wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

3rd Quarter Reviewer

Total questions: 76

Worksheet time: 47mins

Name
Class
Date
1.

Kailan lamang ay nagwagi sa kompetisyon ng pag-awit si Raven Umali. Anong uri ng talino mayroon siya?

a)

Verbal/Linguistic

b)

Musical/Rhythmic

c)

Bodily Kinesthetic

2.

Bukod sa pagiging isang pulitiko ni Mayor Roy Loyola, siya ay isang ring abugado. Bilang isang abugado, anong talino mayroon siya?

a)

Visual/Spatial

b)

Verbal/Linguistic

c)

Intrapersonal

3.

Sino ang American developmental psychologist na bumuo sa 9 na Uri ng Kakayahan o Multiple Intelligences (MI)?

a)

Prof. Erik Erikson

b)

Dr. Howard Gardner

c)

Dr. Manuel Dy

4.

1. Ayon kay Professor Erickson, napapatunayan ang kahusayan ng tao sa pamamagitan ng ______.

a)

A. karanasan

b)

B. pinag- aralan

c)

C. tiwala sa sarili

d)

D. masusing pagsasanay

5.

2. Ito ay pagkagusto o pagiging masaya sa ating ginagawa

a)

A. tiyaga

b)

B. mithiin

c)

C. hilig

d)

D. tiwala

6.

4. Ang pag- unlad ng tao ay nagsisimula sa _____.

a)

A. pamilya

b)

B. paaralan

c)

C. sarili

d)

D. kapwa

7.

5. Alin sa sumusunod na kasabihan ang may kaugnayan sa talento at kakayahan?

a)

A. Time is Gold

b)

B. The feeling is mutual

c)

C. Honesty is the best Policy

d)

D. Practice makes Perfect

8.

3. Marami tayong kababayan ang umaawit sa ibang bansa at naging sikat. Sila ay may talinong

a)

Musical

b)

Verbal

c)

Essential

d)

Naturalist

9.

5. Bago ako matulog sa gabi, nagkakaroon ako pagsusuri kung ano ang nagawa ko sa maghapon . Ako ay may talinong

a)

Intrapersonal

b)

Interpersonal

c)

Bodily Kinesthetic

d)

Musical

10.

6. Ang kakayang inteletuwal ay nasusukat sa pamamagitan ng _____________.

a)

Pagsasanay

b)

Pagsusulit

c)

Pagsasaulo

d)

Pagkukwenta

11.

7. Ang kakayahan naman ay likas o tinataglay ng tao dahil na rin sa kanyang:

a)

Kakayahang mag-isip

b)

Kakayahang magmahal

c)

kakayahang magbahagi

d)

kakayahang gumawa

12.

8. Ayon sa sikolohista, ang talento ay may kinalaman sa ______

a)

mula sa paligid

b)

katangiang minana sa magulang

c)

mula sa pag-aaral

d)

pagsasanay ng isip at katawan

13.

9. Alin sa sumusunod ang HINDI makatotohanan tungkol sa talento at kakayahan?

a)

Ang talento ay pambihira at likas na kakayahan.

b)

Ang bawat tao ay may likas na talino at kakayahan.

c)

Ang talento at kakayahan ay napagyayaman ng sarili.

d)

Ang kakayahan ay nagpapahusay sa taglay na talent.

14.

Ano ang kaugnayan ng hilig sa pagpili ng kursong akademiko/ bokasyunal?

         

a)

Magtutulak ang pagkakaroon ng kinahihiligan upang makamit ang labis na tagumpay sa      hinaharap.

b)

Makatutulong ang hilig upang makakuha ng trabahong makapagbibigay ng kasiyahan sa      hinaharap.

c)

Makatutulong ang hilig upang matiyak na maipakikita ang galing sa pag- aaral upang          

maitaas ang antas ng pagkatuto.

d)

Makatutulong ang hilig upang mapili ang angkop na kursong akademiko o teknikal-     bokasyonal

15.

Si Henry ay may taglay na talento sa pag awit at gustong gusto niyang sumali sa paligsahan sa pag awit sa kanilang paaralan ngunit natatakot siya na magkamali, pagtawanan ng ibang mag aaral at matalo. Kung ikaw si Henry anong gagawin mo?

         

a)

Sasali ako sa paligsahan kahit natatakot ako

b)

Hindi nalang ako sasali upang hindi na ako mapahiya

c)

Sa kwarto na lamang ako aawit na walang nakakarinig

d)

Sasali ako at magtitiwala ako sa sarili ko na kayang kaya ko.

16.

Ano ang iyong pinakamalaking tungkulin ngayon bilang kabataan?

     

a)

Matuto at makapagtapos ng pag-aaral.

b)

Makipagkaibigan sa mga mayayamang kaklase.

c)

Makapasok sa mamahaling paaralan para matuto.

d)

Gawin ng malaya ang mga nais kong gawin.

17.

Paano maaaring matutuhan ang hilig o interes?

         

a)

Sa pamamagitan ng paggaya sa interes ng kaibigan

b)

Sa pamamagitan ng pagsusuri sa sariling karanasan

c)

Sa pamamagitan ng pagsusuri sa sariling kaisipan.

d)

Sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga hindi nais gawin.

18.

Si Angelo ay madalas na nakikipagtalo sa kanyang kapatid. Para silang aso’t pusa sa dalas ng kanilang pag-aaway. Madalas na sumasama ang loob ng kanilang ina dahil sa kanilang hindi magandang pagpapalitan ng mga salita. Ano ang makatwirang magagawa ni Angelo?

         

a)

Umiwas sa kanyang kapatid upang hindi na sila magtalo.

b)

Hanapin ang dahilan ng kanilang hindi pagkakasundo at kausapin ang kapatid upang  iwasan na itong gawin.

c)

Magkukulong na lamang sa kwarto para makaiwas.

d)

Huwag na lamang pansinin ang kapatid.

19.

Paano mo ba matutuklasan ang iyong mga hilig?

         

a)

Pagnilayan ang iyong hilig na libangan (hobby) at paboritong gawain

b)

Siyasatin ang mga gawaing nakapagpapasiya sa iyo

c)

Suriin ang mga gawaing iyong iniiwasang gawin.

d)

Lahat ng nabanggit.

20.

Ano ang hilig o kategorya ng mga taong mahilig magbasa, mag-imbestiga, at sumusubok na malaman ang mga bagay na hindi pa nila alam?

a)

Artistic

b)

Investigative

c)

Social

d)

Enterprising

21.

Aling kategorya sa RIASEC ang inilalarawan ng mga tao na masaya sa pagpipinta, musika, at iba pang mga gawaing sining?

a)

Investigative

b)

Social

c)

Artistic

d)

Conventional

22.

Ano ang kategorya sa RIASEC na nararapat para sa mga taong mahilig makipag-interact sa iba, magturo, o maglingkod sa komunidad?

a)

Enterprising

b)

Realistic

c)

Conventional

d)

Social

23.

Anong kategorya sa RIASEC ang mga taong may galing sa pagnenegosyo, mahilig sa liderato, at handa sa mga negosyo?

a)

Conventional

b)

Realistic

c)

Investigative

d)

Enterprising

24.

Bakit mahalaga ang pagpapaunlad ng mga hilig o interes?

a)

Dahil ito ang kailangang gawin ng lahat.

b)

Dahil mas magiging matagumpay ka sa buhay kapag ginagawa mo ang mga bagay na hilig mo.

c)

Dahil ito ay requirement sa eskwela.

d)

Dahil ito ang gusto ng iba.

25.

Ano ang maaring maging benepisyo ng pagpapahilig sa math kung ikaw ay magiging engineer?

a)

Madaling makahanap ng trabaho.

b)

Madali kang makakakuha ng mataas na grado sa eskwela.

c)

Hindi mo kailangang mag-aral nang mabuti.

d)

Wala itong kinalaman sa engineering.

26.

Ano ang isa sa mga salik kung bakit ang ilang pamilya ay may mga tradisyon sa kanilang propesyon?

a)

Hilig at interes ng bawat miyembro ng pamilya.

b)

Sapilitan na pinipilit ang kanilang mga anak sa kanilang trabaho.

c)

Ang propesyon ay naka-depende sa iyong apelyido.

d)

Wala itong kinalaman sa hilig o interes.

27.

Ano ang maaaring maging benepisyo ng pagpapaunlad ng mga hilig sa negosyo?

a)

Wala itong kinalaman sa negosyo.

b)

Magiging masaya ka palagi.

c)

Mas madaling makamit ang financial stability.

d)

Makakatulong ito sa pag-aaral mo.

28.

Bakit mahalaga ang pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan?

a)

Dahil may premyo ang pagtulong.

b)

Dahil ito ay requirement sa eskwela.

c)

Dahil hindi ito nagbibigay saya.

d)

Dahil ito ay nagbibigay kaligayahan at kahulugan sa buhay.

29.

Alam ni Boyet na hindi niya kakayanin ang kursong Medisina gayundin ang kakayahan ng kaniyang magulang na suportahan siya. Kaya ang kaniyang ginawa ay naghanap siya ng scholarship sa kanilang munisipyo at iba pang institusyon at unti-unting nagsulat siya ng mga tiyak niyang plano at mga paalala upang maging gabay niya. Anong pansariling salik ang isinagawa ni Boyet?

a)

Katayuang pinansiyal

b)

hilig

c)

mithiin

d)

pagpapahalaga

30.

Alin sa mga pansariling salik na dapat pagbatayan sa pagpili ng kurso na may kinalaman sa iyong kahusayan o galing sa isang bagay o tiyak na abilidad na maaari mong matuklasan mula sa pakikiharap sa mga taong nakakasalamuha, paglutas ng mga mahihirap na bagay, pagbubuo at masistemang paraan sa pagkuha ng datos at iba pa.

a)

talento

b)

hilig

c)

kasanayan (skills)

d)

pagpapahalaga

31.

Ano ang dapat na maging aksiyon mo sa panahong ikaw ay naguguluhan pa sa mga pagpipiliang kurso para sa nalalapit na Senior High School?

a)

Makinig sa gusto ng mga kaibigan

b)

Huminto muna at sa susunod na taon na lamang mag-aral

c)

Magbasa at maglaan ng panahon na makapag-isip at magplano.

d)

Humingi ng tulong sa malapit sa iyo at umasa sa kanilang desisyon.

32.

Sa teoryang Multiple Intelligences ni Dr. Howard Gardner (1983), ang lahat ng tao ay may angking likas na kakayahan, iba't iba ang talino o talento. Bilang nasa Baitang9, ano ang mahalagang gampanin na dapat mong gawin sa mga talino o talentong ipinagkaloob sa iyo na may kaugnayan sa pagpili mo ng nais na kurso sa pagtuntong mo sa Senior High School?

a)

Paunlarin para sa sarili at ibahagi para sa kabutihang panlahat

b)

Pahalagahan at paunlarin

c)

Pagtuunan ng pansin at palaguin

d)

Tuklasin at gamitin sa pagpapayaman mula sa tinapos na kurso.

33.

Ano ang dalawang kakayahang taglay ng bawat tao na magagamit niya sa pagpapasiya at malayang pagsasakilos ng kaniyang pinili at ginusto nang may pananagutan dito?

a)

Kagalingang mangatwiran at matalas na kaisipan

b)

Kahusayan sa pagsusuri at matalinong pag-iisip

c)

Kalinawan ng isip at masayang kalooban

d)

Kakayahang mag-isip at malayang kilos-loob

34.

Ano ang inaasahan sa atin bilang tao sa lipunan na nilikha upang makipagkapuwa at makibahagi sa buhay-sa-mundo (lifeworld) na ang layunin ay makipag-ugnayan sa isa't isa at makipagtulungan?

a)

maki-angkop

b)

makialam

c)

makipagkasundo

d)

makisimpatya

35.

Anong kategorya ng hilig nakapaloob ang taong may mataas na impluwensiya na nakatuon sa mga gawaing pang-agham?

a)

realistic

b)

investigative

c)

socila

d)

enterprising

36.

Aling multiple intelligences nakapaloob ang isang taong mahilig pumunta at mamasyal sa mga magagandang tanawin sa mundo?

a)

existential

b)

naturalistic

c)

interpersonal

d)

intrapersonal

37.

Aling multiple intelligences nakapaloob ang isang taong mas higit na kilala ang kaniyang sarili, at mas pipiliing magtrabaho mag-isa?

a)

existential

b)

naturalistic

c)

interpersonal

d)

intrapersonal

38.

Aling multiple intelligences nakapaloob ang isang taong mahilig makisalamuha sa iba.

a)

existential

b)

naturalistic

c)

interpersonal

d)

intrapersonal

39.

Ano ang pangunahing layunin ng pagpapatawad?

a)

Upang makaiwas sa mga taong nagkasala

b)

Upang mabawasan ang kasalanan ng iba

c)

Upang magkaroon ng kapayapaan at maibalik ang relasyon

d)

Upang mapatunayan na tama ka

40.

Ano ang kahulugan ng tinatawag na "conditional forgiveness"?

a)

Ang pagpapatawad na walang hinihinging kapalit

b)

Ang pagpapatawad na nakadepende sa pagsisisi ng nagkasala

c)

Ang pagpapatawad na iniisip lamang pero hindi sinasabi

d)

Ang pagpapatawad na binibigay sa harap ng publiko

41.

Alin sa sumusunod ang pinakamahalagang hakbang sa pakikipagkasundo sa kapwa?

a)

Pagtanggi na may nangyaring problema

b)

Paghingi ng tawad at pagtanggap ng responsibilidad

c)

Paglimot sa nangyari nang hindi ito nililinaw

d)

Pag-iwas sa taong nakasakit

42.

Ano ang ibig sabihin ng "unconditional forgiveness"?

a)

Ang pagpapatawad kahit walang kapalit o kondisyon

b)

Ang pagpapatawad sa pamamagitan ng paghingi ng kapatawaran

c)

Ang pagpapatawad na ginagawa sa harap ng maraming tao

d)

Ang pagpapatawad na may kasamang parusa sa nagkasala

43.

Bakit mahalaga ang pagpapatawad sa pagkakaroon ng masayang relasyon sa kapwa?

a)

Dahil nakakapagbigay ito ng kapangyarihan sa isang tao

b)

Dahil ito ang nagpapakita ng pagiging perpekto ng isang tao

c)

Dahil tinutulungan nito ang magkabilang panig na magkaroon ng kapayapaan at tiwala

d)

Dahil maiiwasan nito ang anumang pag-uusap tungkol sa problema

44.

Paano makatutulong ang pakikipagkasundo, pagpapatawad, at pagpapakumbaba sa pagpapanatili ng kapayapaan at pagkakaisa sa isang pamayanan? Magbigay ng konkretong halimbawa kung paano ito maisasabuhay sa araw-araw.

4 lines
45.

Si Rose at si Mia ay palaging nagkakasama sa paglalaro ng board games dahil pareho nilang gustong maglaro. Anong uri ng pakikipagkaibigan mayroon sila?

a)

Pagkakaibigan na nakabatay sa Pangangailangan

b)

Pagkakaibigan na nakabatay sa Kasiyahan

c)

Pagkakaibigan na nakabatay sa Kabutihan

46.

Si Sam ay laging humihingi ng tulong kay Tom kapag may problema sa kanyang assignment, ngunit hindi siya nagpapakita ng interes kay Tom kapag wala siyang kailangan. Anong uri ng pakikipagkaibigan mayroon sila?

a)

Pagkakaibigan na nakabatay sa Pangangailangan

b)

Pagkakaibigan na nakabatay sa Kasiyahan

c)

Pagkakaibigan na nakabatay sa Kabutihan

47.

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinaka-nauugnay sa "Pakikipagkaibigan na nakabatay sa pangangailangan"?

a)

Ang magkaibigan ay nagtutulungan upang maging mas mabuting tao sa bawat isa.

b)

Ang magkaibigan ay nagkakaroon ng relasyon dahil sa mutual na benepisyo sa trabaho o negosyo.

c)

Ang magkaibigan ay nagsasaya sa magkasunod na libangan at aktibidad.

d)

Ang magkaibigan ay nagtutulungan sa mga moral na aspeto ng kanilang buhay.

48.

Ayon kay Aristotle, alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng "Pakikipagkaibigan na nakabatay sa kabutihan"?

a)

Magkaibigan sila dahil nagtutulungan sila sa negosyo at kapakinabangan.

b)

Magkaibigan sila dahil magkasama silang nag-eenjoy sa mga libangan at aktibidad.

c)

Magkaibigan sila dahil may mataas na pagpapahalaga sa kabutihang moral at nagtutulungan silang maging mas mabuting tao.

d)

Magkaibigan sila dahil sa mga magagandang karanasan at memories na kanilang nabuo.

49.

Bakit ayon kay Aristotle, ang "Pakikipagkaibigan na nakabatay sa Kabutihan" ang pinakamataas na uri ng pagkakaibigan?

a)

Dahil ito ay nagbibigay ng pansamantalang kasiyahan at benepisyo sa bawat isa.

b)

Dahil ang magkaibigan ay nagtutulungan sa pag-abot ng mga materyal na layunin.

c)

Dahil ito ay nagtataguyod ng moralidad at pagpapahalaga sa kabutihan, kaya't tumatagal at mas matibay.

d)

Dahil ang magkaibigan ay palaging nagsasama sa mga aktibidad na nagpapasaya sa kanila.

50.

Si Paul ay tumulong kay Ralph na makahanap ng trabaho kahit hindi siya kinailangan. Anong uri ng pakikipagkaibigan mayroon sila?

a)

Pagkakaibigan na nakabatay sa Pangangailangan

b)

Pagkakaibigan na nakabatay sa Kasiyahan

c)

Pagkakaibigan na nakabatay sa Kabutihan

51.

Si Juan ay laging tumatawag kay Liza kapag may kailangan siyang i-ayos sa computer, ngunit hindi siya lumalapit kay Liza kapag wala siyang problema. Anong uri ng pakikipagkaibigan mayroon sila?

a)

Pagkakaibigan na nakabatay sa Pangangailangan

b)

Pagkakaibigan na nakabatay sa Kasiyahan

c)

Pagkakaibigan na nakabatay sa Kabutihan

52.

Ano ang magiging epekto ng "Pakikipagkaibigan na nakabatay sa Kabutihan" sa pagkakaroon ng malalim at matatag na relasyon?

a)

Ang relasyon ay magiging mas matibay at magtatagal dahil sa moral na pagpapahalaga at pagtulong sa isa't isa.

b)

Ang relasyon ay magsasawa dahil walang kasiyahan o benepisyo na nakukuha.

c)

Ang relasyon ay magiging pansamantala at magtatapos kapag hindi na kinakailangan ang tulungan.

d)

Ang relasyon ay mababaw dahil walang kabutihang moral na nakatutok sa kanilang ugnayan.

53.

Anong uri ng pakikipagkaibigan ang nabubuo sa mga taong nagkakaroon ng relasyon dahil sa pareho nilang pangangailangan sa isang tiyak na layunin o proyekto?

a)

Pagkakaibigan na nakabatay sa Pangangailangan

b)

Pagkakaibigan na nakabatay sa Kasiyahan

c)

Pagkakaibigan na nakabatay sa Kabutihan

54.

Si Nora ay palaging nagbibigay ng magagandang payo kay Daisy, kahit hindi siya hinihingan. Anong uri ng pakikipagkaibigan mayroon sila?

a)

Pagkakaibigan na nakabatay sa Pangangailangan

b)

Pagkakaibigan na nakabatay sa Kasiyahan

c)

Pagkakaibigan na nakabatay sa Kabutihan

55.

Ayon sa ______________ ang pagkakaibigan ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng ugnayan sa isang tao dahil sa pagmamahal o pagpapahalaga.

a)

Aristotle

b)

Ermerson

c)

William James

d)

Webster Dictionary

56.

Ang tunay na pakikipagkaibigan ay sumisibol mula sa pagmamabal ng mga taong malalim na nakilala ang pagkatao sa pananaw ng sarili at iba. Sino ang nagsabi ng pahayag na ito?

a)

Aristotle

b)

Emerson

c)

William James

d)

Webster Dictionary

57.

Ayon sa kanya ang wagas na pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa pangmatagalang panahon.

a)

Aristotle

b)

Emerson

c)

William James

d)

Webster Dictionary

58.

Naiaangat ang antas ng buhay tungo sa positibong ugnayan ng isang lipunan dahil sa malalim na aspekto ng pakikipagkaibigan. Sino ang nagsabi ng pahayag na ito?

a)

Aristotle

b)

Emerson

c)

William James

d)

Webster Dictionary

59.

Sino ang may sabi ng pahayag na - "Ang biyaya ng mabuting pagkakaibigan ay hindi lamang makakamit sa ngiti at saya ng isang pangkat ng magkakaibigan o ng tulong at pabor na maibibigay nila"?

a)

Aristotle

b)

Emerson

c)

William James

d)

Webster Dictionary

60.

8. Ito ay isang sangkap na kung saan ikaw ay nakahandang ingatan ang lihim ng kapwa kaibigan .

a)

a.Pagpapatawad

b)

b. Katapatan

c)

c. Kakayahang mag-alaga ng lihim at tapat

d)

d. Presensya

61.

7. Ang ganitong uri ng pagkakaibigan ay nabuo batay sa pagkagusto o pagkahanga at paggalang sa isa't isa .

a)

a. Pagkakaibigang nakabatay sa pansariling kasiyahan

b)

b. Pagkakaibigang nakabatay sa kabutihan

c)

c. Pagkakaibigang nakabatay sa pangangailangan

d)

d. Pagkakaibigan sa saya

62.

Si Angela ay lumaki sa poder ng kanyang lola. Malapit na sana siyang makapagtapos nang bigla itong magkasakit. Kinakailangan niyang huminto para may mag-alaga rito. Anong kaugaliang Pilipino ang maglalarawan sa iginawi ni Angela?

a)

PAGKALINGA SA MATATANDA

b)

PAGBIBIGAY SA KAPWA

c)

PAGDARASAL NANG TAMA SA ORAS

d)

PAGBABAYANIHAN

63.

Sa Maynila natapos ng pag-aaral si Rico at doon siya nakapag hanap ng trabaho. Sa kanyang pag-uwi sa kanilang probinsiya ay napansin niyang hirap na sa paglalakad ang kanyang mga magulang. Anong magandang kaugalian ang pinapakita sa ginawa niyang pagkupkop sa kanyang mga magulang?

a)

Pakikipag kapwa

b)

Pangangaral ng magulang

c)

Pag aasikaso sa matatanda

d)

Pagmamahal sa magulang

64.

Alam kong may pagkakamali din ako sa ating hindi pagkakasundo. Kaya naman, humihingi ako ng tawad sa Iyo. Anong magandang katangiang ang I pinapakita sa pahayag na ito?

a)

Pagpapakumbaba

b)

Maalalahanin

c)

Pagmamahal

d)

Pagkalinga

65.

Si Rowena ay nag-isip ng pagkakakitaan ngayong may pandemiya. Gamit ang social media ay I binibenta niya ang lahat ng kanyang mga produkto upang may maitustos sa araw araw nilang pamumuhay. Alin sa mga sumusunod na katangiang ang mayroon si Rowena?

a)

Pagiging madiskarte

b)

Pag tanggap sa kabiguan

c)

Katapangan

d)

Pagbibigayan

66.

Dumating si Angelo buhat sa ibang bansa. Dumalaw ito sa kanyang mga kamag-anak na ipinaghanda siya ng makakain at matutulugan. Anong kaugalian ng mga Pilipino ang ipinakita ng mga kamag-anak ni Angelo.

a)

Pagtulong sa nangangailangan

b)

Mabuting pagtanggap sa bisita

c)

Paggalang sa nakatatanda

d)

Pagmamalasakit sa kapwa

67.

Piliin ang kaugaliang inilalarawan sa mga pahayag.


Maari ko po bang gamitin ang iyong blusa ina? Tanong ni Acelle.

a)

Bayanihan

b)

Pagdarasal

c)

Pagmamahal sa magulang

d)

Paggamit ng po at opo

68.

Ipagluluto ko ng pagkain sina ama at ina. Gagawin kong espesyal ang araw nila.

a)

Bayanihan

b)

Paggalang

c)

Pagmamahal

d)

Pagdarasal

69.

Nakagawian na namin magdasal tuwing alas tres ng hapon.

a)

Bayanihan

b)

Paggalang

c)

Pagmamahal

d)

Pagdarasal

70.

Kapag pinagsasabihan kami ng aming mga magulang, nakikinig lamang kami sa kanila sapagkat alam namin na ito'y para sa aming ikabubuti.

a)

Bayanihan

b)

Paggalang

c)

Pagmamahal

d)

Pagdarasal

71.

Ngayong pandemiya, ninais ng aking mga magulang na tumulong sa mga kapus-palad at mga nawalan ng trabaho.

a)

Bayanihan

b)

Pagmamahal

c)

Paggalang

d)

Pagdarasal

72.

1. Isang organisadong sistema ng pananampalataya, pamimitagan, paggalang, kaugalian at pananalig na nakasentro sa isa o higit pang kinikilalang Diyos.

a)

Kultura

b)

Relihiyon

c)

Paniniwala

73.

Tukuyin ang salitang naglalarawan sa sitwasyon.

Dapat na maging gawi ng lahat ng tao sa paniniwala at panaampalataya ng ibang relihiyon.

a)

PAG-ASA

b)

RESPETO/ PAGGALANG

c)

PANANAMPALATAYA

d)

PAG-IBIG/PAGMAMAHAL

74.

Isang relihiyong monoteista (naniniwala sa iisang diyos lámang) na nakabatay sa búhay at pinaniniwalaang mga katuruan ni Hesus na pinaniwalaan ng mga Kristiyano na isang tagapagligtas at mesiyas ng Hudaismo.

a)

KRISTIYANISMO

b)

JUDAISMO

c)

ISLAM

d)

SHINTOISM

75.

Ang Pilipinas ay bansa sa Asya na may malalim na pananampalataya sa Katolisismo, patunay nito ay pagkakaroon ng altar sa bawat tahanan at pagdarasal gamit ang rosaryo. Anong kaisipan ang mabubuo sa pahayag na ito?

a)

Ang pagdarasal ay mahalagang gawain sa buhay ng mga Kristiyano.

b)

Ang pagkaroon ng altar ay bahagi na sa tahanan ng bawat Kristiyano.

c)

Ang altar at rosaryo ay mahalagang pagkakakilanlan ng mga Kristiyano.

d)

Ang paggamit ng rosaryo ay malaking tulong sa pagdarasal ng mga Kristiyano

76.

Ang pagsisimba tuwing Linggo, pagbuo ng mga batas ayon sa pananampalataya at paraan ng pananamit ay ilan lamang sa mga impluwensiya ng relihiyon sa buhay ng tao. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita nito?

a)

Ang relihiyon ang nagsisilbing pangunahing aralin ng tao.

b)

Ang relihiyon ay nagsisilbing gabay ng tao.

c)

Ang relihiyon ay bahagi na ng pamumuhay ng tao.

d)

Ang relihiyon ang lunas sa lahat ng suliranin ng tao