WorksheetsWastong Pangangalaga at Paglalaba ng Damit
Total questions: 40
Worksheet time: 30mins
1. Hayaan na lang na mamantsahan at mapunit ang damit para makabili na naman ng bagong damit si Nanay.
Tama
Mali
Hubarin kaagad ang damit pampasok at magpalit ng damit pambahay pagkagaling sa paaralan.
Tama
Mali
Iwanan na lang na nakasampay sa sulok ang mga ginamit na damit.
Tama
Mali
Tahiin ang mga sirang damit pagkatapos itong labhan.
Tama
Mali
Nakatitipid ng oras, pagod at salapi kung uugaliing pangalagaan ang mga kasuotan.
Tama
Mali
Mag-ingat din sa pagkilos upang hindi masabit sa pako o iba pang bagay na matulis ang damit.
Tama
Mali
Sa pagsusulsi ng may sulok na punit, pagtapatin ang mga gilid ng punit at may sulok na bahagi.
Tama
Mali
Ang pagtatagpi ay ang pagkukumpuni ng may butas na damit. Ito ay ginagamitan ng kapirasong telang katulad ng nabutas na damit na maaaring manggaling sa retaso.
Tama
Mali
Hindi na kailangang ibuhol ang sinulid kapag natapos na hanggang dulo upang di makalag ang tahi ng sinulsihan.
Tama
Mali
Huwag gamiting pamunasan ng kamay, pawis o tumutulong sipon ang damit. Gumamit ng panyo o tisyu sa ganitong gawain.
Tama
Mali
Nakita mo na butas ang palda ng kapatid mo. Ano ang gagawin mo?
Susulsihan
Paplantsahin
Lalabhan
Tatagpian
Nagtatrabaho sa isang kumpanya si Analyn, nakkta ng kasamahan niya na gusot ang damit niya. Ano ang dapat ginawa niya sa damit niya?
plantsahin
itupi
labhan
sulsihan
Habang kumakain ng bananaque si Ara ay di sinasadya na namantsahan ang kanyang damit. Kailan niya dapat alisin ang mantsa?
kinabukasan
sa isang buwan
sa isang linggo
aalisin agad
Ang pagtatago ng nakatuping damit sa cabinet o aparador ay ayon sa:
laki
presyo
kulay
bigat
Habang naglalakad sa kalsada si Karen ay biglang nadulas siya sa maputik na daan. Ano ang dapat niyang gawin?
labhan ang damit
tagpian ang damit
sulsihan ang damit
plantsahin ang damit
Nais ni Aling Nena na tagpian ang butas na pantalon ng anak niyang si Justin, ano ang maaari niyang itagpi?
dahon
tela
papel
karton
Ang lahat ay nagpapakita ng pangangalaga sa kasuotan maliban sa isa, alin ito?
paglalaba
pagpupunit
pamamalantsa
pagsusulsi
Ang paglalaba ng damit ay isinasagawa upang _________ maliban sa isa.
maiwasan ang kapitbahay na inutangan
maiwasan ang pangangamoy ng katawan
luminis ang damit
manatiling mabango ang katawan
Sumabit sa maliit na pako ang shorts ni Alma habang siya ay naglalaro, ano ang dapat gawin ng nanay niya sa shorts?
labhan
plantsahin
itupi
sulsihan
Gawin ang pamamalantsa tuwing ______ upang makatipid sa kuryente.
1 beses sa 1 taon
2 beses sa 3 buwan
1 beses sa isang linggo
2 beses sa 1 araw
Ito ay isang paraan upang maging malinis ang kasuotan.
pagtatagpi
pamamalantsa
paglalaba
pananahi
Kailangan ihiwalay ang puti sa de-kolor upang maiwasan ang_______.
pangungupas ng damit
pagkakahawa-hawa
pagkatastas
pagkabutas
Ginagamit upang magkaroon ng mabangong aroma ang mga damit at maging malambot ito.
Sabon
bleach
fabric conditioner
detergent
Ginagamit kung kailangan para sa pagpapaputi at pag-aalis ng mantsa ng damit
Bleach
Detergent
Sabon
Fabric Conditioner
Makalumang paraan ng pagkukusot ng mga damit
Brush
Sipit
Hanger
Palo-palo
Bago isampay ang mga damit,ipagpag o iwasiwas muna ito upang maalis sa pagkakapilipit mula sa pagpiga.
TAMA
MALI
Unahing sabunin ang mga may kulay at maruming mga damit.
TAMA
MALI
Samsamin o kuhain lamang ang mga natuyong damit.
TAMA
MALI
Paghiwa-hiwalayin ang mga puti sa may kulay na damit.
TAMA
MALI
Ang tubig,palanggana o batya, at sabon ay mga kagamitan sa paglalaba.
TAMA
MALI
Ano ang dapat gawin sa mga damit bago basain sa tubig?
Ibilad sa init ng araw.
Isampay ang mga damit
Sabunin nang mabuti ng pulbos na sabon.
Tingnan kung may laman ang bulsa.
Ano ang mainam na gawin sa mga puting damit?
Banlawan ng dalawang beses ang mga damit.
Isampay sa hanger ang mga damit.
Sabunin saka ikula o ibilad sa init ng araw.
Tanggalan ng mantsa ang mga damit.
Bakit sa malilim na lugar dapat isampay ang mga damit na may kulay?
Upang bumango ang mga sinampay na damit.
Upang hindi kumupas ang mga kulay ng damit.
Upang maging bago muli ang mga damit.
Upang maging kaakit-akit ang mga damit.
Ilang beses dapat banlawan ang nilalabhang damit?
limang ( 5 ) beses
isang ( 1 ) beses
sampung (10) beses
tatlong (3) beses
Alin-aling mga bahagi ng damit ang karaniwang kinakapitan ng matitinding dumi?
kwelyo
kilikili
manggas
lahat ng nabanggit
1.Napansin ni Narda na hindi pa gaanong maputi ang kanyang
nilabhang blusa. Ano ang dapat niyang gawain?
A. Isampay ito.
B. Ibabad ito.
C. Ibenta ito.
D. Ikula ito
2. Maglalaba si Kardo ng kanyang maruruming damit. Ano ang dapat niyang gawin upang hindi makahawa ang damit na may kulay?
A. Labhan lamang ang mga puting damit
B. Ihiwalay ang mga puti sa may kulay na damit.
C. Labhan lamang ang mga may kulay na damit
D. Palabhan ang damit sa nakatatandang kapatid.
3. Ano ang dapat gawin upang maiwasan ang pabalik-balik sa
pagkuha ng mga kakailanganin sa paglalaba at mabawasan ang
pag-aksaya ng panahon?
A. Ilagay sa ropero ang maruruming damit.
B. Ihanda lahat ng gamit na kailangan.
C. Mag-imbak ng maraming sabon.
D. Iwasan ang paglalaba
4. Binanlawan mo ang nilabhang mga damit nang dalawang beses at
napansin mong may sabon pa rin ito. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sabuning muli ang mga damit.
B. Ibabad sa tubig ang mga damit.
C. Isampay ang mga damit upang matuyo
D. Banlawang muli hanggang mawala ang sabon
5. Ano ang dapat gawin upang maiwasan ang pagkupas ng mga damit na may kulay?
A. Ibabad sa tubig magdamag
B. Ibabad sa tubig na may sabon.
C. Isampay sa nasisikatan ng araw
D. Isampay sa ‘di-gaanong nasisikatan ng araw
