wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

3rd Quarter-Pagsusulit sa Values Education 7

Total questions: 40

Worksheet time: 29mins

Name
Class
Date
1.

May talento ka sa pagguhit. Paano magiging kaagapay ang iyong pamilya at kaibigan sa pagpapaunlad ng iyong talento?

a)

hahayaan ka lang nila sa pag-eensayo

b)

hindi pagpayag kung may ensayong gagawin

c)

pagpapakita ng interes at suporta sa iyong talento

d)

himukin ka na huwag ng paunlarin ang iyong talento

2.

Bakit mahalaga na kaagapay ang kapuwa sa pagtuklas at pagpapaunlad ng iyong hilig o talento? Dahil sila ang _______________

a)

may kakayahang pumili ng iyong propesyon.

b)

magsisilbing gabay sa pagbuo ng pananaw sa ninanais na propesyon.

c)

may karapatang magdesisyon para sa iyo at hindi ka na mag-aalala pa.

d)

magbibigay ng solusyon sa anumang pagsubok na haharapin mo sa buhay.

3.

Paano mo maisasakilos ang pagpapaunlad ng sariling mga talento kaagapay ang kapuwa?

a)

Itatago ang aking talento upang huwag gayahin ng iba.

b)

Ipagagawa sa kaibigan ang mga gawain habang ako ay nagpapahinga.

c)

Ibabahagi sa iba ang aking talento upang makatulong at matuto din sa iba.

d)

Isasama ang mga kaibigan sa pag-eensayo upang may pumalakpak sa sakin.

4.

Alin sa mga kilos ang nagpapakita ng pagpapatawad at pakikipagsundo sa iba?

a)

pagpaparinig sa social media tungkol sa nagawang mali ng iyong kaibigan

b)

pagtatanim pa rin ng sama ng loob kahit na nakipagbati na ang tao

c)

pakikipagbati sa kaklaseng may nagawang mali sa iyo

d)

pag-iwas sa pakikipag-usap sa taong nakaalitan mo

5.

Alin ang nagpapakita ng pagpapatawad na may kababaang-loob?

a)

makipag-ayos lang kung uutusan ng guro

b)

maunang makipag-ayos sa taong nakaalitan

c)

magtanim ng galit kahit humingi na ng tawad ang tao

d)

maghintay na kausapin ng taong nakasamaan ng loob

6.

Bakit mahalaga ang pagpapatawad at pakikipagsundo sa kapuwa? Dahil_____

a)

nakatutulong ito sa pagbuo ng sarili at nasirang ugnayan sa kapuwa.

b)

magiging konti na lang ang iyong mga kaibigan.

c)

makasisira ito sa iyong magandang reputasyon.

d)

malalaman ng iba na may naka-alitan ka.

7.

Hindi sinadayang naputol ng iyong kapatid ang iyong krayola. Humingi ito ng tawad sa iyo at sinabing hindi niya sinasadya ang nangyari. Ano ang gagawin mo?

a)

Patatawarin ko siya pero pagagalitan ko muna.

b)

Magpapabili ako ng bagong krayola kay nanay.

c)

Isusumbong ko siya sa nanay upang mapagalitan.

d)

Patatawarin ko siya at pagsasabihan nang maayos.

8.

Alin sa sumusunod ang katangian ng mabuting kaibigan?

a)

tapat at handang tumulong sa oras ng pangangailangan

b)

madaling nawawala kapag may problema

c)

nanghuhusga sa mga kahinaan mo

d)

pag-una sa sariling interes

9.

Ano ang positibong naidudulot ng mabuting pakikipagkaibigan? May____

a)

makikinig sa iyong mga tsismis

b)

magbibigay sa iyo ng maraming pera

c)

masasandigan ka sa oras ng pangangailangan

d)

mauutusan ka kung ayaw mong gawin ang isang bagay

10.

Alin sa mga pahayag ang nagsasaad ng kahalagahan ng mabuting pakikipagkaibigan? Ang mabuting pakikipagkaibgan ay ______

a)

wala masyadong epekto sa buhay ng tao.

b)

nagdudulot ng alalahanin sa iyong sarili.

c)

nagpapalakas ng tiwala sa iyong sarili at sa ibang tao.

d)

nakatutulong sa paglinang ng iyong mental at emosyonal na kalusugan.

11.

Alin sa mga gawain ang nagpapatatag ng pakikipagkaibigan?

a)

Iwasan ang pakikipag-usap sa kaibigan kung may alitan.

b)

Paniwalaan kaagad ang mga paninira ng iba tungkol sa kaibigan

c)

Ayusin ang hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng mahinahon at tapat na pag-uusap.

d)

Gamitin ang hindi pagkakaunawaan bilang dahilan upang tapusin ang pagkakaibigan.

12.

Inanyayahan ka ng iyong kaibigan sa isang ritwal na bahagi ng kanilang pananampalataya, ano ang iyong gagawin?

a)

magtanong ng maraming bagay para ipakita na hindi ka sumasang-ayon

b)

dadalo at magpakita ng respeto, kahit hindi sumali sa aktwal na ritwal

c)

magbigay ng komento na nagkukumpara sa ibang pananampalataya

d)

tatanggihan agad upang mahinto na ang pag-uusap

13.

Paano mo ipaliliwanag sa iba ang inyong kaugalian na nakaugat sa pananampalataya?

a)

Ihahambing ang sariling kaugalian sa iba.

b)

Ipagmamalaki ko ito sa pamamagitan ng paglait sa ibang kaugalian.

c)

Ibabahagi ko lang ito sa mga taong gustong makinig sa aking sasabihin.

d)

Ipapakita sa iba ang sariling kaugalian at ipaliliwanag nang may kababaang-loob.

14.

Bakit mahalagang ipakita ang paggalang sa kaugalian ng iba na nakaugat sa pananampalataya? Upang______

a)

mapanatili ang pagkakaisa at kaayusan ng ugnayan sa ibang pananampalataya.

b)

maisakatuparan ang mga tuntunin na nakasaad sa libro ng pananampalataya.

c)

maipakita na mas mahalaga ang aming pananampalataya kaysa iba.

d)

mahikayat ang iba na sumali sa aming pananampalataya.

15.

Ano ang maaaring maging epekto kung hindi natin igagalang ang kaugalian ng iba na nagmula sa pananampalataya?

a)

mamahalin ng tao ang bawat isa

b)

wala itong epekto sa relasyon ng mga tao

c)

magiging sanhi ito ng pagkakaisa ng mga tao

d)

magdudulot ito ng hindi pagkakaintindihan na maaaring humantong sa hidwaan

16.

Magkaiba ang mga kaugalian ng magkaibigan ngunit iginagalang ng bawat isa ang mga kaugaliang ito. Sa palagay mo nakatulong ba ang paggalang sa kanilang mabuting ugnayan?

a)

Oo, dahil mahalaga ang paggalang sa pakikipag-ugnayan sa iba.

b)

Oo, dahil itinuturing nila ang bawat isa na mabuting kaibigan.

c)

Hindi, dahil maaari namang maging magkaibigan kahit walang paggalang.

d)

Hindi, dahil ang paggalang ay para lamang sa magkatulad ang kaugalian.

17.

Kung gagawa ka ng isang infographic tungkol sa kahalagahan ng paggalang sa kaugalian ng iba, paano mo ito gagawin?

I. magsaliksik ng tungkol sa paksang gagawin

II. gumamit ng makukulay na simbolo at larawan ng iba’t ibang kaugalian

III. maglagay ng detalyadong teksto upang maipaabot nang malinaw ang paksa

IV. gumamit ng mga kontrobersyal na larawan upang makuha ang atensiyong ng mga tao

a)

I, II

b)

I, II, III

c)

I, III, IV

d)

II, III, IV

18.

Ang sumusunod ay nagpapakita ng paglilingkod sa kapuwa bilang indikasyon ng pananampalataya maliban sa isa. Alin dito?

a)

pagbibigay ng pagkain sa mga batang-lansangan

b)

pagbabahagi ng gamit o pera sa mga charitable organizations

c)

pag-iwas sa pagtulong sa mga nangangailangan sa ating lipunan

d)

pagtulong sa mga bata, matatanda at may kapansanan na tumawid sa kalsada.

19.

Ikaw ay kasapi ng isang organisasyon ng inyong simbahan na namimigay ng libreng gamot. Paano mo maipakikita ang paglilingkod sa kapuwa bilang kasapi ng organisasyon?

a)

Hahayaan ang mga kasama sa pamimigay ng mga gamot.

b)

Tutulong ako kapag may ibibigay na libreng pagkain.

c)

Hihilingin ko si ate na siya na muna ang tumulong.

d)

Makikilahok ako sa pamimigay ng gamot.

20.

Nagkaroon ng malaking pagbaha sa isang lugar. Nagpasimula ang inyong simbahan sa paghingi ng anumang donasyon sa mga miyembro nito. Ano ang gagawin mo?

a)

Hihingi ako ng pera sa aking kaklase upang ibigay sa donasyon.

b)

Ibabahagi ko ang ilan sa aking baong pera para sa donasyon.

c)

Tatanggi ako at sasabihing wala akong sobrang pera.

d)

Magkukunwari ako na walang nakikita o naririnig.

21.

Paano mo gagawing malikhain ang iyong proyekto na nagpapakita ng paglilingkod sa kapuwa bilang indikasyon ng pananampalataya?

a)

pagsulat ng sanaysay tungkol sa iyong sariling karanasan

b)

paggawa ng video na nagpapakita ng iyong pagtulong sa kapuwa

c)

pagbuo ng isang community outreach program na nagbibigay tulong sa mga kapus-palad.

d)

pagdidisenyo ng isang makulay na poster na nagpapakita ng iba't ibang paraan ng paglilingkod sa kapuwa

22.

Alin sa sumusunod ang wastong paraan ng paggamit ng tubig?

a)

pag-aayos ng mga sirang gripo sa bahay

b)

pagpapatakbo ng washing machine kahit hindi puno

c)

paggamit ng maraming tubig sa pagdidilig ng halaman

d)

pag-iiwan na nakabukas ang gripo habang nagsasabon ng kamay

23.

Paano makakatulong sa pagtitipid ng enerhiya sa bahay?

a)

Pagbukas ng ilaw kahit sa umaga.

b)

Pag-iwan ng bukas na electric fan kahit walang tao.

c)

Paggamit ng natural na liwanag sa halip na ilaw tuwing araw.

d)

Pagpapanatiling naka-plug ang mga appliances kahit hindi ginagamit.

24.

Alin sa sumusunod ang tamang paraan ng pagtitipid ng enerhiya?

a)

paggamit ng aircon kahit malamig ang panahon

b)

pag-iwan sa mga electronics na naka-standby mode

c)

paggamit ng incandescent bulbs sa halip na LED bulbs

d)

pagpapalit ng mga lumang appliances sa mas energy-efficient na modelo.

25.

Alin ang pinakamahalagang dahilan ng pagtitipid ng tubig at enerhiya?

a)

Masisiguro ang magandang kinabukasan ng mga tao.

b)

Mababawasan ang dagdag na bayarin sa tubig at kuryente.

c)

Maiiwasan ang pagkaubos ng suplay ng tubig at enerhiya.

d)

Mapapanatili ang likas na yaman para sa susunod na henerasyon.

26.

Paano nakatutulong ang pagtutulungan ng mga tao sa wastong paggamit ng tubig at enerhiya sa pagtitiyak na mapanatili ang mga ito?

a)

pag-aaksaya sa paggamit ng tubig at kuryente

b)

pagpapabaya sa mga tagas na g

c)

pag-iwas sa pakikilahok sa mga proyekto ng komunidad

d)

pagtuturo sa kapuwa ng wastong paggamit ng tubig at enerhiya

27.

Nakita mong nakabukas ang ilaw sa kuwarto ng iyong kapatid. Nang silipin mo ito nakita mo na walang tao doon dahil nakaalis na siya. Ano ang dapat mong gawin?

a)

Patayin ang ilaw.

b)

Isumbong si ate kay nanay.

c)

Hintayin ang pagdating ni ate.

d)

Paalalahan ang ate pagdating niya.

28.

Paano makatutulong ang magkatuwang na paggampan ng kapuwa sa pagpapanatili ng tubig at enerhiya? Sa pamamagitan ng __________

a)

paggamit nang mabilis sa mga ito upang matapos kaagad ang gawain.

b)

wastong paggamit ng tubig at enerhiya sa tahanan at komunidad.

c)

pagtutok lamang sa kung ano mas makabubuti sa sariling pamilya.

d)

pagsanay sa mga kasambahay lamang sa wastong paggamit nito.

29.

Paano mo magagamit ang tubig nang mas matipid habang nagdidilig ng mga halaman?

a)

pagdilig sa mga halaman tuwing tanghali

b)

paggamit ng hose na patuloy na tumutulo

c)

pag-iwan ng gripo na bukas habang nagdidilig

d)

gumamit ng tubig na ginamit sa paghuhugas ng prutas at gulay

30.

Bakit mahalaga ang tubig at enerhiya? Dahil ang mga ito ay____________

a)

bahagi ng ating likas yaman.

b)

hindi nauubos na mga likas yaman.

c)

nagbibigay ng kaginhawaan sa iilang tao lamang.

d)

pangunahing pangangailangan ng mga tao sa pang-araw-araw na gawain.

31.

Alin sa sumusunod ang nagsasaad ng impluwensiya ng kasaysayan ng bansa sa pakikipagkapuwa?

a)

pag-iwas sa pakikipagtulungan sa ibang tao

b)

pagtuturo ng tamang paraan ng pagluluto ng pagkain

c)

pagiging huwaran ng katapangan at malasakit sa kapwa

d)

pag-aanyaya ng mga banyaga na manatili sa ating bansa

32.

Ano ang pangunahing epekto ng Katipunan sa pakikipagkapuwa ng mga Pilipino noong panahon ng rebolusyon?

a)

pagpapalaganap ng mga dayuhang pagkain at banyagang kasuotan

b)

pagtuturo ng pagtitipid sa paggamit ng tubig at enerhiya sa ating bansa

c)

pag-iwas sa aktibong pagsali sa mga pampublikong gawain at aktibidad

d)

pagtuturo ng pagkakaisa at pagtutulungan sa pakikibaka para sa kalayaan

33.

Bakit mahalaga ang pag-alala sa mga mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng bansa sa pakikipagkapuwa? Upang__________

a)

magtuon lamang sa hinaharap.

b)

magtamo ng mga materyal na bagay.

c)

magtulungan lamang sa mga mahahalagang isyu.

d)

magpatuloy sa pagsasabuhay nito hanggang sa kasalukuyan.

34.

Sa isang proyekto tungkol sa kasaysayan ng bansa, paano mo maipakikita ang impluwensiya ng kasaysayan sa tamang pakikitungo sa iyong mga kaklase?

a)

magiging iba ako sa kanila at wala na akong pakialam sa proyekto

b)

hindi ko na ipaliliwanag ang kasaysayan at ipagpapaliban na lang ang proyekto

c)

magbibigay ng mga halimbawa mula sa kasaysayan ng bansa na nagpapakita ng mga kabayanihan at sakripisyo

d)

ipapakita sa kanila ang mga nakaraang pagkatalo ng bansa at magreklamo tungkol sa ating kasaysayan.

35.

Paano makatutulong ang kasaysayan ng bayan sa pakikipagkapuwa sa paglinang ng pagka-Pilipino?

a)

nagbibigay ito ng mga aral kung paano maging matagumpay lamang sa sarili

b)

nagpapalakas ng diskriminasyon at hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan

c)

nag-uudyok sa mga tao na maging makasarili at mag-isip lamang sa kanilang kapakanan

d)

nagpapakita ng mga halimbawa ng kabayanihan at pagkakaisa na nagsisilbing gabay sa tamang pakikitungo sa kapwa

36.

Ano ang layunin ng kasaysayan ng bayan sa mga ugnayang lumilinang sa mabuting pagka-Pilipino?

a)

magturo ng mga positibong aral tungkol sa pagkakaisa, paggalang, at pagtulong sa kapwa.

b)

magtakda ng mga bagong batas at regulasyon na walang kinalaman sa kasaysayan.

c)

magbigay ng mga halimbawa na nagdudulot ng hindi pagkakasunduan sa lipunan.

d)

maipakita na walang kinalaman ang kasaysayan sa ating pakikisalimuha

37.

Alin ang nagpapakita ng pagsasakatuparan ng mga kilos na nagpapahalaga sa impluwensiya ng kasaysayan sa pakikipagkapuwa?

a)

pag-iwas sa mga isyu na may kinalaman sa nakaraan

b)

pagpapalaganap ng mga negatibong aspeto ng kasaysayan

c)

pagpapakita ng galit at hindi pagpapatawad sa mga nakaalitan

d)

pagmamalasakit sa kapuwa at pagtulong sa kabila ng mga pagsubok

38.

Paano nakatutulong ang kasaysayan ng bansa sa pagbuo ng magandang ugnayan sa kapuwa?

a)

Pinapalakas nito ang ating pagkakawatak-watak bilang bansa.

b)

Walang epekto ang kasaysayan sa ating pakikisalamuha sa iba.

c)

Nagsisilbing gabay ito sa tamang pakikisalamuha at pagtulong sa kapuwa.

d)

Pinipigilan nito ang ating mga magulang na magsalita tungkol sa nakaraan.

39.

Bakit mahalagang isabuhay sa kasalukuyan ang impluwensiya ng kasaysayan sa pakikipagkapuwa? Upang____________

a)

maging maganda ang pagtingin ng iba sa atin.

b)

magpatuloy ang magandang aral na natutunan sa nakaraan.

c)

mabigyang halaga ang impluwensiya ng kasaysayan sa pakikipagkapuwa.

d)

B at C

40.

Kung ikaw ay gagawa ng isang proyekto upang mapalaganap ang mga aral mula sa kasaysayan ng bansa at mapalakas ang pakikipagkapuwa, paano mo ito gagawin?

a)

mag-organisa ng isang seminar kung saan ipaliliwanag ang kasaysayan ng bansa at paano ito nakakaapekto sa ating pakikisalimuha

b)

pumili ng mga paboritong bayani at gawing pangunahing paksa ang kanilang kuwento ng kabayanihan

c)

maglunsad ng mga aktibidad na walang kaugnayan sa kasaysayan upang makapagpahinga lang

d)

magdaos ng isang malakihang rally upang magpahayag ang galit sa nakaraan