wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

BATTLE OF THE BRAIN -EXCELIKSI V.2.0

Total questions: 20

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay may ideya, opinion, paksa, o pangyayari sa anumang larangan na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Ito ay sumasaklaw sa anumang pumupukaw ng mga interes ng mga tao o ilang suliranin na nakakaapekto at nagpapabago sa kalagayan ng pamumuhay ng tao sa lipunan.

a)

KONTEMPORARYONG ISYU

b)

LIPUNAN

c)

HEOGRAPIYA

d)

PILOSOPIYA

2.

Ito ay pangkat ng mga tao kung saan sama-samang ibinabahagi ang kultura sa isang teritoryo

a)

KULTURA

b)

LIPUNAN

c)

STATUS

d)

PAMILYA

3.

Ayon sa kanya ang lipunan ay patuloy na kumikilos at nagbabago. Ito ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang mga pangyayari at gawain.

a)

EMILE DURKHEIM

b)

KARL MARX

c)

CHARLES COOLEY

d)

CHARLES DARWIN

4.

Ayon sa kanya “Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan”. Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang kanilang pangangailangan.

a)

EMILE DURKHEIM

b)

KARL MARX

c)

CHARLES COOLEY

d)

CHARLES DARWIN

5.

Ayon sa kanya “Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at tungkulin”. Nauunawaan at nakikilala ng tao ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng lipunan.

a)

EMILE DURKHEIM

b)

KARL MARX

c)

CHARLES COOLEY

d)

CHARLES DARWIN

6.

Dito nagsisimula ang unang paghubog sa pagkatao ng isang indibidwal Dito huhubugin ng isang magulang ang kanyang anak sa mabuting kaparaanan.

a)

PAMILYA

b)

SOCIAL GROUP

c)

KULTURA

d)

INSTITUSYON

7.

Ito ay organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. Kabilang rito ang pamilya, paaralan (pang-edukasyon), pamahalaan, at pang-ekonomiya.

a)

PAMILYA

b)

SOCIAL GROUP

c)

KULTURA

d)

INSTITUSYON

8.

Ito ay pinagsama-samang bilang ng tao na mayroong pagkakatulad na katangian at naniniwala na ang kanilang ugnayan at pagkakatulad ay mahalaga sa lipunan.

a)

PAMILYA

b)

SOCIAL GROUP

c)

KULTURA

d)

INSTITUSYON

9.

Ito ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay na naglalarawan sa isang lipunan. Ito ay ang pang-araw-araw na bahagi ng pamumuhay ng tao.

a)

PAMILYA

b)

SOCIAL GROUP

c)

KULTURA

d)

INSTITUSYON

10.

Ito ay tumutukoy sa pamantayang itinakda ng lipunan Ito ay mas mahigpit na batayan ng pagkilos. Ang sinuman na indibidwal na lumalabag sa pamantayang ito ng lipunan ay madalas itinuturing na social deviant.

a)

MORES

b)

FOLKWAYS

c)

NORMS

d)

CODE OF HAMMURABI

11.

Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa kabuuan. Ang di pagsunod sa pamantayan nito ay hindi nagdudulot ng mabigat na kaparusahan.

a)

MORES

b)

FOLKWAYS

c)

NORMS

d)

CODE OF HAMMURABI

12.

Ito ay isyung ng pampublikong usapin na naiuugnay sa mga suliranin kinakaharap ng mga institusyong panlipunan.

a)

ISYUNG PANLIPUNAN

b)

ISYUNG KULTURAL

c)

ISYUNG PERSONAL

d)

ISYUNG POLITIKAL

13.

Tumutukoy sa nararanasang pagtaas ng katamtamang temperatura ng himpapawid at mga karagatan sa mundo nitong mga nakaraang dekada.

a)

GLOBALIZATION

b)

CLIMATE CHANGE

c)

POLLUTION

d)

ACID RAIN

14.

Bilang isang mag-aaral paano mo higit na pangangalagaan ang kalikasan?

a)

Magpopost sa social media ng mga larawan ng mga magagandang tanawin

b)

Makikilahok sa mga proyekto ng barangay sa paglilinis at pagtatanim ng halaman sa inyong pamayanan

c)

Turuan na maglinis ang iyong mga kapitbahay

d)

Pagwewelga upang maglabas ng hinaing sa hindi tamang pangangalaga sa kalikasan

15.

Paano higit na maiiwasan ang pagkaubos ng likas na yaman ng daigdig?

a)

Huwag bumili ng mga mamahaling mga bato tulad ng diyamante at metal.

b)

Ibalik sa dagat ang mga maliliit pang isda.

c)

Huwag abusuhin ang kalikasan at gumamit ng mga renewable energy

d)

Huwag putulin ang mga puno

16.

Bilang isang mag –aaral, paano ka makakatulong sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran sa ating daigdig?

a)

Palagiang pagbatikos sa mga kakulangan ng gobyerno sa pagharap sa mga suliranin

b)

Pananaliksik at pag-aaral sa mga kasalukuyang kaganapan sa kapaligiran

c)

Pakikisa sa mga gawaing nagtataguyod sa pangangalaga sa kalikasan

d)

Patuloy na pananaliksik sa mga epektibong pamamaraan

17.

Ito ay sangay ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya ng Pilipinas na nagbibigay serbisyong may kaugnayan sa pagbaha, pag-ulan, pagpasok at prediksyon ng pagkilos ng bagyo, meteorolohikal, astronomikal at iba pang impormasyong kinakailangang isapubliko para sa ikaliligtas ng buhay at mga ariarian.

a)

PAGASA -Ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration

b)

DOTC o Department of Transportation and Communications

c)

Philippine Coast Guard

d)

Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP

18.

Ang ahensiya ng pambansang pamahalaan na nakatoka sa pampublikong transportasyon sa buong bansa. Nagbibigay ito ng mga balita sa lagay ng sistema ng pampublikong transportasyon sa bansa tulad ng mga biyahe sa himpapawid, karagatan, at kalsadA

a)

PAGASA -Ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration

b)

DOTC o Department of Transportation and Communications

c)

Philippine Coast Guard

d)

Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP

19.

Ito ay madalas na ginagamit bilang sistematikong paraan ng pagtukoy, pagtataya at pagbabawas pinsala sa anomang banta ng panganib at mga ginagawa ng tao.

a)

Disaster Risk Management

b)

DRILL AND SIMULATION

c)

SEARCH AND RESCUE OPERATION

d)

DISASTER RESILIENCE

20.

Sa pagkakataong ito ay tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad. Mahalaga ang impormasyong makukuha mula sa gawaing ito dahil magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanan.Nakapaloob dito ang tatlong uri ng pagtataya: ang Needs Assessment, Damage Assessment, at Loss Assessment.

a)

Disaster Preparedness

b)

Disaster Response

c)

Disaster Rehabilitation and Recover

d)

Disaster Prevention and Mitigation