WorksheetsPamahalaang Komonwelt
Total questions: 15
Worksheet time: 5mins
Ang pamahalaan ay nahati sa tatlong sangay. Anong sangay ang nagbibigay parusa sa mga lumalabag sa batas?
Lehislatura
Hudikatura
Ehekutibo
Wala sa nabanggit
Sa panahon ng Amerikano, nagkaroon tayo ng pagkakataon na pamahalaan ang sariling bansa sa loob ng sampung taon sa ilalim ng anong uri ng pamahalaan?
Pamahalaang Sibil
Pamahalaang Komonwelt
Pamahalaang Puppet
Pamahalaang Militar
Anong batas ang nagtadhana ng malasariling pamahalaan o Pamahalaang Komonwelt?
Batas Jones
Batas Pilipinas
Batas Hare-Hawes-Cutting
Batas Tydings-McDuffie
Ano ang naging pambansang wika ng Pilipinas?
Filipino
Tagalog
Pilipino
Espanyol
Ano ang layunin ng pagkakatatag ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas?
Para maliitin ang kalaban
Para proteksyunan ang bansa
Para laging makipag-away
Para maging sikat ang bansa.
Kailan naganap ang halalan upang maihalal ang mga pinuno ng Pamahalaang Komonwelt?
Setyembre 1935
Oktubre 1935
Nobyembre 1935
Disyembre 1935
Batay sa naging kasunduan ng mga Pilipino at mga Amerikano, ilang taon ang itatagal ng Pamahalaang Komonwelt?
Limang Taon
Anim na Taon
Sampung Taon
Walong Taon
Aling wika ang naging batayan ng pambansang wika sa Pamahalaang Komonwelt?
Bisaya
Tagalog
Espanyol
Ingles
Ito ay binubuo ng hukbong pandagat, hukbong panlupa at hukbong panghimpapawid.
Reserbang Lakas
Regular na Puwersa
Propesyunal na Militar
Sandatahang Lakas
Ipinatupad ang batas na ito upang maproteksyunan ang mga manggagawa sa mababang pagpapasahod.
Minimum Wage Law
Patakarang Homestead
8-Hour Labor Law
National Economic Council
Ito ang sangay ng pamahalaang nagpapayo tungkol sa kabuhayan at pananalapi.
National Rice and Corn Corporation (NARIC)
Pambansang Kompanya sa Pag-unlad (National Development Company)
Pambansang Sangguniang Pangkabuhayan (National Economic Council)
Agricultural and Industrial Bank
Sa panahon ng Komonwelt sa ilalim ng Saligang Batas ng 1935, anong karapatan ang ipinagkaloob sa kababaihan?
Karapatang maging Presidente
Karapatang Bumoto
Karapatang Mag-aral
Karapatang Mamuno
Pinairal ang Patakarang ito sa ilalim ng Public Land Act 141 of 1936 na nagbigay ng karapatan sa sinumang Pilipinong makapagmay-ari ng hindi hihigit sa 24 na ektaryang lupang pansakahan.
Patakarang Militar
Patakarang Pangkabuhayan
Patakarang Homestead
Patakarang Sibil
Ginawa ang batas na ito upang pigilan ang pagdami ng mga dayuhang namumuhunan sa bansa gamit ang pekeng impormasyon.
Batas Tanggulan
Batas Tydings McDuffie
Batas Sanggunian
Batas Laban sa Dummy
Sila ang kalimitang nakakaranas ng diskriminasyon, pang-aabuso, at pang-aalipusta.
kababaihan at kabataan
mga matatanda
mahihirap na mamamayan
reserbang lakas
