Font size
WorksheetsAP 2 - 2nd Quarter Assessment
Total questions: 31
Worksheet time: 3hrs 35mins
I. Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang letra ng iyong sagot.
Handa ka na ba sa iyong pagsusulit? Type
opo
1.Alin sa sumusunod ang mahalagang bahagi ng kwento ng pinagmulan ng isang komunidad?
a. palengke
b. kasaysayan
c. mall
d. paaralan
2. Ano ang tawag sa lugar kung saan nagsimula ang isang komunidad?
a. pundasyon
b. simbahan
c. pinagmulan
d. tindahan
3. Ano ang kadalasang pinagmumulan ng pangalan ng isang komunidad?
a. Pangalan ng isang tao
b. Mga halaman o hayop
c. Katangian ng lugar
d. Lahat ng nabanggit
4. Bakit mahalagang alamin ang kasaysayan ng komunidad?
a. Para malaman ang pagkakaiba-iba ng tao
b. Para malaman ang pinagmulan ng tradisyon at kultura
c. Para maging sikat sa iba
d. Para magkaroon ng sariling kwento
5. Sino ang mga pangunahing tao na kadalasang nagtatag ng komunidad?
a. Mangingisda
b. Sinaunang tao
c. Mga bata
d. Mga guro
6. Ano ang tawag sa mga tao na nagtutulungan para umunlad ang komunidad?
a. Yamang likas
b. Yamang pisikal
c. Yamang kultural
d. Yamang tao
7. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng hanapbuhay sa rural na lugar?
a. Pagbabalot ng pagkain
b. Pagtatanim ng palay
c. Pag-aayos ng computer
d. Pagtitinda sa mall
8. Bakit mahalaga ang yamang tao sa isang komunidad?
a. Dahil sila ang gumagawa ng produkto
b. Dahil sila ang bumubuo sa komunidad
c. Dahil sila ang nagdadala ng kaunlaran
d. Lahat ng nabanggit
9. Anong uri ng hanapbuhay ang karaniwang ginagawa ng mga mangingisda?
a. Pangingisda
b. Pagsasaka
c. Pag-aaral
d. Paggawa ng alahas
10. Sa isang lungsod, ano ang karaniwang trabaho ng mga tao?
a. Pagtatanim
b. Pag-aalaga ng hayop
c. Pagtatrabaho sa opisina
d. Pagsisid sa dagat
11. Alin ang pangunahing layunin ng pagkakaroon ng hanapbuhay?
a. Para maging sikat
b. Para may makain at maitaguyod ang pamilya
c. Para mag-ipon ng pera
d. Para magkaroon ng maraming kaibigan
12. Paano nakakatulong ang guro sa komunidad?
a. Nag-aalaga ng hayop
b. Nagtuturo ng kaalaman at pagpapahalaga
c. Nagbebenta ng gulay
d. Gumagawa ng bahay
13. Ano ang epekto ng masipag na yamang tao sa komunidad?
a. Pagdami ng basura
b. Pag-unlad ng kabuhayan
c. Pagtaas ng presyo
d. Pagsasara ng mga negosyo
14. Ano ang tawag sa mga gawain ng yamang tao na may kinalaman sa paggawa ng produkto?
a. Hanapbuhay
b. Hilig
c. Pamamasyal
d. Kasayahan
15. Sino ang tumutulong sa mga tao upang maitaguyod ang mga karapatan at kaligtasan?
a. Magsasaka
b. Mga opisyal ng gobyerno
c. Estudyante
d. Mangangalakal
16. Ano ang tawag sa problemang dulot ng pagtatapon ng basura sa ilog?
a. Pagdami ng halaman
b. Pagdami ng isda
c. Polusyon sa tubig
d. Paglilinis ng ilog
17.Ano ang tawag sa problemang dulot ng pagtatapon ng basura sa ilog?
a. Pagdami ng halaman
b. Polusyon sa tubig
c. Pagdami ng isda
d. Paglilinis ng ilog
18. Ano ang sanhi ng pagbaha sa isang lugar?
a. Malinis na ilog
b. Pagtatapon ng basura sa kanal
c. Pagtatanim ng puno
d. Pag-aalaga ng hayop
19. Paano nakakaapekto ang pagsusunog ng basura sa kapaligiran?
a. Nagiging malinis ang hangin
b. Nagpapalago ng halaman
c. Nagpapaganda ng kapaligiran
d. Nagdudulot ng polusyon sa hangin
20. Ano ang pinakamainam na solusyon sa pagkakaroon ng polusyon sa hangin?
a. Paggamit ng mas maraming plastik
b. Pagtanim ng puno at halaman
c. Pagsusunog ng basura
d. Pagtapon ng basura sa dagat
21. Anong programa ang dapat suportahan upang maiwasan ang polusyon?
a. Pagtatanim ng puno
b. Paggawa ng kalsada
c. Pagbili ng bagong sasakyan
d. Pagtatayo ng pabrika
22. Ano ang maaaring mangyari kung magtutulungan ang mga tao sa paglilinis ng kapaligiran?
a. Tataas ang presyo ng pagkain
b. Magkakaroon ng basura
c. Mawawala ang polusyon
d. Liliit ang komunidad
23. Paano maiiwasan ang pagbaha sa komunidad?
a. Magtanim ng mga puno
b. Magtapon ng basura kahit saan
c. Maghukay ng lupa
d. Magtayo ng bahay sa tabi ng ilog
24. Ano ang epekto ng walang habas na pagputol ng puno?
a.Pagbaha at pagguho ng lupa
b. Pagdami ng isda sa dagat
c. Pagkakaroon ng mas maraming pagkain
d. Paglaki ng mga bundok
25. Alin sa mga sumusunod ang hindi nakakatulong sa kalinisan ng kapaligiran?
a. Pagtatanim ng puno
b. Pagtatapon ng basura sa tabi ng bahay
c. Pag-recycle ng mga gamit
d. Pagpapanatili ng kalinisan
26. Bakit mahalagang magtulungan ang lahat sa pag-aalaga ng kapaligiran?
a. Para sa mas ligtas at malinis na pamayanan
b. Para maging masaya ang lahat
c. Para magkaroon ng maraming kaibigan
d. Para maging sikat sa iba
27. Ano ang magandang gawin sa mga gamit na hindi na kailangan?
a. Itapon sa ilog
b. I-recycle o gawing panibagong bagay
c. Iwan sa kalye
d. Sunugin agad
28. Ano ang nagiging epekto ng sobrang paggamit ng plastik?
a. Pagkakaroon ng basura sa paligid
b. Pagdami ng puno
c. Paglilinis ng ilog
d. Pagtaas ng kalidad ng hangin
29. Anong uri ng suliranin ang dulot ng maraming pabrika sa isang lugar?
a. Malinis na kapaligiran
b. Polusyon sa hangin at tubig
c. Mas masarap na pagkain
d. Pagdami ng mga turista
30. Bakit mahalagang alagaan ang ating kapaligiran?
a. Upang mas maraming tao ang lumipat sa komunidad
b. Upang mapanatili ang kaayusan at kalusugan ng lahat
c. Upang hindi mabawasan ang populasyon
d. Upang maging magulo ang lugar
