wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP 9 Q3 Kagalingan sa Paggawa at Paglilingkod

Total questions: 14

Worksheet time: 7mins

Name
Class
Date
1.

Ang sumusunod ay paglalarawan tungkol sa paggawa maliban sa isa.

a)

Isang gawain ng tao na palagiang isinasagawa nang may pakikipagtulungan sa kaniyang kapwa.

b)


Isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad,pagkukusa at pagkamalikhain.

c)

Resulta ng pagkilos ng tao na may layuning makatugon sa pangangailangan ng kapuwa.

d)


Anumang gawaing makatao ay nararapat sa tao bilang anak ng Diyos.

2.

Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng panlipunang dimensiyon ng paggawa?

a)


Ang paggawa ay paggawa para sa kapuwa at kasama ang kapuwa.

b)

Ang paggawa ay nagbubukas para sa pagpapalitan,ugnayan at pakikisangkot sa ating kapuwa.

c)

Ang paggawa ay pagkilala sa kagalingan ng mga likha ng kapuwa.

d)

Ang paggawa ay paggawa ng isang bagay para sa iba.

3.

Ang paggawa ay para sa tao at hindi ang tao para sa paggawa. Ito ay nangangahulugang:

a)


Ang tao ang gagamit ng lahat ng mga nilikha na bunga ng paggawa ngunit hindi dapat na iasa lamang niya ang kaniyang pag-iral sa mga produktong nilikha para sa kaniya ng kaniyang kapuwa.

b)

Hindi kasangkapan ang tao na kinakailangan para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan ang paggawa upang makamit ang kaniyang kaganapan.

c)


Kapuwa tao rin niya ang gagamit ng lahat ng mga nilikha bunga ng paggawa kung kaya ibinubuhos niya ang lahat ng kaniyang pagod at pagkamalikhain upang makagawa ng isang makabuluhang produkto.

d)


Hindi kailangan ang tao para mapagyaman ang paggawa bagkus kailangan siya upang mapagyaman ang mga kasangkapan na kinakailangan sa pagpapayaman ng paggawa.

4.

Ano ang obheto ng paggawa?

a)

Kalipunan ng mga gawain,resources,instrument at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.

b)


Tunay na layunin ng tao sa kaniyang paglikha ng mga produkto.

c)

Mga taong gagamit ng mga produktong nilikha.

d)


Kakayahang kakailanganin ng tao upang makalikha ng isang produkto.

5.

Sino sa mga sumusunod ang hindi nakakatulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa pamamagitan ng kanilang paggawa?

a)


Si Renee na gumagawa ng mga damit na yari sa material na tanging sa bansa nakikita at inilalapat sa yari ng mga damit ng mga banyaga.

b)

Si Shiela na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na inilalahok sa mga timpalak sa buong mundo.

c)

Si Romeo na nag-eexport ng mga produktong gawa sa mga kalapit na bansa.

d)

Si Antonio na gumagawa ng mga muwebles na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng modernong disenyo.

6.

Ang kagalingan sa paggawa ay tumutukoy sa:

a)

Dami ng bibili sa produkto o tatangkilik sa produkto

b)

pagganap o pagtupad ng kinakailangang gawain upang makamit, matapos, o mabuo ang inaasahang bunga na kasiya-siya at may mataas na uri ng pagkakagawa.

c)

pagganap nang buog puso sa gampanin at iba pa nang may pag-iimbot sa isipan.

d)

Pagkakakilanlan ng taong gumawa sa produkto

7.

Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain na walang pagmamadali at buong pagpapaubaya.

a)

Kasipagan

b)

Tiyaga

c)

Masigasig

d)

Malikhain

8.

Tukuyin ang mga priyoridad sa gagampanang gawain.

a)

Simulan an araw sa pamamagitan ng pagtingin sa iskedyul ng gawain na dapat gawin. Bumuo ng listahan ng mga hakbang o mga gawain, tinatawag na activity log.

b)

Pagbuo ng to-do list mula sa activity log

c)

Alamin ang layunin sa pagganap sa ginagawang gawain. Makatutulong n a tiyak at mliwanag ang layunin sa paggawa upang mabigyan ng kaukulang priyoridad ang gaganaping gawain.

d)

Pagpapaunlad sa sariling kakayahan at talento

9.

Ang tao ay gumagawa upang kitain ang salapi na kaniyang kailangan upang matugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan. alin sa mga pahayag ang TAMA?

a)

Hindi nararapat na pera ang maging layunin sa paggawa

b)


Hindi mabibili ng tao ang kaniyang pangangailangan kung wala siyang pera

c)


Likas sa tao na unahing tugunan ang kaniyang pangunahing pangangailangan

d)

Mahalagang isipin na matugunan ang pangangailangan ng kapwa bago ang sarili.

10.

Sa kabila ng problemang kinahaharap ni Saisha sa kanyang research, hindi siya sumama sa iba niyang kaklase na naglakwatsa. Pinili niyang umuwi sa bahay nila at ituloy ang kanyang nasimulan.

a)

Magkaroon ng mabuting saloobin o pakiramdam sa gagampaning gawain

b)

Harapin ang mga stress sa gawain sa maayos at mabuting pamamaraan.

c)

Gamitin nang lubos ang mga kaalaman, talent, at mga kasanayan upang makabuo ngmahusay na produkto mula a iyong paggawa.

d)

Bumuo ng plano ng mga hakbang na magsisilbing gabay sa pagtupad ng gawain

11.

Ang paggawa ay isang bagay na matatakasan sa bawat araw.

a)

Tama

b)

Mali

12.

Ang pangunahing layunin ng paggawa ay kumita ng salapi.

a)

Tama

b)

Mali

13.

Ano ang nagiging epekto sa pagiging produkto ng tao paggawa ng pag-unlad ng agham at teknolohiya?

a)


Hindi nagkakaroon ang tao na magamit ang kaniyang pagkamalikhain

b)

Mas nababawasan ang halaga ng isang produkto

c)

Nababago ang kahulugan ng tunay na paggawa

d)

Nagkakaroon ng katuwang ang tao sa mabilis na paglikha ng produkto

14.

Walang makita si Shawn sa mga larawan na kailangan niya para sa kanyang vison board, kung kaya't iginuhit na lamang niya ang mga ito.

a)

Tiwala sa sarili

b)

Pagiging maparaan

c)

Lakas ng loob

d)

Katapatan sa paggawa