NEW
Font size
WorksheetsAP9 3RD QUARTER REVIEW QUIZ
Total questions: 21
Worksheet time: 11mins
Anong modelo sa paikot na daloy ng ekonomiya ang may dalawang paraan ng pagsukat ng pambansang ekonomiya na may kinalaman sa gastusin at kabuuang kita ng sambahayan at bahay-kalakal?
UNANG MODELO
IKALAWANG MODELO
IKATLONG MODELO
IKAAPAT NA MODELO
Tawag sa paraan ng pagsukat ng pambansang kita na kinapapalooban ng sahod ng mga manggagawa mula sa bahay-kalakal at pamahalaan, net operating surplus, depresasyon, at subsidiya.
INCOME APPROACH
EXPENDITURE APPROACH
INDUSTRIAL ORIGIN APPROACH
VALUE ADDED APPROACH
Ang pagbabago sa presyo ng mga produkto sa ibat-ibang panahon ay pangkaraniwang nagaganap at ito ay bahagi na ng buhay ng isang tao. Ano ang tawag sa patuloy na pagtaas ng presyo sa ekonomiya?
DEPLASYON
HYPERINFLATION
INFLATION
NONE OF THE ABOVE
Ang pamahalaan ay nangangailangan ng salapi upang maging matagumpay ang mga naisin nitong isakatuparan ang mga gawain. Ano ang tawag sa paglikom o pagkolekta mula sa mamamayan ng pinakamalaking pinagkukunan ng pondo ng pamahalaan?
REVENUE
INTERES
UPA
TAX
Ang pera o salapi ay ginagamit bilang pamalit sa produkto o serbisyo. Kung ito ay ginagamit bilang instrumento na kapalit ng produkto o serbisyo na tinatanggap ng prodyuser mula sa konsyumer, ito ay tinatawag na _______.
MODE OF PAYMENT
MEDIUM OF EXCHANGE
CREDIT
CASH
Kung ang investment ay ipon na ginagamit para kumita, ano naman ang tawag sa paglalagak o paglalagay ng pera para sa negosyo?
ECONOMIC INVESTMENT
SAVINGS
CREDITS
LOAN
Sa mga gawaing pang ekonomiya na nakapaloob sa paikot na daloy ng ekonomiya ay naipapakita ang kahalagahan ng ugnayan ng bawat sektor na kabilang dito. Ano ang uri ng ugnayan ang naipapakita dito?
RIVALRY
ANCHORED
INTERDEPENDENCE
OPPOSITE
Sa Pagsukat ng Gross Domestic Product, ano ang mga produkto at serbisyo na hindi nabibilang sa pagsukat ng pambansang kita?
PRODUKTONG GAWA NG PINOY SA BANSA
PRODUKTONG GAWA NG DAYUHANG KUMPANYA SA BANSA
PRODUKTONG GAWA SA PILIPINAS
PRODUKTO AT SERBISYONG GAWA NG PINOY SA IBANG BANSA
Isa sa mga dahilan ng pagkakaroon implasyon ay ang tinatawag na demand-pull. Ano ang indikasyon na nagaganap ito?
PAGTAAS NG PRESYO DULOT NG MABABANG SUPPLY
PAGTAAS NG PRESYO DULOT NG MATAAS NA DEMAND
PAGTAAS NG PRESYO DULOT NG BAGYO
PAGTAAS NG PRESYO DULOT NG MATAAS NA PRODUCTION COST
Malaki ang ginagampanan ng pamahalaan kaugnay ng mga patakarang piskal. Kapag nagkaroon ng overheated na economy ay sinusolusyonan ito sa pamamagitan ng contractionary fiscal policy, sa paanong paraan ito isinasagawa ng pamahalaan?
PAGPAPABABA NG GASTUSIN AT PAGTATAAS NG BUWIS
PAGPAPABABA NG BUWIS AT PAGPAPABABA NG GASTUSIN
PAGTATAAS NG GASTUSIN AT PAGTATAAS BUWIS
PAGPAPABABA NG INTERES SA PAUTANG
Sa pagpapatupad ng Expansionary Money Policy na may layuning makahikayat ng maraming bahay-kalakal na mamuhunan sa pagpapalawak at pagpaparami ng negosyo. Ano ang magandang dulot nito para sa mga kasapi ng sambahayan?
OPORTUNIDAD NA MAKAPANGIBANG BANSA
OPORTUNIDAD NA MAKAPAG AWOL
OPORTUNIDAD NA MAKAPAG SHOPPING
OPORTUNIDAD SA MAS MARAMING TRABAHO
Bakit mas mabuting ang isang indibidwal ay mag impok sa bangko kaysa sa alkansya?
DAHIL SIGURADONG HINDI MAKUKUPITAN NG KAPATID
DAHIL MAIIWASANG HIRAMIN NG MAGULANG
DAHIL MARAMING TAO ANG MAS NAGIIPON SA BANGKO
DAHIL ANG INIMPOK NA PERA SA BANGKO AY NADADAGDAGAN NG TUBO O INTERES
Patunay na mayroong bukas na ekonomiya ang bansa kung may pagpapalitan ng produkto at serbisyo sa pagitan ng lokal at mga dayuhang bansa. Sa anong panlabas na gawaing pang ekonomiya kumikita ang bansa?
IMPORTATION
PAG AANGKAT
EXPORTATION
PAGPAPALIPAD
Ang pagkakaroon ng mababang kita ng maraming negosyo o ang mabilis na pagtaas ng bilang ng produksiyon ay ilan lamang sa mga palatandaan na pinagbabatayan kung matamlay o masigla ang kalagayan ng ekonomiya. Saan nakapaloob ang mga halimbawa na may kinalaman sa paraan ng pagsukat ng kalagayan ng yaman o estado ng ekonomiya ng bansa?
PAGSUKAT NG GNI O GDP
PAGSUKAT NG PAMABANSANG UTANG
PAGSUKAT NG RESERBANG GINTO NG BANSA
PAGSUKAT NG DAMI NG RESOURCES NG BANSA
Ang paghihirap na dinadanas ng mga Pilipino dulot ng kawalan ng mga trabaho ng maraming tao na sinabayan pa ng sobrang taas na presyo ng mga bilihin ay indikasyon ng pagkakaroon ng suliraning pang ekonomiya na __________.
IMPORTATION
MASS PRODUCTION
INFLATION
SHORTAGE
Anong uri ng buwis ang maaari mong maiambag sa pondo ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagbili ng mga rehistrado, legal, o mula sa pormal na sector na mga produkto at serbisyo?
INCOME TAX
VAT
EXCISE TAX
TARIPA
Dahil sa nararanasang implasyon ay nagpatupad ang BSP ng Expansionary Money Policy. Bilang isang negosyante, ay nais mong siguraduhing matatag ang iyong Negosyo sa kabila ng kakulangan sa pondo. Ano ang dapat mong gawin?
MAGTANGGAL NG EMPLEYADO
MANGUTANG SA BANGKO/MAMUHUNAN
MAMIGAY NG BONUS
MAGSARA NG NEGOSYO AT HINTAYIN NA LANG NA MAGING MAAYOS ANG EKONOMIYA
Anong gawaing pang ekonomiya ang isa sa pinakamahalagang isinasakatuparan ng mga taong kumikita mapabilang man sa sambahayan o sa bahay-kalakal na nakakatulong sa pagkakaloob ng pampublikong produkto at serbisyo ng pamahalaan?
PAGBABAYAD NG UTANG
PAGBABAYAD NG TAMANG BUWIS
PAGTITIPID
PANGUNGUTANG
Anong kasabihan ng mga Pinoy ang may kinalaman sa kahalagahan ng pagiimpok na nangangahulugang, “Kung ang tao ay nag- iipon sa oras ng pangangailangan siya ay may magagamit”.
KAPAG MAY ITINANIM, MAY AANIHIN
KAPAG MAY TIYAGA, MAY NILAGA
TIME IS GOLD
KAPAG MAY ISINUSKSOK, MAY MADUDUKOT
Sa paikot na daloy ng ekonomiya, ang katangian ng una hanggang ikaapat na modelo ng ekonomiya ay maaaring mailarawan bilang isang ___________.
BUKAS NA EKONOMIYA
PANLABAS NA EKONOMIYA
SARADONG EKONOMIYA
EKONOMIYANG LUBOG SA UTANG
Nagmamay-ari ka ng isang sakahan ng tubo sa isang payak na probinsya ngunit kulang ang iyong puhunan para makahabol sa nalalapit na panahon ng pagtatanim ng tubo sa iyong lupain. Sa anong uri ng bangko ka maaaring manghiram ng puhunan?
COMMERCIAL BANKS
THRIFT BANKS
RURAL BANKS
SPECIALIZED GOVERNMENT BANKS
