Font size
WorksheetsAP (YS 6)
Total questions: 129
Worksheet time: 2hrs 51mins
Ano ang dalawang paraan upang matukoy ang lokasyon ng isang lugar?
Absolute na Lokasyon at Resolute na Lokasyon
Tiyak na Lokasyon at Estimadong Lokasyon
Absolute na Lokasyon at Relatibong Lokasyon
Absolute na Lokasyon at Tiyak na Lokasyon
Ang Pilipinas may makikita sa gitna ng mga anyong tubig na Karagatang Pasipiko, Dagat Celebes, Dagat Sulu at West Philippine Sea ay halimbawa ng _________.
Absolute na Lokasyon
Tiyak na Lokasyon
Relatibong Lokasyon
Payak na Lokasyon
Sa mapa lamang makikita ang mga bansa, lugar at mga anyong tubig sa mundo.
Tama
Mali
Katamtaman ang klima sa mga lugar na nasa pagitan ng tropiko ng kaprikorn at kabilugang antarktiko.
Tama
Mali
Ang mga likhang guhit sa mga globo at mapa ay tunay na makikita sa mundo.
Tama
Mali
Ang mga kalapit na bansa ng Pilipinas sa bandang hilaga ay Vietnam, Cambodia at Thailand.
Tama
Mali
Ang Brunei at Indonesia ang mga bansang matatagpuan malapit sa timog na bahagi ng Pilipinas.
Tama
Mali
Ang latitud ay mula 0° hanggang 180° pababa at
pataas mula sa ekwador
Tama
Mali
Ang International Date Line ay nasa 180° mula sa Prime Meridian
Tama
Mali
Ang Pilipinas ay matatagpuan sa timog hating globo at nasa silangang bahagi ng mundo
Tama
Mali
Ito ang pabilog na replika ng mundo.
Mapa
Globo
Earth
Meridian
Tinutukoy ng _________ kung nasa hilaga o
timog ng mundo ang isang lugar
Longhitud
Ekwador
Prime Meridian
Latitud
Hinahati ang mundo sa hilaga at
timog-hating globo.
Longhitud
Ekwador
Prime Meridian
Latitud
Ito ay may sukat na 0° latitud.
Longhitud
Ekwador
Prime Meridian
Latitud
Ito ay mga patayong linya na makikita sa globo at mapa .
Longhitud
Ekwador
Prime Meridian
Latitud
Ang likhang guhit na umiikot mula silangan patungong
kanluran ay ang ________.
Longhitud
Ekwador
Prime Meridian
Latitud
Hinahati nito ang mundo sa silangan
at kanlurang hatingglobo
Longhitud
Ekwador
Prime Meridian
Latitud
Ito ay matatagpuan sa 66.5° hilagang latitud.
International Date Line
Kabilugang Arktiko
Tropiko ng Kanser
Tropiko ng Kaprikorn
Kabilugang Antarktiko
Ito ay nasa pinakadulong bahagi ng daigdig sa timog.
International Date Line
Kabilugang Arktiko
Tropiko ng Kanser
Tropiko ng Kaprikorn
Kabilugang Antarktiko
Ito ay linyang pahalang na matatagpuan sa 23.5° timog latitud.
International Date Line
Kabilugang Arktiko
Tropiko ng Kanser
Tropiko ng Kaprikorn
Kabilugang Antarktiko
Tinatawag na rehiyong tropikal o tropical regions ang mga lugar sa pagitan ng mga linyang ito
Kabilugang Arktiko at Tropiko ng Kanser
Tropiko ng Kaprikorn at Tropiko ng Kanser
Tropiko ng Kaprikorn at Kabilugang Antarktiko
Ito ay nakatutulong sa pagtukoy ng oras at araw sa isang lugar
International Date Line
Prime Meridian
Ang mga nakikitang guhit sa globo at mapa ay inilagay upang __________.
maipakita nang mabuti ang mga guhit ng mundo.
higit na maging tiyak ang pagtukoy ng kinalalagyan ng isang lugar.
higit na maging maganda ang mga mapa at globo.
Piliin ang globo na nagpapakita ng mga tamang likhang guhit.
Ang ating bansa ay isang (a) dahil binubuo ito ng maraming pulo at maliliit na isla.
Anong anyong tubig ang nasa timog ng Pilipinas?
(a)
Tumutukoy ito sa lupain sa gilid ng kontinente na bahagyang nakalubog sa tubig.
(a)
Tumutukoy ito sa siyentipikong paliwanag sa isang penomenon o sitwasyon
(a)
Teorya na nagsasabing nagmula ang kapuluan ng Pilipinas sa pagsabog ng bulkan sa ilalim ng karagatan
Teorya ng Continental Drift
Teorya ng Lupa na Lupa
Teorya ng Bulkanismo
Teorya ng Coral Reef
Teorya na nagsasabing ang kapuluan ng Pilipinas ay bunga ng pagtaas ng lebel ng tubig sa karagatan
Ice Age
Teorya ng Continental Drift
Teorya ng Bulkanismo
Teorya ng Tulay na Lupa
Ayon sa teoryang ito ang Pilipinas ay nagmula sa isang malaking tipak ng lupain na tinatawag na Pangaea.
Teorya ng Ice Age
Teorya ng Continental Drift
Teorya ng Tulay na Lupa
Teorya ng Bulkanismo
Siya ang naghain ng teorya ng Continental Drift Theory.
Felipe Landa Jocano
Bailey Willis
Henry Otley Beyer
Alfred Wegener
Ayon sa kanya ang mga Filipino ay nagmula sa mga Austronesian.
Henry Otley Beyer
Felipe Landa Jocano
Wilhelm Solheim
Peter Bellwood
Ayon sa teoryang ito na inihain ni Felipe Landa Jocano ang mga unang Filipino ay mula sa isang malaking pangkat ng mga sinaunang tao sa Timog-Silangang Asya.
Teorya ng Austronesian Migration
Teorya ng Wave Migration
Teorya ng Core Population
lahat ng nabanggit
Ayon kay ________________, may tatlong pangkat ng tao na unang nandayuhan sa Pilipinas batay sa Teorya ng Wave Migration.
Peter Bellwood
Wilhelm Solheim II
Henry Otley Beyer
Felipe Landa Jocano
Nakasaad sa teoryang ito na dahil sa mga lumalabas na magma sa ilalim ng karagatan ay umangat ang mga natuyong lava at lumitaw sa karagatan at naging mga pulo ng Pilipinas.
(a)
Ito ang teoryang tumutukoy na ang katutubong nadayuhan sa Pilipinas ay mula sa China.
(a)
Bakit mahalagang pag-aralan ang iyong lahing pinagmulan?
Tawag sa nahukay na labi ng tao sa Tabon Cave noong 1962?
A. Callao Man
B. Cagayan Man
C. Tabon Man
D. Java Man
Pamayanang itinatag ng mga Islam sa Mindanao.
SULTANATO
BARANGAY
KOMUNIDAD
Bakit mahalaga na mayroong "Barangay" ang mga sinaunang Pilipino?
Upang magkaroon ng agawan ng teritoryo ang bawat grupo.
Upang magkaroon ng kabuhayan ang bawat isa.
Upang magkaroon ng pinuno at magkaroon ng maayos na sistema sa pamayanan.
Ang "Balangay" ay anong uri ng sasakyan?
Malaking bangka
Maliit na bangka
Barko
Sa uri ng lipunan ng mga sinaunang tao, sino sa kanila ang malayang namumuhay sa pamayanan?
TIMAWA
MAHARLIKA
DATU
Ang "DATU" ang pinuno ng isang barangay, ano ang hindi kabilang sa papel sa na ginagampanan ng DATU?
Siya ang gumagawa at nagpapatupad ng batas.
Siya ang nagbibigay ng payo sa matatandang miyembro ng pamayanan.
Siya ang namamahala sa mga gawaing ispiritwal.
Bakit nagkaroon ng pamayanang "Sultano" sa parte ng Sulu at Mindanao?
Dahil nagkaroon ng bagong pinuno sa lugar nila.
Dahil nakipagkalakan ang mga sinaunang Pilipino sa mga Arabe.
Dahil tinaggap ng mga sinaunang Pilipino ang relihiyong Islam.
Sila ay mga aliping nakatira sa bahay ng amo at pag-aari rin sila ng mga ito.
saguiguilid
alipin
namamahay
Tawag sa diyos ng mga Muslim.
Allah
Laon
Kabunian
Bathala
Ito ang sinaunang alpabetong Pilipino.
Koran
baybayin
hangul
nihongo
Ilang patinig ang bumubuo sa baybayin?
5
14
3
12
Ang ating mga ninuno ay nanirahan sa mga pamayanang tinawag na barangay.
TAMA
MALI
Ang ating mga ninuno ay sumasamba sa mga ninuno.
TAMA
MALI
Bakit mahalaga ang "umalohokan" sa isang Barangay?
dahil siya ang nagpapayo sa pinuno kapag may mga suliranin sa Barangay.
dahil siya ang namamahala sa mga gawaing espiritwal.
dahil siya ang taga-kalat ng mga impormasyon na nais iparating ng datu sa komunidad.
Noong panahon ng Espanyol, ang pamahalaang __________ ang namahala sa buong kapuluaan ng Pilipinas maliban sa ilang bahagi ng Mindanao at Cordillera
Pamahalaang Lokal
Pamahalaang Sentral
Pamahalaang Panlungsod
Pamahalaang Panlalawigan
Siya ang kinikilalang pinakamakapangyarihan na pinuno ng pamahalaang Sentralisado.
Hari ng Espanya
Gobernadorcillo
Gobernador-Heneral
Alcalde-Mayor
Ito ang kaagapay ng Hari ng Espanya sa pangangasiwa sa mga kolonya ng Espanya. Dito nagmumula ang mga batas at patakaran na ipinatutupad sa Pilipinas at iba pang kolonya ng Espanya.
Royal Audiencia
Ehekutibo
Consejo de las Indias
Hudisyal
Siya ang pinakamataas at pinakamakapangyarihang pinunong Espanyol sa Pilipinas.
Gobernador-Heneral
Alcalde-Mayor
Gobernadorcillo
Cabeza de Barangay
Kapangyarihan ng Gob. Hen. na hindi ipatupad ang batas na hindi angkop sa kolonya. Ano ito ?
Consejo de las Indias
Real Patron
Vice-Real Patron
Cumplase
Saklaw ng kapangyarihan ng Gob. Hen. na pumili at mag-alis ng opisyal sa simbahan at pangunahan ang mga gawaing panrelihiyon. Ito ay tinawag na __________ .
Vice-Real Patron
Cumplase
Consejo de las Indias
Real Patron
Ilang Gobernador-Heneral ang nagsilbi sa ating bansa sa loob ng 333 na pananakop ng mga Espanyol?
106
116
160
161
Siya ang kahuli-hulihang Gobernador-Heneral ng Pilipinas. Sino siya?
Gob. Hen. Miguel Lopez de Legazpi
Gob. Hen Jose Basco y Vargas
Gob. Hen. Diego delos Rios
Gob. Hen. Sebastian Hurtado de Concuera
Ito ang nagsilbing pinakamataas na hukuman sa panahon ng Espanyol.
Royal Audiencia
Ehekutibo
Consejo de las Indias
Real Patron
Ito ang pamahalaang may kinalaman sa pamamahala sa mga lalawigan, lungsod, bayan at barangay.
Pamahalaang Sentral
Pamahalaang Lokal
Pamahalaang Panlalawigan
Pamahalaang Pambarangay
Ito ang tawag sa lalawigang mapayapa.
Alcaldia
Pueblo
Corregimiento
Barangay
Siya ang pinuno ng pamahalaang Barangay.
Alcalde-Mayor
Gobernadorcillo
Alcalde
Cabeza de Barangay
Ito ay makapangyarihan at maunlad na pueblo.
Barangay
Lungsod
Corregimiento
Alcaldia
Ito ay lalawigan na hindi gaanong mapayapa.
Alcaldia
Pueblo
Corregimiento
Barangay
Ito ang pinakamaliit na pamahalaan sa pamahalaang lokal.
Pamahalaang Panlalawigan
Pamahalaang Panlungsod
Pamahalaang Pambayan
Pamahalaang Pambarangay
1. Siya ang sumunod na hari ng Espanya na nagnais ding magpalawak ng kanyang nasasakupan kung kaya nagpadala siya ng ekspedisyon sa Silangan.
Martin de Goiti
Miguel Lopez de Legazpi
Felipe II
Antonio Pigafetta
2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa ipinatayo ni Legapzi katapos sunugin ng kampo ni Raja Sulayman ang Maynila?
Plaza
bahay para sa mga Espanyol
kumbento
kutangkahoy
3. Ito ang kauna-unahang pamayanang Espanyol sa Pilipinas na itinatag ni Lezagpi.
Maynila
Cebu
Panay
Bohol
4. Ito ang petsa kung kailan sinimulan pamunuan ni Miguel Lopez de Legazpi ang ekspedisyon papunta sa Pilipinas.
Oktubre, 9, 1563
Nobyembre 21, 1564
Mayo 8, 1570
Hunyo 24, 1571
5. Ang kahariang Muslim ni ____________ ay maunlad, napakayaman, at sentro ng kalakalan ng Maynila noon.
Raha Tupas
Prinsipe Kamutahon
Raja Sikatuna
Raha Sulayman
6. Sa pamamagitan ng pagtunton sa pinagdaanan ni Magellan, anong petsa nakarating sina Legazpi sa Cebu?
Marso 16, 1521
Pebrero 13, 1565
Mayo 8, 1570
Hunyo 24, 1571
7. Siya ang taong malugod na tinanggap sina Legazpi at tinulungan pa ang mga itong matunton ang Limasawa.
Bankaw
Raja Sikatuna
Raha Tupas
Prinsipe Kamutahon
8. Ito ang lugar kung saan ginanap ang sanduguan nina Legazpi at Raja Sikatuna.
Cebu
Panay
Bohol
Manila
9. Siya ang taong tumangging magbayad ng buwis kay Goiti kaya nauwi ito sa labanan.
Raha Tupas
Prinsipe Kamutahon
Raja Sikatuna
Raha Sulayman
10. Ito ang lugar na tinuturing pinaka-tanyag, maunlad, mayaman at naging sentro ng kalakalan.
Cebu
Panay
Bohol
Manila
11. Tatlumpung taon ang nakalipas bago nakapagpadalang muli ang Espanya ng eskpedisyon mula sa Mexico.
TAMA
MALI
12. Ang ekspedisyon ni Legazpi ay binubuo ng apat na barko at 360 katao, kasama ang ilang paring nabibilang sa order ng mga Agustino.
TAMA
MALI
13. “Ayuntamiento” ang ngalan ng pamahalaang lungsod ng Espanyol na itinatag ni Legazpi.
TAMA
MALI
14. Si Ferdinand Magellan ang siyang binansagang kauna-unahang gobernador-heneral ng Pilipinas.
TAMA
MALI
15. Ang Maynila ay tinawag na “Katangi-tangi at Laging Tapat na Lungsod” at ginawang punong-lungsod ng Pilipinas noong Hunyo 24, 1571.
TAMA
MALI
16. Pinakiusapan ni Lakandula si Raha Tupas na tanggapin ang pamamahala ng mga dayuhan.
TAMA
MALI
17. Noong Pebrero 13, 1565, pinayagang makadaong sina Legazpi sa Cebu dahil sa naging magandang karanasan noon ng mga Pilipino sa mga Espanyol.
TAMA
MALI
18. Nang makarating sila sa Samar at Leyte, sinalubong sila at binigyan ng pagkain ng pinuno ng Limasawa na si Bankaw.
TAMA
MALI
19. Si Lakandula ang siyang amain ni Raja Sulayman.
TAMA
MALI
20. Si Haring Felipe II ay nagnais ding magpalawak ng kanyang nasasakupan kung kaya nagpadala siya ng ekspedisyon sa Timog.
TAMA
MALI
Tama o Mali:
Ang mga Espanyol ang nagpalaganap ng Katolisismo sa Pilipinas.
Tama
Mali
Tama o Mali:
Ang padre kura ang pinakamataas na pinuno ng dayoses.
Tama
Mali
Tama o Mali:
Sa pagpapalaganap ng katolisismo, inalis ang krus, rosaryo, at dasal.
Tama
Mali
Tama o Mali:
Ang pagdiriwang ng kapistahan ng mga santo ay isa sa mga gawaing katoliko.
Tama
Mali
Tama o Mali:
Isang Padre Kura ang namuno sa isang dayoses.
Tama
Mali
Tama o Mali:
Ang mga obispo ang nangongolekta ng mga buwis.
Tama
Mali
Tama o Mali:
Ang patuloy na pagtanggap ng mga sakramento ay patunay nang malalim na impluwensya ng katolisismo sa mga Pilipino.
Tama
Mali
Tama o Mali:
Sa kabila ng malawak na pagpapalaganap ng Katolisismo sa bansa, mayroon pa ring mga Pilipino ang hindi naniwala rito.
Tama
Mali
Paano magiging opisyal na kasapi ng simbahang Katoliko ang isang katutubo?
Kailangan matuto ng wikang Espanyol
Kailangan mag-apply sa Hari ng Espanya
Kailangan niyang magpabinyag
Kailangang magbayad ng buwis
Ito ang pagkakaisa ng simbahan at pamahalaan upang ipalaganap ang Kristiyanismo sa bansa.
Polo y Servicios
Gold God Glory
Patronato Real
Reducciones
Buuin ang analohiya:
Dayoses - Obispo
_________ - padre kura o kura paroko
lalawigan
kabisera
parokya
kolonya
Paano naakit/nahikayat ng mga Espanyol ang mga katutubo upang tanggapin ang Katolisismo?
Naniniwala sa espiritu ng mga namatay
Makukulay ang mga seremonya tulad ng sa kanilang paniniwala
Naniniwala sa isang panginoon tulad ng katutubong paninilawa
Lahat ay tama
Alin ang HINDI gawain ng prayle?
Magsaka ng lupain
Maningil ng buwis
Magturo sa mga paaralan ng dasal at kautusang panrelihiyon
Mamahala ng eleksyon
Tumutukoy sa kasunduan ng simbahan at pamahalaan na ssuportahan ng Papa at mga gagawing ekspedisyon ng Pamahalang Espanyol.
Encomienda
Patronato Real
Royal Patron
Conquistadores
2.Responsable sa paglaganap ng Kristiyanismo sa Pilipinas
orden
conquistadores
enconmienderos
prayle
Alin sa mga sumusunod na mga pahayag ang pagkakaiba ng katayuan ng kababaihan noon at sa panahong kolonyal?
Mataas ang pagtingin ng kababaihan noon at sa panahon ng Espanyol.
Mas mababa ang pagtingin ng kababaihan noon at sa panahon ng Espanyol.
Walang pagkakaiba ang kalagayan ng mga kababaihan noon at sa panahong kolonyal.
Hindi binigyang-halaga ang kababaihan sa lipunan noon at sa panahon Espanyol.
Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagpapabuti ng katayuan ng kababaihan?
Limitado ang ibinigay na kasanayan sa kababaihan.
Pangalagaan ang karapatan ng kababaihan
Higit na kilalanin ang kakayahan ng kalalakihan.
Tumanggap ng posisyon maliban sa pinakamataas na pinuno.
Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng pananamit ng mga Pilipino sa panahong kolonyal?
Nagsusuot ng kangan at bahag ang mga kalalakihan.
Nagsusuot ng baro’t saya na naging kimona ng kababaihan.
Magkatulad ang disenyo ng kasuotan ng mga katutubo noon at sa panahong kolonyal.
Walang kaugnayan ang pananamit ng mga Filipino noon at sa panahon ng Espanyol.
Alin sa mga pagbabagong kultural noong panahon ng Espanyol ang nananatili pa rin sa kasalukuyan ?
Yari sa bato ang tirahan.
May mga paaralang parokya parin.
Karaniwang nagsusuot ng kimono ang kababaihan.
Nagluluto ng menudo, afritada, at mechado ang mga Filipino.
Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol nagkaroon ng pagbabago sa antas ng lipunan na kung saan ang datu ay naging ______?
Alcaldia
Cabeza de barangay
Corregidor
Gobernador heneral
Ang paraan sa pananakop ng mga Hapones sa Pilipinas ay katulad sa paraan ng pananakop ng Amerikano.
Tama
Mali
Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones ay maunlad at maayos ang kalagayang panlipunan ng Pilipinas.
Tama
Mali
Ang kalagayang ekonomiya ng Pilipinas sa panahon ng pananakop ng mga Hapones ay nakatuon lamang sa pagtatanim ng mga bulak kaya mababa ang produksiyon ng bigas.
Tama
Mali
Ang Mickey Mouse Money sa panahon ng mga Hapones ay napakahalaga dahil ito ay may mataas na halaga sa pamilihan.
Tama
Mali
Ang mga kababaihan sa panahon ng mga Hapones ay pinahalagahan at nirespeto.
Tama
Mali
Kung ang simbahan ay naging sagisag ng sibilisasyon ng mga Espanyol, ano naman sa mga Amerikano?
paaralan
bandila
krus
Alin sa mga sumusunod ang tawag sa mga Pilipinong kaanib o kasapi sa mga sandatahang pangkat na nakikipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas?
Huk
MAKAPILI
NPA
Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng isang pagbabago sa mentalidad ng isang bansa ukol sa kultura nito?
Parity Rights
Soberanya
Colonial Mentality
Alin sa mga sumusunod na batas ang may layunin na maiangat ang ekonomiya ng bansa pagkatapos ng digmaan na itinatag ni Manuel Roxas?
War Damage Payments
Philippine Rehabilitation Act
Parity Rights
Alin sa mga sumusunod ang kasunduang nilagdaan ng Pilipinas at ng Amerika na nagpahintulot sa pagtayo ng base-militar ng Estados Unidos sa Pilipinas.
Military-Base Agreement
Military Assistance Agreement
Parity Rights
Ang mga sumusunod ang naidulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas, MALIBAN sa isa. Ano ito?
Pagwasak ng mga pag-aari
Kahirapan
Magandang kabuhayan sa mga Pilipino
Sino ang pangulo ng bansa na Ibinalik ang demokrasya ng bansa sa pamamagitan ng paglikha sa bagong Saligang Batas?
Gloria Macapagal-Arroyo
Corazon Aquino
Marcela Agoncillo
Sino ang pangulo na nagpapatupad ng programang “Pilipino Muna” (Filipino First-Policy)?
Carlos P. Garcia
Joseph Estrada
Manuel Roxas
Sino ang pangulo na nagpatupad sa programang "Philippines 2000" para sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa?
Ramon Magsasay
Fidel Ramos
Benigno Aquino
Sino ang pangulo na ibinangon ang mga nasirang imprastraktura ng bayan na dulot ng digmaan?
Ramon Magsaysay
Manuel Roxas
Diosdado Macapagal
Sino ang pangulong tumangkilik sa slogan na "Erap para sa Mahirap", at ng programang "ANGAT PINOY 2004"?
Gloria Macapagal-Arroyo
Joseph Estrada
Corazon Aquino
Sino ang pangulo na tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa” dahil pinahalagahan ko ang wikang pambansa at ipinatupad ko ang Minimum Wage Law?
Carlos Garcia
Fidel Ramos
Manuel Quezon
Sino ang pangulo na nagpatupad ng K-12 program sa edukasyon?
Benigno Aquino III
Rodrigo Duterte
Corazon Aquino
Sino ang pangulo na naging unang pangulo ng Manila Summit Conference na tinatawag ngayon na ASEAN at ipinatupad ang “Martial Law” sa bansa?
Ferdinand Marcos
Elpidio Quirino
Ramon Magsaysay
Alin ang tamang pagkakasunod ng pangyayari?
A. Pagdating ni Hen. MacArthur
B. Pagdeklara sa ganap na kalayaan ng bansa
C. Pagbomba sa Nagasaki, Japan
D. Kasunduan sa pagitan ng Amerikano at Hapon
E. Pagbomba sa Hiroshima, Japan
A - B - C - D - E
A - E - C - D - B
E - D - C - B - A
C - E - A - B - D
