wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

Modyul 11 and 12 grade 9

Total questions: 20

Worksheet time: 15mins

Name
Class
Date
1.

Bakit may mga tao na matapos kumita at magkaroon ng maraming salapi dahil sa kanilang kasipagan at pagpupunyagi ay nababalewala lamang pagdating ng panahon?

a)

Nakalimutan ang halaga ng pagtitipid at pag-iimpok

b)

Masayang gumastos ng sariling pinagpaguran

c)

Ang naimpok na salapi ay kailangang ibahagi

d)

Ang salapi ay hindi madadala sa hukay.

2.

Anong aral ang nais ipahiwatig ng karakter ni Langgam sa kwentong bayan na may pamagat na “Si Tipaklong at si Langgam”?

a)

Kasigasigan

b)

Pagpupunyagi

c)

Pagtitipid

d)

Kasipagan

3.

Ito ang kabaligtaran ng kasipagan.

a)

Kamangmangan

b)

Mahinang loob

c)

Katamaran

d)

Kayabangan

4.

Isang birtud na nagtuturo sa tao na hindi lamang mamuhay nang masagana kundi upang higit na makapagbigay sa iba.

a)

Kasigasigan

b)

Pagpupunyagi

c)

Pagtitipid

d)

Kasipagan

5.

Si Juan ay nagsisikap na gawing “On time” ang “Filipino time.” Alin sa sumusunod niyang ginagawa ang nagpapakita nito?

a)

Laging nagmamadaling umuwi ng bahay

b)

Maaga siyang gumigising dahil nasasanay na siya sa gawing ito.

c)

Hindi siya nahuhuli sa “flag ceremony” kahit malayo ang kanilang bahay.

d)

Nagsisimula siyang mag-aral dalawang linggo bago ang trimestral na pagtatasa.

6.

Paano natin makakamit ang mas mataas na layunin ng paggawa?

a)

Pagsisikapan ang mahihirap na gawain

b)

Bibilisan ang paggawa upang makahabol sa dedlayn

c)

Paggawa nang maayos at pagtatapos ng gawain bago ang takdang oras

d)

Magpapaturo sa kasamahan na sanay sa gawain upang maging maayos ang kalalabasan ng ginagawa

7.

Alin ang nagpapahayag na napamamahalaan ang pagpabukas-bukas o mas kilala na mañana habit?

a)

Tutok sa prayoridad.

b)

Hindi agad ginagawa ang mga aktibidades na dapat tapusin.

c)

May nabuo na tunguhin ng gawain

d)

Nagkakaroon ng oras ng pamamahinga, paglilibang at pagkakawanggawa.

8.

Ang produktong lilikhain ay bunga ng mayaman na pag-iisip, orihinal, bago at kakaiba ang produkto. Ito ay tumutukoy sa anong pagpapahalaga sa paggawa?

a)

Kasipagan

b)

Kasigasigan

c)

Matiyaga

d)

Malikhain

9.

Ang paggawa ng tao ay daan upang maisakatuparan ang kanyang responsibilidad ay tumutukoy sa anong pagpapahalaga sa paggawa?

a)

Kasipagan

b)

Kasigasigan

c)

Matiyaga

d)

Malikhain

10.

Ang paggawa ng tao ay daan upang maisakatuparan ang kanyang responsibilidad sa sarili, kapwa at ______.

a)

Diyos

b)

Lipunan

c)

Komunidad

d)

Simbahan

11.

Ano ang tawag sa pagkakataon, saglit at araw na ginugugol sa paggawa?

a)

Oras

b)

Panahon

c)

Pagkakataon

d)

Oportunidad

12.

Hindi dapat taglayin ng tao ang ugaling katamaran. Ang sumusunod na pangungusap ay nagbibigay ng kahulugan nito maliban sa:

a)

Ito ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay, o trabaho.

b)

Ito ang pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.

c)

Ito ay maaaring sumira sa ating kinabukasan.

d)

Ito ay magdadala ng panganib sa buhay.

13.

Paano nailalarawan ang taong may tiyaga sa paggawa ng isang produkto o gawain?

a)

Madaling sumuko sa mga hadlang

b)

Hindi pinapansin ang pagrereklamo ng iba

c)

Nagsasawalang-bahala sa kaisipan ng iba

d)

Patuloy na nagtatrabaho kahit may mga paghihirap

14.

Ano ang kahulugan ng masigasig sa konteksto ng paggawa ng gawain o produkto?

a)

Pagkakaroon ng kasiyahan sa paggawa

b)

Kakulangan ng oras at atensiyon sa gawain

c)

Pagkaramdam ng pagod at pagkabagot

d)

Pagtatapat ng oras at atensiyon sa gawain

15.

Ito ay kakambal ng pagbibigay na nagtuturo sa tao na gamitin ito upang higit na makapagbigay sa iba.

a)

Pag-iimpok

b)

Pagtulong

c)

Pagtitipid

d)

Pagkakawanggawa

16.

Ano ang naglalarawan sa pinakamahalagang paraan ng pagtitipid?

a)

Maging mapagkumbaba at matutong makuntento

b)

Maging mapagbigay at matutong tumulong

c)

Maging maingat sa paggastos at matutong maging simple

d)

Maging masipag at matutong maging matiyaga

17.

Paano maipapakita ng isang taong masipag ang kaniyang kasipagan?

a)

Sa pagpapakita ng kakayahan sa paggawa at hindi nagmamadali

b)

Sa pagpapakita ng pagmamahal sa trabaho at pagbibigay ng puso sa gawain

c)

Sa pagiging maingat sa kalidad ng gawain at hindi pabaya

d)

Lahat ng nabanggit na ito

18.

Ito ay ang pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain ng mayroong kalidad?

a)

Pagpupunyagi

b)

Tiyaga

c)

Disiplina Sa Sarili

d)

Kasipagan

19.

Ano ang ibig sabihin ng pagiging katiwala ng oras?

a)

Ang oras ay may nagmamay-ari at ito ay dapat pangasiwaan ng maayos

b)

Ang oras ay likas na yaman na dapat gamitin sa pangangailangan lamang

c)

Ang oras ay dapat gamitin sa anumang paraan na nais ng tao

d)

Ang oras ay hindi mahalaga at pwedeng sayangin

20.

Ano ang kahulugan ng SMART na pagtatakda ng tunguhin sa paggawa?

a)

TIYAK, NASUSUKAT, NAAABOT, MAKATOTOHANAN, NASUSUKAT SA PANAHON

b)

TIYAK, NALALAMAN, NAAABOT, REYALISTIKO, NASUSUKAT SA PANAHON

c)

TIYAK, NASUSUKAT, NAAABOT, REYALISTIKO, NASUSUKAT SA PANAHON

d)

TIYAK, NASUSUKAT, NAAABOT, REYALISTIKO, TAMA SA PANAHON