NEW
Font size
WorksheetsMultiple Intelligences Quiz
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Sino ang kilalang psychologist na nagpasikat ng teorya ng multiple intelligences?
Jean Piaget
Lev Vygotsky
Sigmund Freud
Howard Gardner
Ano ang pangunahing layunin ng teorya ng multiple intelligences ni Howard Gardner?
Upang sukatin ang IQ ng isang tao
Upang ipakita ang iba't ibang anyo ng talino
Upang itaguyod ang tradisyonal na edukasyon
Upang ipaliwanag ang mga pagkakaiba sa kultura
Anong Multiple Intelligence ang may kinalaman sa pag-unawa sa sarili at personal na paglago?
Intrapersonal Intelligence
Bodily-Kinesthetic Intelligence
Interpersonal Intelligence
Mathematical-Logical Intelligence
Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga uri ng Multiple Intelligences ni Howard Gardner?
Linguistic-Spatial Intelligence
Bodily-Kinesthetic Intelligence
Musical-Rhythmic Intelligence
Mathematical-Logical Intelligence
Paano masusukat ang pagiging mahusay ng isang tao sa Bodily-Kinesthetic Intelligence?
Sa pamamagitan ng pakikinig sa musika
Sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga sanaysay
Sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga mathematical problems
Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga physical activity tulad ng sports
Aling Multiple Intelligence ang may pinakamalaking koneksyon sa pagsasanay at pagpapabuti ng kasanayan sa komunikasyon at pakikisalamuha?
Existential Intelligence
Intrapersonal Intelligence
Interpersonal Intelligence
Verbal-Linguistic Intelligence
Anong uri ng aktibidad ang pinakamainam para sa isang taong may mataas na Existential Intelligence?
Pagtugtog ng mga piano at drums
Pag-aaral ng mga tula at literature
Pagbuo ng mga mechanical systems
Pagsasagawa ng philosophical debates
Ang taong may mataas na ____________ ay may kakayahang magbilang, mag-analisa, at mag-solve ng mga problema.
Verbal-Linguistic Intelligence
Musical-Rhythmic Intelligence
Bodily-Kinesthetic Intelligence
Mathematical-Logical Intelligence
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng isang tao na may mataas na Intrapersonal Intelligence?
Isang tao na mahusay sa paggamit ng wika at pagsulat
Isang tao na may kakayahan sa pag-aalaga ng mga hayop
Isang tao na mahusay magturo at mag-organisa ng mga grupo
Isang tao na may malalim na pag-unawa sa kanyang mga damdamin at pananaw
Ang kakayahan ng isang tao na mag-isip nang malalim at magmuni-muni sa kanyang sariling karanasan ay tinatawag na _________.
Intrapersonal Intelligence
Verbal-Linguistic Intelligence
Bodily-Kinesthetic Intelligence
Mathematical-Logical Intelligence
Ang isang tao na may mataas na ____________ ay may likas na kakayahang magbigay ng tuwa at magpasaya ng mga tao sa pamamagitan ng kanilang mga kilos at galaw.
Bodily-Kinesthetic Intelligence
Verbal-Linguistic Intelligence
Musical-Rhythmic Intelligence
Interpersonal Intelligence
Taon kung kailan nabuo ang teoryang "Multiple Intelligence" ni Howard Gardner.
1963
1973
1983
1993
Ano ang pinaka-angkop na aktibidad para sa taong may intrapersonal intelligence?
Pagsasayaw
Pagsulat ng talaarawan
Pagsasama-sama ng grupo
Pagsasagawa ng eksperimento
Ano ang pangunahing kakayahan ng mga taong may interpersonal intelligence?
Kakayahang mag-isa at mag-reflect
Kakayahang gumawa ng mga sining
Kakayahang gumawa ng mga numerong calculations
Kakayahang makipag-ugnayan at makipagtulungan sa iba
"Si Joey ay isang photographer na may kakayahang makakita ng mga magagandang eksena at makuha ang mga ito sa pamamagitan ng kanyang kamera. Mahusay siya sa pag-edit ng mga litrato at pagbibigay ng tamang anggulo."
Anong uri ng multiple intelligence ang nagpapakita ng kakayahan ni Joey?
Visual-Spatial Intelligence
Musical-Rhythmic Intelligence
Bodily-Kinesthetic Intelligence
Mathematical-Logical Intelligence
"Si Nena ay isang ballet dancer na may mahusay na koordinasyon sa bawat galaw ng kanyang katawan. Madalas niyang inirerebisa ang mga galaw ng sayaw upang magmukhang perpekto ito."
Anong uri ng multiple intelligence ang nagpapakita ng kakayahan ni Nena?
Interpersonal Intelligence
Visual-Spatial Intelligence
Bodily-Kinesthetic Intelligence
Musical-Rhythmic Intelligence
"Si Alejandro ay isang guro ng pilosopiya na palaging nagtatanong ng malalalim na katanungan tungkol sa buhay, kamatayan, at layunin ng tao sa mundong ibabaw."
Anong uri ng multiple intelligence ang nagpapakita ng kakayahan ni Alejandro?
Existential Intelligence
Verbal-Linguistic Intelligence
Musical-Rhythmic Intelligence
Mathematical-Logical Intelligence
"Si Cheenee ay isang team leader na magaling makipag-ugnayan at magtulungan sa kanyang mga kasamahan upang matamo ang isang layunin. Tinutulungan niya ang bawat isa sa grupo at palaging may malasakit sa kanilang mga pangangailangan."
Anong uri ng multiple intelligence ang nagpapakita ng kakayahan ni Cheenee?
Interpersonal Intelligence
Intrapersonal Intelligence
Bodily-Kinesthetic Intelligence
Mathematical-Logical Intelligence
"Si Chin ay isang therapist na may kakayahang makinig at magbigay ng tamang payo batay sa nararamdaman ng kanyang kliyente. Siya rin ay naglalaan ng oras upang magmuni-muni at magtrabaho sa kanyang sariling emosyon at kaisipan."
Anong uri ng multiple intelligence ang nagpapakita ng kakayahan ni Chin?
Existential Intelligence
Intrapersonal Intelligence
Interpersonal Intelligence
Bodily-Kinesthetic Intelligence
"Si Troy ay isang engineer na mahusay magplano at magdisenyo ng mga sistema. Laging ginagamit niya ang lohika upang masolusyunan ang mga problema sa kanyang trabaho."
Anong uri ng multiple intelligence ang nagpapakita ng kakayahan ni Troy?
Existential Intelligence
Visual-Spatial Intelligence
Interpersonal Intelligence
Mathematical-Logical Intelligence
