WorksheetsPagsusulit sa Araling Panlipunan 3 DIVISION TEST
Total questions: 31
Worksheet time: 16mins
Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa tahanan ng ating mga ninuno?
Ang tahanan nila ay isang palapag, yari sa pawid, kahoy, kawayan, sawali, at kugon at ito ay nakaangat sa lupa.
Ang tahanan nila ay may dalawang palapag na yari sa galva, kahoy, semento, sawali, at kugon at nakaangat sa lupa.
Ang tahanan nila ay isang palapag na yari sa galva, kahoy, semento, sawali, kawayan at kugon at nakababa sa lupa.
Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa paraan ng pag-aasawa ng ating mga ninuno?
Bago mag-asawa ang lalaki ay kailangan may mga ari- arian.
Bago mag-asawa ang lalaki ay naninilbihan muna siya sa pamilya ng babaeng ibig niyang pakasalan.
Bago mag-asawa ang lalaki ay nagtatrabaho muna sa ibang lugar upang makapagpundar ng bahay niya.
Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa kasuotan ng babae at lalaki na taga-Ifugao?
Ang kasuotan ng lalaki ay ku'val at sa babae ay sa'dey at devit.
Ang kasuotan ng lalaki ay badio at abag at sa babae ay badio at bahakat.
Ang kasuotan ng lalaki ay bahag (wano) at sa babae ay tapis (tolge).
Ang ating mga ninuno ay naniniwala sa kapangyarihan ng iba't ibang ispiritong tagabantay tulad ng anito. Paano pinahahalagahan ng ating mga ninuno ang kanilang mga anito?
Iginagalang at pinangangalagaan nila ang mga ito sa pamamagitan ng pagdarasal at pag-alay ng pagkain.
Iginagalang at pinangangalagaan nila ang mga ito sa pamamagitan ng pagsasayaw at pag-alay ng pagkain sa kagubatan.
Iginagalang at pinangangalagaan nila ang mga ito sa pamamagitan ng pagkakatay ng mga hayop sa kagubatan at iniaalay sa mga ito.
Bakit pagmimina ang pangunahing hanapbuhay ng mga taong naninirahan sa mga bulubunduking lugar?
Dahil sa impluwensiya ng temperatura ng mga lugar
Dahil sa impluwensiya ng klima at mga tao sa bawat lalawigan
Dahil sa impluwensiya ng lokasyon o kinalalagyan ng mga lugar
Bakit angkop na pananim ang mga repolyo, cauliflower, carrots, at broccoli sa Lalawigan ng Benguet?
Dahil angkop ang mga ito sa mga lugar na may mainit na klima.
Dahil angkop ang mga ito sa mga lugar na may malamig na klima.
Dahil angkop ang mga ito sa mga lugar na may katamtamang lamig na klima.
Paano nakakaapekto ang klima sa uri ng pananamit ng mga tao sa bawat lalawigan sa Rehiyong Cordillera?
Gumagawa ang mga tao ng damit ayon sa disenyong gusto.
Nagsusuot ang mga tao ng damit na gusto nilang isuot kahit saan sila magpunta.
Iniaangkop ng mga tao ang kanilang kasuotan batay sa uri ng klima sa kanilang lugar.
Bakit malaki ang impluwensiya ng heyograpiya sa paghubog ng pamumuhay ng mga taong naninirahan sa Cordillera?
Dahil naaapektuhan nito ang uri ng hanapbuhay at kasuotan ng mga tao sa iisang lugar.
Dahil naaapektuhan at sinasabi nito ang uri ng pananim at kasuotan ng mga tao sa iisang lugar.
Dahil naaapektuhan nito ang kasuotan, pananim, at iba pang hanapbuhay na pinagkakakitaan nila.
Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa pagdiriwang ng Panagbenga Festival?
Ito ay nilalahukan ng mga sasakyang pinalamutian ng iba't ibang gulay at prutas.
Ito ay nilalahukan ng mga sasakyang pinalamutian ng sari-sari at magagandang bulaklak.
Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa tanyag na pagkain ng mga taga- Cordillera na etag?
Ang etag ay masarap na panghalo sa mga lulutuing ulam.
Ang etag ay ginagawa upang ipakain sa mga bisita lamang.
Ang etag ay inilalagay sa loob ng banga at nilalagyan ng gata
Alin ang naglalarawan sa sayaw na "idudu"?
Ito ay ginagawa bilang panghalili sa trabaho ng mga Itneg o Tingguian.
Ito ay sinasayaw ng mga Itneg tuwing may kasal na sumasailalim ng kanilang buhay.
Ito ay pantribung sayaw na sumasailalim o maiaangkop sa buhay ng mga Itneg o Tingguian.
Alin ang naglalarawan sa sikat na inumin ng mga ninuno natin na tinatawag na "tapey"?
Ito ay maasim at karaniwang iniinom tuwing may okasyon.
Ito ay mapait at karaniwang iniinom tuwing may okasyon.
Ito ay manamis-namis at karaniwang iniinom tuwing may okasyon
Bakit mahalaga ang Camp John Hay sa Baguio sa mga sundalong Amerikano noong 1903?
Dito ang naging pahingaan ng mga sundalong Amerikano.
Dito ang naging kampo ng 66th Infantry Batallion noong World War II.
Dito nagtayo ng kampo si Heneral Aguinaldo noong panahon ng digmaang Pilipino at Amerikano.
Ano ang malaking papel na ginampanan ng Mt. Data Hotel noong 1986?
Dito naganap ang digmaan sa pagitan ng Pilipino at Amerikano.
Dito itinago ng mga sundalong Pilipino ang kanilang mga armas na ginamit sa pakikipdigma.
Dito naganap ang kasunduang pangkapayapaan nina Pangulong Corazon Aquino at Conrado Balweg.
Paano naging saksi ang Bundok Nagchayan sa Mayoyao, Ifugao sa kasaysayan ng ating rehiyon?
Dito ang naging pasyalan ng mga sundalong Pilipino.
Dito naganap ang ilang pakikipaglaban sa mga Hapon noong World War II.
Dito nagtayo ng kampo si Heneral Aguinaldo noong panahon ng digmaang Pilipino at Amerikano.
Bakit mahalaga ang Camp Utopia noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
Ito ang naging kampo ng 66th Infantry Battalion.
Ito ang pinaglabanang lugar ng mga sundalong Amerikano at Hapon.
Ito ang nagsilbing imbakan ng pagkain ng mga sundalo.
Ano ang pagkakatulad ng Kawayan Festival ng mga Abra sa Adivay Festival ng mga Benguet?
Ito ay magkatulad sa sa ihahandang pagkain.
Ito ay magkatulad sa petsa at buwan ng pagdiriwang.
Ito ay magkatulad sa layuning may kaugnayan sa produkto at industriya.
Ano ang pagkakaiba ng Panagbenga Festival ng mga taga-Baguio sa Ullalim Festival ng mga taga-Kalinga?
Ang Panagbenga Festival ay pasasalamat sa mga turista na bumisita sa Baguio City habang ang Ullalim Festival ay ang tinatawag ding G- string Festival.
Ang Panagbenga ay pagpapahalaga sa ibat- ibang uri ng tanim na bulaklak habang Ullalim Festival ay ang paggunita sa paghihiwalay ng Kalinga at Apayao.
Ang Panagbenga Festival ay pagdiriwang para sa mga nagawang banga habang ang Ullalim Festival ay pagdiriwang para sa mga ibat ibang uri ng produkto ng Kalinga.
Anong pagdiriwang ang ginaganap ng lalawigang Apayao at Kalinga tuwing ika-14 ng Pebrero bilang paggunita sa kanilang paghihiwalay?
Ipinagdiriwang ng Apayao ang Adivay Festival samantalang Kulpi ad Asipulo naman sa Kalinga.
Ipinagdiriwang ng Apayao ang Say-am Festival samantalang Matagoan Festival naman sa Kalinga.
Ipinagdiriwang ng Apayao ang Lang-ay Festival samantalang Panagbenga Festival naman sa Kalinga.
Ano ang pagkakatulad sa uri ng pananamit ng mga sinaunang Cordilleran?
Ang mga lalaki ay nagsusuot ng bahag at tapis sa mga babae.
Ang mga lalaki ay nagsusuot ng barong at saya sa mga babae
Ang mga lalaki at babae ay nagsusuot ng iba't-ibang uri na yari sa dahon ng mga puno
Ano ang pagkakatulad sa uri ng pananamit ng mga sinaunang Cordilleran?
Ang mga lalaki ay nagsusuot ng bahag at tapis sa mga babai.
Ang mga lalaki ay nagsusuot ng barong at saya sa mga babai.
Ang mga lalaki at babai ay nagsusuot ng ibat- ibang uri na yari sa dahon ng mga puno.
Alin sa mga sumusunod ang tunay na layunin ng Bodong at Sipat?
Ito ay may layuning kupkupin ang mga mahihirap na mamamayan.
Ito ay may layuning angkatin ang mga produkto ng bawat lalawigan.
Ito ay may layunin na pangkapayapaan ng bawat tribo sa bawat lalawigan ng CAR.
Paano mo maihahalintulad ang iyong tradisyon, paniniwala at kaugalian ng iyong lalawigan sa karatig na lalawigan sa kinabibilangan mong rehiyon?
Tayo ay may mayamang kultura na minana ng ating mga ninuno.
Tayo ay pare-pareho sa pamamaraan ng pamumuhay.
Tayo ay pare-pareho sa uri ng pananamit at sining.
Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pagkakatulad ng mga sinaunang taga-Cordillera sa paniniwala?
Naniniwala sila na ang lahat ng mga nandito sa lupa ay likha ng Diyos.
Naniniwala sila kay Kabunyan na siyang lumikha ng lahat ng bagay na nandito sa lupa.
Naniniwala sila sa anito na siyang laging gumagabay sa lahat ng mga ginagawa ng tao sa lupa.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa ibang pangkat-etniko?
Tinatawanan ni Endong ang sayaw ng mga batang Kalinga.
Nakilahok si May sa sayaw ng Igorot kahit hindi siya isang Igorot.
Ayaw isuot ni Santi ang bag na galing sa Sagada dahil siya ay nahihiya.
Paano maipapakita ang pagpapahalaga sa mga iba't-ibang pangkat- etniko sa rehiyon natin?
Pakikipag-away sa kabit-bahay na kalilipat mula sa Ifugao.
Tinatawanan ang salita ng iyong kaklase na mula sa ibang lalawigan.
Pagrespeto sa bawat kultura at tradisyon ng iba't-ibang pangkat- etniko.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa ibang pangkat-etniko?
Pinagtatawanan ng mga bata ang mga katutubo dahil sa suot nilang bahag o wanes.
Hindi naiintindihan ni Lugay ang katutubong awit na inaawit ni Liyan kaya siya umalis.
Bumili sina Budang at Ayyan ng mga bag na ginawa ng mga katutubo mula sa Apayao.
Mayroon kayong bagong kapitbahay na taga ibang probinsya. Parehas kayo ng edad pero iba ang kanyang kultura sa inyo. Gusto niyang makipaglaro sa iyo. Ano ang gagawin mo?
Makipaglaro sa kanya.
Huwag pansinin si Ana.
Magagalit ka sa kanya.
Paano natin mapauunlad ang sarili nating sining sa rehiyon?
Itigil ang pag-aaral sa mga ito.
Ipagmalaki ang sining ng ibang rehiyon kaysa sa atin.
Patuloy na pag-aaral at pagsasagawa sa ating sining upang hindi malimutan.
Ang Uggayam ay masayang inaawit ng mga dalaga sa isang tanghalan. Hindi maintindihan ni Bebot ang awiting ito. Ano ang gagawin ni Bebot?
Makinig kahit hindi naintindihan
Sigawan ang mga umaawit
Umalis sa lugar na iyon
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa iba't ibang sining ng ating rehiyon?
Igiit na mas maganda ang likhang sining ng inyong lalawigan kaysa sa iba.
Magbigay ng hindi magandang puna sa disenyong sining na ginagawa ng kaklase.
Nasasagot ng mga bata ang mga tanong ng guro tungkol sa awit at sayaw ng Mt. Province.
