wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Pagsusulit sa Filipino 3

Total questions: 40

Worksheet time: 20mins

Name
Class
Date
1.

Si Mang Carlos ay may alagang bibe, baboy at manok. Ito'y nagsisilbing hanapbuhay na may malaking kita. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit?

a)

ehersisyo

b)

libangan                   

c)

trabaho o pinagkakakitaan

2.

"Yehey! tumama at nanalo ng malaking halaga ang nanay ko sa paligsahan."

a)

gulat

b)

lungkot

c)

tuwa

3.

Napabulyaw at nasabi niya nang malakas, "Ay, kabayo!" dahil sa matinding gulat.

a)

pagkabigla

b)

pagkainis

c)

pagkamalungkot

4.

Nagtrabaho siya sa yelohan sa piyer simula dapithapon. Ano ang tambalang salita sa pangungusap?

a)

dapithapon

b)

nagtrabaho

c)

yelohan

5.

Ano ang tawag sa tagapag-ingat ng salapi o ari-arian?

a)

    akyat bahay

b)

                  ingat-yaman              

c)

  takipsilim

6.

Ano ang tawag sa salitang kilos?

a)

    Pandiwa      

b)

    Panghalip

c)

    Pangngalan

7.

Dinala agad ni Nanay Iska sa ospital si Jeric. Alin dito ang pandiwa?

a)

Agad

b)

   Dinala  

c)

Ospital

8.

Malikot na bata si Jeric. Patakbo at patalon ang halos lahat ng kilos niya. ____________ siya patungo sa paaralan araw-araw. Anong pandiwa ang dapat isulat sa patlang upang mabuo ang diwa?

a)

Tatakbo

b)

   Tumakbo  

c)

Tumatakbo

9.

Ang batang magalang ay kayamanan ng magulang. Siya ay matulungin lalo na sa mga nakatatanda sa tahanan. Siya ay tunay na magtatagumpay. Alin dito ang wastong paksa sa talata?

a)

   Ang Batang Magalang

b)

 Ang Kayamanan

c)

  Ang Tagumpay

10.

Ang aklat ay mabuting kaibigan. Ito ay magdadala sa iyo sa malalayong lugar. Ito ay makakausap mo rin sa ano mang oras na maibigan mo. Magbibigay din ito sa iyo ng kaalaman bilang kayamanang di mabibili. Ano ang tamang paksa ng talatang ito?

a)

Ang Aklat 

b)

    Ang Kaibigan      

c)

Ang Kayamanan

11.

Si Spotty ang aking alaga. Tulad ng kanyang pangalan, ang katawan nito ay tadtad ng spots. Siya ang lagi kong kalaro at kasama. Mahal na mahal ko siya. Anong sumusuportang kaisipan sa talatang ito?

a)

     Nagkakamali ako sa aking alaga.

b)

      May araw na papaluin ko at hindi pakakainin.

c)

      Mahahaba ang kanyang tainga at medyo pahaba ang mukha.

12.

12. Ang larong sipa ay katutubong laro ng mga Pilipino. Ito ay maaaring laruin ng dalawang tao o higit pa. Binibilang ng taya kung ilang beses nasipa ang pamato hanggang sa mahulog ito. Anong pangungusap ang hindi sumusuporta sa pangunahing kaisipan.

a)

      Ang walang puntos ang siyang panalo.

b)

     Ang sumali sa larong sipa ang siyang panalo.

c)

      Ang may pinakamalaking puntos o bilang ng sipa ay siyang panalo.

13.

Nahuli ka nang paso__  sa paaralan. Anong tunog ang idadagdag sa patlang upang mabuo ito?

a)

      k      

b)

      l        

c)

n

14.

   May dalang bata ang magkakaibigang Lony at Lucy. Anong tunog ang ipagpapalit  sa sinalungguhitang titik upang mabuo ang bagong salita?

a)

k

b)

l

c)

n

15.

Maraming ta__on ang makikita natin sa Pilipinas. Anong tunog o titik ang idadagdag sa patlang upang mabuo?

a)

k

b)

l

c)

s

16.

Ito ang bahagi ng liham kung saan makikita mo ang pangalan at lagda ng sumulat.

a)

      Katawan ng Liham

b)

      Lagda       

c)

  Pamuhatan

17.

Dito nakalagay ang pangalan ng sinusulatan. Nagsisimula ito sa malaking titik at nagtatapos sa kuwit.

a)

     Bating Pangwakas   

b)

      Bating Panimula     

c)

Lagda

18.

Dito nakasaad ang lugar ng sumulat at petsa kung kailan ito isinulat.

a)

    Bating Pangwakas      

b)

   Bating Panimula  

c)

Pamuhatan

19.

Ito ang bahaging nagtataglay ng mga bagay na nais sabihin ng sumulat.

a)

    Katawan ng Liham

b)

Lagda

c)

Pamuhatan

20.

Dito mababasa ang maikli at magalang na pamamaalam ng sumulat.

a)

    Bating Pangwakas  

b)

Bating Panimula

c)

Pamuhatan

21.

Si Rumi ay mahilig magtapon ng basura kung saan-saan kahit may basurahan na sa tabi niya, hindi pa rin niya ito ginagamit. Ano kaya ang mangyayari sa kanilang lugar?

a)

     gaganda ang paligid

b)

     babara ang kanal nila

c)

    maraming tutubong mga halaman

22.

Isang gabi bumuhos ang napakalakas na ulan. Paggising ni Rumi nagulat siya sa  kanyang nakita. Bakit kaya? Nagulat siya dahil ________________________________.

a)

      maraming tao ang gusto niya.

b)

      maraming tubig ang naipon mula sa ulan.

c)

     ang mga basurang itinatapon niya ay nakita niya sa loob ng kanilang bahay.

23.

Taong nakatira sa katabi o kalapit na bahay.

a)

     kapitbahay    

b)

tabing dagat

c)

takipsilim

24.

Halamang may mga sanga at dahon, nabubuhay nang ilang taon at kataasan.

a)

    punongbayan

b)

punongguro

c)

punongkahoy

25.

Hinihintay si Mang Lando na umuwi  __ula sa kaniyang trabaho.

a)

l

b)

m

c)

p

26.

 “Paano na  __ayo ngayon at di pa ako makapagtrabaho?” sabi ni Mang Lando.

a)

m

b)

p

c)

t

27.

Ang mga basyong bote ay matiyaga nating tipunin at ipagbili sa halip na  nakakalat lamang. Alin dito ang pang-abay na pamaraan?

a)

      basyong      

b)

matiyaga

c)

nakakalat

28.

 Linising mabuti ang basyong bote bago ito muling gamitin. Paano nililinis ang mga basyong bote?

a)

mabuti

b)

padabog

c)

waldas

29.

Umiyak nang malakas ang sanggol. Alin ang salitang kilos?

a)

 Malakas

b)

Sanggol

c)

Umiyak

30.

 Tumatawid kami sa pedestrian lane. Alin ang salitang kilos?    

a)

kami 

b)

pedestrian lane

c)

tumatawid

31.

Naupo ang pulubi sa tabi. Ano ang tawag sa salitang sinalungguhitan?

a)

Pandiwa  

b)

Panghalip

c)

Pangngalan

32.

Ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng liham?   Sa pagsipi ng liham dapat ____________________________________________.  

a)

     Hindi nakapasok ang unang linya ng talata.

b)

     Walang palugit sa kaliwa at kanang bahagi ng papel.

c)

      Tandaan mo ang paggamit ng wastong bantas at malaking titik.

33.

Matibay gumawa ng produkto ang mga Pilipino. Alin dito ang tinatawag na pang-abay na pamaraan?

a)

     Gumawa

b)

Matibay

c)

Produkto

34.

Mabilis umunlad ang bansang may mga mamamayang makabayan. Paano umunlad ang bansa?

a)

Bansa

b)

Mabilis

c)

Makabayan

35.

Ang pang-abay na pamaraan ay sumasagot sa tanong na _________.

a)

  ano   

b)

paano

c)

sino

36.

Ano ang tawag sa pananalitang naglalarawan kung paano ginawa,  ginagawa o gagawin ang kilos o gawi? Pang-abay na _______________.

a)

  Pamanahon

b)

Pamaraan

c)

Panlunan

37.

Ito ay bahay na karaniwang gawa sa kawayan at kugon.

a)

akyat bahay

b)

bahay-kubo

c)

dalagang-bukid

38.

38. Ang tawag sa ideya na pinag-uusapan o tinatalakay sa teksto, kuwento,  talata o sanaysay.

a)

Paksa 

b)

Pangungusap

c)

Tauhan

39.

Ang pulubi ay humingi ng limos kanina. Alin dito ang pandiwa?

a)

humingi 

b)

kanina

c)

pulubi

40.

Isang magsasaka si Mang Jose. Napakalaki ng kanyang lupang sakahan. Tinataniman niya ito ng mais at palay. May malawak din siyang gulayan. Ibigay ang angkop na pamagat sa talatang ito.

a)

     Ang Pagtatanim  

b)

Ang Mga Produkto

c)

Ang Sakahan ni Mang Jose