap pamproduksiyon
Ang pamilihan ay sinasabing may ganap na kompetisyon kapag ang sinumang prodyuser ay walang kapangyarihan na palitan o baguhin ang presyo sa pamilihan. Paano nakakatulong ang ganap na kompetisyon sa pamilihan?
sumisigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil marami ang konsyumer at prodyuser.
hindi nakakahikayat sa ga prodyuser na magpasol ng produkto.
napapababa ng prodyuser ang kalidad ng kanilang produkto.
nakakakuha ng malaking tubo ang mga prodyuser.
Sa estrukturang ito hawak ng isang kamay lamang ang pagpagalaw sa presyo sa pamilihan.
monopolyo
oligopolyo
monopsonyo
ganap na kompetisyon
Katangian ng isang istrukturang ito na siya ang taga konsumo sa produkto at serbisyo ng maraming prodyuser.
oligopolyo
monopsonyo
monopolyo
monopolistikong kompetisyon
Kung paghambingin ang dalawang estruktura ng pamilihan na monopolyo at monopsonyo, alin sa dalawang ito ang sa tingin mo ay may kakayahan na itakda ang presyo sa pamilihan?
monopsonyo, sapagkat iisa lamang ang konsyumer
monopolyo, sapagkat walang pamalit ang mga produkto
pareho lamang sapagkat ang mga katangian ng dalawang estrukturang ito ay kabilang sa hindi ganap na kompetisyon.
wala ni isa man sa dalawang anyo ng pamilihan sapagkat ang pagbili naman ng produkto at serbisyo ay nasa desisyon pa rin ng konsyumer
Isang institusyon na ang pangunahing tungkulin ay paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan.
Market
Shortage
Price Freeze
Pamahalaan
Ano ang tawag sa lugar at mekanismo kung saan ang mga konsyumer at prodyuser ay nagtatagpo at nagkakaroon ng palitan sa pamamagitan ng itinakdang presyo ng mga produkto?
department store
pamilihan
talipapa
tiangge
Ito ang tawag sa patakarang ipinasusunod ng pamahalaan na nagbabawal sa pagtataas ng presyo ng mga produkto sa pamilihan sa panahon ng emergency gaya na lamang ng kalamidad (bagyo, lindol, at iba pa.)
Price Freeze
Price ceiling
Price floor
Price stabilization
Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamataas na presyo ng mga produkto o serbisyo?
price ceiling
floor prices
market clearing price
price support
Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag ng malaking papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatagan ng presyo sa pamilihan?
pagtatakda ng price ceiling at floor price upang magkaroon ng gabay sa presyo ng mga bilihin.
patuloy na panghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang negosyo.
pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga sa karapatan ng mga konsyumer.
panghuhuli sa illegal vendors na nagkalat sa paligid.
