Wayground logo

Free Printable Worksheets

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

AP 6 - 2nd Q - Periodical Exam Review

Total questions: 35

Worksheet time: 18mins

Name
Class
Date
1.

Ano ang tawag sa isang patakaran ng Estados Unidos sa Pilipinas na naglalayong hikayatin ang mga edukadong Pilipino na makipagtulungan sa pamahalaang kolonyal ng Amerika?

a)

kooptasyon

b)

pasipikasyon

c)

edukasyon

d)

kolonisasyon

2.


Alin sa mga batas na ipinatupad ng Estados Unidos sa Pilipinas ang HINDI kabilang sa pagpapatupad ng Patakarang Pasipikasyon?

a)

Sedition Law

b)

Pilipinisasyon

c)

Brigandage Act

3.


Ano ang kabutihang dulot ng patakarang Pilipinisasyon sa mga Pilipino?

a)

Ayon sa mga Amerikano, bibigyan ng kalayaan ang Pilipinas pagkalipas ng 10 taon

b)

Bibigyan ng pagkakataon ang mga kababaihan na bumuto sa eleksiyon

c)

Nabigyan ng pagkakataon na mamuno ang mga Pilipino sa iba't ibang sangay ng pamahalaan

d)

Mabibigyan ng 2 milyong pondo ang mga Pilipino para sa pagtatayo ng mga paaralan

4.


Sino ang nanalo sa halalan bilang pangulo ng pamahalaang Commonwealth?

a)
Manuel L. Quezon
b)
Jose Rizal
c)
Sergio Osmeña
d)
Emilio Aguinaldo
5.

Alin sa sumusunod ang batas na nagbigay daan sa pagkakatatag ng Pamahalaang Komonwelt?

a)
Tydings-McDuffie Act
b)
Hare-Hawes-Cutting Act
c)
Philippine Independence Act
d)
Jones Act
6.


Sino ang nahalal na Pangulo ng Pamahalaang Komonwelt?

a)
Jose Rizal
b)
Sergio Osmeña
c)
Emilio Aguinaldo
d)
Manuel L. Quezon
7.


Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa Pambansang Wika?

a)

Pakikiisa sa mga pagkilos na mapalaganap ang pagkatuto nito

b)

Pagkutya sa mga hindi magaling sa pagsasalita ng Filipino

c)

Pagkutya sa mga hindi magaling sa pagsasalita ng Filipino

8.

Sa mga sangay ng pamahalaang Komonwelt, anong sangay ang pinakamataas o makapangyarihan?

a)
Sangay ng Ehekutibo
b)

wala

c)
Sangay ng Hudikatura
d)
Sangay ng Lehislatura
9.


Paano nilutas ni Quezon ang mga suliranin ng Pilipinas?

a)

Nilutas niyang mag-isa ang mga suliranin.

b)

Sumingil siya ng malaking buwis sa mga Pilipino.

c)

Nagpatupad siya ng mga patakaran at programa.

d)

Nagpatulong siya sa mga Amerikano.

10.

Bakit isa sa mga pinagtuunan ng pansin ni Quezon ang edukasyon?

a)

dahil malaki ang pondo para dito

b)

dahil nakasaad ito sa batas

c)

upang matuto ang mga Pilipino

d)

upang umunlad ang mga Pilipino

11.


Ano ang maaaring sabihin tungkol sa layunin ni Manuel Quezon na magkaroon ng isang wikang pambansa?

a)

Walang wikang pambansa sa panahon ng Komonwelt.

b)

Tagalog ang wikang pambansa sa panahon ng Komonwelt.

c)

Maraming pambansang wika sa panahon ng Komonwelt.

12.

Bakit pinahintulutan ang pagboto ng mga kababaihan sa pamahalaang Komonwelt?

a)

dahil sa pantay na karapatan ng bawat Pilipino

b)

dahil mas marami ang mga babae sa Pilipinas kaysa mga lalaki

c)

dahil lahat ng mga babaeng Pilipino ay matatalino

d)

dahil mas maayos mamuno ang mga babaeng Pilipino noon

13.


Bukod sa transportasyon, ano pa ang naging isang pokus ng pamahalaang Amerikano sa Pilipinas?

a)

literatura

b)

komunikasyon

c)

ekonomiya

14.


Alin sa sumusunod ang naipagawa nang dumating ang mga Amerikano sa bansa?

a)

mga bagong imbensiyon para sa langis

b)

mga bagong kalsada

c)

mga makinarya ng pribadong kumpanya

d)

mga malalaking pabrika ng sapatos

15.

 

Bakit tinawag na Thomasites ang mga gurong Amerikano?

a)

dahil sa aklat na kanilang binasa bago dumating sa Pilipinas

b)

dahil sila ay mga Kristiyano

c)

dahil sa barkong kanilang sinakyan papunta sa Pilipinas

16.


Alin sa sumusunod ang HINDI katangian ng mga pensionados?

a)

Sila ay karaniwang anak ng mga maykayang pamilya.

b)

Inaasahang sila ay magiging guro, doktor, inhinyero, at iba pang propesyunal.

c)

Ipinadala sila sa Estados Unidos upang mag-aral.

d)

Sila ang nagbabayad ng kani-kanilang gastusin sa pag-aaral.

17.

Ano ang maaaring mahinuha (kongklusiyon) mula sa pagpapatayo ng iba't ibang institusyong pangkalusugan sa panahon ng mga Amerikano?

a)

Naging mahirap para sa mga Amerikano na magtayo ng mga institusyong pangkalusugan.

b)

Naging ehemplo ng isang magandang bansa ang Pilipinas dahil sa pagbabagong pangkalusugan na dala ng mga Amerikano.

c)

Naging limitado ang serbisyo at kakayahan ng mga Amerikano sa larangan ng kalusugan.

d)

Naging mahalaga para sa mga Amerikano na tugunan ang problemang pangkalusugan sa bansa.

18.

Sino ang kauna-unahang Pilipina na nahalal bilang opisyal ng pamahalaan?

a)
Corazon Aquino
b)
Emilia de Jesus
c)
Luna S. Sarmiento
d)

Carmen Planas

19.


 Ano ang relihiyong ipinakilala ng mga Amerikano sa mga Pilipino?

a)

Kristiyanismo

b)

Islam

c)

Protestantismo

d)

Hinduismo

20.


Ano ang tawag sa pampublikong sasakyan na ipinakilala ng mga Amerikano sa mga Pilipino na pinatatakbo ng kuryente?

a)
Bus
b)
Tranvia
c)
Jeepney
d)
Tricycle
21.

Ano ang tawag sa paaralan ng mga nais maging guro na itinatag ng mga Amerikano?

a)
Teacher's College
b)

National Teachers University

c)

Philippine Teachers College

d)

Philippine Normal University

22.

 

Alin sa sumusunod na mga bansa ang HINDI kasapi ng Axis Powers?

a)

Italy

b)

Germany

c)

Great Britain

d)

Japan

23.


Ano ang naging hudyat ng pakikidigma ng Japan sa Estados Unidos?

a)

Paglusob sa Pilipinas

b)

Pagbomba sa Pearl Harbor

c)

Death March

d)

Pagsakop sa French Indochina

24.

 

Sino ang kumander ng hukbo ng Estados Unidos sa Asya-Pasipiko?

a)
General Douglas MacArthur
b)
Admiral Chester W. Nimitz
c)
General Dwight D. Eisenhower
d)

Theodore Roosevelt

25.


Bakit sinakop ng Japan ang ibang bansa sa Asya?

a)

Para lumaki ang hukbong sandatahan at hukbong pandagat nito

b)

Upang ibahagi ang kapayapaan sa iba pang mga bansa

c)

Para mapalaya ang ibang Asyano mula sa mga Kanluranin

d)

Upang magkaroon ng kolonya tulad ng Estados Unidos at Britanya

26.


Alin sa sumusunod ang makatotohanang pahayag?

a)

Handa ang puwersang Amerikano na depensahan ang Pilipinas laban sa pagsalakay ng mga Hapones.

b)

Walang sapat na pagsasanay ang mga sundalong Pilipinong lumaban sa Bataan.

c)

Ika-23 ng Disyembre, 1941, nang sumalakay ang mga Hapones sa Pearl Harbor.

d)

Sumuko si MacArthur kasama ang hukbong Amerikano sa Bataan.

27.

Ano ang unang nangasiwa sa pamamahala ng Hapon sa kolonyang Pilipinas?

a)

Philippine Executive Commission

b)

Japanese Association

c)

Japanese Military Administration

d)

Japanese Executive Commission

28.

 

Ano ang ibig ipahiwatig na open city na ang Maynila?

a)

Maaari nang mangalakal sa Maynila.

b)

Maaari nang pumasok ang mga Hapones sa Maynila.

c)

Maaari nang bombahin ng mga kalaban.

d)

Malaya na ang Maynila.

29.


Nailigtas ba ang Maynila nang gawin o ideklara itong open city?

a)

Opo, walang napinsalang mga gusali, bahay, at iba pang ari-arian sa Maynila.

b)

Hindi po, nagdulot pa rin ng pinsala ang patuloy na pambobomba ng mga Hapones.

c)

Hindi po, naging marahas pa rin ang mga Hapones sa nahuling prisoners of war.

d)

Opo, dahil isa nang bukas na lungsod, maraming dayuhan ang pumunta sa Maynila.

30.


Bakit pinili ng ilang Pilipinong lider na makipagtulungan sa mga Hapones?

a)

Upang mapagaan ang kahirapan ng buhay

b)

Upang makatulong sa ibang Pilipino

c)

Upang makaiwas sa marahas na parusa

d)

Upang makamit ang kalayaan mula sa Estados Unidos

31.

Anong bansa sa Asya ang unang sinakop ng Hapon upang simulan ang pagpapalawig ng kaniyang teritoryo?

a)

Pilipinas

b)

Tsina

c)

Korea

d)

Malaysia

32.

Ano ang layunin ng Batas Homestead?

a)

Magkaloob ng tulong pinansyal

b)

Magkaloob ng tulong panteknolohiya

c)

Magkaloob ng tulong sa lupa

d)

Magkaloob ng tulong pampuhunan sa negosyo

33.

Ano ang layunin ni Pangulong Manuel Quezo sa pagbuo ng Code of Ethics?

a)

Upang muling mapalakas ang pagpapahalagang moral ng mga Pilipino

b)

Upang kilalanin sa buong mundo ang galing at talento ng mga Pilipino

c)

Upang mapalawak pa ang dapat gawin ng mga Pilipino

d)

Upang tularan ang mga Amerikano na mayroong Code of Ethics.

34.

Alin sa sumusunod na paaralan ang hindi itinatag sa Pilipinas sa panahon ng mga Amerikano?

a)

Philippine Normal University

b)

Far Eastern University

c)

University of the Philippines

d)

Santa Isabel College

35.

Alin sa mga sumusunod ang pinakamalaking ambag ng Estados Unidos sa Pilipinas?

a)
Pagsasaka at agrikultura
b)
Teknolohiya at inobasyon
c)
Kultura at sining
d)
Edukasyon at mga institusyong pampubliko