NEW
Font size
WorksheetsFILIPINO 4 (3RD QUARTERLY EXAM)
Total questions: 40
Worksheet time: 21mins
Alin sa mga ito ang opinyon?
Ang araw ay sumisilang sa silangan
Ang gatas ay may calcium
Ang saging ay pinakamasarap na prutas
May 7 araw sa isang linggo
Ano ang tawag sa pahayag na maaaring patunayan?
Opinyon
Katotohanan
Palagay
Gusto
Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng opinyon?
Masarap ang mangga
Ang mangga ay prutas
Ang mangga ay may buto
Ang mangga ay tumutubo sa puno
Si Juan ay nagsabi, "Para sa akin, ang mathematics ang pinakamahirap na subject." Ito ay:
Katuwiran
Opinyon
Katotohanan
Impormasyon
Alin sa mga sumusunod ang katotohanan?
Ang basketball ang pinakamahusay na laro
Mas masarap ang chocolate kaysa vanilla
Ang araw ay sumisikat sa silangan
Mas maganda ang kulay pula kaysa asul
Kapag nagsasabi ng katotohanan, dapat ito ay:
Base sa personal na gusto
Maaaring patunayan
Depende sa pakiramdam
Hindi kailangang patunayan
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katuwiran?
Masaya ako ngayon
Umuulan sa labas
Dahil umuulan, dapat magdala ng payong
Maganda ang kulay ng ulan
"Mahirap ang exam kaya dapat mag-aral nang mabuti." Ito ay:
Opinyon
Katotohanan
Katuwiran
Haka-haka
Kapag nagsasabi ng opinyon, ito ay base sa:
Scientific na pag-aaral
Personal na paniniwala
Matematikong pagkalkula
Eksaktong sukatan
Kapag nagbibigay ng impormasyon, dapat ito ay:
Base sa tsismis
. Hindi na kailangang totoo
May basehan at katotohanan
Kung ano ang gusto
Ano ang tamang paraan ng pagsasalita kapag hindi ka sumasang-ayon sa opinyon ng iba?
"Mali ka! Hindi ako sang-ayon sa sinabi mo!"
"Pasensya na po, pero may ibang pananaw ako tungkol diyan."
"Hindi ka marunong mag-isip!"
"Hay naku, napaka-mali mo naman!"
Paano mo dapat ipahayag ang iyong reaksiyon sa isang sensitibong isyu?
Gamitin ang mataas na boses
Magsalita nang may paggalang at mahinahon
Magmura at magalit
Magsabi ng masasakit na salita
Alin sa mga ito ang magalang na paraan ng pagtatanong?
"Bakit ganyan ka mag-isip?"
"Maaari po bang magtanong?"
"Alam mo ba talaga yang sinasabi mo?"
"Sino ka ba para magsalita ng ganyan?"
Kapag hindi ka sang-ayon sa isang isyu, ano ang HINDI magalang na paraan ng pagsagot?
"Naiintindihan ko po ang inyong punto."
"Maaari po bang magbigay ng aking opinyon?"
"Salamat po sa pagbabahagi."
"Ang pangit naman ng ideya mo"
Alin sa mga ito ang magalang na panimula sa pagbibigay ng reaksiyon?
"Sa aking mapagkumbabang opinyon…"
"Alam mo…"
"Hindi ka maintindihan…"
"Hay naku…"
Kailan dapat gamitin ang "po" at "opo"?
Kapag galit ka
Kapag nakikipag-usap sa kaibigan
Kapag nakikipag-usap sa nakatatanda o may awtoridad
Kapag nakikipag-away
Ano ang tamang tono ng boses sa pagbibigay ng reaksiyon?
Napakalakas
Mahinahon at maayos
Galit at mataas
Pabulong
Alin sa mga ito ang magalang na paraan ng pagsalungat?
"Pasensya na po, pero may punto ako…"
"Hindi ka tama!"
"Wala kang alam!"
"Tumahimik ka na lang!"
Paano dapat magsimula ang magalang na pagbibigay ng opinyon?
"Ikaw kasi…"
"Sa tingin ko po…"
"Mali ka!"
"Bakit ba…"
Ano ang HINDI magalang na paraan ng pakikinig sa opinyon ng iba?
Tumatango at nakikinig
Nagsasalita habang may nagsasalita
Tinitingnan ang nagsasalita
Hinihintay matapos magsalita
Alin ang tamang salita kapag gusto mong magdagdag ng opinyon?
"Teka!"
"Puwede po bang magdagdag?"
"Sandali lang!"
"Ako naman!"
Paano dapat tapusin ang isang diskusyon nang magalang?
"Salamat po sa pakikinig."
"Bahala ka sa buhay mo!"
"Ayaw kong makipag-usap sa'yo!"
"Wala akong pakialam!"
Ano ang magalang na paraan ng pagsang-ayon?
"Tama ka diyan!"
"Sang-ayon po ako sa inyong punto."
"Oo nga!"
"Sabi ko na nga ba!"
Ano ang tamang gawin kapag may nagsasalita?
Maglaro ng cellphone
Makipag-usap sa katabi
Makinig nang mabuti
Tumingin sa ibang direksyon
Paano dapat magpakita ng paggalang sa iba't ibang opinyon?
Tumawa sa hindi mo gusto
Umiling-iling
Makinig at respetuhin ang bawat punto
Umalis sa diskusyon
Piliin ang tamang sagot: "Maganda _ umaga!"
na
ng
g
nang
Mayroong dalawamput apat na oras sa isang araw.
Opinyon
Katotohanan
Ito ay isang masining na pagtatalo sa paraang pagpapalitan ng kuro-kuro ng dalawang koponan na magkasalungat ang panig hinggil sa isang isyu o paksa.
Debate
Argumento
pahayagan
editoryal cartoon
Ito ay paraan ng panggigiit ng katotohanan at panghihikayat na mapaniwala ang iyong tagapakinig o mambabasa na kumilos batay sa inyong panig.
Debate
Argumento
pahayagan
editoryal cartoon
Ito ay isang uri ng paglilimbag. Ito ay naglalaman ng mga balita o tala tungkol sa mga pangyayari sa lipunan.
Debate
Argumento
pahayagan
editoryal cartoon
Ito ay isang anyo ng political cartoon na nakabatay sa isang isyu, isang opinyon o isang pangyayaring napapanahon.
Debate
Argumento
pahayagan
editoryal cartoon
Ito ay maaaring totoo o hindi, sapagkat ito'y nagpoapahayag ng saloobin o paniniwala ng isang tao batay sa mga totoong pangyayari.
Debate
Argumento
pahayagan
opinyon
Ang pangungusap na "Ang pusa ay mas magaling kaysa aso" ay:
Katotohanan
Opinyon
Alin sa mga sumusunod ang HINDI opinyon?
Ang mga mansanas ay masarap
Ang matematika ay mahirap
Ang isang linggo ay may pitong araw
Ang basketball ang pinakamagandang laro
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng opinyon?
Ang mga ibon ay may pakpak
Ang mga paru-paro ay magaganda
Ang mga isda ay naninirahan sa tubig
Ang mga halaman ay nangangailangan ng tubig
"Mas masarap ang chocolate ice cream kaysa vanilla." Ito ay:
Katotohanan
Opinyon
"Ang mga guro sa ating paaralan ay napakabait." Ito ay:
katotohanan
opinyon
"Ang mga matematika ay madaling subject." Ito ay:
Katotohanan lamang
Opinyon lamang
Pwedeng pareho
Hindi tama
Alin sa mga sumusunod ang HINDI katotohanan?
Ang tubig ay nagyeyelo sa malamig na temperatura
Ang lahat ng mga bata ay mahilig sa candy
Ang mga ibon ay may pakpak
Ang mga halaman ay kailangan ng araw
"Ang mga manok ay nangingitlog." Ito ay:
Opinyon
Katotohanan
Hindi palaging totoo
Depende sa manok
