Font size
WorksheetsESP 3RD QUARTER REVIEWER
Total questions: 30
Worksheet time: 15mins
Ano ang tinuturing na tunay na pag-ibig, dakila at natatangi sa lahat?
Pag-ibig ng ating Diyos.
Pagmamahal sa kapuwa.
Paglilingkod sa sarili at sambayanan.
Pasunod sa ikabubuti ng nakararami.
Paano maipakikita na ang tao ay tunay na nagmamahal sa Diyos?
Ang tao ay hinihiwalay ang kaniyang ugnayan sa kapuwa.
Nagmamahal at naghihintay ng kabutihan mula sa kapuwa.
Nagmamahal sa kapuwa nang walang hinihintay na kapalit.
Sarili lamang ang nakikita at hindi marunong magsakripisyo.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita kung paano nakatulong ang pagmamahal sa Diyos sa isang konkretong pangyayari sa buhay?
Piliing magpatawad sa taong nasaktan.
Pagninilay at unahin ang sariling kapakanan.
Pagsasawalang-bahala sa responsibilidad sa buhay upang malibang.
Paninisi sa ibang ginawang pagkakamali at magdasal para sa gabay.
Paano maipakikita ang pagmamahal sa Diyos sa gitna ng hamon sa buhay?
Pag-aalala at pagsuko sa mga problema.
Pagtitiwala sa kaniya at palaging manalangin.
Paninisi sa iba para sa mga nagawang pagkakamali.
Pagsasawalang-bahala sa mga aral at salita ng Diyos.
Tuwing uwian isinasabay ni Rea ang kaniyang kaklase sa kaniyang service dahil alam niyang wala itong pamasahe pauwi. Paano ipinakita ni Rea ang pagmamahal sa Diyos sa kaniyang pagkilos?
Pagiging mabait dahil inaasahin niya ring magiging mabait ito sa kaniya.
Ginawa niya ito hindi dahil sa tawag ng pagmamahal niya sa kaniyang kaklase.
Bukal sa loob ang pagkilos dahil ito ang nagpapasiya sa kanya na siyang layunin ng kaniyang puso.
Ginagampanan lamang niya ang kaniyang tungkulin bilang isang Kristiyano dahil ito ang utos ng kaniyang magulang.
Kung ang tao ay hindi makadama ng pagmamahal sa mga taong hindi niya makapalagayan ng loob, paano niya higit na iibigin ang kapuwa sa tulong ng tunay na pagmamahal sa Diyos?
Mahalin ang iba gaya ng pagmamahal sa sarili.
Huwag na lamang pansinin upang makaiwas sa gulo.
Ipagdasal at sikaping magkaroon ng pang-unawa't pagmamahal sa kapuwa.
Tingnan muna ang kapuwa kung karapat-dapat sa atensyon at tulong na ibibigay.
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita na ang pagmamahal sa Diyos na naipakikita sa pamamagitan ng pagmamahal sa kapuwa?
Pagtulong sa isang taong nagkasala sa iyo.
Pagdarasal araw-araw para sa kapakanan ng kapuwa.
Pagpapahiram ng pera sa isang kaibigan na nangangailangan.
Pagtulong ng isang vlogger sa mahihirap para makalikom ng kita.
Mayroon kang kaibigan na madalas magbigay ng donasyon sa simbahan ngunit kilala rin sa pagiging mapanlait sa ibang tao. Bilang isang Kristiyano, paano mo susuriin ang kanyang mga kilos sa konteksto ng pagmamahal sa Diyos at sa kapuwa?
Tama ang ginagawa niya dahil nagbibigay siya ng donasyon sa simbahan.
Tama ang kaniyang kilos dahil iniisip niya pa rin ang kapakanan ng nakararami.
Mali, dahil hindi sapat ang pagsamba kung walang pagmamahal sa kapuwa.
Mali, dahil walang kaugnayan ang mga kilos niya upang kalugdan ng Diyos.
Si Marco, isang mag-aaral na laging tumutulong sa mga kaklase niya na nahihirapan sa mga aralin. Paano niya naipakikita ang pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga kilos?
Pagkakaroon ng malasakit ni Marco sa iba.
May ibang layunin si Marco sa pagtulong sa kaniyang kaklase.
Pagpapakitang-tao ni Marco para makuha ang atensyon ng guro.
Mabuti si Marco dahil ito ang dapat niyang gawin para ipakita ang pagmamahal sa Diyos.
Alin sa sumusunod ang taliwas na paglabag sa paggalang sa buhay?
Pambubulas sa isang tao nang walang dahilan.
Pagtulong sa mga may sakit upang mapabuti ito.
Pang-abuso sa mga hayop na nagdudulot ng pinsala sa kanilang buhay.
Pagsasagawa ng ilegal na pangangaso na nagdudulot ng pagkawala ng mga hayop sa kanilang tirahan.
Ano ang pangunahing epekto ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa paggalang sa buhay?
Hindi naisasagawa ng tao ang kaniyang tungkulin.
Nagdudulot ito ng pisikal na lakas upang makasakit ng kapuwa.
Nawawala ang tamang pag-iisip at maaaring gumawa ng krimen.
Napalalakas ang kaisipan ng tao para maging aktibo sa mga gawain.
Bakit maituturing na paglabag sa paggalang sa buhay ang aborsiyon?
Ito ay isang personal na desisyon ng tao.
Itinuturing itong pagkitil sa isang inosenteng buhay.
Pinipigilan nito ang pagdami ng populasyon sa bansa.
Dahil ito ang nagiging paraan ng iilan para makatakas sa responsibilidad.
Ano ang pagkakatulad ng alkoholismo at paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa usaping moral?
Ito ay legal at tinatanggap sa lahat ng kultura.
Nagbibigay ng magandang dulot sa ibang tao.
Nagdudulot ng pisikal na sakit at moral na pagkasira.
Pareho silang nagdudulot ng masamang epekto sa pag-unlad ng bansa.
Ano ang karaniwang nagiging dahilan ng pagpapatiwakal ng isang tao?
kahirapan ng bansa
kawalan ng pag-asa
walang taong nagmamahal
hindi makamit ang pangarap
Bakit hindi napahahalagahan ng ibang tao ang buhay na mayroon sila?
Higit na mahalaga sa tao ang kanilang sarili lamang.
Naiimpluwensiyahan sila ng kanilang nababasa sa social media.
Hindi nauunawaan ng iba ang tunay na layunin ng kanilang buhay.
Madalas na ninanais nila ang buhay na walang problema at paghihirap.
Ano ang nagiging bunga kung ang buhay ay hindi binibigyang-halaga?
Nagiging daan ito sa mas mabuting pakikitungo sa iba
Nagiging madali ang pag-abot ng personal na kaligayahan.
Nawawala ang pagkakataon upang makamit ang mataas na layunin.
Walang epekto sa sarili, kapuwa at pangkalahatang kalidad ng pamumuhay.
Paano mo maipamamalas ang pagpapahalaga sa sariling buhay at sa buhay ng kapuwa?
Ingatan ang sarili at igalang ang kapuwa.
Gawin ang mga bagay na nakapagpapasaya sa sarili.
Maging matagumpay upang may maipagmalaki sa iba.
Abutin ang mga pangarap sa buhay kahit anong mangyari.
Sino sa mga sumusunod na sitwasyon ang kakikitaan ng pagpapahalaga sa sariling buhay na bigay ng Diyos?
Nag-iipon si Jose para mabili ang mga bagay na nagpapasaya sa kanya.
Nilalayuan ni Jana ang mga katrabahong mahilig pag-usapan ang buhay ng ibang tao.
Sinisigurado ni Xenon na siya'y laging ligtas at mas magagampanan nang maayos ang tungkulin.
Sumusunod si Arnel sa batas na bawal manigarilyo sa pampublikong lugar kung kaya't sa bahay na lamang niya ito ginagawa.
Ano ang pinakamainam na dahilan kung bakit mahalaga ang pagkakaroon ng mapanindigang posisyon sa mga isyu ng paglabag sa buhay ng tao?
Mapoprotektahan ang buhay na kaloob ng Diyos.
Mapaunlad ng tao ang kanyang sariling buhay lamang.
Mawawakasan ang mga karahasang umiiral sa lipunan.
Mababawasan ang bilang ng taong kinikitil ang sariling buhay.
Anong hakbang ang maaaring gawin upang mapanatiling sagrado ang buhay na kaloob ng Diyos?
Pagsisimba at pakikinig lamang sa salita ng Diyos.
Pagsali sa mga samahang panrelihiyon upang makaiwas sa bisyo.
Manindigan at labanan ang anomang mga paglabag sa buhay ng tao.
Umiwas sa lahat ng tao upang hindi malabag ang kasagraduhan ng buhay.
Paano natin mapananatiling sagrado ang buhay na ipinagkaloob ng Diyos?
Pagbabasa ng mga aklat na nagtuturo ng salita ng Diyos.
Pagsali sa mga panrelihiyong organisasyon upang makaiwas sa bisyo.
Manindigan at labanan ang anomang mga paglabag sa buhay ng tao.
Umiwas sa lahat ng tao upang hindi magkamali at makapahamak ng iba.
Ano ang kahulugan ng 'pater' na pinagmulan ng salitang patriyotismo?
katatagan at kasipagan
kabayanihan at katapangan
pinagmulan o pinanggalingan
pinagkopyahan at pinagbasehan
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita na ang isang mamamayan ay may pagmamahal sa bayan?
Umaasa sa gagawin ng bansa para sa kanya.
Tumutulong sa kapuwa kapag may nakakakita.
Naglilingkod sa bayan at kapuwa na walang kapalit.
Tinatangkilik at sinusuportahan ang produkto ng ibang bansa.
Ano ang pangunahing dahilan kung bakit nakaugat ang pagkakakilanlan ng tao sa pagmamahal sa bayan?
A. Pagpapalalim ng identidad at pananagutan ng isang tao sa kanyang bayan.
B. Pagtanggap ng tungkulin bilang mamamayan na ipinapataw ng batas at pamahalaan.
C. Pagpapalakas ng pagkakaisa at pagtutulungan sa komunidad para sa mas matatag na bayan.
D. Pag-aasikaso ng mga biyaya at tulong mula sa pamahalaan bilang pagpapakita ng pagmamahal sa bayan.
Paano nakatutulong ang pagmamahal sa bayan sa pagbuo ng isang matibay na pambansang identidad?
Nakatutulong ito sa pagpapalaganap ng mga banyagang kultura sa bansa.
Pinipigilan nito ang mga mamamayan na ipaglaban ang kanilang mga karapatan.
Pinalalakas nito ang kamalayan ng mga mamamayan na may responsibilidad sila sa sariling bayan.
Nagbibigay ito ng pagkakataon sa bawat isa na manatiling hiwalay mula sa kultura, paniniwala at tradisyon ng bayan.
Bakit hindi maituturing na tunay na 'global citizen' ang isang tao kung hindi siya nagmamahal sa kanyang bayan?
Ang pagiging global citizen ay nag-uugat sa pagmamahal at pagpapahalaga sa sariling bansa.
Ang pagmamahal sa bayan ay isang lokal na isyu at walang kinalaman sa pagiging global citizen.
Ang pagmamahal sa bayan ay pundasyon ng pagiging global citizen dahil dito nagsisimula ang malasakit sa tao.
Ang pagiging global citizen ay hindi nangangailangan ng pagmamahal sa bayan basta may malasakit sa ibang tao.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pagpapamalas ng pagmamahal sa bayan?
Pagwawala ng oras sa mga gawain na hindi nakatutulong sa bayan.
Pagmamalaki sa mga tradisyon at kultura ng ibang bansa kaysa sa sariling bayan.
Pagtulong sa kapuwa at pagsunod sa mga batas upang mapabuti ang komunidad at bayan.
Pag-aambag sa pamamagitan ng pagsusulong ng sariling interes, kahit na nakasasama sa nakararami.
Paano makatutulong ang bawat isa sa pagpapalaganap ng pagmamahal sa bayan?
Pagtanggi sa mga gawain na makikinabang lamang ang ibang tao.
Pagpapakita ng malasakit at pagtulong sa mga nangangailangan sa komunidad.
Pagbibigay ng mga solusyon sa mga isyung kinahaharap ng pamahalaan sa halip na puro puna.
Pagpapalaganap ng pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng mga desisyong makikinabang hindi lamang ang sarili kundi pati ang nakararami.
Paano maipakikita ng isang kabataan ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng edukasyon?
A. Pagtanggi sa mga aralin at hindi pagsunod sa mga tagubilin ng guro.
B. Pagpapakita ng respeto at pagsunod sa mga guro at mga patakaran sa paaralan.
C. Pagwawalang-bahala sa mga isyu ng bansa at pagtutok lamang sa sariling interes.
D. Aktibong pakikilahok sa mga proyekto at gawain para sa kapakanan ng komunidad.
Ang pagmamahal sa bayan ay daan sa pagkamit ng pambansang kaunlaran. Anong konsepto ang maaaring mabuo sa pahayag na ito?
Tungkulin ng bawat mamamayan na mahalin ang bayan.
Ang pagkakabuklod-buklod ng isang pamilya ay yaman ng bansa.
Pinagbubuklod ng pagmamahal ang mamamayan upang makamit ang kaunlaran ng bayan.
Ang nanunungkulan sa isang bansa ay dapat makasarili at hindi tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan.
