wayground logo

Free Printable Worksheets

NEW

Font size

S
M
L
XL
Worksheets

ESP8_Quarter4_QuizNo.1

Total questions: 15

Worksheet time: 22mins

Name
Class
Date
1.

Paano mo maipapakita ang katapatan sa iyong mga magulang? Sa pamamagitan ng:

a)

pagtulong sa mga gawaing bahay

b)

pagsasabi ng katotohanan sa magulang

c)

paghingi ng sobrang pera bago pumasok

d)

pagpapakita ng mga marka sa bawat markahan

2.

Nakita ni Teddy na nahulog ang cellphone ng isang babae na papuntang canteen kaya pinulot niya ito at ibinigay sa may-ari. Bakit ito ginawa ni Teddy? Dahil:

a)

kilala niya ang babae

b)

isa siyang tapat na bata

c)

may crush siya sa babae

d)

gusto niya ng gantimpala

3.

Bakit mahalagang maging matapat sa salita at sa gawa ang isang tao? Upang:

a)

maging sikat

b)

makatanggap ng pabuya

c)

makatanggap ng papuri mula sa iba

d)

magkaroon ng kapayapaan ang kalooban

4.

Nang naglaba si Tinay ay may nakita siyang pera sa bulsa ng pantalon ng tatay niya. Tumpak ito sa presyo ng nagustuhan niyang tsinelas kaya ibinili niya ito nang walang paalam. Bakit ito nagawa ni Tinay?

a)

Dahil wala na siyang tsinelas na maisusuot

b)

Dahil hindi siya binigyan ng pera na pambili ng tsinelas

c)

Dahil siya ang nakakita sa pera ibig sabihin sa kanya na ito

d)

Dahil hindi siya naging matapat sa sarili at sa mga magulang

5.

Ano ang tawag sa paggawa ng mabuti o pagsasabi ng totoo sa lahat ng oras, bagay, pangyayari o sitwasyon?

a)

kadakilaan

b)

karunungan

c)

kasikatan

d)

katapatan

6.

Hindi makatulog at balisa si Jennifer dahil hindi mawaglit sa isipan niya na napagalitan ng kanilang guro ang kaklase niyang si Rex na napagbintangang sumira sa proyekto ni Sam. Alam niya kung sino talaga ang may gawa. Bakit hindi makatulog si Jennifer?

a)

Dahil sa kaiisip sa kaklaseng si Rex.

b)

Dahil hindi siya dinadalaw ng antok.

c)

Dahil inuusig siya ng kanyang konsensya.

d)

Dahil iinisip niya kung papaano sasabihin sa guro ang totoo.

7.

Nakakita ng isang daang piso si Gina sa pasilyo ng kanilang paaralan kaya ipinagbigay-alam niya sa mga guro at naibalik sa may-ari ang pera. Bakit ito ang ginawa ni Gina?

a)

Dahil likas na matapat si Gina.

b)

Dahil gusto niyang purihin ng mga guro.

c)

Dahil inutusan siya ng guro na isauli ang pera.

d)

Dahil gusto niyang makatanggap ng pabuya sa may-ari.

8.

Si Lino ay nagpaalam sa kanyang nanay na gagabihin siya sa pag-uwi dahil may tatapusin na proyekto. Namalengke ang kanyang nanay at nakita nito si Lino na naglalaro lamang ng basketbol sa may basketball court. Ano ang maaring ibunga ng pangyayaring ito sa susunod na magpapalaam siyang muli sa kanyang nanay?

a)

Mas dadami ang kanyang mga kaibigan.

b)

Pagkatiwalaan pa siya ng kanyang nanay.

c)

Hindi siya bibigyan ng pera para sa proyekto.

d)

Magdududa ang nanay kung nagsasabi ba siya ng totoo.

9.

Dahil championship game sa basketbol at maglalaro ang iniidolong team ni Kikoy, naisipan niyang sumulat ng liham na siya ay may lagnat para siya ay makaliban sa klase. Kinahapunan, bumisita ang guro sa kanilang bahay at nalaman nitong walang lagnat si Kikoy dahil sinabi ito ng kanyang nanay. Tama ba ang ginawa ni Kikoy?

a)

Hindi, dahil mali ang lokohin ang guro.

b)

Oo, dahil nanood lang naman siya ng laro.

c)

Hindi, dahil labag ito sa birtud ng katapatan.

d)

Oo, dahil isang beses lang naman siyang lumiban sa klase.

10.

Bakit kailangang gamitin ng tao ang kanyang konsensya sa bawat pagpapasya? Upang:

a)

walang kaalitan sa buhay.

b)

hindi magkamali ng sasabihin.

c)

hindi tama ang maging pagpapasya.

d)

maging tama ang sasabihin o gagawin sa buhay.

11.

Ano ang maaring makamit ng tao kung isasabuhay ang katapatan sa salita at sa gawa?

a)

pagkapahamak sa sarili

b)

respeto at tiwala ng kapwa

c)

rebelasyon ng masasakit na salita

d)

may kaaway sa loob at labas ng bahay

12.

Paano mo hihikayatin ang mga mag-aaral sa pagpapakita ng katapatan sa kanilang kapwa mag-aaral kung ikaw ang Pangulo ng SSG sa inyong paaralan?

a)

Magiging mabuting ehemplo ako sa kanila upang sila’y mahikayat.

b)

Pasasalamatan isa-isa ang mga mag-aaral nang matapat.

c)

Uutusan ko silang magwalis sa paligid upang makagawa ng kabutihan.

d)

Bibigyan ko ng pangaral ang kapwa mag-aaral na magsasauli ng nawawalang gamit.

13.

Alin sa mga sitwasyon ang nagpapatunay ng kahalagahan ng katapatan?

a)

Itinakbo ng kasambahay ang alahas ng mga amo niya habang nasa bakasyon.

b)

Nagpapasalamat ang isang Amerikano sa isang nagmamaneho ng taxi dahil ibinalik nito ang kanyang dolyares.

c)

Nang dahil sa balita tungkol sa eskandalong kinasangkutan ng politiko nawalan ng tiwala ang mga tao sa kanya.

d)

Nahihirapang magdisesyon si Laila dahil nagtatalo ang kanyang isip at puso sa kung ano ang dapat niyang gawin sa perang napulot niya sa parke.

14.

Nagpaalam sa kanilang mga magulang na pupuntang sayawan ang kuya ni Aljon ngunit hindi ito pinayagan. Nang tulog na ang kanilang mga magulang papatakas na nakita niya ang kuya niya na dumaan sa bintana. Sinabihan siya nito na huwag magsumbong at tumango lang siya. Tama ba ang ginawa ni Aljon?

a)

Hindi, dahil nagpadala siya sa takot sa kanyang kuya

b)

Oo, dahil nagpaalam naman sa kanya ang kanyang kuya

c)

Hindi, dahil pumanig siya sa maling ginawa ng kanyang kuya

d)

Oo, dahil pinayagan naman ng kanilang magulang ang kanyang kuya

15.

Bakit may pagkakataong ang tao ay nahihirapan magsabi ng katotohanan?

a)

Dahil walang pakialam.

b)

Dahil walang konsensya.

c)

Dahil sa takot na nararamdaman.

d)

Dahil walang malasakit sa kapwa.