WorksheetsEPP- Grade 4
Total questions: 20
Worksheet time: 10mins
1. Sa iyong palagay, paano makakatulong ang entrepreneurship sa pag-unlad ng isang komunidad?
Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mas maraming oportunidad sa mga dayuhan kaysa sa mga lokal
Sa pamamagitan ng pagbili ng maraming produkto mula sa ibang bansa at pagbebenta sa lokal na merkado
Sa pamamagitan ng paglikha ng mga trabaho at pagsuporta sa pangangailangan ng mamamayan
Sa pamamagitan ng pagsasara ng maliliit na negosyo upang magkaroon ng monopolyo
Kung ikaw ay isang entrepreneur, paano mo magagamit ang teknolohiya upang mapabuti ang iyong negosyo?
Magagamit ito upang mas mapabilis ang transaksyon at komunikasyon sa mga mamimili
Magagamit ito upang awtomatikong magbenta ng produkto nang hindi na kinakailangan ng customer service
Magagamit ito upang maiwasan ang pakikisalamuha sa mga empleyado at customer
Magagamit ito upang iligaw ang mga kakumpitensya sa maling impormasyon
3. Bakit mahalaga ang pagiging malikhain at mapanuri sa pagtatayo ng negosyo?
Dahil makakatulong ito sa paglikha ng kakaibang produkto na may mataas na halaga sa merkado
Dahil sa pagiging mapanuri, hindi na kailangang makipag-usap sa customer
Dahil mas magiging madali ang pagkopya sa ibang negosyo
Dahil sa pagiging malikhain, hindi na kailangang pag-aralan ang merkado
4. Kung may nakita kang online na advertisement tungkol sa isang negosyo na nangangako ng malaking kita sa maikling panahon, ano ang tamang gawin?
Kaagad na mag-invest upang hindi maiwanan sa oportunidad
Suriin muna kung totoo at mapagkakatiwalaan ang impormasyon bago gumawa ng desisyon
Ibahagi sa social media upang hikayatin ang iba na sumali agad upang magkaroon nang malaking kita
Hindi na suriin ang impormasyon dahil lahat ng online ads ay totoo
5. Sa iyong palagay, paano nakakaapekto ang maling paggamit ng Internet sa isang negosyo?
Makakatulong ito upang mas mabilis na lumago ang negosyo kahit hindi sinusuri ang impormasyon
Mas pinapadali nito ang pagkuha ng impormasyon nang hindi kinakailangang mag-ingat
Mas madali nitong pinapayagan ang mga negosyo na gumamit ng pekeng impormasyon para sa promosyon
Maaari itong magdulot ng pagkawala ng tiwala ng mga customer at pagkasira ng reputasyon ng negosyo
6. Isang kaibigan mo ang madalas na nagdadownload ng mga libreng software mula sa hindi kilalang websites. Ano ang maipapayo mo sa kanya?
Huwag na itong itigil dahil walang panganib sa mga libreng software
Magpatuloy lamang sa pag-download at huwag mag-alala sa seguridad hindi naman lahat may virus
Suriin muna kung ligtas at lehitimo ang website bago mag-download ng anumang software
Gumamit na lang ng anumang software kahit na may virus ito sapagkat ang tunay na software ay masyong mahal
7. Paano makakatulong ang pagsusuri ng impormasyon gamit ang ICT sa pagpapalago ng negosyo?
Nakakatulong ito sa paggawa ng mas epektibong desisyon batay sa tamang impormasyon
Hindi ito mahalaga dahil mas mainam na umasa lamang sa gut feeling upang hindi magkamali
Nakakatulong ito sa pagpapakalat ng pekeng impormasyon upang makaakit ng mas maraming mamimili
Ginagawa nitong mas mahirap ang proseso ng paggawa ng desisyon sa isang indibidwal na hindi alam kung ano ito
8. May nais kang bilhing produkto online, ngunit hindi ka sigurado kung ito ay galing sa lehitimong negosyo. Ano ang dapat mong gawin?
A. Suriin ang website at basahin ang reviews ng ibang mamimili bago bumili
B. Magbayad kaagad upang hindi ka maunahan ng ibang mamimili
C. Magpadala ng personal na impormasyon sa nagbebenta bago ka magdesisyon
D. Bilhin ang produkto nang walang alinlangan dahil maraming gumagawa nito
9. Isang maliit na negosyo ang nahihirapan sa pamamahala ng datos ng kanilang mga customer. Ano ang pinakamagandang solusyon gamit ang ICT?
Gamitin ang productivity tools tulad ng spreadsheets upang maayos ang datos
Gumamit ng paper records para hindi magastos sa kuryente
Maghintay na lang na lumaki ang negosyo bago magpatupad ng organisadong sistema
Huwag nang i-record ang impormasyon ng customer upang makatipid sa oras
10. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na magtayo ng sariling negosyo gamit ang ICT, ano ang magiging pangunahing hakbang mo?
Maghanap ng ideya at pag-aralan kung paano ito magiging kapaki-pakinabang sa mga mamimili
Gumamit ng kahit anong teknolohiya nang hindi isinasaalang-alang ang pangangailangan ng merkado
Magtayo agad ng negosyo nang walang plano o pagsasaliksik
Iwasan ang paggamit ng ICT at umasa na lang sa tradisyonal na paraan
11. Bakit mahalagang turuan ang isang bata ng tungkulin sa sarili, tulad ng paglilinis at pag-aayos ng sarili?
Upang hindi na kailanganin ng tulong ng magulang sa bahay
Upang matuto siyang maging responsable at may disiplina sa pang-araw-araw na gawain
Upang makaiwas sa paggawa ng ibang gawain sa bahay
Upang masanay siyang umasa sa ibang tao para sa kanyang personal na pangangailangan
12. May kaibigan kang hindi nagsisipilyo nang regular. Ano ang pinakaepektibong paraan upang mahikayat mo siyang magbago ng kanyang gawi?
A. Pagsasabihan siya nang paulit-ulit hanggang sumunod siya sa mga bilin nang kanyang mga magulang na hindi mauwi sa kapahamakan
B. Hayaan siya dahil desisyon niya iyon
C. Ipaliwanag sa kanya ang kahalagahan ng oral hygiene at ipakita ang epekto ng hindi pagsisipilyo
D. Ipagkalat sa ibang kaibigan ang kanyang masamang gawi upang mapilitan siyang magbago
13. Paano makatutulong ang mabuting pag-uugali sa loob ng pamilya sa maayos na pamumuhay?
Nakakatulong ito upang magkaroon ng masayang tahanan at mabuting relasyon sa bawat isa
Mahalaga ito para hindi mapagalitan ng magulang sa araw-araw na pagkakamali
Dahil ito ang batas ng pamilya na dapat sundin kung hindi ikaw ay mapapahamak sa maling mga gawain
Upang hindi na kailangang tumulong sa mga gawaing bahay
14. Napansin mong may basurang hindi maayos na hinati-hati sa inyong bahay. Ano ang pinakamabuting paraan upang maitama ito?
Itapon na lang ang basura kahit saan basta malayo sa bahay hindi naman ito makaka apekto sa kalusugan nang pamilya
Sabihin sa mga kasama sa bahay ang tamang paghihiwalay ng basura at ipakita ang wastong paraan
Ipaubaya ang paglilinis ng basura sa ibang tao sapagkat hindi mo naman responsibilidad ang buhay nang ibang tao
Magtago ng basura upang hindi na makita ng iba
15. Isang kamag-anak mo ang madalas magluto ng hindi balanse sa nutrisyon na pagkain. Ano ang pinakaepektibong paraan upang makatulong ka sa pagbabago nito?
A. Turuan siya kung paano gumawa ng meal plan gamit ang Go, Grow, at Glow foods
B. Huwag kainin ang niluto niya upang ipakita ang hindi mo pagsang-ayon sa kanyang ginawa para hindi siya masaktan
C. Bumili ng pagkain mula sa labas upang hindi na siya magluto nakakatipid pa yon sa mga gastosin
D. Sabihin sa iba na hindi masustansya ang kanyang luto upang mapahiya siya
16. Bakit mahalaga ang tamang paggamit ng kubyertos sa hapag-kainan?
Upang mapanatili ang tamang asal at kagandahang asal habang kumakain
Upang maiwasan ang paggamit ng kamay sa pagkain na maraming mga masasamang bacteria
Upang hindi magkalat ng pagkain sa mesa na nakakagalit sa ating mga magulang
Upang hindi mapansin ng iba kung paano ka kumain
17. May bisitang dumating sa inyong bahay. Ano ang pinakaangkop na gawin upang ipakita ang tamang pag-uugali bilang kasapi ng pamilya?
Magtago sa kwarto upang hindi na makipag-usap sa mga bisita na hindi mo naman kilalang masyado
Hayaang maghintay ang bisita hanggang mapansin siya ng ibang kasapi ng pamilya
Batiin nang may paggalang, alukin ng mauupuan, at tanungin kung may maitutulong
Kaagad alukin ng pagkain kahit hindi tinatanong kung gusto niya
8. Ano ang pinakaepektibong paraan upang mahikayat ang isang bata na gawin ang gawaing bahay nang may kasiyahan?
Bigyan siya ng gantimpala sa bawat gawaing bahay na natatapos niya
Sabihin sa kanya na hindi siya makakapaglaro hangga't hindi niya natatapos ang gawaing bahay
Pilitin siyang gawin ito kahit ayaw niya
Gawing masaya ang paglilinis sa pamamagitan ng teamwork at musika
9. May napansin kang batang hindi kumakain ng gulay. Ano ang pinakamahusay na estratehiya upang mapakain siya nito?
Isama ang gulay sa mga paborito niyang pagkain at ipaliwanag ang benepisyo nito
Pilitin siyang kainin ang gulay sa bawat pagkain
Huwag siyang pakainin ng kahit ano hangga't hindi siya kumakain ng gulay
Hayaan na lang siya dahil personal niyang desisyon iyon
10. Paano mo maipakikita ang pagiging responsable sa paghahanda ng pagkain sa bahay?
Pagsunod sa tamang paghuhugas ng kamay at paglilinis ng mga kagamitan bago magluto
Pagsisimula agad sa pagluluto kahit hindi malinis ang kusina dahil mas mahalaga na may makain kai sa malinis na paligid
Paggamit ng kahit anong sangkap basta't may lasa ang kinain
Pag-iwas sa pagkain upang hindi na magluto nang kahit ano at hindi masarap sa lasa
