WorksheetsSummative Test M7.8
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
Ano ang pangunahing nagiging epekto ng teknolohiya sa paggawa ng tao?
a. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magamit ang kaniyang pagkamalikhain.
b. Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto dahil hindi ito nahawakan ng tao.
c. Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng maraming produkto.
d. Nababago na ang kahulugan ng tunay na paggawa.
Ano ang obheto ng paggawa?
a. Kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.
b. Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha.
c. Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto.
d. Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto.
Alin sa mga sumusunod ang hindi konsepto na tumutukoy sa paggawa?
a. ito ay nagbubunga ng pagbabago sa anumang bagay.
b. ito ay mayroong pagkukusa.
c. ito ay maaaring magbunga ng produkto o serbisyo.
d. ito ay kailangang palaging may kapalit na salapi.
Sino sa sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng kanilang paggawa?
a. Si Antonino na gumagawa ng mga muwebles na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong disenyo
b. Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa materyal na tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit ng mga banyaga
c. Si Romeo na nag-eexport ng mga produktong gawa sa mga kalapit na bansa
d. Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na inilalahok sa mga timpalak sa buong mundo
Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?
a. Sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
b. Sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
c. Sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto
d. Sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao
Sa paggawa, mayroong pananagutang moral ang tao. Paano ito maipapakita?
a.Pumasok ng maaga at umuwi ng maaga.
b.Ibigay ang buong husay sa paggawa.
c.Panatilihin ang maayos ang relasyon sa mga namumuno lamang.
d.Lahat ng nabanggit
Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensiyon ng paggawa?
a. Ang paggawa ay paggawa para sa kapuwa at kasama ang kapuwa.
b. Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba.
c. Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan, ugnayan, at pakikisangkot sa ating kapuwa.
d. Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapuwa.
Ang paggawa ay paglilingkod sa _______?
a. Sarili sapagkat ito ay may katumbas na benepisyo
b. Sa may-ari ng pagawaan upang kumita ang negosyo.
c. Sa mga mamimili sapagkat ito ay may kalidad.
d. Lahat ng nabanggit.
Ang mga sumusunod ay mga layunin sa paggawa maliban sa?
a.. upang magkaroon ng ambag sa agham at teknolohiya
Upang tumulong sa mga nangangailangan.
c. upang kumita ng salapi at matugunan ang mga pangangailangan.
Upang makatulong sa ugnayan ng tao sa mga kalakalan.
Bakit maituturing na subheto ng paggawa ang TAO?
Ang tao lamang ang may halaga sa mundo dahil sa kaniyang kakayahan.
Ang tao lamang ang may kakayahan na kumilos bunga ng proseso ng kaniyang pag-iisip.
Ang tao lamang ang aasahan sa pagpapabiis ng paggawa ng produkto.
Ang tao lamang ang nagtataglay ng konsensiya.
Alin ang hindi kahulugan ng pakikilahok?
a. Isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat
b. Isang malayang pagpili. Hindi maaring pilitin o puwersahin ang tao upang Isagawa ito
c. Maaring tawaging bayanihan, damayan, o kawanggawa
d. Tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapuwa.
Alin ang taglay ng tao kaya siya karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang ng kaniyang kapuwa?
a. Bolunterismo
b. Pakikilahok
c. Dignidad
d. Pananagutan
Bakit mahalaga na may kamalayan at pananagutan sa pakikilahok?
a. Upang matugunan ang pangangailangan ng lipunan
b. Upang magampanan ang mga gawain o isang proyekto na mayroong pagtutulungan
c. Upang maibahagi ang sariling kakayahan na makatutulong sa pagkamit ng kabutihang panlahat
d. Upang maipakita ang diwa ng pagkakaisa at pagmamahalan
Ano ang dapat kilalanin ng tao upang makagawa ng pakikilahok?
a. Pananagutan
b. Tungkulin
c. Dignidad
d. Karapatan
Alin ang hindi maituturing na benepisyo ng bolunterismo?
a. Nagkakaroon ang tao ng personal na pag-unlad.
b. Mas higit niyang nakikilala ang kaniyang sarili.
c. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng Lipunan.
d. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at ugnayan sa iba.
Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo tinulungan. Ang pahayag na ito ay:
a. Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
b. Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaaring makaapekto sa iyo.
c. Tama, sapagkat maaari kang managot sa iyong konsensiya sapagkat hindi ka tumugon sa pangangailangan ng iyong kapuwa sa mga sandalling yaon.
d. Mali, sapagkat hindi maaaring pilitin ang tao sa kaniyang gagawin. Ito dapat ay manggaling sa puso.
Alin ang hindi halimbawa ng bolunterismo?
a. Tuwing Sabado at Linggo ay tinuturuan ni Karen ang mga batang hindi nakapagaral sa kanilang lugar upang matutong bumasa at sumulat.
b. Si Jerick ay pumupunta sa bahay-ampunan ng mga bata upang alagaan ang mga ito tuwing bakasyon.
c. Tuwing eleksiyon ay sinisiguro ni Rechelle na bumoto at piliing mabuti ang karapat-dapat na mamuno.
d. Sumali si Darlyn sa paglilinis ng paligid sa kanilang baranggay dahil nais niyang makiisa sa layunin nitong mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kaniyang mga kapit-bahay.
Hindi nakalahok si Rico sa Oplan Linis ng kanilang baranggay dahil inalagaan niya ang kaniyang bunsong kapatid na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis tingting at sako na paglalagyan ng basura. Ano kayang antas ng pakikilahok ang ipinakita ni Rico?
a. Impormasyon
b. Konsultasyon
c. Sama-samang pagkilos
d. Pagsuporta
Ano-ano ang dapat makita sa isang taong nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo?
a. Pagmamahal, Malasakit, at Talento
b. Panahon, Talento, at Kayamanan
c. Talento, Panahon, at Pagkakaisa
d. Kayamanan, Talento, Bayanihan
Ano ang makakamit ng ating lipunan kung ang bawat isa ay nagsasagawa ng pakikilahok at bolunterismo? a. Pagkakaisa c. Pag-unlad b. Kabutihang Panlahat d. Pagtataguyod ng Pananagutan
a. Pagkakaisa
b. Kabutihang Panlahat
c. Pag-unlad
d. Pagtataguyod ng Pananagutan
