Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Mga Tanong Tungkol sa Hayop

Total questions: 20

Worksheet time: 10mins

Name
Class
Date
1.

Ito ay uri ng manok na inaalagaan para sa mga itlog nito. Ano ang tawag sa mga ito?

a)

Broiler

b)

Cobb

c)

Layer

d)

Rhode Island Red

2.

Alin sa mga sumusunod na hayop ang dapat may kulungan na ang sukat ay dalawang metro ang haba at apat na metro ang lapad?

a)

baboy

b)

baka

c)

itik

d)

kambing

3.

May mga alagang hayop si Lolit. Ano ang dapat niyang gawin upang mapakinabangan ang pag-aalaga ng hayop?

a)

pabayaang magutom

b)

konti lang ang ipakain para iwas gastos

c)

ipaubaya sa kapitbahay ang pag-aalaga

d)

alagaan ng wasto para malaki ang produksyon

4.

Nangangailangan ang hayop na ito ng mataas na kulungan para hindi maabot ng mga daga, pusa at ahas. Alin dito ang tinutukoy na hayop?

a)

itik

b)

pato

c)

kalapati

d)

pugo

5.

Anong hayop ang madalas na inaalagaan ng mga tao para gawing litson at kinakatay upang ibenta ang karne nito?

a)

baboy

b)

kalapati

c)

kambing

d)

pugo

6.

Saan dapat mabuhay ang mga isdang aalagaan?

a)

mabahong tubig

b)

malinis na tubig

c)

maruming tubig

d)

tapunan ng kemikal

7.

Si Minda ay may malawak na pastulan. Paborito niyang uminom ng sariwang gatas at magbenta rin nito. Anong uri ng hayop ang kanyang alagaan?

a)

baboy

b)

baka

c)

kalabaw

d)

kambing

8.

Ang itlog nito ay ginagawang balut penoy at itlog na pula. Anong hayop ito?

a)

kalapati

b)

itik at pato

c)

pugo

d)

white leghorn

9.

Si Nene ay nagtitinda sa palengke. Ano ang dapat niyang gawing upang maging maayos at matagumpay ang kaniyang pagtitinda?

a)

makipagtalo sa mamimili

b)

magsuot ng lumang damit

c)

Bilanging Mabuti ang bayad ng mamimili

d)

bawalan ang mamimili na hawakan ang paninda.

10.

Paano mo matutukoy o malalaman na ikaw ay kumita o nalugi?

a)

talaan ng budget

b)

talaan ng maeryales

c)

talaan ng bibilhin

d)

talaan ng ginastos at kinita

11.

Ano ang ginagamit upang mas mabilis mahanap ang impormasyon sa pagpili ng hayop sa inaalagaan.

a)

aklat

b)

dyaryo

c)

internet

d)

magasin

12.

Ano ang tawag sa halaga ng iyong binibiling gulay o isda?

a)

kita

b)

presyo

c)

puhunan

d)

tubo

13.

Ito ang pangunahing kailangan sa pagbili ng aalagaang hayop, ano ito?

a)

lugar

b)

panahon

c)

puhunan

d)

uri ng hayop

14.

Paano makakatulong sa pangangailangan ng pamilya ang pag-aalaga sa hayop?

a)

maaaring ipagbili ang alagang hayop

b)

nakakadagdag ng gastusin sa pamilya

c)

nakakapagdagdag ng gawain sa tahanan

d)

nakakakuha ng sakit ang mga miyembro ng pamilya dahil sa mga dumi na dulot ng mga hayop.

15.

Ang mga sumusunod ay mga estratehiya sa pagbebenta ng hayop maliban sa isa

a)

pagbenta sa palengke

b)

pagbibigay ng produkto

c)

pagbenta sa online na tindahan

d)

paaglathala sa mga dyaryo, TV at Radyo

16.

Ano ang pormula upang malaman mo ang kabuuang kita ng iyong pag-aalaga ng hayop?

a)

kabuuang kita+puhunan = tubo

b)

kabuuang kita-puhunan = tubo

c)

puhunan-kabuuang kita = tubo

d)

tubo-puhunan = kabuuang kita

17.

Paano mo malalaman kung ang proyektong pag-aalaga ng hayop ay kumiita o hindi?

a)

magbasa

b)

magtinda

c)

mag-imbentaryo

d)

magtuos/ magkwento

18.

Alin ang may mas mataas na presyo ng itlog?

a)

basag na itlog

b)

malalaking itlog

c)

maliliit na itlog

d)

katamtaman ang laki

19.

Ano ang masasabi mo sa taong mas malaki ang nagastos kaysa sa kinita?

a)

kumita

b)

lugi

c)

masipag

d)

tamad

20.

Ano ang tawag sa pag-aalaga ng maraming manok?

a)

fishery

b)

piggery

c)

poultry

d)

swine husbandry