WorksheetsSUMMATIVE TEST_Q3_VE7
Total questions: 60
Worksheet time: 10mins
Ito ay isang likas na kakayahan na kailangang tuklasin at paunlarin, tulad ng isang biyaya, dapat ibahagi sa iba.
Hilig
Interes
Talento
Talino
Ito ay tumutukoy sa kakayahang makakuha at gumamit ng kaalaman at kasanayan sa iba't ibang aspekto ng buhay.
Hilig
Interes
Talento
Talino
Siya ang bumuo ng teorya ng Multiple Intelligences.
Abraham Maslow
Dr. Howard Gardner
Esther Esteban
Sto. Tomas De Aquino
Si Diana ay may kahusayan sa paggalaw ng kaniyang katawan, taglay niya ang multiple intelligences na:
Bodily-kinesthetic
Existential
Interpersonal
Intrapersonal
Kapag nagsasalita si Darwin sa harap ng maraming tao, matamang nakikinig sa kaniya ang mga tagapakinig, taglay niya ang multiple intelligences na___________ dahil sa husay niya sa pagsasalita.
Bodily-Kinesthetic
Intrapersonal
Interpersonal
Linguistic
Si Ana ay lumipat ng bagong paaralan, bukas siya sa pakikipagkaibigan, siya ay mahusay sa:
Intrapersonal
Interpersonal
Linguistic
Visual-Spatial
Si Peter ay mahusay sa Matematika, parati siyang nakakakuha ng mataas na iskor sa kanilang pagsusulit, minsan hindi siya nakapag-aral ng kanyang leksyon dahil marami siyang ginawa sa bahay, kung ikaw si Peter ano ang iyong gagawin?
Sasagutan na lang ang pagsusulit nang may katapatan
Kokopya sa aking kaklase
Bubuksan ko ang aking kuwaderno at titignan ang sagot.
Hindi na lang ako kukuha ng pagsusulit.
Si Kate ay may angking talino sa pagguhit, sa tuwing may paligsahan nanalo siya, dahil dito ipinagmamalaki siya ng kaniyang paaralan, suriin kung anong multiple intelligences ang kaniyang taglay:
Bodily-Kinesthetic
Existential
Matemathical-Logical
Visual-Spatial
Ikaw ay may mahusay sa pakikipagtalastasan, paano mo hihikayatin ang mga tagapakinig na sumang-ayon sa iyong mga paniniwala at opinyon?
Hihikayatin ko sila sa pamamagitan ng mga magaganda kong pananalita.
Ipapaliwanag ko nang may katapatan at may paggalang ang aking mga paniniwala at opinyon.
Magsasalita pa rin ako kahit walang nakikinig sa akin.
Ititigil ko ang aking pagsasalita at aalis na lamang.
Ang pagtanggap o pag-ako ng kasalanang nagawa ay tinatawag na:
Pagkumpisal
Pagpapatawad
Pagpapakumbaba
Pagtanggap
Ang pagpapanumbalik ng pagkakaisa sa isang relasyon ay tumutukoy sa:
Pakikipagtalastasan
Pagpapatawad
Pagpapakumbaba
Pagkakasundo
Ang pagpapakumbaba ay isang magandang asal na nagpapakita ng mga sumusunod maliban sa isa:
Kalayaan mula sa pagmamataas
Kalayaan mula sa kayabangan
Pagkilala sa sariling limitasyon
Hindi pagtanggap ng anumang pagkakamali
Unawain ang mga sumusunod na pahayag, sang-ayon ka ba sa mga pahayag na nabanggit?
Unawain ang mga sumusunod na pahayag, sang-ayon ka ba sa mga pahayag na nabanggit?
Humihingi ng kapatawaran sa tuwing nakagagawa ng pagkakamali
Inuunawa ang pagkakamali ng iba upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan
Iniisip ang kapakanan ng ibang tao bago ang sarili dahil ito ang nararapat
Pinagsasabihan ng masasakit na salita ang kaibigan upang makaganti
Ang pagpapatawad ay mahalagang isagawa, patunay na ang tao ay:
Hindi nakakalimot sa pagkakasalang nagawa ng kapuwa
Nagpapakita ng kabutihan ng loob
Nakapagpapalaya ng sarili sa sama ng loob
Nagbibigay ng paumanhin sa mga taong nagkasala
Tuwing magkikita kayo ng iyong kaibigan, palagi ka niyang pinaparinggan ng mga masasakit na salita, ano ang iyong gagawin upang mapatawad mo siya?
Hindi na lang siya papansinin dahil hindi naman ako apektado
Kakausapin siya at tatanungin bakit niya ito ginagawa
Uunawain ko na lamang siya at ipagdarasal sa Diyos
Isusumbong sa ibang kaibigan upang pagsabihan siya
Sumasang-ayon ka ba sa pahayag na ito: 'Ang pagpapatawad at pakikipagkasundo ay mahalagang aspekto ng pagpapalago ng isang tao.'
Tama, dahil ito ay nagpapakita ng mabuting pag-uugali
Tama, dahil susi ito sa pagiging mabuting tao
Mali, dahil hindi ito nakakatulong sa ating paglago
Mali, dahil hindi ito nakakatulong sa magandang ugnayan
Ang pagpapatawad at pagkakasundo ay magagawa kung paiiralin ang pagpapakumbaba. Ito ay isang mahalagang katangian na nagpapahayag ng ating ________________.
Kababaang loob
Kasiyahan
Kapayapaan
Kahusayan
Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng mga paraan ng pagpapatawad sa mga nagkasala sa iyo maliban sa isa, ito ay ang:
Kinakalimutan ang kasalanang nagawa
Inuunawa ang kasalanang nagawa
Ipinagdarasal ang tao na nakagawa ng pagkakasala
Nagtatanim ng galit sa kapuwa
Uri ng pagkakaibigan kung saan ang mga tao ay nagiging kaibigan dahil sa kasayahan o kasiyahan na nadarama kapag magkasama sila.
Pagkakaibigang nakabatay sa Kabutihan
Pagkakaibigang nakabatay sa Pangangailangan
Pagkakaibigang nakabatay sa Pansariling Kasiyahan
Pagkakaibigang nakabatay sa Pangkalahatang Kasiyahan
Uri ng pagkakaibigan na kung saan ang mga tao ay nagkakaroon ng kaibigan dahil sa kapakinabangan na maaaring makuha sa bawat isa.
Pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan
Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan
Pakikipagkaibigang nakabatay sa kabutihan
Pakikipagkaibigang nakabatay sa pangkalahatang kasiyahan
Ang proseso ng pagbuo at pagpapalalim ng ugnayan sa ibang tao, kung saan nagaganap ang pagbibigay at pagtanggap ng suporta, pag-unawa at pagmamahal ay tinatawag na:
Pagmamalasakit
Pakikipagkaibigan
Pagtanggap
Pagtitiyaga
Narito ang mga dulot ng pakikipagkaibigan sa pagpapaunlad ng ating pagkatao, alin sa mga pahayag ang hindi kabilang?
Mabuting pananaw sa sarili
Kasanayan sa pagiging mabuting tagapakinig
Kasanayan sa pagiging mapanghusga
Natutukoy ang tunay na kaibigan
Tapat kang kaibigan kung taglay mo ang mga sumusunod na katangian maliban sa isa:
Nagbibigay inspirasyon
Nag-uudyok sa isa't isa na magin
Tapat kang kaibigan kung taglay mo ang mga sumusunod na katangian maliban sa isa
Nagbibigay inspirasyon
Nag-uudyok sa isa't isa na maging mabuti
Itinatama ang maling ginawa
Pinagtatakpan ang maling ginawa
Narito ang ilang mga pahayag tungkol sa kahalagahan ng katapatan sa pakikipagkaibigan, alin sa mga pahayag na ito ang hindi kabilang?
Nagpapakita ng kawalan ng paggalang sa isa't isa
Nagpapakita ng katuwiran at integridad sa isang tao
Nagiging isang salamin na nagpapakita kung sino ang nais nating maging
Naglalaman ng pagpapahalaga sa pribadong buhay ng isa't isa
Sina Rona at May ay matalik na magkaibigan at magkasundo sila sa lahat ng bagay. Nakita ni May ang ginawang pangongodigo ni Rona, kung ikaw si May ano ang iyong gagawin bilang kaibigan?
Sasabihan ko si Rona na tama ang mangodigo sa oras ng pagsusulit
Pababayaan ko si Rona sa mali niyang ginawa
Isusumbong ko si Rona sa aming guro kahit na magalit siya sa akin
Lalayuan ko si Rona dahil hindi ko nagustuhan ang ginawa niyang pangongodigo
Natutukoy ang tunay na kaibigan sa pamamagitan ng mga sumusunod maliban sa isa:
Sabay na pagtahak sa mga pagsubok
Nakahandang sumuporta sa lahat ng oras
Handang tanggapin kung sino ka
Iiwanan ka sa oras ng pangangailangan
Ang ____________ ay ang pinakabanal na buwan sa kalendaryong Islamiko.
Ramada
Ramadan
Ramadon
Rimadan
Tumutukoy ito sa pag-alaala sa pag-aalay ng buhay at sakripisyong ginawa ng Panginoong Hesukristo sa kalbaryo para sa kaligtasan ng sanlibutan, tinatwag itong
Kuwaresma
Pag-aayuno
Pagtitika
Sarswela
Ano ang 'interfaith dialogue'?
Bukas na pag-uusap sa pagitan ng iba't ibang paniniwala
Pinagtatalunan ang kahigitan ng isang pananampalataya sa iba
Pagtatanggol sa kinalakihang pananampalataya
Paghikayat sa iba na maniwala sa iyong sariling paniniwala
Isa sa mga paraan ng paggalang at pagiging bukas sa lahat ng paniniwala ay ang gumawa ng bukas na diyalogo, totoo ito dahil:
Daan ito sa pagkakaunawaan
Susi ito sa upang maiwasan ang paghusga sa paniniwala ng ibang tao
Nakatutulong ito para sa maayos na samahan
Wala itong kabutihang maidudulot sa bawat isa
Upang maiwasan ang pagtatalo tungkol sa paniniwala at kaugalian ng iba, nararapat lamang na taglayin ang katangian tulad ng pagiging:
mapagtimpi
matiisin
matiyaga
Matatag
Paano mo maipapakita ang paggalang sa ibang paniniwala ng isang tao?
Inaalam ang kanilang mga gawi
Hinihikayat silang sumama sa iyong sariling pananampalataya
Hindi pagpansin sa kanilang pagdiriwang upang hindi mapintasan
Nagtatanong nang mahinahon at aktibong nakikinig
Bakit mahalagang isaisip ang kalayaan sa relihiyon?
Upang matiyak na may isang relihiyon sa lahat
Upang igalang ang karapatan ng mga indibidwal na pumili ng sariling pananampalataya
Upang alisin ang lahat ng mga gawaing panrelihiyon
Upang pigilan ang anomang anyo ng pagpapahayag ng pananampalataya
Bakit mahalagang igalang ang mga kaugalian na nag-uugat sa pananampalataya ng iba?
Ito ay isang legal na obligasyon
Itinataguyod nito ang pagkakaisa at kapayapaan
Ito ay nakahihikayat sa ibang magbigay galang
Nagbibigay kasiyahan sa gumagawa nito
Ang tunay na ______________ ay laging nagbubunga ng mabubuting gawa
pagkakaisa
pananampalataya
pagmamalasakit
pagtutulungan
Saan nag-uugat ang kusang paglilingkod sa iba?
Pansariling pakinabang
Pananampalataya sa Diyos
Pagiging mabuting tao
Pagmamalasakit sa kapuwa
Ano ang pangunahing layunin ng paglilingkod?
Makatanggap ng papuri mula sa Diyos
Maparangalan bilang isang manggagawa
Magkakaroon ng isang matagumpay na karera
Luwalhatiin ang Diyos
Ano ang dapat nating maging saloobin sa paglilingkod sa iba?
Mapagmahal sa kapuwa
Kababaang-loob
Pagiging maawain
Pagnanais tugunan ang pangangailangan ng iba
Ang paglilingkod ay pagpapalaya sa sarili mula sa pagiging ____________________.
mabuti
matiyaga
mapagkumbaba
makasarili
Mas makabuluhan ang paglilingkod sa kapuwa kung may pagmamahal gaya ng __________ ng Diyos sa tao.
pagtanggap
pakikiisa
pag-ibig
pagtatangi
Si Arlene ay araw-araw nagdadala ng dagdag na baon upang ibigay sa kaklaseng walang pambili ng pagkain. Anong pagpapahalaga ang ipinakita ni Arlene?
pagtupad sa tungkulin
pagkukusang gumawa ng mabuti
kahusayan sa paggawa
pagtugon sa pangangailangan ng mga nasa laylayan ng lipunan
Paano naiimpluwensiyahan ang relasyon ng naglilingkod sa kaniyang pinaglilingkuran? Piliin ang pinakamahusay na sagot.
Lumilikha ito ng pagkakaisa
Nagkakaroon ng tunay na pagmamahal at pakikiramay
Ito ay nagdudulot ng pakikipagkaibigan
Nagbubunga ito ng pag-unawa sa iba
Paano ka makagagawa ng pagbabago sa ating komunidad sa pamamagitan ng paglilingkod sa iba? Piliin ang pinakawastong sagot.
Paglilingkod ng walang hinihintay na kapalit
Pagtulong ng bukal sa kalooban
Pagmamalasakit para sa kapakanan ng kapuwa
Pagdarasal nang may kasamang gawa
Ang pagtitipid sa tubig at mahusay na paggamit ng enerhiya ay nagpapakita ng interes ng bawat isa para sa kapakinabangan ng ___________.
lahat ng tao
iilang tao
maraming
iisang tao
Ang ________________ ay naglalarawan ng isang mahalagang bahagi ng pangangalaga sa ating kalikasan at pamumuhay.
pagtitipid ng tubig
pagtitipid ng pagkain
pagtitipid ng pera
pagtitipid ng oras
Ang mga sumusunod ay mga hakbang sa pagtitipid ng tubig at enerhiya maliban sa isa:
Responsibilidad at pangangalaga
Pakikipagtulungan at pakikilahok
Edukasyon at kaalaman
ay mga hakbang sa pagtitipid ng tubig at enerhiya maliban sa isa:
Responsibilidad at pangangalaga
Pakikipagtulungan at pakikilahok
Edukasyon at kaalaman
Pagsasawalang bahala
Nakita mo ang gripo na tumutulo sa canteen ng inyong paaralan, ano ang nararapat mong gagawin?
Hahayaan lang ito dahil hindi naman ako ang nagbabayad ng bayarin sa tubig.
Pagmamalasakitan ko ito upang hindi maaksaya ang tubig.
Sasabihin ko sa canteen helper na patayin ang tubig na tumutulo sa gripo.
Lalo ko itong lalakasan at paglalaruan ko pa ito.
Naglalakad ka sa pasilyo ng inyong paaralan, napansin mo ang mga ilaw na bukas sa gitna ng sikat ng araw, ano ang iyong gagawin upang maipakita ang pagtitipid sa enerhiya?
Paglalaruan ang ilaw sa pamamagitan ng pagpatay sindi nito.
Hahayaan ko na lang ito na nakasindi
Irereport ko ito sa aking tagapayo
Hahanapin ko ang switch at papatayin ito
Isa sa paraan ng wastong pagtitipid ng enerhiya ay ang pagpili ng mga kasangkapang nagdudulot ng mababang pagkonsumo, mahalaga ito maliban sa isa:
dahil nagpapakita ito ng pagmamalasakit sa kapaligiran.
dahil nakakatulong ka para masolusyunan ang pagbabago ng klima.
dahil nagpapakita ito ng pagiging responsableng tao
dahil nagpapakita ito ng kawalan ng pagmamalasakit sa bayarin ng kuryente
Ang tamang paggamit ng tubig at enerhiya, katuwang ang kapuwa ay hindi lamang isang kilos na naglalabas ng prinsipyo ng responsibildad at pangangalaga sa kalikasan kundi isang pagganap sa tungkulin na may malalim na implikasyon sa kabuuang kaayusan ng ating lipunan, eco-system at kapaligiran, tama ba ang pahayag na ito?
Tama, dahil nagpapakita ito ng pakikiisa para sa kabutihang panlahat
Tama, dahil nagpapakita ito ng pagtugon sa pagligtas ng kalikasan
Mali, dahil hindi na ito kailangan
Mali, dahil nagpapakita ito ng pagiging makasarili
Ang pag-aaral at pagsusuri sa mga pangyayari, mga taong namuhay at mga kaganapan na nagdaan sa nakaraan ay tinatawag na:
Kasaysayan
Katotohanan
Kapangyarihan
Katatagan
Ang mga taunang pagdiriwang tulad ng Pista ng Bayan, Flores de Mayo at iba pang tradisyonal na kaganapan ay nagpapakita ng mabuting layunin maliban sa isa:
pagtutulungan
pagkakaisa
pagkakawatak-watak
pagmamalasakit sa kapuwa.
Ang mga pagsubok tulad ng kahirapan, kalamidad at krisis ay nagbibigay pagkakataon para sa mga Pilipino na ipakita ang kahalagahan ng ng pakikipagkapuwa sa pamamagitan ng:
pag-iisip ng sariling kapakanan
pagtulong sa kapuwa
paglabag sa batas
pagpapahamak sa kapuwa
Nawalan ng trabaho ang iyong tatay dahil nalugi ang kompanyang kaniyang pinapasukan, bilang isang anak anong tulong ang iyong maiaambag?
tutulong ako sa pamamagitan ng pagtitipid ng aking baon
maghahanap ako ng mapagkakakitaan upang hindi na ako hihingi ng baon sa aking tatay
hindi ko na dadagdagan ang problema ng tatay ko
magiging mabuti akong anak
Nakaugalian ng inyong pamilya ang pagdalo sa tuwing darating ang Pista ng Quiapo o Pista ng Nazareno, nagkataon na sa araw na iyon ikaw ay may mahabang pagsusulit sa asignaturang Matematika, ano ang iyong gagawin?
Dadalo sa pagdiriwang ng Pista ng Quiapo kasama ang buong pamilya.
Magpapaalam sa aking guro na may mahalagang pagdiriwang na dadaluhan kaya ipagpapaliban na muna ang pagkuha ng pagsusulit.
Liliban na lang sa klase, uunahin ang kaganapan ng pamilya
Kukuha ako ng pagsusulit dahil mahalaga ito sa aking pag-aaral, maiintindihan naman ito ng aking pamilya.
Sama-samang naglilinis ang grupo ng mga kabataan sa Manila Bay bilang pagtugon sa Clean Up Drive ng Lungsod ng Maynila, ang gawaing ito ay nagpapakita ng:
Bolunterismo
Pagkukusa
Pagtutulungan
Pagkakaisa
Bilang isang kabataang pag-asa ng bayan, anong adbokasiya ang iyong itataguyod para sa pagpapahalaga ng ating mga tradisyon sa ating bansa.
Mahalaga ang bolunterismo sa isang lipunang nagkakaisa.
Ang pagtutulungan ay mahalaga daan ito sa pag-unlad ng ating bansa.
Pahalagahan ang mga tradisyon na nagsusulong ng pagtutulungan at pagmamalasakit sa isa't isa.
Panatilihin ang kalinisan sa kapaligiran.
