NEW
Font size
WorksheetsAP 8 Q3 Last Quiz
Total questions: 40
Worksheet time: 20mins
Ang Renaissance ay yugto ng panahon sa kasaysayan ng Europe mula ika-14 hanggang ika-16 na dantaon. Alin sa sumusunod ang isa sa mga dahilan sa pagusbong ng Renaissance?
nang nahinto ang alitan ng simbahan at hari
dahil sa pag-unlad sa agrikultura at umunlad ang produksyon
pinaigting ang palitan ng kalakalan sa pagitan ng Europa at Asya
nang muling binuhay ng mga taga-Europa ang klasikal na kabihasnang Romano – Griyego
Alin sa sumusunod na pangyayari ang nagpapatunay na ang pamilyang Medici sa Italya ang nangunguna sa ekonomikong aspekto sa panahon ng Renaissance?
bumibili sila ng mga lupain mula sa mga nobles
nakontrol ng pamilya ang pamamahala ng hari at simbahan
nag-organisa ng pagbabangko, pagnenegosyo, pagmimina at pagmamanupaktura ng lana
halos lahat ng lider ng simabahang katoliko ay nanggaling sa pamilyang Medici na yumaman dahil sa indulhensiya
Ano ang dahilan sa pagkatatag ng Catholic Reformation?
Kalabanin ang mga repormista
Paunlarin ang simbahang Katoliko
Paalisin ang mga pari na iskandalo sa simbahan
Ibalik muli ang tiwala ng mamamayan sa simbahan
Alin sa sumususnod ang HINDI nagpapakita ng pagsang-ayon ni Luther sa patakaran ng simbahan?
umalis siya bilang isang monghe
siya ang nangunguna sa pag-aalsa laban sa simbahan
nakipag-alyansa siya sa mga banker para labanan ang simbahan
nagpaskil si Luther sa pintuan ng simbahan sa kanyang Siyam napu’t limang Proposisyon.
Sang-ayon ka ba na dapat pagtuunan ng pag-aaral ang klasikal na sibilisasyon ng Greece at Rome?
Oo, dahil nakakatulong ito sa maayos na pamamahala
Oo, dahil naglalaman ito ng aral na dapat matutunan ng sangkatauhan
Hindi, dahil naglalaman ito ng subersibong inpormasyon na nakakasira
Hindi, dahil walang mahalagang inpormasyon ang klasikal na sibilisasyon ang Greece at Rome
Sa iyong palagay, ano ang motibo ng mga Europeo sa paghahanap ng mga lugar na hindi pa nila narating sa unang yugto ng Kolonyalismo?
Para mamasyal at magpakasaya sa buhay.
Para madagdagan ang hukbong sandatahan
para mapalawak pa ang kanilang imperyo
Para makakuha ng maraming produkto,maging tanyag at makapangyarihan.
Ang Renaissance ay may malaking ambag upang maisakatuparan ang paglalakbay ng mga Europeo, Alin sa sumusunod ang nagpapatunay nito?
ang Renaissance ang isang kilusang kultural at intelektuwa
naging bukas ang isipan ng mga Europeo sa panahon ng Renaissance.
ang Renaissance ang nagbukas sa isipan ng mga Europeo na palakasin ang kanilang bansa.
lumakas ang ilang Nation-State na gustong mapalawak ang kanilang teritoryo sa panahon ng Renaissance.
Bukod sa pagsuporta ng mga monarkiya sa mga manlalakbay, alin sa sumusunod ang dahilan na naging matagumpay ang pagpapalawak ng mga imperyong Europeo?
pagdala ng maraming armor
sapat na pagtustos sa medesina at pagkain
pag-eensayo sa mga sundalo sa pakikidigma
pagpapaunlad sa mga instrumentong pangnabigasyon at sasakyang pandagat
Sa iyong palagay, bakit naakit ang mga Europeo na pumunta sa Asya?
malapit ang Asya sa Europa
madali lamang sakupin ang Asya
walang sapat na kaalaman ang Asya sa pakikidigma
dahil sa impormasyong ibinigay ni Marco Polo at Ibn Battuta tungkol sa Asya
Mahalaga ang pagkatuklas ng kompas para sa mga manlalayag. Ano ang kahalagahan nito?
masusukat ang layo ng isang lugar
matukoy kung may parating na bagyo
tumuturo ng direksyong hilaga sa paglalayag
magbigay hudyat kung may nakaambang panganib
Bukod sa Spain, nangunguna rin ang Portugal sa paglalayag at pagtuklas ng bagong lupain. Bakit ganoon ka interesado ang Portugal sa pananakop?
para makontrol ang mundo
may sapat na kaalaman sa paglalayag ang Portugal.
alam ng Portugal na marami silang masakop na lugar.
para maipalaganap ang Kristiyanismo at maging tanyag
Matagumpay ang paglalayag ng Spain dahil sa kayamanang nakukuha sa kanilang kolonya ngunit unti-unti itong nauubos. Alin sa sumusunod ang nagpapatunay rito?
naagaw ang kanilang kolonya
nag-alsa ang kanilang kolonya
hindi pinamahalaan nang maayos ang kolonya nito.
ang pumalit na hari ay walang kakayahang mamuno sa kanyang kolonya
Nangunguna sa paggalugod ng bagong lupain ang Spain at Portugal sa Asya noong ika-11 at 12 siglo. Bakit noong ika-17 siglo lang nag-umpisa ang pananakop ng hilagang Europa?
wala silang sapat na pangtustos sa paglalayag
dahil nalaman na nila ang sikretong mula sa Spain at Portugal.
walang sapat na kaalaman ang taga hilagang Europa sa paglalayag.
hindi interesado ang hilagang Europa sa pagtuklas ng bagong lupain.
Naging malaki ang demand ng pampalasa sa Europa noong ika-13 siglo. Bakit minabuti ng Europeo na gamitin ang katubigan kaysa panlupang kalakalan sa paghahanap ng pampalasa?
dahil sa pananambang ng mga Mongol
mahirap ang paglalakbay kung sa kalupaan
mas malaki ang kikitain kung sa katubigan dadaan.
Ayaw payagan ng PAPA na pumunta ang mga manlalayag sa kanlurang bahagi ng mundo
Hindi mapagkaila na maraming bansa ang naging kolonya ng Europa sa Asya at Africa. Alin sa sumusunod ang magandang naidulot ng kolonisasyon?
umunlad ang mga bansang kolonya ng Europeo
nagkaroon ng paghahalo ng kulturang Europeo at Asyano
dala ng mananakop ang mga bagong kaalaman at teknolohiya.
nabigyan ng pagkakataon ang mga kolonya na linangin ang kanilang sariling kayamanan
Iba’t ibang salik ang nagbigay daan sa pagsisimula ng Rebolusyong Industrial. Alin sa sumusunod ang pangunahing salik nito?
istratehikong lokasyon ng bansa
matatag na kalagayang politikal
pagkaroon ng maraming kolonya
pagkatuklas sa paggamit ng karbon at bakal
Nagpabago sa pamumuhay ng tao ang industriyalismo. Ano ang isang magandang epekto nito?
nagkaroon ng gitnang uri ng lipunan
maraming tao ang nabigyan ng trabaho
mabilis ang pagproseso ng mga produkto
maraming tao ang naninirahan sa lungsod
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng HINDI magandang epekto ng Rebolusyong Siyentipiko?
nagkaroon ng alitan ang siyensiya at relihiyon
maraming Kristiyano ang lumipat ng ibang relihiyon
maraming mamamayan ang nakatuklas ng mga bagay na nakakasira ng kalikasan
nabawasan at humina ang impluwensiya ng simbahan dahil sa bagong tuklas na kaalaman
Kung ikaw ay pinuno ng simbahan noon na nagturo na ang mundo ang sentro ng sansinukob, tatanggapin mo ba ang resulta ng pananaliksik ni Copernicus?
Oo, dahil naniniwala ako sa pagkatao ni Copernicus.
Oo, dahil ang pananaliksik ni Copernicus ay may siyentipikong batayan
Hindi, dahil ito ay taliwas sa aking pinaniwalaan at turo ng simabahan
Hindi, dahil ang pananaliksik ni Copernicus ay walang sapat na basehan.
Alin sa sumusunod ang naging pinakamabuting epekto ng Panahon ng Kaliwanagan sa larangan ng agham?
naging mulat sa katotohanan.
maraming nalikhang makinarya.
nabigyang katuwiran ang mga maling pamahiin.
natuwid ang mga haka-haka tungkol sa paniniwala sa daigdig..
Ang Pangkaisipan ay may malaking impluwensya sa pag-usbong ng Rebolusyong Amerikano. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag sa ugnayan ng Rebolusyong Kaisipan sa Rebolusyong Amerikano?
binigyang diin sa konseptong ito ang kahalagahan ng kalayaan na ipinanglaban ng mga Amerikano
ang teoryang ito ang nagpatibay sa mabuting ugnayan ng mga Ingles at ng mga Amerikano.
dahil sa teoryang ito napukaw ang kaisipan ng mga Amerikano hinggil sa pagkakaroon ng tunay na kalayaan.
ang ideyang ito ang naging basihan ni Thomas Jefferson sa pagbuo ng Deklarasyon ng Kalayaan na naging mahalagang sulatin sa paglaya ng mga Amerikano mula sa mga Ingles
Malaki ang impluwensya ng Rebolusyong Pangkaisipan sa pag-usbong ng RebolusyongPransiya. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag ng ugnayan ng Rebolusyong Kaisipan sa Rebolusyong Pranses?
binigyang diin sa konseptong ito ang kahalagahan ng reporma na ipinaglalaban ng mga Pranses.
dahil sa teoryang ito napukaw ang kaisipan ng mga Pranses hinggil sa pagkakaroon ng tunay na kalayaan.
ang teoryang ito ang nagpatibay sa mabuting ugnayan ng kanilang monarkiya at ng mga mamamayang Pranses.
dahil sa paghahangad ng pagbabago ginamit ng mga Pranses ang prinsipyo ng Social Contract na naghihikayat na magrebolusyon at pabagsakin ang gobyerno kapag ang pamahalaan ay naging mapang-abuso.
Ang mabilisang pagbabago ng institusyon ng isang lipunan ay tumutukoy sa Rebolusyong Pangkaisipan. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag sa tunay na bunga nito?
bunga ng rebolusyong ito ang pag-aalsa ng mga pilosopo laban sa mga hari
naging bunga rin ang pamamayagpag ng mga makapangyarihang lider ng lipunan
Ito rin ay ang makaagham na pamamaraan at mga pagbabago sa iba’t-ibang aspeto ng buhay ng tao sa maraming larangan.
Epekto rin nito ang mga makaagham na pamamaraan at mga pagpapanatili ng nakasanayan na sa aspetong pangkabuhayan, pampulitika, at panrelihiyon
Ang pagkapukaw sa kaisipan ng mga Amerikano upang ipaglaban ang kanilang kalayaan ay hango sa lathalain na ginawa ni John Locke na Two Treaties of the Government. Paano nakaimpluwensiya ang aklat na ito sa paglaya ng Amerika sa kamay ng Imperyong Great Britain?
ang lathalaing ito ay nagpapatibay sa mabuting ugnayan ng mga Ingles at ng mga Amerikano
binigyang diin sa konseptong ito ang kahalagahan ng kalayaan na ipinaglalaban ng mga Amerikano
ito ang naging daan sa kasunduan sa pagitan ng mga tao at ng pamahalaan upang magkaroon ng mabisang pakikipag-ugnayan na makatulong sa kanilang pinuno
ang ideyang ito ang naging basehan ni Thomas Jefferson sa pagbuo ng deklarasyon ng kalayaan na naging mahalagang sulatin sa paglaya ng mga Amerikano sa mga Ingles
Ang ideyang Social Contract ay isang konsepto ni Jean Jacques Rousseau at naging inspirasyon ng Rebolusyong Pranses. Ano ang nakapaloob sa teoryang ito?
ang teoryang ito ang nagpatibay sa mabuting ugnayan ng monarkiya at ng mga mamamayang Pranses
ito ay kasunduan sa pagitan ng mga tao ng pamahalaan upang magkaroon ng mabisang pakikipag-ugnayan na makatulong sa kanilang pinuno
binigyang diin sa konseptong ito ang Karapatan ng mga mamamayan na magrebolusyon at pabagsakin ang pamahalaan kung ito ay naging mapang-abuso
ang ideyang ito ang naging basehan ni Thomas Jefferson sa pagbuo ng deklarasyon ng Kalayaan na naging mahalagang sulatin sa paglaya ng mga Amerikano sa mga Ingles
Isa sa mga magagandang epekto ng Rebolusyong Pangkaisipan ang pagiging bukas ang isipan sa iba’t ibang larangan lalong-lalo na sa pamamahala. Alin sa sumusunod ang dahilan sa pag-aalsa ng mga Ingles na Migrante sa Timog Amerika laban sa Parliamentong Ingles?
labis na pagbubuwis ang ipinataw sa kanila
pinipilit na magtrabaho ang mga migranteng Ingles
ang pag-alis ng mga migranteng Ingles nang walang pahintulot
hindi nagustuhan ng mga migranteng Ingles ang pagtrato sa kanila
Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapakita ng impluwensya ng pagkamulat na pangkaisipan?
napigil ang pagtuligsa sa estruktura ng lipunan
marami ang natutong magtanong sa mga kaugalian at tradisyong matagal ng sinunod
naging epektibo ang impluwensya ng pagkamulat sa pagkakaroon ng mga tao ng karapatang makapili ng sariling pilosopiya
nagbigay ang pagkamulat-pangkaisipan ng ideya at wika na siyang ginamit ng mga Pranses at Amerikano sa kanilang rebolusyon
Sa iyong palagay, maganda ba ang kaisipan ni Baron de Montesquieu tungkol sa paghahati sa kapangyarihan ng pamahalaan sa tatlong sangay – ehekutibo, lehislatura at hudikatura?
Oo, dahil nabigyan ng proteksyon ang mamamayan laban sa pang-aabuso ng kapangyarihn ng pamahalaan.
Oo, dahil sa paraang ito napadali ang trabaho sa pamahalaan
Hindi, dahil hindi napag-isa ang mga taong namamahala
Hindi, dahil nahahati lamang ang trabaho
Naging makatwiran kaya ang mga kaisipang ipinanukala ng mga Philosopher?
Oo, dahil ginamit nila ang katuwiran sa buhay.
Oo, dahil mas maimpluwensya ang mga philosophes
Hindi, dahil mas lalong nalito ang kaisipan ng mga tao.
Hindi, dahil hindi nila binigyang halaga ang opinion ng iba
Paano nakatulong ang prinsipyong divine right sa pagpapanatili ng kapangyarihan ng hari ng France?
naniniwala ang mga tao sa likas na kakayahan ng hari.
ibinigay ng mga tao ang lahat ng kalayaan sa hari na namumuno sa France.
naniniwala ang mga tao na nagmula sa kanilang diyos ang kapangyarihan ng hari para pamunuan ang bansa.
ang teoryang ito ang nagbibigay ideya na ang hari ay hindi pwedeng kalabanin ng mga tao sapagkat ang kanyang kapangyarihan ay walang hanggan
Ang sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng dahilan at uri ng pananakop sa ikalawang yugto ng kolonyalismo MALIBAN sa isa
Pagnanais na mabago ang kultura ng bansang nasakop.
Ang hangarin sa pagpapalawak ng relihiyong Kristiyanismo.
Ang pagbibigay ng katuwiran ng pananakop sa paggamit ng manifest destiny at white man’s burden.
Ang pangangailangan sa hilaw na mga sangkap, pagsunod sa sistemang kapitalismo at paniniwalang karapatan at tungkulin ng mga Kanluranin
Sa ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon ginagamit na dahilan ng mga Europeo ang ideya ng White Man’s Burden upang bigyang katwiran ang kanilang pananakop. Ano ang paniniwalang White Man’s Burden?
Ang mga puti ang superior na lahi ng mundo.
Binigyan ng diyos ang mga puti ng karapatan upang angkinin ang daigdig.
Ang mga nasakop nilang kolonya ay dapat sumunod sa mga kagustuhan ng mga Europeo.
Tungkulin ng mga puti na panaigin ang kanilang maunlad na kabihasnan sa mga katutubo ng mga kolonyang kanilang sinakop
Ayusin ang sumususnod na kaganapan sa pagkalugad ng mga kanuluranin sa Africa.
I. Narating ni David Livingstone ang Africa at natunghayan niya ang Ilog Zambesi at ang talon ng Victoria.
II. Pinaghatian ng mga Kanluranin ang Africa sa pamamagitan ng Berlin Conference.
III. Sa simula interesado ang mga Europeo sa kalakalan ng mga alipin.
IV. Interes sa likas na yaman ang isa sa mga dahilan ng paggalugad sa Africa
I, II at III
I at II
I, II at IV
I, II, III, at I
Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng Sphere of Influence bilang isang uri ng pananakop?
nagaganap sa pagitan ng mahihina at makapangyarihang bansa
pagbibigay proteksyon ng kolonya laban sa paglusob ng ibang bansa
ang pamamahala ng malakas na bansa sa mahinang bansa upang kontrolin ang mga likas na yaman
ang isang bansa ay hindi ganap na nasakop ngunit mayroong kontrol at esklusibong karapatan sa ilang bahagi ng kanilang lupain ang mga dayuhan
Nakaapekto ba sa sistemang politikal ang ikalawang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon sa mga bansang nasakop?
Hindi, dahil nalustay ang likas- yaman at naabuso ang lakas paggawa.
Hindi, dahil sa pagkasira ng kulturang katutubo sa ilang bahagi ng kolonya.
Oo, dahil sa napatatag ang monarkiyang pamamahala sa mga bansang nasakop.
Oo, namayani ang pagkakasundo sa teritoryo hanggang sa ngayon sa ilang bahagi ng Africa at Asya
Paano ipinamalas ng mga Europeo sa iba’t-ibang panig ng daigdig ang nasyonalismo?
pagsiklab ng maraming pag-aalsa na nagnanais lumaya sa kamay ng mananakop
pag-boycott sa mga produkto ng mga kolonyalista upang sila ay malugi sa negosyo
pagpalaganap ng kaisipang sosyalismo upang maipatupad ang pagkakapantaypantay ng bawat mamamayan
pagsunod sa lahat ng mga kagustuhan ng mga kolonyalista upang maging mabuti ang kanilang pakikitungo.
Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng konsepto ng Nasyonalismo?
Sumisimbolo sa katatagan ng isang bansa
Walang pakialam sa mga pangyayari sa lipunan
Hangarin na pag -isahin ang lahat ng mga bansa
Ito ay damdaming makabayan na ipinapakita ang matinding pagmamamahal at pagpapahalaga sa inang bayan.
Bilang mag-aaral, paano mo maipakita ang pagmamahal sa bayan?
panonood ng K-Drama
gumamit ng imported na produkto
pagsunod sa mga tuntunin ng paaralan
pagdalo sa mga usaping pangkapayapaan ng mga bansa
Bilang mag-aaral sa modernong panahon, sa paanong paraan mo maipapakita ang pagkamakabayan?
sumunod sa batas na ipinatupad ng sariling barangay
mamumuhunan sa ibang bansa upang malaki ang kita.
gumamit ng wikang Ingles upang maipakita ang kalinangan at kulturang Pilipino.
magtapos ng pag-aaral sa ibang bansa at paggamit ng natutuhan sa sariling bansa.
Bilang anak, paano mo mahimok ang kasapi ng iyong pamilya na maipakita ang diwang nasyonalismo?
Tangkilikin ang mga produkto sa ibang bansa.
Hikayatin ang mga banyaga na pumunta sa Pilipinas upang magbakasyon.
Nagkaisa ang mamamayan upang wakasan ang pananakop ng mga dayuhan.
Himukin ang kasapi ng pamilya na huwag maging dayuhan sa sariling bayan
