wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

EsP 10: Espiritwalidad at Pananampalataya

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang pangunahing layunin ng espiritwalidad?

a)

Paghahanap ng kasikatan

b)

Paghahanap ng kayamanan

c)

Paghahanap ng kahulugan at layunin sa buhay

d)

Paghahanap ng kapangyarihan

2.

Ano ang tinutukoy na dimensyon ng espiritwalidad na nakatuon sa ating pakikipag-ugnayan sa Diyos?

a)

Panlipunan

b)

Pangkapaligiran

c)

Pangkabuhayan

d)

Personal

3.

Ano ang nagbibigay ng gabay at pag-asa sa mga hamon ng buhay?

a)

Katarungan

b)

Espiritwalidad

c)

Kalikasan

d)

Pananampalataya

4.

Ano ang papel ng Diyos sa espiritwalidad?

a)

Siya ang nagtatakda ng mga batas

b)

Siya ang nag-uutos sa atin

c)

Siya ang nagbibigay ng kahulugan at layunin sa ating buhay

d)

Siya ang nagbibigay ng kasiyahan

5.

Ang pagsasagawa ng pananampalataya ng mga Muslim batay sa Limang Haligi ng Islam. Ang mga sumusunod ay kasama maliban sa;

a)

Panalangin

b)

Pagninilay

c)

Pag-aayuno

d)

Pagsamba

6.

Ito ang personal na relasyon ng isang tao sa Diyos. Ito ay isang malayang desisyon na malaman at tanggapin ang katotohanan tungkol sa sariling pagkatao.

a)

Espiritwalidad

b)

Pananampalataya

c)

Pagsamba

d)

Pag-ibig

7.

Ano ang isang halimbawa ng pagsasabuhay ng moralidad na may pundasyon sa pananampalataya?

a)

Pagkamuhi

b)

Pagsunod sa Sampung Utos

c)

Pagnanakaw

d)

Pagsisinungaling

8.

Ang sumusunod ay mga mahalagang aral at paniniwala ng Kristiyanismo maliban sa;

a)

Magmahalan at magpatawad sa isa't isa.

b)

Pagbutihin ang sariling pagkatao sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga materyal na bagay.

c)

Ang Diyos ay kasama natin sa bawat sandali ng ating buhay.

d)

Tanggapin ang kalooban ng Diyos nang madali at natural na pagsunod

9.

Ano ang isang paraan upang maipakita ang pagpapahalaga sa espiritwalidad?

a)

Pagdarasal

b)

Pagiging makasarili

c)

Pagkakaroon ng galit

d)

Pagiging mapaghimagsik

10.

Ano sa mga sumusunod ang tunay na diwa ng espiritwalidad?

a)

Ang patuloy na pag-aaral at pagbabasa ng salita ng Diyos.

b)

Ang pagpapanatili ng relasyon sa Diyos sa pamamagitan ng araw-araw na panalangin.

c)

Ang pagiging maawain at tumutulong sa pangangailangan ng iba.

d)

Ang pagkakaroon ng magandang relasyon sa iba at pagtugon sa tawag ng Diyos.

11.

Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa mga aral ng Buddhismo?

a)

Pag-aayuno

b)

Panalangin ng limang beses sa isang araw.

c)

Pag-ibig at pagpapatawad sa isa't isa

d)

Pagsasaalang-alang sa panloob na kabutihan at mataas na pamantayan ng moralidad.

12.

Ano ang isang halimbawa ng pagsasabuhay ng espiritwalidad sa pang-araw-araw na buhay?

a)

Paggalang sa iba

b)

Pagkakaroon ng galit

c)

Pagiging tamad

d)

Pagiging masungit

13.

Ano ang nagbibigay ng lakas at pag-asa sa gitna ng mga pagsubok?

a)

Katarungan

b)

Espiritwalidad

c)

Pananampalataya

d)

Kalikasan

14.

Bakit mahalaga ang oras ng katahimikan o pagninilay-nilay sa buhay ng isang tao?

a)

Upang malaman ang mensahe ng Diyos sa buhay ng isa.

b)

Upang palalimin ang relasyon sa Diyos.

c)

Upang palawakin ang kaalaman at isabuhay ang mga turo ng Diyos.

d)

Upang mas makilala ang Diyos at maibahagi ang kaniyang mga salita

15.

Ano ang pangunahing mensahe ng espiritwalidad at pananampalataya?

a)

Ito ay para sa mga mayayaman lamang

b)

Ito ay para sa mga espesyal na okasyon lamang

c)

Walang halaga ito

d)

Mahalaga ito sa ating pagkatao

16.

Ang mga sumusunod ay ang mga Haligi ng Islam, maliban sa;

a)

Shahadatain

b)

8 Fold Path

c)

Salah

d)

Hajj

17.

Ano ang ibig sabihin ng "Buddha"?

a)

Ang Naliwanagan

b)

Gintong Batas

c)

Nirvana

d)

8 Fold path

18.

Ano ang nagagawa ng relihiyon sa buhay mo?

a)

Napapasaya niya ako.

b)

Natututo akong gumawa ng mabuti sa sarili at sa kapwa.

c)

Nakapagpapagaan ng damdamin.

d)

Lahat ng nabanggit

19.

Sinasabi sa Hebreo 11:1 na "Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita." Alin sa sumusunod na pahayag ang tama ukol dito?

a)

Nagiging panatag ang tao dahil iniibig siya ng Diyos.

b)

Nagiging panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos.

c)

Nagiging panatag ang tao dahil siya ay umaasa sa pagmamahal ng Diyos.

d)

Nagiging panatag ang tao dahil alam niya na hindi siya pababayaan ng Diyos.

20.

"Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ay sinungaling." Ang pahayag ay ______.

a)

Tama, dahil dapat mahalin ang kapwa.

b)

Mali, dahil maipakikita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsisimba.

c)

Mali, dahil ang pagmamahal sa Diyos ay maipakikita sa mabuting ugnayan sa Kaniya.

d)

Tama, dahil maipakikita lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos kung minamahal din ang kapwa.