WorksheetsSummative Test M5.6
Total questions: 20
Worksheet time: 20mins
Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat. Ang sa sumusunod ay mga tunay na diwa nito, maliban sa?
a. Protektahan ang mayayaman at may kapangyarihan.
b. Ingatan ang interes ng marami.
c. Itaguyod ang karapatang-pantao.
d. Kondenahin ang mapagsamantala sa kapangyarihan.
Saan nakabatay ang paghuhusga ng konsensiya?
a. Batas ng Diyos
b. Sa mga aral ni Sto. Tomas De Aquino
c. Likas na Batas Moral
d. Sampung Utos
Ano ang itinuturo ng prinsipyong "First Do no Harm" ng mga medikal na doktor?
a. Gawin lagi ang tama.
b. Anuman ang kalagayan ng isang tao, huwag tayong mananakit.
c. Gamutin ang sariling sakit bago ang iba.
d. Ingatan na huwag saktan ang tao.
Paano sinikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa karapatang pantao ng bawat mamamayan?
a. Sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga karapatan at proteksiyon ng mga mamamayan.
b. Sa pamamagitan ng paglikha ng maraming mga batas.
c. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura senyales ng pag unlad ng ekonomiya ng bansa.
d. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba’t ibang samahan na sasagot sa pangangailangan ng bawat mamamayan.
Alin sa sumusunod ang hindi umaayon sa Likas na Batas Moral?
a. Pagkaltas ng SSS, Pag-ibig, at buwis sa mga manggagawa ng walang konsultasyon.
b. Pagmungkahi sa mga ina na regular na magpatingin sa malapit na center sa kanilang lugar
c. Pagtuturo sa mga bata ng tamang pangangalaga sa sarili
d. Paghikayat sa mga tao na magsimba sa araw ng linggo.
Ayon kay Sto Tomas de Aquino, lahat ng tao ay may kakayahang _________.
a. mag- isip
b. magturo
c. magnegosyo
d. manggamot
Ang __________ ang laging pakay at layon ng tao. Ang isip at puso ang gabay para kilatisin ito.
a. tama
b. mali
c. mabuti
d. layunin
Ang tama ay pagsunod sa likas na batas moral. Ito ay totoo dahil _________________
a. Umaayon sa lahat ng panahon at pagkakataon.
b. Mula sa sariling pag-alam at pakiramdam.
c. Angkop sa pangangailangan at kakayahan.
d. Para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan lamang.
Ang mga_______ ay nilikha ng pamahalaan upang isakongkreto ang unibersal at pangkalahatang pagpapahalaga sa tao.
a. konstitusyon
b. batas
c. karapatan
d. paglabag
Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya o desisyon?
a. Ito ay ayon sa mabuti.
b. Walang nasasaktan.
c. Makapagpapabuti sa tao.
d. Magdudulot ito ng kasiyahan.
Alin ang batayan ng pagiging pantay ng tao sa kaniyang kapuwa?
a. Karapatan
b. Isip at kilos-loob
c. Kalayaan
d. Dignidad
Ang karapatan ay kapangyarihang moral. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
a. Hindi maaaring puwersahin ng tao ang kaniyang kapuwa na ibigay sa kaniya nang sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.
b. Hindi nito maapektuhan ang buhay-pamayanan.
c. Kaakibat sa karapatan ng isang tao ang obligasyon ng kaniyang kapuwa na igalang ito.
d. Pakikinabangan ito ng tao lamang dahil tao lamang ang makagagawa ng moral na kilos.
Ang tungkulin ay obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin (o iwasan) ang isang gawain. Alin sa sumusunod ang hindi ibig sabihin nito?
a. Nakasalalay ang tungkulin sa isip.
b. Nakabatay ang tungkulin sa Likas na Batas Moral.
c. Ang tungkulin ang nagpapanatili ng buhay-pamayanan.
d. May malaking epekto sa sarili at mga ugnayan ang hindi pagtupad ng mga tungkulin.
Ang bawat karapatan na tinatamasa ng tao ay may katumbas na ________________.
a. kapalit
b. tungkulin
c. karapatan
d. dignidad
Alin ang hindi nagpapakita ng tungkulin na kaakibat ng karapatan sa buhay?
a. Iniiwasan ni Milang kumain ng karne at matatamis na pagkain.
b. Nagpatayo ng bahay-ampunan si Gng. Roa para sa mga batang biktima ng pang-aabuso.
c. Sumasali si Danilo sa mga isport na mapanganib tulad ng car racing.
d. Nagsimula ng soup kitchen si Fr. Joseph Weljinski sa Peru para sa mga batang kalye.
Sa patuloy na pag—aaral ng tao upang umangat ang karera at maitaas ang antas ng pamumuhay ay tungkulin sa karapatang-
a. Sa buhay
b. Magpakasal
c. Pumunta sa ibang lugar
d. Maghanap-buhay
Anong karapatan ang isinisaad o nararapat sa sitwasyon?
Permanenteng pagtira ng pamilya Reyes sa Maynila dahil sa patuloy na kaguluhan sa Basilan.
a. Karapatan sa buhay
b. Karapatang magpakasal
c. Karapatang pumunta sa ibang lugar
d. Karapatang maghanap-buhay
Anong karapatan ang isinisaad o nararapat sa sitwasyon?
Kailangan ito ng tao upang mabuhay nang maayos at maging produktibo at nakikibahagi sa lipunan.
a. Karapatan sa buhay
b. Karapatang magpakasal
c. Karapatang pumunta sa ibang lugar
d. Karapatang maghanap-buhay
Anong karapatan ang isinisaad o nararapat sa sitwasyon?
Pagtira sa ibang lugar na may oportunidad tulad ng trabaho o komportableng buhay.
a. Karapatan sa buhay
b. Karapatang magpakasal
c. Karapatang pumunta sa ibang lugar
d. Karapatang maghanap-buhay
Aling karapatan ang isinasaad sa bawat tungkulin:
Suportahan ang pamilya sa sapat at masustansiyang pagkain
Gabayan ang mga anak para makaiwas sa panganib
Maging mabuting halimbawa ng pagsasabuhay ng mga birtud
Pag-iwas sa eskandalo
a. Karapatan sa buhay
b. Karapatang magpakasal
c. Karapatang pumunta sa ibang lugar
d. Karapatang maghanapbuhay
